CHAPTER ONE - ENCOUNTER

1953 Words
"Ay palakang tumalon at nabuhay!" gulat na sabi ni Tanya matapos mabutas at mahulog ang bitbit nyang plastik na may mga lamang pinamiling gulay. Nasa gitna pa naman sya ng daan. Pauwi na sya at katatapos lang mag labada kina aling Maring, ang may ari ng pinapasukan nyang grocery. Suma sideline sya rito kung araw na walang tanggap na ibang trabaho. "Saan ka ba galing, Tanya?" tanong ni Sally na madalas nyang ka chikahan tuwing makikita sya. Nakatayo ito sa gilid ng daan at tila may bitbit na malaking bag, marahil kadarating nito galing maynila. Dalaga rin kaya lang may mas maayos itong trabaho kaysa sa kanya, na kung ano ano at kung saan saan basta kikita sya ng salapi. Mag labada, magtinda sa palenke o kahit mag lako na sunong ang paninda sa ulo, mag tinda bahay- bahay ng mga yaring damit o gamit at kung ano ano pa. Suma sideline din sya sa mga taong gustong mag karoon ng instant taga linis ng bahay. Mura o mahal man ang bayad wala syang paki alam basta't may kita sya sa buong araw. Sapat na iyon upang maka raos ang pamilya nya at may mai uwi para sa mga ito pagsapit ng hapon. Mayroon syang lima pang maliliit na kapatid 15 taon ang sumunod sa kanya, 12, 10, 9, at 5 na mga edad. Puro mga bata ang mga ito at hindi pa pwedeng mag trabaho bukod pa sa mga nag aaral pa lamang. Sya na ang tumayong ate at nanay sa mga ito. Hindi kagaya ni Sally na tila may nababalita pang manliligaw na mayaman, diumano. Namamasukan kasi itong katulong sa isang mayamang pamilya sa maynila at tila nag babakasyon na naman ito kaya naroon sa kanila. Tubong nueva ecijana si Tanya at kahit kailan hindi pa nakaranas makarating ng maynila. 25 anyos na sya at tila mananatili na lang yata sa pagiging matandang dalaga pag nag kataon. Wala na ang kanyang ama matapos mapaslang ito ng mga hindi kilalang lalaki anim na taon na ang nakararaan. Ang kanyang ina naman naging masasakitin na makalipas lang ang isang taon pag kamatay ng kanilang padre de pamilya. Tila hindi nito kinaya ang sobrang stress at depression kaya mabilis na bumigay at bumagsak ang katawan nito. Sya tuloy ang maagang nahinto sa pag aaral upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya nila. "Ikaw pala, Sally!" naka ngiting baling nya rito. Yumuko sya at umupo sa gitna ng daan upang pulutin ang mga pinamiling sumabog sa gitna. "Beep... beep... beep..." busina ng isang sasakyan sa kanyang likuran. "Ay kabayong tumalon sa ulunan!" gulat na naman nyang sabi at napa tayo sabay na naihagis sa kung saan ang hawak na nyang talong. At sa malas tumama iyon sa harapang salamin ng kotse. "Beep... beep... beep..." muli na namang busina nito na tila nag mamadali. Bwisit na humarap sya sa may ari ng kotse at galit itong sininghalan kahit na nga hindi pa nakikita ang sakay nito. "Pwede bang matuto ka naman mag hintay, hindi mo ba nakikita kung anong ginagawa ng tao?" mataray nyang sabi sa nasa loob ng sasakyan. Kahit hindi sya sigurado kung naririnig ba sya o hindi. 'Bahala sila!' inis syang muling tumalikod. May ilang mga dumaraan ang biglang napa lingon sa pag sigaw nya. Halata rin ang inis sa mukha nya, mapag pasensya naman sya kaya lang kung ganito ka bastos at hindi marunong mag hintay, nai inis sya. 'Hindi ba nya nakikita na pinupulot ko ito lahat?' gigil na bulong nya at muling mabilis na hinarap ang mga gulay matapos nyang masinghalan ang nasa loob ng sasakyan. Mabilis naman syang dinaluhan ni Sally upang tulungan sa pamumulot. "Beep... beep... beep... beep..." muli na namang busina nito. Inis na mabilis hinarap ni Tanya ang mga ito, at lumapit sa tabi ng bintana ng kotse sa bandang harapan ng passenger side. "Hoy! Kung sino ka man, matuto ka namang mag hintay. Hindi mo ba nakikita ang ginagawa ko, ha?" inis na sabi nya at bahagya pang itinuro ang mga gulay na nakakalat. "Ang yabang mo, porket de kotse ka?" dagdag singhal pa nya sa mga ito. Si Sally naman pinag patuloy ang paninimot sa mga gulay nya. Nag alala ito para sa kanya dahil hindi naman nito kilala kung sino ang laman ng kotse. Baka kilalang tao at mapa hamak pa ito. "Tama na 'yan. Halika na rito!" yaya nya kay Tanya. "Nakaka inis kasi!" inis na sabi nya at ngumuso pa. Akmang pabalik na sya sa mga gulay na pinupulot ng biglang lumabas ang driver ng sasakyan. Gwapo at tila natatarantang lumapit sa kanya. "Naku miss, pasensya pero nag mamadali kasi kami. At nakaka abala ka sa daan." medyo seryosong sabi nito. Saglit lang naman syang napa nganga sa hitsura nito at mabilis na sumagot. "Bakit kasalanan ko ba kung nabutas yung dulo este supot at sumabog yang mga yan?" mataray nyang sabi rito. "Naku pasensya na lang talga, miss." sabi nito saka dumukot sa bulsa at nag labas ng wallet sabay abot ng pera sa kanya na lilibuhin. Hindi nya alam kung mag kano pero medyo marami yata. "O eto, bumili ka na lang ulit, nag mamadali kasi kami." tarantang sabi nya. Napataas ang kilay ni Tanya, oo nga't mukhang malaki- laki ang ibini bigay nito, may pride pa rin naman sya. "Ano namang akala mo, nag hahanap ako ng mahuhuthutan? Kaya ko sinabog yang mga yan dyan? Sayo na yang pera mo, hindi ko sasayangin ang galing sa pinag hirapan ko!" inis nyang sabi kahit kating kati na ang kamay na abutin ang perang binibigay nito. Mag sasalita pa sana ito ng may biglang nag salita sa likuran nya. "Is there a problem, Greg?" malamig na boses na tanong ng nasa likuran nya. "Ay gulay kong napitpit!" muling sabi nya na nagulat at bigalang napaharap sa kanyang likuran. Nanayo yata ang mga balahibo nya sa batok sa narinig na boses nito. At nakita nya ang matangkad, maputi at machong lalaki na naka tayo sa likuran nya. "A- ahh, nothing sir!" mabilis namang sagot nito na bahagya pang yumukod. Bumaling ang tingin nito sa kanya kaya lang hindi nya makita ang mga mata nito dahil sa suot nitong eyeglass. "And who the hell are you?" matigas nitong sabi. "Hell, hell ka dyan, pwede ba wag mo akong ini ingles, tagalugin mo para maintindihan ko." muli nyang sabi sa mataray na tinig. Nakita nyang nangunot ang noo nito. "I don't care what are you talking about!, just get out of our way!" matigas at seryosong sabi nya. "Get out, get out ka dyan, sabi na wag mo ako inglesin." muling sabi nya. Ang yabang talaga ni hindi man lang humingi ng paumanhin. "Let's go!" baling nito sa lalaki ng walang ka ngiti ngiti. At saka muling tumalikod. Naramdaman nya ng braso ni Sally na hinihila sya palayo sa mga ito. "Pwede bang tama na iyan." mahinang bulong nito sa tainga nya. "Hayaan mo ako, ang yabang kasi kala mo sarili nya ang daan." Napansin nyang biglang lumingon ito sa kanya at mas lalong muling lumalim ang pag kaka kunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya. "Hoy! Ikaw na mayabang at arogante, sayo ba ang daan na ito, ha? Nakikiraan ka lang rin naman kaya matuto ka makibagay sa iba, hindi yang akala mo sayo na lahat ng dito pati ang kalsada!" nag pupuyos sa inis na sigaw nya sa lalaking palapit na sa kotse. "Ah, miss, sige na, etong pera bumili ka na lang ng bago." at saka nito pilit na inabot ang hawak na salapi. "Akin na!" sabi nya sabay mabilis na hinablot ang pera at pa irap na tiningnan ang lalaking mayabang na muling tumalikod at bumalik sa kotse nito. "Salamat at pasensya ulit." hinging paumanhin nito saka mabilis na tumalikod sa kanila at bumalik sa sasakyan. "Nakaka inis! akala mo mga kung sino! Sabagay multa mo na rin ito sa pag sira ng mood ko, dapat lang!" nag pupuyos na sabi nya sabay buklat sa perang hawak at nanlaki ang kanyang mga mata. "Anak ng gulay, oh, totoo ba iyo?" bulalas nya. "Totoo nga! bakit kasi naman inaway mo pa sila? Kita mo naman ang gugwapo." tila kinikilig pang sabi ni Sally. "Gwapong arogante naman." angal nya. "Sabagay! ok na rin naman, kung di dahil sa nangyari, hindi ako mag kaka roon ng ganito kalaking halaga." sabi nya at bahagya pang itinaas ang hawak na pera. Sa totoo lang, ilang lilibuhin iyon at ng bilangin nya umabot ng dalawangput dalawang libo. Sa katulad nyang hindi pa naka hawak ng ganito kalaking halaga, para sa kanya malaki na iyon. "Hindi ka ba nakon sensya na inaway mo sila?" tanong ni Sally sa kanya. "E ang yabang naman kasi, ang daan para sa lahat, matuto sana sya maghintay!" "Kahit na, binigyan ka naman ng kapalit, sobra sobra pa at may gulay ka pa" sabay nguso nito sa mga pinulot na gulay nya. " Ay oo nga pala. Salamat ha?" at saka sya kumuha sa perang hawak at akmang ibibigay kay Sally. " Hwag na, itabi mo na lang iyan. Gamitin mo para sa inyo" tanggi nito sa ina abot nya. "Sige na kunin mo na, pasasalamat ko na rin sayo sa tulong mo kanina, isipin mo na lang na balato ko na sayo." pilit nya. "Hindi na nga sabi. Mas kailangan mo iyan kaya itabi mo. Medyo malaki laki iyan, kaya makakapag pahinga ka sa sobrang kakakayod mo dyan. Kahit isang linggo ka hindi mag trabaho may kakainin kayo. Pahinga ka na muna at may sasabihin rin ako sayo kaya lang bukas na." "Ano ba kasi iyon?" curious nyang tanong. "Basta! Bukas na nga di, ba? Saka pagod pa rin ako sa byahe pahinga muna" "Ay! oo nga pala, sorry ha, pati ikaw naabala ko pa." hinging paumanhin nya. "Wala iyon, ayos lang. O pano, kita na lang ulit tayo bukas para maka pag kwentuhan tayo, umuwi ka na rin tiyak nag hihintay na ang mga kapatid mo nyan sayo." pagta taboy nito sa kanya at saka tumayo. "Oo nga eh, pero dadaan pa ako sa palengke. Ipamimili ko muna sila ng masarap na pagkain ngayon at ilang damit para sa mga kapatid ko." masayang sabi nya. "Mabuti pa nga! O, sya bye na!" at kinuha nito ang bitbit na malaking bag kanina. "Sige, ba bye," ganting sabi nya sabay kaway rito. Masaya nyang tinungo ang palengke upang ipamili ng ilang pagkain at gamit ang mga kapatid. "Salamat lord sa blessing!" masayang sabi nya at mabibilis ang mga hakbang na tinungo ang may di pa kalayuang pamilihan. Namili sya ng ilang mga ternuhang damit para sa limang kapatid at sa ina. Gayundin ang mga masasarap na ulam at vitamin para sa nanay nya. Wala syang binili para sa sarili nya maliban lang sa isang face powder at pambatang perfume, yung mumurahin lang naman. Hindi naman sya mahilig mag kolorete ng mukha o gumamit ng lipsticks. Namili na rin sya ng kumpletong gamit nila sa bahay gaya ng bigas at iba pa. Gayundin ang ilang gamit ng kapatid para sa iskul. Matapos maka pamili at makontento sa mga kinuha, mabilis syang tumawag ng masasakyang tricycle at nag pahatid sa kanila. Malapit ng mag dilim pero alam nyang hinihintay pa sya ng mga ito. Ganoon naman ang mga kabahay nya, hindi natutulog o kumakain ang mga ito hanggat hindi pa sya umuuwi, sabay sabay pa rin silang nag hahapunan o agahan. Kaya sa tuwing umu uwi sya lagi syang may dalang kahit anong pagkain o tinapay bilang pasalubong nya sa mga ito na mahilig sumalubong sa tuwing bumubungad pa lamang sya ng bahay. Gumuhit ang isang masayang ngiti sa mga labi nya ng makita ang mga itong masayang papalapit na naman sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD