Prologue

667 Words
Bry POV "Sigurado ka ba sa nasagap mo Rian?" Nanggalaiting tanong ni Kyle. "100% yes and they are moving right now." Tiningnan namin ang screen ng computer niya habang sinunsundan namin ang tuldok na red na gumagalaw habang na dinadaanan ang linya. "Patay na si Vince. Ibig sabihin bago siya namatay naipamana na niya ang gawain niya?" Pabirong tanong ni Leo pero parang may punto siya doon. "Mukhang ganun na nga." Sang ayon ni Rian. Salubong ang kilay kong tinititigan ang screen. "Nasaan sila ngayon?" Seryosong tanong ko. May clinick si Rian at nagpakita ang isang mapa at detailed address kung saang location ang grupo nila. Namilog ang mata ko nang makita ang address. "Sh*t!" mura ko nang makita ang address. Nagmadali akong tumakbo at kinuha ang susi ng sasakyan ko at bago ako makalabas ng pintuan ay nahagip ko ang mga baril sa lamesa. Agad akong lumapit dito at kumuha ng isang baril at sinuksok sa pantalon ko at ang isa naman ay hawak ko. "Bry, wag kang padalos. Mag isa ka lang. Planuhin muna natin bago mo gawin yan." Pigil sa akin ni Leo pero hindi ko sila pinansin at nilisan sila  sa kwartong iyon. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko matanggal sa isip ko ang imahe ng babaeng mahal ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sakanilang dalawa ng anak ko na ngayon ay nasa sinapupunan niya. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho nito hanggang marating ko ang lugar ng bahay namin. Tahimik at walang katao tao ang paligid. Tiningnan ko muna ang paligid ngunit wala akong nakita maski bakas ng anino. Lumabas ako ng sasakyan na minamasid parin ang paligid. Sa oras na ito ay tanging ang bahay lang namin ngayon ang nakailaw. Kapag ganyan nakailaw sa bahay ay siguradong inaantay niya ako pero sa oras na ito ay dapat tulog na siya. Biglang lumakas at bumilis ang t***k ng puso ko. Mas lalo akong ginagapangan ng kaba habang papalapit ako ng gate. Hindi parin natatanggal ang mata ko sa paligid habang naglalakad ako. Pagkahawak ko sa gate ay nagulat ako na bukas ito. Agad akong tumingin sa pinto ng may makita akong anino ng tao sa may bintana at lalabas ito. Dali kong tinaas ang kamay kong may hawak na baril at tinutok sa taong magbabalak na salubungin ako. Dahan-dahan akong lumapit at ingat ako sa paglalakad habang pinapakiramdaman ko rin ang paligid ko. Umalerto ako ng bumukas ang pinto ngunit napatago din ako agad ng baril ng makita ko ang babaeng mukhang kagigising mula sa pagtulog at mukhang naalimpungatan pa ito. Kinusot niya ang mata niya na parang inaaninag kung sino ang taong nasa labas. "Saan ka galing? Bakit nasa labas ka?" Tanong niya sakin habang papalapit ito sa akin. Iniwan ko kasi siyang natutulog kanina dahil sa biglaang tawag nila Rian sa akin. Napabuga ako ng hangin. Para akong nabunutan ng tinik ng makita siyang ligtas. Agad akong lumapit at niyakap siya. Oo, naiiyak ako sa sitwasyong ito. May takot parin sa puso ko na madamay ang babaeng mahal ko pati ang magiging anak namin. Hinalikan ko siya sa noo at bumaba rin ang tingin ko sa bilugang tiyan niya na ilang linggo o araw nalang ay lalabas na ang unang anak namin. Lumuhod ako at hinalikan ang tiyan niya. "Baby, excited na si daddy na makita ka. Tatandaan niyo ng mommy mo.. "tumingin ako sakanya na nakangiti ngayong pinagmamasdan ako at binalik muli ang tingin ko sa tiyan niya. " ... na mahal na mahal na mahal ko kayo." At hinalikan kong muli ang maumbok niyang tiyan at tumayo upang halikan din sa labi ang babaeng bumuo at huling babaeng tanging nagparamdam sa akin ng saya sa buong buhay ko. Ngunit bago pa kami makapasok sa loob ng bahay ay isang matigas na bagay ang tumama sa ulo at tanging sigaw at iyak ng babaeng mahal ko ang huli kong narinig bago ako bumagsak sa lupa. "Ca-Carmella... " huling banggit ko bago ako nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD