Prologue

3760 Words
Prologue EVERYTHING happens for a reason but we are the only one who can make choices of what kind of life would we choose in the future. I take a deep breath while looking at my boss, Mr. Mike De Castro, whom handling me a piece of plane ticket for my flight this coming Friday in Sta. Rosa, Laguna. Pinapapunta kasi ako sa main office ng kompanya para ibigay lahat ng dokumento na kakailanganin sa pag-alis ko next week papuntang Japan. Isa ako sa mga mapapalad na empleyado na nakapasok sa Sanitachi Corporation as a trainee. It is one of the best Software Developer in Asia at matagal ko ng pangarap na makapagtrabaho doon. I'm a litte bit excited, scared and sad at the same time. I'm excited because I'm one step closer to my dreams. I'm scared because I don't even know if I can really do it. And sad because I know I would be far from the only person who's very close to my heart. But I already know and accepted the fact na hindi sa lahat ng oras ay mananatili kaming magkasama, Marco Vein Montenegro, my only bestfriend, or known as Mavien Montenegro. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya ang tungkol dito. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya. Knowing him, I know he would freak out at malamang sa malamang na hindi papayag 'yon sa pag-alis ko. "Congratulation, Scarlet! This will serve as your ticket in achieving your dreams. Prepare all the things you need to bring. I'm happy for you. You deserve to have this," nakangiting saad ni Sir Mike sa akin at ibinigay ang plane ticket na agad ko namang kinuha. Ngumiti nalang ako bilang ganti. "Thank you po, Sir," I said in gratitude. Tumango lang si Sir Mike sa akin and that's my cue to evaporate right in front of him. Habang papalabas ako ng opisina, I can feel a heavy weight inside my chest. I know why I felt it. A part of me doesn't want to leave kasi masaya ako kapag kasama ko si Mavien but also a part of me wants to go dahil ito ang nararapat. Hindi sa lahat ng oras ay kailangang sa kanya lang umikot ang mundo ko. We have different worlds. His with the woman he loves while here I am stuck under this shallow love. I should move on and find a way out bago pa tuluyang masira ang friendship naming dalawa. Nakarating na ako sa bahay at 'yon parin ang tumatakbo sa isipan ko. Kung papaano ko sasabihin sa kanya ang tungkol dito. Humahanap lang kasi ako nang tamang pagkakataon. Napabalikwas ako nang higa sa kama. I take a deep breath and sigh. I walk towards my table and open my laptop and see those filed documents I need to pass as requirements. Pinakatitigan ko 'yong mabuti. You need to do this, Scarlet. I know you will. "BOGGSSS!!" Shit! I unconsciously close my laptop when I heard that voice and a loud thud of opening the door. I almost had a heart attack because of this idiot! "Mavien Montenegro!" I screamed his name. "What the hell are you doing here? Hindi ka man lang ba marunong kumatok at pumasok nang mahinahon? You scared the s**t out of me!" inis na singhal ko sa kanya. He gave me an innocent smile and run towards my direction. I can almost feel my heart pounds when he hugs me so tight. Damn this freaking heart! "I miss you, Bogs," he whispered in my ears while he buried his face on my neck. I can almost feel his breath beneath it. "Para kang tanga! Nagkita naman tayo kahapon, uh!" saad ko at pilit na kinakalas ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko pero hindi ko maalis-alis 'yon. "Mavien, bitiwan mo nga ako!" inis na singhal ko. I heard him chuckle for a moment before he finally let go of me. I sigh in frustration. Inayos ko ang salamin kong nagulo. "Alisin mo nga 'yang salamin mo at naiirita ako kapag nakikita ko 'yang suot mo, Bogs," puna ulit niya. Wala na akong ibang ginawa kundi irapan siya. "Pumunta ka ba rito para lang sabihin ulit 'yan sa akin? Puwede ka nang umalis kung ganoon!" I irritatingly said. He just smiled. He walked towards my bed and sit like a king there na para bang siya ang nagmamay-ari nang lahat ng gamit dito sa loob ng kwarto ko. "Ang sungit mo! Kaya walang nanliligaw sa 'yo, eh," tukso niya. Inirapan ko nalang siya at binalingan ang laptop na naisarado ko nang wala sa oras. "Yeah, whatever!" sarcastic na sabi ko. "Ano'ng ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho ngayon?" Bakit ba kasi pinapayagan nina Mama at Papa na pumasok ang isang 'to? Ayan tuloy, bigla-bigla nalang sumusulpot. Hindi ba nila alam na hindi katiwa-tiwala ang pamumukha nito. "Ano ba, Mavien?!" iritadong pakli ko nang bigla niyang isinara ang laptop na kabubukas ko palang. "Kita mo namang may ginagawa ako!" Inis na hinarap ko siya at ang damuho ay nakangiti lang nang todo. "Samahan mo muna kasi ako, Bogs. I badly need your help," parang batang saad niya. "Hindi pwede dahil marami akong kailangang gawin ngayong araw." Bigla naman niyang hinawakan ang braso ko at pilit na pinapatayo ako. "Sige na! Alam kong hindi mo ako matitiis, eh." Napatingin naman ako sa mukha niya at nakita kong nag-puppy eyes siya sa akin. Hindi ko na napigilang tumawa. Minsan talaga ay iba't-ibang personality ang nakikita ko sa kanya. Kung nasa loob siya ng opisina at may mga kausap na business partner, napaka-seryoso at aakalain mo pang napakasungit niya. "Stop doing that, Mavien! You're not a kid anymore!" natatawang saad ko. Kumindat naman siya sa akin and I can almost feel my heart falling. "Hindi naman talaga but I can already make one," he tease na ikinanlaki ng mga mata ko at walang isang salitang tinampal ko ang noo niya. "Manyak!" asar na saad ko. Tumawa lang siya nang malakas. "Ano na naman ba kasi ang gagawin natin?" kunyaring bagot na tanong ko. Nakita ko kung papaano kuminang at sumilay ang ngiti sa mga labi niya na para bang may inaalala siyang napaka-importanteng bagay. "Uuwi na next week si Samantha at plano kong magpropose ng kasal sa kanya, Bogs." Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng libu-libong truck nang dahil sa sinabi niya. Sumisikip ang dibdib ko na animo tumigil sa pagdaloy ang dugo sa buo kong katawan. Pinilit ko namang ngumiti at ipakita sa kanyang natutuwa ako sa sinabi niya. Yeah, right! Ano lang naman ba ako para sa kanya? I'm just his bestfriend. Ang bestfriend na uma-alalay sa kanya tuwing malalasing siya. Ang bestfriend na nagmumukhang tanga sa kakasunod ng mga gusto niya. Ang bestfriend na hindi siya iniiwan sa lahat ng kalokohan niya noon. Ang bestfriend na parati niyang nilalabasan ng hinanakit niya sa tuwing mag-aaway sila ng childhood sweetheart niya s***h girlfriend and soon to be wife niya. Ang bestfriend na nagmamahal sa kanya ng higit pa sa pagiging bestfriend. At ang bestfriend na nasasaktan dahil may mahal siyang iba. How I wish I could see his eyes sparkle kapag ako naman sana ang naaalala niya pero hindi, eh! Dahil alam kong si Samantha lang. Si Samantha lang ang mahal niya mula noon. "Talaga? I can't believe it! Atlast, matutupad na rin ang dati mong pinapangarap. Ano'ng plano mo ngayon?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit ang totoo ay nasasaktan ako. I guess this is the sign I'm waiting for to finally let go of my feelings with him. Siguro, tama talaga ang naging desisyon kong pag-alis patungong Japan. "I want to surprise her. But first, I want you to help me choose a ring." Bakas ang saya sa mukha niya habang nagsasalita. Kung sana lang ako ang dahilan ng kaligayahan niya, siguro ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo pero hindi. Iba ang kaligayahan niya at hindi ako 'yon. Tumayo naman ako at naglakad patungo sa kama. Pagod na ibinagsak ko ang katawan ko doon. Kinuha ko ang unan at niyakap ito. Napatingin naman ako kay Mavien nang nakapamaywang na tumayo siya sa harap ko. "Ikaw na lang ang pumili. Kaya mo na 'yan. Malaki ka na." "Bogs naman, eh! Sige na! Promise, last na request ko na 'to. Sige na, please?" he pleaded. "Magpatulong ka nalang sa Kuya Niro mo." Nagpagulong-gulong naman ako sa kama hanggang sa naramdaman ko ang paglundo nito at nakita ko siyang umupo sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako paupo. Hindi ko 'yon inaasahan at napasubsob ako sa dibdib niya. Bumilis ang t***k ng puso ko. Amoy na amoy ko ang presko niyang pabango. Napatili ako nang bigla niyang inipit ang leeg ko gamit ang braso niya. Nagpumiglas naman ako sa pagkakahawak niya sa akin. "Ano ba, Mavien? Bitiwan mo nga ako! Nasasakal ako! May plano ka bang patayin ako?" "Sabihin mo munang sasamahan mo 'ko." Napairap naman ako nang dahil sa sinabi niya. "Oo na!" I hissed. "Sasamahan na kita!" Binitiwan naman niya ako at ngiting-ngiting humarap siya sa akin. Hinimas ko naman ang leeg kong nasaktan nang dahil sa pagkakaipit niya kanina. "Sorry, masakit ba?" Napasinghap ako nang biglang dumampi ang daliri niya sa leeg ko. Napaatras ako palayo sa kanya. "Hindi, okay lang. Hindi naman masakit." But swear to God, ang sakit kaya. Ikaw ba naman ang sakalin nang ganoon, hindi ka masasaktan? "Tara na," aya ko. Tumayo na ako at naunang naglakad sa kanya palabas ng kwarto. Pinigilan ko naman ang luhang bumabadyang pumatak sa mga mata ko. Dammit! Hindi dapat ako nasasaktan dahil tanggap ko naman na mula noon bestfriend lang ang turing niya sa akin. Dapat immune na ako sa sakit pagdating sa kanilang dalawa ni Samantha kasi simula highschool kami ay naging sila na at hanggang ngayon. Dapat hindi na ako nasasaktan pero hindi. Ang sakit parin pala! At ngayong nalaman kong balak na niyang magpropose dito, naging times two pa yata ang sakit na naramdaman ko. ************** IGINALA ko ang aking paningin sa kabuuan ng jewelry shop na kinaroroonan namin. Halos lahat ng mga alahas na nandito ay mahahalata mong napakamahal. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Mavien always wants what's best for Samantha. Giving her everything she wanted. Ano nga lang ba naman ako kumpara kay Samantha? She's sophisticated, napakaganda, galing sa napakayamang pamilya and most of all an Intenational Ballet Dancer. Narinig ko nga na nasa Europe siya ngayon para mag-perform to represent the country nationwide. Hindi rin naman nakasama si Mavien dahil busy din siya sa sariling negosyo. I'm just a simple girl. Hindi ako katulad nila na mayaman. Ewan ko nga at napili ng lalaking 'to na kaibiganin ako noon dahil kung tutuusin wala nga sa kalingkingan ang kayaman nila kumpara sa amin. "Sa tingin mo, alin dito ang maganda?" Binalingan ko naman ang dalawang singsing na nirerekomenda nito. The other one is a pure gold ring with a small diamond beneath it. Ang isa naman ay isang silver ring na may bluish diamond sa gitna. "Iyan nalang kulay silver ang kunin mo," I suggested. Kumunot ang noo niya. "Sigurado ka? Pero mukhang maganda rin naman 'tong kulay gold na ring, uh." "Nagtanong ka pa sa 'kin may nagugustuhan ka na rin naman pala riyan." Napakamot nalang ito sa ulo at parang batang ngumuso. "Eh, sige na nga! Ito nalang silver ang kukunin ko." Napairap na lang ako. Habang kinakausap niya ang sales lady upang bilhin ang singsing na napili niya ay lumayo muna ako para maglibot. Lumapit ako sa corner ng mga necklace. Nagtingin-tingin ako hanggang sa napadako ang tingin ko sa isang silver necklace na may pendant na heart. Actually, napakasimple lang nito but it look so pleasant and pure. Tinignan ko naman ang presyo at nalaglag ang panga ko nang makita ang halaga nito. Grabe naman! Sa ganito ka-simpleng kuwintas, it's already worth 325,000 pesos! "Ano'ng ginagawa mo riyan?" Napalingon naman ako nang marinig ang boses ni Mavien. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at tinignan ang kuwintas na tinitignan ko kanina. "Gusto mong bilhin?" tanong niya sa akin. Umiling naman ako. "Hindi," I denied pero sa totoo lang gusto ko talaga sanang bilhin 'yon pero wala naman akong pera. "Nagtitingin-tingin lang naman ako. Tapos ka na?" Tumango naman siya sa akin at ngumiti sabay pakita ng binili niya. "Tara na. Gusto ko nang umuwi at matulog," aya ko sa kanya. Nauna na akong maglakad at hindi ko na hinayaang umangal pa siya. Humabol naman siya sa akin at tumabi sa gilid ko. "Ang sama nito!" parang batang maktol niya. "Palagi mo nalang akong iniiwan." "Ang bagal mo kasing maglakad parang 'di ka lalaki," inis na usal ko. I gasped nang bigla niya akong inakbayan. I can feel my heart radiating inside my chest in so much nervousness. How can I totally move on from this man if he keeps on doing things that makes me feel uneasy? "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" inis na singhal ko at hinawi ang braso niyang nakaakbay sa akin. Narinig ko siyang tumawa sa gilid ko at ibinalik lang niya ang braso niya sa balikat ko. Tinignan ko naman siya nang masama. "Isa, Mavien," banta ko. Kinurot naman niya ang tungki ng ilong ko at ngumiti sa akin. "Dalawa, Scarlet," pang-aasar niya. Nanggigigil naman ako sa sobrang inis. I rolled my eyes on him. Itinulak ko siya palayo sa akin at ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad na ginagawa ko. "Tanggalin mo nga 'yang salamin mo, Bogs," utos niya. "Hindi naman malabo ang mga mata mo, uh. Bakit ka naglalagay nang ganyan?" Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya. Kung titignan mo ay parang couple kaming dalawa but we're not, were just bestfriend and nothing else more. "Hoy, Bogs! Makinig ka naman sa sinasabi ko. Tigas din ng ulo mo. Bakit kaya hindi ka nalang tumulad kay Sam. Nakikinig pa 'yon sa mga sinasabi ko." Sandaling natigilan ako nang dahil sa sinabi niya. That hit me big time. Kumirot nang husto ang puso ko. Yeah, right. Si Samantha na naman. Palagi nalang si Sam. Si Sam na walang ginawa kundi sundin ang mga sinasabi niya. Si Sam na hindi nagpapainit ng ulo niya. Kaya nga kung tutuusin ay napaka-perpekto ng relasyon nilang dalawa. "I'm not like her kaya huwag mo akong pakialaman!" I hissed and rolled my eyes in irritation. "Eh, kasi naman, paano ka magkaka-boyfriend niyan kung ganyan ang ayos mo? Ang sungit-sungit mo pa." "Wala kang pakialam! Tigilan mo nga ako! Bilisan mo nalang diyan nang makauwi na ako," singhal ko ulit. Napakamot nalang siya sa ulo niya at sinunod ang sinabi ko. I don't need to please someone just for them to like me. Dahil kung mahal niya talaga ako, tatanggapin niya kung ano ako. And I hope someday I can find that someone. "Ay, teka lang!" biglang saad niya na ikinatigil naming dalawa sa paglalakad. Nilingon ko naman agad siya. "Bakit?" nakakunot noong tanong ko. Nagkamot naman siya ng ulo. "May nakalimutan ako sa store. Dito ka lang muna at babalik muna ako doon." I was about to call him but he already run away. Napapailing na lang ako. Tignan mo ang isang 'yon, hindi talaga marunong tumino at palagi nalang may nakakalimutan. Iginala ko nalang ulit ang paningin ko sa paligid. I sigh when I saw different people from each store. Iyong iba may mga dala-dalang napakaraming paper bag dahil sa kaka-shopping and most of it was a well known brand of different products. Napapailing na lang ulit ako. "s**t!" impit na mura ko nang may kung anong bumangga sa akin mula sa likod dahilan upang malaglag ang salamin ko. Pasalamat ko nalang at hindi nabasag 'yon. I was about to get my eyeglass when someone already did. "I'm sorry, Miss," a man's deep voice uttered. Kaagad na nag-angat naman ako ng tingin. He gave me a smile and I can't hide the admiration in my eyes when I saw him. He is genuinely handsome. At minsan lang ako pumuri ng gwapo. "Here," anito at ibinigay sa akin ang salamin na agad ko namang tinanggap. Bahagyang ngumiti naman ako sa kanya. "Thanks." "Sorry talaga, Miss. I was delibrately running away from my friends at hindi man lang kita napansin na nakatayo riyan," hingi niya nang paumanhin. I just smiled. "It's okay." I was about to wear my eyeglass when he tried to stop me. "Don't," pigil niya na ikinakunot ng noo ko. "You look beautiful without those," he complimented na ikinapula ng pisngi ko. I felt like a teenager being praise by her crush. Well, this is the first time someone gave me some compliment. Ibinaba ko ang salamin na hawak-hawak ko upang hindi na suotin 'yon but someone took it away from me at ito na mismo ang nagsuot niyon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yon. "Mavien!" gulat na bulalas ko. Nakakunot ang noo niya at walang pasabing hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go," malamig na saad niya at hinila ako palayo sa kinatatayuan namin. Nilingon ko naman ang lalaking bumangga sa akin. He gave me a smile. "Teka lang, Mavien." Hindi ko pa nga nakukuha 'yong pangalan ng lalaking nakabangga ko. And I think what he did is too rude. "Shut up!" iritadong bulyaw niya na ikinagulat ko. "And don't you ever dare take away that eyeglass of yours again!" I gasped when I felt his grip tighten around my wrist. "Mavien, nasasaktan ako!" I complained. Mukhang doon lang siya natauhan at agad na binitiwan ang kamay ko. "I'm sorry," hingi niya nang paumanhin at agad na tinignan ang namumulang palapulsuhan ko. I can see concern in his eyes. Kaagad ko namang kinuha ang kamay ko sa kanya. "Its okay, Mavien. I'm fine," saad ko. "Ano bang nangyayari sa 'yo?" He take a deep breath to calm himself. "Wala! I was just trying to protect you." "Protect me? From what?!" naguguluhang tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. "Hindi mo ba nakikita na mukhang m******s ang lalaking 'yon?" "Ano?! Ano'ng m******s?!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Kilala mo ba 'yon kaya nasasabi mo 'yon sa tao, Mavien?!" "Hindi! But I know one when I see one. Nilalayo lang kita sa mga ganoong lalaki. Atsaka, mag-salamin ka na ngalang. Huwag kang magpapaniwala sa sinabi niya. Hindi totoong maganda ka kapag walang salamin mas lalo kang papangit nun kaya suotin mo 'yan araw-araw." What he said hit me big time. Alam kong hindi ako maganda pero mismong bestfriend mo pa ang magsasabi nang ganoon sa 'yo, masakit pala lalo na't mahal mo pa siya. "Ewan ko sayo!" inis na bulyaw ko at tinalikuran ko siya bago pa ako umiyak sa harap niya. "Bogs, hintayin mo naman ako!" "Leave me alone!" singhal ko. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko siya pinansin. Nagpupuyos parin sa sobrang inis ang damdamin ko. But all my irritation melts when I felt his arms wrap around my shoulders. I stop from walking when he buried his face on my neck. "Sorry na," he said like a child. My entire shield breakdown when I heard his pleading voice. I let out a deep sigh. "I just want to protect you." "I don't need protection, Mavien. I am not that naive as what you think I am," mahinahong saad ko. He heaved a deep sigh. I can almost feel his fresh breath. "I know but I can't help it. You're my only bestfriend," he said. I felt a pang of pain inside my chest. Why does that word hurt me so bad? "Bati na tayo, please? Huwag ka nang magalit sa akin," he pleaded. May magagawa pa ba ako? I know he won't stop until I can't forgive him. "Oo na! Para kang bata!" I act normal as if the pain I felt already subside. I know he's already smiling especially when I heard him said the word "YES" out loud. But what surprise me more was when I felt him put something on my neck. I look onto it. And my eyes widen when I saw what it was. It was the silver necklace I saw earlier in the jewelry store that almost cost a fortune. And I'm already wearing it. "Mavien!" I uttered surprisingly. Don't tell me kaya siya bumalik kanina para bilhin 'to. "I know it would look good on you," he said smiling. Samantalang ako ay hindi parin nawawala ang pagkawindang ng utak ko. "You bo...bought it?" hindi makapaniwalang tanong ko. He just chuckled and nod. "But this is too much!" I hissed. "Hindi ko 'to matatanggap, Mavien!" Akmang tatanggalin ko ang necklace nang pinigilan niya ang kamay ko. My God! This necklace worth is too much for me to take. "Take it, Bogs. Please, just this one. I know you won't accept some gift coming from me that will cost too much. But this one isn't that much. Have it. That's my gift for you. Just this one." Not too much? My gosh! P325,000 is too much for me! Alam kong kakarampot na pera lang 'yon para sa kanya. Pero sa akin? My gosh! "Please? Itatapon ko lang din naman 'yan kung hindi mo tatanggapin," he pleaded. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kagustuhang tanggapin ko ang binigay niya sa akin. "Okay, just this one," I surrendered. He smiled that almost irritate me. "Just this one, Mavien," I warned him again. He just chuckled. Alam na alam ko ang ngiting 'yon. "I know! So stop freaking out, Bogs." He laughed. Sinuntok ko naman siya nang bahagya sa braso. I know him too well. "I promise!" he said and raised his right hand. "Last na 'to." Pinandilatan ko naman siya ng mga mata nang tumawa siya. "Talaga!" I exclaimed. "Dahil hindi ko na tatanggapin ang susunod! Anyway, thank you for this, Mavien." He just smiled. "I know that smile, Mavien. Kaya sinasabihan na kita ngayon. Stop it, whatever you're planning!" I hissed. "Wala, uh. Ikaw talaga! Tara na nga!" natatawang saad niya at hinila ako. "Pumunta muna tayo sa bahay, Mom wants to talk to you." Bigla naman akong kinabahan nang dahil sa sinabi niya. Tita Belle wants to talk to me? Tungkol naman kaya saan? Atsaka, bakit biglaan naman yata? "Okay," sagot ko nalang. Jeeezzz! Bakit bigla nalang akong nakaramdam nang kaba sa loob ng dibdib ko? Mula naman noon nag-uusap na kami ni Tita Belle. Kaya bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi kaya alam na niya? Gosh, huwag naman sana... ______________________________________________________________ - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD