PROLOGUE

820 Words
MAINGAT na hinawi ni Paige ang ilang hibla ng buhok niya at isiningit iyon sa likod ng kanyang tenga. Inilabas niya ang lipstick sa clutch bag at naglagay niyon sa kanyang mga labi. Pinagmasdan niya ang sarili mula sa malaking salamin na nasa loob ng ladies room ng ground floor ng The Manila Hotel. Naroon siya para sa high school graduation ball nila. She's wearing a light gold v-neck A-line layered dress, tila kumikinang iyon kaya lalo nitong pinalutang ang ganda niya. Nang masiyahan na sa kanyang ayos ay lumabas na siya ng ladies room at bumalik sa lobby lounge kung saan niya iniwan ang apat na kaibigan kanina. "Hindi pa ba dumarating si Scarlet?" tanong niya kay Perrie nang makalapit siya sa mga ito. Umiling lang ang babae. Napapailing na tiningnan niya ang suot na relos at saka inilibot ang mga mata sa lobby. Iilan na lang na mga batchmate nila ang naroon, marahil ay nagtungo na ang iba sa Maynila Ballroom—ang function room ng hotel na nirentahan ng kanilang eskuwelahan para sa kanilang event. "Hindi mo pa rin ba ma-contact?" tanong ni Perrie kay Iona na siyang kanina pa tumatawag kay Scarlet. "She's not answering her phone," ani Iona na hawak ang cellphone nito sa may tenga. Akira rolled her eyes. "Hindi na talaga nagbago ang babaeng 'yon. Nakakainis ta—" "Girls!" narinig nila ang malakas na boses ni Scarlet. Sabay-sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng boses, at nakita nila si Scarlet na ngiting-ngiti habang tila slow motion pa na naglalakad palapit sa kanila. Para itong modelo na naglalakad sa rampa. Napakaganda ni Scarlet sa suot nitong yellow deep v-neck pleated flowy gown. "Sorry, I'm late," Scarlet said but her voice doesn't sound apologetic at all. "What's new? Palagi naman, 'di ba?" nakasimangot na pakli rito ni Akira. "You always come late para nasa iyo lahat ng—" "Girls, enough," pasaway na sabi ni Moira na pinandilatan pa sina Akira at Scarlet. "We're here to enjoy, so please lang, 'wag ninyong sirain ang gabi natin d'yan sa mga petty quarrels ninyo." "I'm not doing anything, ha. 'Yang si Akira ang nagsisimula," nakatikwas ang kilay na sabi ni Scarlet. Sasagot pa sana si Akira pero mabilis niya itong nilapitan at hinawakan sa braso. "'Tara na sa function room, mukhang tayo na lang ang wala roon, eh," aniya at hinatak na si Akira palayo kay Scarlet. Walang nagawa si Akira kundi ang sumunod sa kanya. Magkakasama na nilang tinungo ang function room. Nang pumasok sila sa loob ng Maynila Ballroom ay napatingin sa kanila ang karamihan ng mga naroon. Nakasunod sa kanila ang mata ng mga kalalakihan hanggang sa marating nila ang table na naka-reserve para sa kanila. Kasama nila doon ang ilan pa nilang mga kaklase. "As always, you girls never failed to get the crowd's attention," nakangiting sabi ni Ladia nang maupo na sila. "Well, it's not our fault na ipinanganak kaming mga head-turner," nakangiting biro ni Iona rito. Nagtawanan sila at ang iba pang kasama nila sa table. Totoo ang sinabi ni Iona, hindi pa yata sila dumaan o nagpunta sa isang lugar na walang napatingin sa kanilang anim. Since grade school ay magkakaibigan na sila, they were inseparables. Second year high school sila nang simulan silang tawaging 'posh girls' ng kanilang mga kaklase. Iyon daw ang bagay na tawag sa kanila dahil lahat sila ay magaganda at nabibilang sa mayayamang pamilya, mga fashionista rin sila. Everyone looked up to them. Maraming mga babae sa campus ang nai-inggit sa kanila. They were the campus crushes, at marami sa mga lalaki nilang schoolmated ang nagtangka na ligawan sila. Pero marami rin ang ilag sa kanila sa pag-aakalang iba ang ugali nila. Hindi kasi sila masyadong nakikihalubilo sa ibang mga kaklase nila, kontento sila na silang anim lang ang laging magkakasama. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang party. Pagkatapos magbigay ng speech ng kanilang principal ay nagsimula na ang kasiyahan. Excited na nagsipuntahan ang mga classmate nila sa dance floor habang sila ay nanatili muna sa kanilang mga upuan. "Well, ito na ang last day natin na high school tayo," ani Scarlet. "Kailangan nating i-enjoy ito ng todo." "I can't wait to go to college," sabi naman ni Perrie. "But I will surely miss you, girls." "Kung magsalita ka parang hindi na tayo magkikita-kita," natatawa namang sabi ni Moira. "Kahit naman iba-iba ang course natin, iisang university pa rin naman ang papasukan natin, 'di ba?" Nanghaba ang nguso ni Perrie. "Kahit na, iba pa rin 'yong nasa iisang classroom lang tayo." "Enough of your dramas, okay?" singit ni Paige sa mga ito. Kinuha niya ang baso na may lamang juice at itinaas iyon. "Cheers, para sa another stage ng journey natin." Itinaas din ni Iona ang baso nito. "For new challenges and kalokohan." "For our friendship," halos sabay-sabay na sabi nina Akira, Perrie, at Scarlet. Nakangiting ginaya sila ni Moira. "For the Posh Girls!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD