KABANATA 1

1012 Words
"Abby, tumawag kanina si Ireen, baby shower niya daw at  engagement party ng pamangkin niya sa susunod na lingo. Kukunin ka daw na abay." Napa-angat nang mukha si Abby  mula sa pagtutok niya sa mga visuals na ginagawa nang dumungaw ang nanay niyang si Linda  mula sa pintuan ng  kusina  . Nalukot ang mukha niya, alam naman n'yang baby shower nito, at engagement party ng pamangkin ni Ireen  sa susunod na lingo dahil ilang ulit na iyong nag-text sa kanya. Tumawag na nga din ito sa cellphone number niya, kaya hindi niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin at pati sa bahay nila ay tumawag pa. Hindi naman siya ulyanin para hindi makalimutan ang tungkol doon. Ewan ba niya kay Ireen kung bakit masyadong iyong eager na makarating siya doon ,samantalang  hindi naman sila ganon kaclose sa pagkakatanda niya. "Alam ko na Nay. Na-inform na ako ni Ireen." Naiiling na lang na tugon niya sa nanay niya. "Nagsisipag-asawa  na ang mga kaibigan mo anak , eh ikaw ba? Kailan ka ba namin ilalakad sa altar ng Popsie mo? Aba eh, gusto ko rin bumuhat ng apo hanggang kaya pa ng mga buto ko. " Abot tenga ang ngiti ng nanay niya habang iniikutan siya. Desperada na yata ang nanay niya na mag-asawa siya. Bakit nga hindi eh lagpas-lagpas na siya sa legal na edad para mag-asawa at bumuo ng pamilya. 31 na siya pero, at namimiligro na kumbaga. "Nay , malabo yan , eh wala nga akong boyfriend ,mapapangasawa pa kaya." Iiling-iling  na niligpit nalang niya ang mga gamit sa mesa. Kung siya ang tatanungin gusto na rin niya bakit nga hindi, dahil halos karamihan nga naman sa mga kakilala niya kasal na , o di kaya may mga boyfriend,o mga nagpaplano na ng kasal. Habang siya naiiwan sa kangkungan.  Apat silang magkakaibigan   kung maituturing nga'ng  kaibigan si Ireen , dahil bukod kay Diane at Queenie ay tanging s'ya ang pinapakitaan nito ng disgusto , kahit na ba lagi naman nila iyong kasama noong mga nag-aaral pa sila. At tanging si Queenie ang pinakamalapit sa kanya. Na ngayon ay kasal na din. "Bakit kase hindi mo sagutin ang mga nanliligaw sayo?" Mga talaga ? Para namang ang dami n'yang manliligaw , eh wala nga kahit isa. "Nay , wala akong manliligaw." Laglag ang balikat na aniya. Reality sucks talaga. "Eh bakit wala? Popsie hinaharang mo ba ang mga manliligaw ni Abby ?" Tanong na may halong pag-aakusa ng nanay niya sa tatay n'yang prenteng nanonood ng basketball sa TV. "Huh? May nagpupunta ba?" Gulat pa nitong tanong sa kabiyak. "Huh? Wala ba?" Balik tanong naman ng nanay n'ya. Napatampal na lang ng noo si Abby tsaka tinalikuran na ang mga magulang na masyadong frustrated sa love life niya. "Good morning teacher Abby !!" Sabay sabay  na bati kay Abegail ng mga estudyante niya na pawang mga kinder garten pa lamang. 3 to 4 hours lang naman ang pagtuturo niya sa Little Angels day care service , samantalang  ang kaibigan n'yang si Amanda na co-teacher niya ay half day naman dahil pre-school  ang hawak nito. "Good morning din mga angels." Nakangiting bati  niya sa mga ito. Hindi s'ya hirap magturo sa mga bata , para nga lang s'yang nakikipaglaro at wala pang bente ang mga estudyante niya na pawang mga apat na taong gulang  hanggang lima. Idinikit na niya sa pisara ang mga ginawang  larawan ng iba't ibang uri ng shapes  para sa klase niya ng araw na iyon. Nagsimula ang araw niya mula sa pagkanta  ng nursery rhymes hanggang sa maikling kwento , na nauwi na para sa main lectures niya. Natutuwa sa kanya ang mga bata , dahil animated s'ya masyadong magturo. Dahil na rin siguro sa may pagkaisip bata pa din s'ya. "Abz! , " Agaw pansin sa kanya ni Amanda na nakasungaw sa pinto ng classroom , tinakasan na naman ang mga estudyante nito. Co-teacher niya doon si Amanda. Well silang dalawa lang naman talaga ang teacher doon. "Baka mahuli  ka ni kap. Roy ,yari ka doon ," Banta niya sa kaibigan nang labasin niya ito. Si Roy ang kapitan nila sa barangay at s'yang nangangasiwa sa Little Angels day care service , hindi kase iyon nasasakop pa ng gobyerno, kaya inaalalayan sila nito sa pagpapatakbo ng maliit  na school. Daycare at pre schooler lang naman ang hinahawakan nila. "Naku  , hayaan mo nga yung balo  na iyon, kaya tumatanda laging nagsusungit. Punta akong MOA after class , sama  ka?" Napaisip si Abby , hindi naman ganon kalayo ang byahe mula Cavite pa MOA , naalala din niyang wala pa s'yang isusuot sa shower party ni Ireen. Kaya tumango s'ya. "Nice , sige daanan na lang kita mamaya sa inyo ah." "Sige." "Amanda!" Parehong napakislot sa gulat ang dalawa ng marinig ang boses na iyon. Nang lumingon sila sa likuran ay nandoon at nakatayo si Kap Roy , mukhang bumibisita. "Nagkakaingay na ang mga estudyante mo, " Sabi nito na salubong ang kilay na nakatingin kay Amanda. "Sorry Kap , may sinabi lang ako kay Abegail. Emergency eh hehehe" Dahilan nito. "Emergency? Kailan pa naging emergency ang pag-aaya sa mall?" "Si Kap naman , sabi ko nga babalik na ako sa room eh. Bye na muna Abz he he , mainit na naman dugo ni Kap sakin eh." "Amanda!" "Eto na nga Kap , babalik na. Pambihira." Huhukot hukot na naglakad pabalik sa classroom nito si Amanda. Natatawang  sinundan na lamang niya ng tingin ang kaibigan. Huli pa n'yang sinusundan din ito ng tingin ni Kap Roy. Napangiti s'ya, posible  kayang.. ? "Abegail , hindi ko gusto nasa isip mo." Salubong ang kilay na baling sa kanya nito na para bang nababasa ang itinatakbo ng isip niya. Natawa naman siya. Masyadong defensive eh. "Wala naman akong iniisip  na iba Kap." Naiiling na iniwanan na lang siya ng kapitan nila. Binalikan niya ang mga estudyante niyang abala sa pagkukulay. Buti pa si Kap Roy at Amanda nangangamoy lovelife samantalang siya, tila matatapos na naman ang taon na *single* pa rin ang status sa lahat ng social media accounts niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD