Special Chapter 1

1224 Words
Maraming tao sa palasyo at nagsasayahan ang lahat. Habang nagsasayahan ang lahat hinahanap ni Miller ang kapatid niya na si Miles. Lumapit siya sa isang kawal. "Nakita niyo ba si Miles?" sabi nito sa kawal. "Wala po, Mahal na Prinsipe. Di po kami titigil sa paghahanap sa Mahal na Prinsesa." sabi nito sa Prinsipe. Tumango ang Binata at hinanap ulit ang kapatid. "Miles, saan ka na naman nagtatago hinahanap ka nila Ama at Ina ngayon." sabi nito sa sarili at patuloy na hinahanap. Habang sa pwesto naman ni Miles nasa ilalim siya ng mesa nakatago di naman siya makikita dahil sa mataas ang tela ng mesa na pinagtataguan niya. "Hay, mabuti nakatakas ako. Ayoko talaga ng maraming tao." umupo siya sa sahig at pumikit. Naramdaman niya na may tumabi sa kanya at aatakehin sana niya nang nahawakan nito ang kamay niya. "Sino ka?" sabi niya agad. "Eren." malamig na sabi nito sabay baba ng kamay ng Prinsesa. "B-bakit ka nandito sa pwesto ko napakaraming mesa doon. Doon ka magtago." reklamo ng prinsesa. "Gusto ko dito." simpleng sabi niya. Napaharap siya ng tuluyan sa batang lalaki na katabi niya. Inaamin ni Miles na gwapo si Eren at mukhang na love at first sight atah siya. "Bakit?" tanong nito sa kanya. Agad naman siyang napaiwas ng tingin. "H-ha? Anong bakit? Di kita tinitingnan ha." agad na sabi nito napailing nalang si Eren. Nang biglang dumilim na kinayakap niya kay Eren. "M-madilim." natatakot na sabi nito. Nagulat din si Eren sa pagyakap ni Miles sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Niyakap niya iyon pabalik at doon niya na realized na hindi niya bibitawan ang babaeng kayakap niya ngayon eh sa kay Miles lang niya naramdaman ang magandang pakiramdam na ito. Hinalikan niya ito sa noo na kinawala naman ng takot ni Miles. Napatingin siya kay Eren at nagtitigan silang dalawa. "Wag mo kong iwan ha." sabi nito kay Eren. "Hindi kita iiwan." Nagkwentuhan sila hanggang sa napagpasyahan nilang lumabas na hinawakan naman ni Eren ang kamay ni Miles na nakahawak sa laylayan ng damit nito kanina paglabas nila. "Eren!" lumapit naman ang kaibigan ni Eren na si Zaido. "Kanina pa kita hinahanap saan ka ba galing?" sabi nito nang napatingin ito sa katabi ni Eren. "Princess Miles." gulat na sabi ni Zaido. Matagal na kasing gusto ni Zaido si Miles kaya gulat siya na makitang kahawak kamay ni Eren ang Prinsesa. "Eren." masamang tiningnan ni Zaido si Eren. "Bakit?" malamig na sabi nito sa kaibigan. "Akin siya." "She's mine." agad na sabi ni Eren at agad dinala niya ang Prinsesa sa fountain sa labas ng palasyo. "Anong She's mine?" inosenteng sabi ni Miles. "Akin ka. Ikaw ang gusto kong pakasalan sa hinaharap. Gusto mo ba ako?" sabi nito sa Prinsesa. Ngumiti naman ang dalaga at tumango. "Oo, gusto kita." masayang sabi nito kay Eren. Napangiti naman si Eren sa sinabi ni Miles. "Ito." nagcast si Eren at biglang lumabas sa kamay niya ang isang kwintas na may pendant na lock. "Isuot mo toh wag mong iwawala okey?" sabi nito sa Prinsesa. "Hindi ko toh iwawala." Nakangiting sabi ni Miles sa binata. Hinalikan naman ni Eren ang noo ni Miles. ***** Nagtagu taguan si Miles at ang kanyang Kuya Miller habang ang kanilang mga magulang ay nakatingin sa kanila. Nagtago si Miles sa gilid ng puno nang makita niya ang isang lalaki at kamukha iyon ni Eren. Agad siyang tumakbo papunta sa batang lalaki. "Eren!" tawag niya nang biglang may tumakip sa ilong niya at isang iglap nawalan na siya ng malay. Agad siyang isinakay sa isang karwahe at dinala malayo sa palasyo. Sa lakas ng buhos ng ulan biglang dumulas ang gulong ng karwahe na kinaresulta ng pagkahulog nila sa bangin. At tumama ang ulo ni Miles sa malaking bato doon sa ilalim ng bangin. Habang naglalakad ang isang ginang napatingin siya sa gilid at nakita niya ang nakahiga na katawan ni Miles sa may batuhan. "Nako! Iha gising." pinakinggan niya ang t***k ng puso ng bata at may mahinang pintig pa iyon. Dinala niya ang bata sa bahay niya at inalagaan niya ito hanggang sa gumaling at magkamalay na ng tuluyan. "Iha saan ka galing at ano ang pangalan mo?" tanong ng ginang sa batang kakagising lang. Tiningnan nito ang paligid bago ang ginang. "D-di ko alam." naiiyak na sabi niya. "Nako! Tahan na.... Dito ka nalang tumira saakin. Teka ano bang ipapangalan ko sayo?" sabi ng ginang. 'Miles' May narinig siyang boses sa kanyang isipan. "Miles." sabi niya na kinatingin ng ginang. "Mukhang iyon lang ang naaalala mo. Sige Miles nalang pangalan mo." sabi nalang ng ginang. Lumaki si Miles na ang ginang lang ang kasama tinutulungan niya ang ginang sa pagbebenta ng kakanin. "Kakanin kayo jan!" sigaw ni Miles sa paligid. Sa paglalakad niya napatingin siya sa malayo nakita niya ang isang napakamalaking palasyo doon at  gusto niyang pumunta doon pero di naman siya pwede dahil mahirap lamang siya. "Naghahanap ang palasyo ng mga kasambahay! Tayo na baka makuha tayo!" narinig ni Miles ang sabi ng mga tao kaya dali dali siyang pumunta kung saan nandun ang mga tao. Mataas ang linya kaya agad siyang naglinya gusto siyang makatulong sa kanyang Nanay sa gastusin kaya niya iyon ginawa. Nakarating na siya sa huling linya nang biglang nagsalita ang kawal ng palasyo. "Tapos na may nakuha na kami." napanganga ang dalaga. Di siya nakuha dahil nakakuha na sila. Umuwi nalang si Miles nang biglang may sumabog at nanlaki ang mata niya dahil doon malapit sa bahay nila ang sabog. "N-Nanay!" sigaw niya at tumakbo papunta sa Bahay. Nakita niya na nasusunog ang bahay nila at ibang bahay sa paligid. Napatingin sila sa sumabog at nagsitakbuhan sila dahil sa ang sumakop pala sa kanila ay mga Dark Enemy. Tumakbo sila lalo na si Miles na di alam kung ano ang gagawin napatingin siya sa umiiyak na bata na aatakehin na sa dark Enemy. Agad niyang pinuntahan iyon at niyakap ang bata. Naghintay siya sa pagtira ng kalaban nang walang nangyari napatingin siya sa kalaban nagulat siya dahil may puting prumutekta sa kanya. "Teka ako ba may gawa nito?" wala sa sariling sabi nito. Tumayo siya at binigay sa ina nito ang bata at napatingin siya sa kamay kaya ba niyang atakehin ang kalaban? Biglang humarap ang isang kalaban sa kanya at handang sunugod. Itinaas niya ang kamay niya paharap sa kalaban. Bigla itong lumipad papunta sa kanya. Napapikit siya at sumigaw napatingin siya sa kalaban at wala na iyong buhay. "Ako nga!" Napatingin ang lahat ng halimaw sa kanya na kinalunok niya. "Waaaa!" tumakbo nalang siya. Nang biglang may sangang nakaharang sa daan na kinatapilok niya. Dumagdag din na nanghihina siya dahil sa ginamit niyang kapangyarihan kanina. "Katapusan ko na toh." napapikit nalang siya. Napamulat siya nang may narinig siyang kalinsing ng espada. Nanlaki ang nata niya dahil ang lumiligtas sa kanya ngayon ay napakagwapo. At nang maubos ang kalaban napatingin ito sa kanya. Nakita niya ang malamig na tingin nito sa kanya. Pero parang may nagsasabi na hindi talaga iyo ang kanyang ugali may nakatago sa malamig na aura niya. Biglang inilahad nito ang kamay sa kanya na kina nganga niya. "Come with me." dahan dahan namang hinawakan ni Miles ang kamay ng binata at naramdaman niya ang lambot sa mga kamay nito. Bigla nalang siyang binuhat na parang prinsesa at doon na siya nawalan ng malay. ****** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD