CHAPTER 1

1288 Words
SAMANTHA P.O.V DAGAT Malakas ang bawat hampas ng hangin na tila bang ng dudugtong sa dagat at ulap mula sa dulong bahagi ng karagatan. Matatanaw mo din ang Pantalan, maging ang maliit na bangka na ginagamit sa pangingisda ng mga nakatira sa Isla ng San Simon. Ang lugar kung saan siya lumaki na matatagpuan sa parte ng Mindoro. Maliit lamang ang kanilang Isla kung ihahambing ito sa Isla ng Boracay na dinadayo ng mga sikat ng personalidad sa lipunan maging ng mga taga ibang bansa. Ang kanilang Isla ay hindi pa namn ganun kakilala dahil kakabukas lamang nito sa publiko. Mabibilang lamang ang mga bahay na nakatira dito, Ngunit mula ng maging Tourist spot ang kanilang Isla. Madami nang nabago, katulad na lamang ng kuryente na malaking tulong para sa kanila. Maging ang kalsada na tanging mga kalabao lamang ang dumaraan ay lumawak pa upang madaanan ng mga maliit na motor na siyang ginagamit ngayon upang mapabilis ang kalakaran sa kanilang lugar. Madami rin ang nadagdag na kabuhayan sa kanila. Ang tourist spot na makikita sa kanilang lugar ay nanga-ngailangan ng isang tourist guide upang mapangalagaan ang kanilang ini ingatang yaman. Bagamat madami nang nadagdag sa populasyon ng kanilang lugar. Hindi mabawasan ang Natural Ganda ng kanilang Isla. Mayaman pa din ito sa kulay berde at asul, sapagkat pinanatili nila na maging bukas man ito sa publiko ay hindi masisira ang yaman ng kanilang tribu. Ang Simalay tribes. Sabi ng kanyang Lola Fe. Ang pinakamatanda na sa kanilang Isla. Ang Isla nang San Simon ang naging kanlungan nila noong panahon ng mga hapon. Ito ang naging silbing tirahan ng kanilang mga ninuno. Sa katunayan may natatagong maliit na isla ang kanilang lugar. Ito ang Isla Paraiso na nasasakupan ng kanilang lupain. "Samantha…"Napalingon ako sa boses na tumatawag sa aking pangalan,Nang lingunin ko ito nakita ko si Dave ang kababata ko at matalik na kaibigan. Humihingal itong tumabi sa akin sa buhanginan. "Kanina ka pa hinahanap ng Lola mo," sabi ni Dave sa sakin ng makaupo ito sa aking tabi. Inabot nito sakin ang pulang balde. Tuwing sabado at linggo lagi itong sumasama kay ninong Lando na tiyuhin nito at asawa nang kanyang ninang Tess sapagkat magkapatid ang tatay nito na si mang Gardo at si ninong Lando na ninong niya sa binyag. Napangiti ako ng makita ang ng lalakihang alimango at isang pusit sa loob nang pulang balde. "Alam mo, talaga kung ano ang gusto ko!" Nakangiti Kong sabi kay Dave. Ngumiti naman si dave kay Samantha. Mula pagkabata ganito na silang dalawa Walang bagay ang hindi nila na pag kakasunduan dahil lagi nilang pinag uusapan ang problema maliit man ito o malaki. "Lulutuin ko'to mamaya, kaya doon kana sa bahay mag hapunan." Sabi ko kay Dave habang inaayos ang aking tsinilas. Ngumiti naman si Dave sakin saka tumayo para alalayan namn ako sa pagtayo.maginoo talaga ang kanyang kaibigan maswerte ang mamahalin nito dahil bukod sa masipag ito maalaga pa. Inabot niya ang kamay ni Dave upang hanap na makatayo. "Adobuhin mo ang mga iyan," nakangiting sabi ni dave sakin. Ngumiti naman ako sa kanya saka binalik sa kanya ang pulang balde na naglalaman ng mga alimango. "Tiyak na mapapadami ang kain mo mamaya." Nakatawa Kong sabi kay Dave. Saka sila sabay na ng lakad pauwi ng kanilang bahay. SAMANTHA HOUSE Matapos mag hapunan nililigpit ni Samantha ang mga pinggan sa mesa nang makarinig ng mga boses sa labas ng pintuan. "Ikw na kaya ang tumawag" narinig niyang boses mula sa bintana. Bahagya siyang sumilip sa dulo nang bintana upang maaninag kung sino man ang nasa labas. "Total naman kilala mo kung sino mga nakatira jan." mariing sabi ni JAKE kay Samuel. Hinahanap nila si Dave dahil may usapan sila na sasamahan sila nito para umakyat nang ligaw sa bahay nila Kate na pinsan naman ni dave. May nakapag turo sa kanila na madalas daw nandito si dave sa bahay na'to. Hindi kalakihan ang bahay na siyang kinakatayuan nila ngayon, yari ito sa semento na nag sisilbing first floor at kahoy naman ang second floor. Napapaligiran din ito ng sari-saring halaman dahil may nakita siyang mga paso sa gilid. Sasagot pa sana si Samuel sa kanya nang biglang bumukas ang pintuan. lumabas mula doon ang isang babaeng naka short na kulay pink at asul na damit,nakalugay ang buhok nito na hanggang balikat. "Good evening" ngumiti si Jake sa babaeng hindi niya maaninag ang mukha dahil nakatalikod ito sa ilaw. Pilit naman inaaninag ni jake ang istura ng babaeng kaharap. Nang hindi ito nagsalita nilingon niya si Samuel na ngayon ay nasa likoran niya at nagtatago. Nang buksan ni Samantha ang pintuan. Bumungad sa kanya ang kababatang si Samuel na mabilis na umikot at ng datago sa likuran ng lalaking kaharap niya ngayon. "Hi Sam," Nakangiting bati ni samuel lumalabas sa kanya.lumabas ito Mula sa lalaking naka puti ang t-shirt. Ngumiti siya sa kababata saka lumapit dito. Tulad ni Dave kaibigan niya din ito, iilan nga lang ba ang matatawag niyang kaibigan sa kanilang lugar, bukod kasi sa may nadagdag na mga bagong salta at mga tourista na dito na din pinili na manirahan. "Abah!" Mukhang manghuhuli ka nang dilag ahh!" Malakas Kong sabi kay Samuel saka pabirong hinampas niya ito sa praso. "BANGO BANGO,naman, amoy!! baby" dagdag kung Banat kay Samuel habang inaamoy amoy ito. Alam niya na kung saan pupunta ang kaibigan. Bata palang sila alam na nila may pagtingin ito kay kate na kinakapatid ko dahil ninang niya sa binyag ang nanay ni kate na si ninong Landon. Namula naman ang mukha ni Samuel sa pang aasar na ginawa ko. Nilingon ko naman ang lalaking naka puti na kanina pa pala naka mansid saming dalawa ni Samuel. Umakbay sa sakin si Dave, na hindi ko namalayan na nakalapit na ito sa kamin. Normal na saming dalawa ang ganun dahil nga best friend naman ang turing namin sa isa't isa. "Oo nga pala besty" sabi ni Dave sa sakin saka tumingin ito sa lalaking nkaputi na damit. "JAKE si Samantha" Nakangiti nitong sabi sa lalaking kaharap. "SINGLE yan" pagpapakilala ni Dave saming dalawa ni Jake. Aabutin ko na sana ang kamay ni Jake nag bumukong si Dave kay Jake na sadya atang pinarinig sakin. "SINCE BIRTH." naka ngising sabi ni Dave kay Jake. Abat balak pa ata siyang ibugaw nito sa lalaking kaharap. Napangiti naman ang kaharap sa sinabi ni dave. Inapakan niya si dave sa paa na ikina ngiwi nito ng bahagya saka ngumiti habang ininda ang sakit. Tinanggap naman ni Jake ang kamay niya para sana makipag handshake dito habang nakatingin parin sa kanya. Biglang ng init ang pisngi niya dahil sa ngitin ng kaharap.mabilis siyang umuwas ng tingin saka tumalikod sa tatlong lalaki sa harapan niya. "Magsilayas na nga kayo at baka ma inip pa si Samuel." Pag tataboy ni samantha sa mga kaibigan saka lumapit ulit kay Samuel.Tinapik ko ito sa balikan saka pumasok na loob ng bahay upang mag ligpit ng pinag kainan. Muli akong lumingon, sa kanilang tatlo saka siningyasan si Dave na sumunod sa kanya. Isa sa masasabi niyang unique sa pag kaibigan nilang dalawa ni Dave ay ang sign na sila lamang ang nakakaalam. Mabilis kong binigay ang tatlong Rosas na binalot ko sa diaryo para mag mukhang bouquet. Paborito kasi ito ni kate at alam kung magugustuhan ng kinakapatid ang mga iyon. "Sigurado! Kaba?" Nakangiting sabi no Dave sa kanya. Kanina hang kumakain sila nasabi sa kanya ni Dave na aakyat nang ligaw si Samuel kay Kate. Kaya naman naisipan niyang ibigay ang bulaklak na napitas niya mulas sa Isla Paraiso. Binatukan ko ito sa noo, "wala nakong magagawa na putol na." Nakatawa kong sabi kay Dave. Ngumiti ito sa kanya saka ng paalam sa kanyang Lola Fe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD