Chapter 21

2046 Words
“KAWAWA naman pala ang Tiya Rosa mo, Beshie. Hindi ko naman akalaing ganoon pala ang lovestory nila ni Tito Romy,” malungkot na sabi ni Chikki kay Orange habang magkasama silang nagme-merienda sa cafeteria ng university campus. Napailing siya. “Ako nga rin. Kung alam ko lang ang tungkol doon, hindi na siguro ako nagtanim ng sama ng loob sa kanilang mag-iina.” “Ay, hindi pa rin! Okay, granted na may pinagdaraanan naman pala ang lola mo, puwede mo pang unawain iyon pero ‘yung dalawang bruha niyang anak…ah, hindi excuse!” Umingos pa ito bago muling kumagat sa hawak nitong hamburger. “Kahit silang magkapatid, hindi nila alam ang tungkol sa kuwento ng mama nila.” “Ang sad…” Nag-make face ito na tila isang kawawang bata. “Pero teka nga pala, ano naman ang reaction ni Marsha nang malaman na magkapatid pala kayong dalawa?” “Plano ko sana silang kausaping mag-iina sa oras ng hapunan pero ang sabi ni Tiya Rosa ay sa ibang araw na lang dahil hindi raw umuwi si Marsha. Si Hanna naman, galit pa rin sa mama nila.” Napatango-tango si Chikki. “Eh si Carlo? Kumusta naman kayong dalawa?” Kumagat muna siya sa hawak na sandwich bago sumagot. “Ayos naman siya.” “Ayos?” ulit nito na tinugon niya ng isang marahang pagtango. “What do you mean ayos? Ayos na ba kayong dalawa?” “O-oo naman,” alinlangan niyang sagot sa kaibigan. Kanina ay nakita niyang palapit si Carlo kaya nagmamadali siyang tumalikod para makaiwas dito. Nang magkasalubong naman sila sa isang pasilyo ng building kung saan siya pumapasok ay inunahan niya itong magsalita nang sa tingin niya ay may tangka itong sabihin. “Hi, Carlo,” aniya sabay bawi, “uy sige ha, nagmamadali kasi ako. See you later,” at binirahan niya ng pagtalikod. Hindi bobo si Carlo. Lalo namang hindi ito manhid para hindi mahulaan ang ginagawa niyang pag-iwas dito. Pero hanggang kailan naman kaya niya magagawang panindigan ang ginagawang paglayo sa lalaki? “Kailangan ninyong mag-usap ni Carlo, Beshie. Ipaliwanag mo sa kaniya ang kalagayan ng father mo. Siguro ay wala ring masama kung babanggitin mo ang nangyari nang umuwi ka sa inyo.” Tumango siya kahit bahagyang magulo ang kaniyang isip. Para kasi sa kaniya, baka mas tamang hindi na muna sila magkita. Nahihiya kasi siya kay Carlo sa nangyari noong isang gabi. Pakiwari niya ay may nabago sa pagitan nila ng lalaki. Ano kaya ang iniisip nito tungkol sa kaniya? Na-turn off kaya ito? Bumaba kaya ang tingin nito sa pagkatao niya? Idagdag pang dahil sa labis na hiya ay ni hindi niya nagawang sagutin ang mga text at tawag nito nang nagdaang gabi. ‘Gaga ka kasi! Sukat ba namang ipa-touch mo ang hinaharap mo sa kaniya. Ngayon ay hihiya-hiya ka diyan…’ “Ha? Ano ‘kamo, Beshie?” Saglit siyang natigilan nang makita ang pagtataka sa anyo ni Chikki. “Sorry…” aniyang pilit na naghagilap sa isip ng isasagot dito. “A-ang ibig kong sabihin, kailangan ako ni Tatay kaya kailangan ko nang tapusin ang kalokohan ko. Pero nakakahiya naman kay Carlo kung basta na lang talaga ako aalis doon ‘di ba. Natural ay kailangan ko siyang kausapin.” “—pero parang may narinig akong hinaharap eh,” nakakunot ang noong sabi nito. “A-ang sabi ko...p-paano na ngayon ang hinaharap ko…ang future ko—ganoon.” Umiling pa siya nang marahan para bigyan ng emphasis ang sinabi. Dudugtungan pa sana niya iyon nang mapansing lampas sa kaniya ang tingin ni Chikki. “Oy,” aniya sabay tapik sa kamay nito. “Okay ka lang?” Tumulis ang nguso nito kaya napalingon siya. Sinikap niyang panatilihing normal ang t***k ng puso nang makitang naroon si Carlo at nakatayo sa kanilang likuran. “Hey,” nakangiti nitong sabi. His expressive eyes were smiling too. “Hi, Carlo!” Pinilit din niyang ngumiti dito. “Upo ka,” aniya sabay turo sa upuang nasa tabi ni Chikki pero sa halip na doon ito maupo ay kinuha nito ang stool at dinala sa tabi niya. Kaswal itong naupo habang ang mga mata ay nakatutok sa kaniya. “Thanks,” anito. “Wala ka nang klase, ‘di ba?” ‘Kabisado ang sked ko?’ Sinupil niya ang kilig na unti-unting umaahon sa dibdib. Natural na kabisado na iyon ni Carlo dahil magkasabay silang umuwi sa hapon at kung hindi naman ay nagte-text silang dalawa. Mag-asawa nga ang ‘role’ nila, ‘di ba. “Wala na nga pero ikaw, meron pa ah. May major subject ka ‘til five, right?” “Yap. May exams kami doon pero nag-take na ko sa isang klase ni Ms. Caparas kanina para—” “Para?” putol ni Chikki rito. Napalingon siya sa kaibigan at binigyan niya ito ng isang nakakalokong ngiti. “Ah, sige,mag-usap na pala kayo,” anitong sa wakas ay nakahalata. “Punta pala muna ‘ko sa library ha.” Tumayo ito at binitbit ang mga gamit saka humakbang palayo. Nang wala na ito ay tumikhim si Carlo kaya muli siyang napatingin dito. “Para sana maabutan kita. I wanted to talk to you,” diretso nitong sabi habang diretso ding nakatingin sa kaniya. Ginalaw-galaw niya ang straw ng buko juice na nasa harap niya. “Tasha, bakit hindi ka umuwi kagabi?” pagkuwa’y tanong nito. “You didn’t answer any of my messages and calls. May problema ba?” ‘Ayan na nga ba...nagsimula na siyang magtanong...’ “I’m sorry, Carlo. Umuwi kasi ako sa amin at doon na ako nagpalipas ng gabi. Mahina ang signal ko kaya hindi ko na rin nagawang mag-text sa’yo.” Tumangu-tango ito. “But at least you could do something to let me know where you were last night. Ni hindi ko alam kung kailangan ko na bang i-report sa pulis na nawawala ka o ano.” “I’m sorry, Carlo. Hindi ko sinasadya...” Napatango-tango ito pero seryoso pa rin ang anyo habang nakatingin sa kaniya. “Okay. So, can we go home now?” “A-ah siya nga pala, Carlo...may sasabihin sana ‘ko sa’yo eh.” “Go ahead...” “Hindi na pala ako uuwi doon—” “What?” “Doon ako matutulog ngayong gabi para ayusin ang mga gamit ko pero bukas ng umaga ay uuwi na ako sa amin.” “Tasha, I don’t understand…” “Kailangan kasi ako ng—” “Pero hindi puwede!” Marahas siyang napalingon sa lalaki nang magtaas ito ng boses. “Ha?” “I mean, hindi puwedeng basta ka na lang hindi uuwi doon, Tasha…” “B-bakit?”May mumunting kilig na sumingit sa pakiramdam niya sa gitna ng pagtataka niya sa mga sinasabi ni Carlo. Agad na nag-expect ang puso niya. Sasabihin na ba nitong mami-miss siya nito? Na nasanay na rin itong nakikita siya araw-araw at mahihirapan ito tulad niya? Gosh, kikiligin na talaga siya nang bongga! “Of course! Ganoon na lang ba iyon? Umuwi ka doon at pinalitaw nating nagsasama tayo tapos biglang ngayon ay uuwi ka na lang? Paano iyon? What kind of set up is that?” Saglit siyang napaisip. Ang akala pa naman niya ay ang tungkol sa ‘kanila’ ang iniisip ni Carlo. Mali pala. Ang tungkol pala sa iisipin ng iba ang mas iniisip nito. Pero oo nga naman. Siya kasi ay puro sarili ang iniisip. Ni hindi sumagi sa utak niyang may mga gaanong factor na kailangan din namang i-consider. “A-ano ba ang dapat nating gawin?” alanganin niyang tanong na sinabayan din ng kaniyang alanganing tingin dito. “For now, you still need to go back there.” “Kakausapin natin ang kasera mo?” Hindi ito umimik. “Babayaran ko sa’yo ang utang ko, Carlo. Pabayaan mo muna akong ayusin ang buhay ko. After a month or two, promise, babalikan kita para—” “It’s not money matters, Tasha. I really need you there.” Malamlam ang mga mata nitong nakatutok sa kaniya kaya naman madaling kumabog din ang dibdib niya habang hinuhulaan sa isip ang mga salitang isusunod nito. “Bakit? Dati naman akong wala doon. Don’t tell me na hindi mo na kayang magluto para sa sarili mo ngayon?” Sa tingin niya ay tila dumoble ang kaseryosohan ngayon sa anyo ni Carlo. “Tasha, katatawag lang ni Allan sa akin…pauwi raw sa bahay sina Mama at Papa.” “Allan who?” Hindi agad ito nakakibo at bahagyang tila nag-isip nang isasagot. “Tasha, I need your help. You can’t just walk away, can you? Iiwan mo ba ‘ko sa gitna ng laban?” Lalo na siyang naguluhan. “Anong laban? May kaaway ba tayo?” Napakamot ng ulo si Carlo, saglit na tila hindi alam kung matatawa o mapipikon sa kaniya. “This situation, everything about this is complicated since the beginning. Alam mo iyon, hindi ba? Sinabi ko iyon sa’yo at pinag-usapan natin bago pasukin…” “Okay…?” “Alam mo rin na hindi maayos ang situation ko with my parents, right?” “O-oo.” “Nang huling tumawag ang isang pinsan ko, sinabi ko sa kanila na nag-asawa na ‘ko—” “Nag-asawa ka na?!” bulalas niya. “Tasha, ano ba! Ikaw ang asawa ko, ‘di ba?” Natutop niya ang bibig nang maunawaan ang sinasabi nito. “Oo nga pala. Naku, sorry, Carlo, ako nga pala iyon,” aniyang natakpan ang sariling bibig. “That’s it. I told them na nag-asawa na ‘ko at sa mga mata ng parents ko, isang napakalaki at napakaseryosong bagay nito. Isang bagay na lalo nilang ikinagalit sa akin.” Natameme na naman siya. “Hindi ko sila kinausap tungkol doon pero pinabayaan ko silang lahat na isiping ganoon na nga talaga ang situwasyon ko. I thought all along, pababayaan na lang nila ‘ko since wala naman ako sa bahay but I was wrong. Nagulat na lang ako kanina nang matanggap ang tawag ni Allan.” Naisip niyang marahil ang Allan na iyon ay isa sa mga pinsan ng lalaki kaya hindi na siya nagtanong. “So what are you trying to say?” Carlo heaved a sigh and looked intently at her. “I need you, Tasha…especially now…at this point.” “Ano’ng kailangan kong gawin?” “Live with me, Tasha. I mean the word. We need to go home now as in now…” “Ha?” “Anytime tonight ay darating sina Mama at Papa. I can’t afford to let them know that everything is just a lie. Lalo na kaming hindi magkakasundo. Gusto kong pag-usapan nang maayos ang lahat at kung ayos na, ikaw naman ang tutulungan ko para makauwi sa inyo.” “Pero—” “Just this one, Tasha. I promise to help you out after this.” Saglit siyang hindi nakaimik. “Sa apartment mo tayo tutuloy?” Tumango ito. “Paano ang mga gamit ko?” “Ililipat mo sa bahay ko…iyon ang gagawin natin as soon as we get home.” “Saan ako matutulog?” “Natural na sa bahay ko din, hindi ba?” Saglit siyang naalarma. “Iisa ang bed ng room mo, Carlo.” Napahugot muna ng malalim na paghinga si Carlo bago muling nagsalita. “Walang normal na mag-asawang natutulog sa magkabukod na bed, Anastacia.” “Are we going to…are we—” “Temporary lang ito. Promise, I’ll be good.” Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Carlo at itinaas pa nito ang isang kamay na animo nanunumpa. Wala siyang duda sa sinabi nito. He had been good to her eversince. Ni minsan ay hindi ito nagsamantala sa kaniya at kung may pagkakataon mang nauuwi sila sa delikadong situwasyon, alam naman niya, masaklap mang tanggapin ay siya ang may kagagawan ng mga iyon. Nang muli niyang tingnan si Carlo ay may mumunting pag-asang tila rumehistro sa mga mata nito. Kusa na siyang napatango tanda ng pagsang-ayon. Saka na niya iisipin kung paano siyang uuwi sa kanila, tutal naman ay temporary set up lang iyon. Ilang saglit pa ay magkaagapay na silang lumabas ng cafeteria ni Carlo…pauwi sa bahay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD