PROLOGUE

1065 Words
Prologue "Anong resulta?" aniya habang nakatingin sa akin. Bagama't blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi nakaligtas sa akin ang pangamba sa mga mata niya. Inilahad ko ang tatlong pregnancy test kit at nagmamadali niya itong kinuha at isa-isang tinignan. I'm sorry for doing this to you Cloud pero heto lang ang naiisip kong paraan para mawala ang pangamba sa puso ko... "I-I'm not p-pregnant," nauutal kong sabi sa kanya.Tumango naman siya ngunit bakas ang emosyong hindi ko alam kung paniniwalaan ko. Maniniwala nga ba akong hindi niya nagustuhan ang resulta? "G-gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?" tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya bagkus ay inilapag niya ang mga pregnancy test kit sa lamesa at tinalikuran ako. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko. Totohanan na ito, huli na talaga, huling sugal at pagkatapos nito kung wala pa din susuko na ako hindi lang para sa sarili ko.. Kung hindi para sa isang munting buhay na nasa sinapupunan ko.. "Bakit hanggang ngayon siya pa rin?" ani ko na siyang nakapagpatigil dito sa paghakbang. "Bakit hindi mo ko magawang mahalin? Sinubukan mo ba talaga o pinaasa mo lang ako?" "I treated you as my priority but I am always an option to you. Why can't you choose me, Cloud?! Hanggang kailan ba ako magiging reserba sa buhay mo?!" sigaw ko sa kanya nang hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na tumulo ang mga luha ko. Sa lahat ng sinabi ko o tinanong ko wala akong narinig sa kanya. Umiiyak na tinawid ko ang distansya namin. Ipinaikot ko ang mga kamay ko sa bewang niya nang napakahigpit. "It's always been her. Ako ang nasa tabi mo pero siya ang laging bukang-bibig mo. Ako ang asawa mo pero siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso mo. Hanggang kailan pa ba ako mag-aantay na mapansin mo. Hanggang kailan ba darating na ako naman--- Ako naman ang mahal mo... Hindi isang gulong na reserba sa tuwing sinasaktan ka niya... Sabihin mo sa akin Cloud kasi onting-onti na lang bibitiw na ako kung 'yun ang makakapagpasaya sa'yo. D-dahil pakiramdam ko gaano man kita mahalin hindi ko siya mapapalitan sa puso mo," patuloy sa pag-iyak kong saad habang yakap yakap ko siya mula sa likuran. Naramdaman ko na may pumatak sa kamay ko. At alam kong luha ito ng lalaking mahal ko. Umiiyak siya. Dahil ba sa pinahihirapan ko na naman siya o dahil iniisip niya pa rin si Charlotte na mahal na mahal niya? Alin man sa dalawa, lubos itong nagpapasakit sa puso ko. Tanging pagtangis ko lang nangingibabaw habang siya ay patuloy ang pagpatak ng luha sa mga kamay ko. Nag-antay ako--- nag-antay ako na magsalita siya. Ang sabihin na 'wag--- 'wag muna kong bumitaw pero wala akong narinig mula sa kanya. Ngayon alam ko na ang dapat kong gawin. Kailangan ko nang palayain si Cloud hindi lang para maging masaya siya kung hindi para na rin sa sarili ko. I know that letting go is hard but holding on to someone who doesn't love you as much as you love him is harder. Parang pagkapit sa lubid na mas masusugatan ka kung hindi mo bibitiwan. Mas masasaktan ka. 'If loving you is all that means to me When being happy is all I hope you'd be Then loving you must mean I really have to set you free...' "I-I'm setting you free even though hindi ka kailanman naging akin. Maaaring pag-aari kita sa batas at sa mata nang iba. Pero ang puso mo mananatiling nakatali sa kanya. Be happy Cloud. Don't worry about me, I'll be fine. Kung iniisip mo na may responsiblidad ka sa akin dahil sa nangyari sa atin, wag kang mag-aalala wala naman 'eh... Patuloy lang akong masasaktan maging ikaw kung ipagpapatuloy pa natin ito..." I'm sorry Cloud, I lied. I'm pregnant but I can't say it to you dahil alam ko mapipilitan ka na naman na manatili sa tabi ko... At ayaw ko 'non... Kung mananatili ka man sa tabi ko, 'yun ay dahil sa mahal mo ko at hindi isang responsibilidad lamang... Ayoko na siyang mahirapan kaya kahit ang sakit sakit. Bibitaw ako hindi dahil sa napagod na ako sa pagmamahal ko sa kanya kung hindi dahil gusto ko siyang maging masaya sa piling ng mahal niya. Dahan-dahan akong bumitaw mula sa pagyakap ko sa kanya. Nakakadalawang hakbang pa lamang ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "Skyleigh..." napahinto ako sa paglakad. Hanggang sa huli umaasa na naman ang puso ko. Ang puso ko na wala nang kapaguran sa pag-asa na mahalin niya ako. "I'm sorry sa lahat ng sakit na naiparanas ko sa'yo. Sa pagbanggit ko sa pangalan niya tuwing kasama kita. I'm sorry dahil siya pa rin hanggang ngayon ang nasa puso ko. I'm sorry pero maniwala ka I tried. Sinubukan ko ang mahalin ka, and thank you for setting me free, kahit na alam ko na mahirap para sa'yo. Thank you for the memories Sky. In time you'll find someone who will love you and I'm sorry that it won't be me because I am foolishly in love with her. I need to go but I'll be back, let's talk again later." aniya sabay lakad paalis sa kwarto namin. Paalis sa buhay ko... Alam ko pupuntahan niya siya. Hahabulin niya na naman ang babaeng mahal niya. At ako maiiwang mag-isa. Mali Sky, hindi ka na kailan pa magiging mag-isa makakasama mo na ang munting alaala mula sa lalaking mahal mo, nakakalungkot nga lang na mananatili siyang sekreto. I know I'm being unfair to my unborn child and to his father but then I think it's for the best. I can't bear to see my child witness our loveless marriage. And lastly I want him to be happy even if it means disappearing from his life... And that night I ran away. I ran away from everything. I ran away from them. I ran away from the pain because of loving him too much. I ran away with the secret of me bearing his unborn child. I never regretted loving him but I wish that I won't see him ever again.... But indeed fate has it's own game.'Cause when I finally thought I gotten over him.He showed up again.And this time I can't run away again because he already found out my little secret's that I kept away from him. -Skyleigh Vergara Monteciara
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD