Prologue

362 Words
The Devil’s First Love Written by: Janine Gannaban Dalawang  tao na mula sa magkaibang estado ng buhay. Isang laki sa yaman, layaw, at nagagawa lahat ng gusto niya at isang pokpok na umaasa na lamang sa tawag ng lamang loob at sa mga pangarap niya para sa kanyang pamilya upang mabuhay. Para kay Edison Huang (Huang Yi Ren), bente sais anyos, anak ng isang tanyag na pamilya na may malalaking negosyo sa Pilipinas at Tsina. Sila rin ang nagmamay-ari sa Hwang Zhang Chu University kung saan nag-aaral si Edison. Paulit- ulit sa kolehiyo, walang sariling trabaho dahil binubuhay naman ng mayaman niyang pamilya. Bulakbol at puro pasarap  siya sa buhay.  Ang buhay niya ay umiikot lamang sa tatlong bagay, s*x, violence and making his father pissed off. Walang mahalaga sa kanya kung ‘di ang sarili niyang emosyon at ang tawag ng kanyang lamang loob. Wala siyang pakialam sa iba, gagawin lang niya ang gusto niya. Samantalang si Jasleah Marie Sanchez naman ay isang bente dos anyos na dalaga na sinubukang mabuhay sa madilim na mundong kinagagalawan niya. Scholar siya sa Hwang Zhang Chu University, isang normal na estudyante pero pagsapit ng gabi, isa siyang prostitute sa isang pipichugin na nagngangalang Little Lips. Sa kabila nang madalim na buhay at nang tanikala na pumipigil sa kanyang bumangon pinipilit ni Jasleah mabuhay para sa kanyang dalawang kapatid na si Sedrick at Jam, at makuha ang pagmamahal nang kanyang ina. Kahit na magkaiba ang mundo ni Jasleah at Edison ay magtatagpo sila dahil sa kadiliman, nang dahil sa s*x na gustong- gusto ni Edison, kinuha niya si Jasleah para maging f**k buddy niya kapalit ang pagbibigay ng allowance ng dalaga. Ang mga gabing para lamang sa pagtatalik ay magbubunga nang pagmamahalang hindi tanggap nang kanilang mundo. Isang pagmamahalan na babago sa kadilimang tinatahak nila, at ang liwanag na bigay ng Diyos para sa kanila. Pero paano ka nga magiging masaya sa pag-iibigan na tutulan ng lahat? Paano niyo ba ipaglalaban ang isang bagay na hindi tama sa mata nang mga tao sa ‘yong paligid? Ito ang istorya ni Edison Huang at Jasleah Sanchez. Ito ang istorya kung paano tayo babaguhin nang pag-ibig. Kung paano magiging liwanag ang mundo’ng nababalot ng tanikala ng kadiliman.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD