Prologue

750 Words
Prologue UMALINGAWNGAW ANG sunod-sunod na putok ng baril sa kagubatan ng bayang Peralta. Dalawang taong mabilis tumatakbo habang habol ang kanilang hininga. Puno ng pawis ang pisngi at katawan. Wala na sa ayos ang kanilang mga damit na suot, pero hindi na nila iyon inisip na ayusin pa dahil nasa bingit na sila ng kamatayan sa mga oras na 'yon. Halos magkandapa-dapa sila sa pagtakbo at sa pag-iwas sa mga bala ng baril na pinapaulan sa kanilang direksyon. Labing dalawang nakaitim na mga kalalakihan habang may mga dalang iba't ibang klase ng baril ang humahabol sa kanila. Mahigpit na yakap-yakap ng isang babae ang sanggol na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Tahimik lamang ang sanggol habang nagmamasid at nakikinig sa kaniyang paligid. Mabuti na lamang at tahimik ito at hindi ngumangawa sa iyak. "Waldo! Ibigay mo sa akin ang batang iyan! Kung hindi, dadanak ang dugo ninyo rito sa lupa ng mga Peralta!" Hindi nakinig si Waldo sa sigaw na iyon ng isang hindi katandaang lalaki na siyang namumuno sa mga kalalakihang nakasuot ng itim. Sa halip na isuko ang sanggol sa matandang lalaki mas pinabilisan niya sa asawa ang paglalakad. "Bilisan natin, Consita. Hindi niya pwedeng makuha ang bata." "Ngunit malapit na nila tayong maabutan, Waldo! Hindi ko narin kayang tumakbo. Namamanhid na ang paa ko," turan ni Consita na hinang -hina na. Luminga-linga sa paligid si Waldo. Sa tulong ng sinag ng buwan ng gabing iyon nakita niya ang isang daan papunta sa kalsada. Kailangan nilang makatakas sa kamay ng mga kaaway. Kung hindi mapapatay ng mga ito ang dala nilang sanggol. Kailangang mabuhay iyon, kahit itaya pa nila ang kanilang sariling buhay. "Dito tayo dumaan, Consita. Bilisan natin habang malayo pa sila." Ininda nila ang sakit ng kanilang paa makarating lang sa lagusan ng daan. Kahit namamaga at puno na ng mga sugat ay nagpatuloy parin sila sa pagtakbo. Kailangan nilang masalba ang buhay ng sanggol. Iyon ang ipinangako nila rito, at kailangang hindi iyon masira. Sa ilalim ng gabing matanglaw isang nagpupuyos sa galit na Ginoo ang naglalakad kasama ang nga tauhan nito sa kaniyang likuran. Hindi niya pwedeng hayaan na makatakas ang dalawang mag-asawa na iyon dala ang sanggol. Kailangan niya iyong mapatay, kung hindi buhay rin niya ang kapalit. "Bilisan niyo! Huwag niyong papatakasin ang nga 'yon! Ang kukupad niyong kumilos!" Taas-baba ang dibdib niya dahil sa galit at inis na nararamdaman. Mapapatay talaga siya ni Juancho kung malaman nitong hindi niya napatay ang tatlo. "Punyemas naman kasi't bakit nakatunog ang dalawang mag-asawa na iyon! Patay ako nito kay Juancho!" Nagkikislapang mga bituin at ang magandang sinag ng buwan ang nagsilbing pag-asa kina Consita at Waldo kasama ang sanggol na tahimik lamang sa pagmamasid sa mga nangyayari. Sa bata palang nitong edad, kamatayan agad ang hatol. Lumuluha si Consita habang unti-unti silang nalalapit sa kalsada. Nabuhayan ang kaniyang puso ng pag-asa. Kailangan nilang mailayo ang bata kay Saul. "Malapit na tayo, Consita. Mailalayo rin natin ang bata." Natanaw nila ang isang mangangabayo na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nabuhayan sila ng pag-asa na maililigtas pa nila ang bata. Patuloy sa pagluha ang kanilang mga mata na siya namang ipinagtaka ng mamang nakasalubong nila. "Hohoo!" Pinatigil nito ang kabayo at bumaba mula roon. Agad siyang lumapit sa dalawang taong nakasalubong niya habang may bitbit na sanggol. "May problema ho ba? Ano ang maaari kong maitulong?" "Iho, maawa ka. I-iligtas mo ang batang ito. Ilayo mo siya sa bayang ito. Maawa ka. Papatayin siya. Papatayin kami!" Walang paligoy-ligoy na litanya ni Consita. Wala nang oras, kailangan na nilang kumilos sa lalong madaling panahon. Baka maabutan sila ni Saul. Idinutdot nito ang bata sa mga kamay ng estranghero at hinila na si Waldo papalayo rito. "A-anong gagawin--" "Ingatan mo siya. Iyon lang ang hiling naming mag-asawa. Huwag mong pababayaan ang batang iyan. May malaki siyang gagampanan sa bayang ito. Pagdating niya sa tamang edad. Ilayo mo na siya. Habang wala pa ang mga kalaban namin. Huwag mo siyang pababayaan. Pakisabi...mahal na mahal namin siya." Hinila na ni Consita si Waldo at bumalik sa kagubatan. Kailangan nilang mailigaw ang mga humahabol sa kanila at mailayo narin ng estranghero ang bata. Kahit naguguluhan. Agad na kumilos ang lalaki at sumakay ng kaniyang kabayo. Sa dala ng pag-aalala at kaba para sa magpamilyang iyon pinatakbo niya ang kabayo nang mabilis. Kailangan niyang ilayo ang bata. Napatingin siya rito at isang munting ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Isang ngiting magbibigay pag-asa para sa bayan nitong iiwan pansamantala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD