I N T R O D U C T I O N

287 Words
I N T R O D U C T I O N Kanina pa ako nakatulala, nag-aantay sa meeting place namin masyado ng nagiging toxic ang relasyon na 'to. Kailangan na muna namin siguro ng space pero kahit ganon umaasa pa rin ako na hindi siya papayag at ipaglalaban niya ako, Ipaglalaban niya ang relasyon namin. "Good evening!" pormal na pagkakasabi nito pagkaupo sa harap ko. Ito na yon! Kayanin mo. "Tapusin na natin 'to. hindi mo ba napapansin? Masyado ng toxic." Napaiwas siya ng tingin sa'kin. "Huwag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin, Damien" Napabitaw siya sa mga kamay ko. "Yan ba talaga ang gusto mo?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi man lang siya tumanggi. Tinanguan ko siya pag tingin ko sa mata niya naluluha ang mga ' yon pero pinipigilan niya. "Siya. Kung 'yan ang gusto mo. Pero please... Alagaan mo ang sarili mo. Huwag mong papabayaan ang sarili mo. Wala na ako para alagaan ka," sabi nito sabay tayo at lumapit sa'kin. Hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya. Tinanaw ko siya habang palabas ng restaurant hindi ko ini-expect ito, i mean alam ko na maghihiwalay kami kasi 'yon ang gusto ko pero kahit papano umaasa ako na ipaglalaban niya ang relasyon namin pero nagkamali ako. Ginawa ko to para sa'yo, Damien. Hindi lang naman dahil toxic na kaya kita binitawan. Hindi ako gano'n kababaw na tao. May mas malalim na dahilan ako at sana sa desisyon ko na 'to maging okay 'yang buhay mo. Hindi dapat mapunta sa wala yung sacrifice ko sa relasyon natin. I guess that's just part of loving people, You have to give things up. Sometimes you even have to give them up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD