Chapter 1

1103 Words
"Officer, Can you tell us how did you caught Mr. Roswell exchanging his money into drugs," the reporter said while my senior trying to escape the crowd. Tinanggal ko ang paningin sa mataas na posisyon ng telebisyon at napabuntong hiningang ipinikit ang isang pares kong mata. "Hays naku," napapahikab ko pang sambit habang tinatamad na inihilig ang aking ulo sa sandalan ng aking upuan. Since he is my senior, I can't do anything but let him do that case. That's okay with me, I really don't care about it. I am okay with the thought I am in this station and sleep whenever I want. "Officer De Villa, A phone call for you,” my co-officer said while I am thinking about what food I will eat before I start doing rounds. This night is peaceful than the other night. Napatingin lamang ako sa nakalahad na kamay ni officer habang nakataas ang kilay. Sino naman ang mapangahas natatawag sa akin ng dis oras ng gabi? "Sino ba yan?" tamad ko pang tanong habang pinagmamasdan lamang ang telepono sa kaniyang kamay. "I don’t know. Kunin mo na at nangangalay na ang aking kamay," may halong pagkainis namang saad niya sa akin. Napahikab pa akong muli bago inabot iyon at inilagay sa aking kanang tainga. "Hindi mo ba alam na dis-oras na ng gabi? Go to sleep who ever are you. Tinatamad akong kausap ka, bye." paghihikab ko pang muli. "Officer." my forehead creased because of the whisper that the caller replies. "Who are you? Ginu-goodtime mo ba ako?" Inaantok ako ngunit para bang naalimpungatan ako dahil sa tono ng pananalita ng nasa telepono. "Officer, ako ito si Michael. Nandito ako sa santolan street," muli pang bulong nito na ikina-alerto ko naman. "Black t-shirt and a red cap. Matangkad, matipunong lalake at malalim ang boses. May kasama siyang isang payat ding lalake hindi ko maaninag ngunit nagkaka-abutan sila ng droga. Pumunta ka na officer bago pa ako mahuli rito." muling bulong niya na ikinatayo ko naman. I thought this will be my first peaceful night but I was wrong because things exchange with excitement this night. Another drug pushers and users, huh? "Copy. Tell me your distance, the exact location kung saan ka nakatayo ngayon. I'm on my way," I said before picking up the key of my car. I know if I use the key of the police car, makakatunog lang sila. "Okay officer, gaano ba kalayo ito? Ah' eh, ano ba dapat gamitin ko? Meter, kilometer or what?" napasapo naman ako ng aking noo sa inis dahil sa pagsagot nito. "Stupid! Gaano ka kalapit sa kanila?! Detailed where exactly you are!" Tsk. Pinapainit ata nito ang aking ulo. "Ah' eh', medyo malapit na malayo officer. Nakatago ako sa isang malaking poste na kulay asul. Walang ilaw sa aking gawi pero kitang kita ko lahat officer. Dalian mo na po para mahuli agad bago pa makawala!" pabulong ngunit medyo natatarantang sabi pa niya sa telepono. "Got it. Wait us there." I said before hang up the phone. "Officer Hans, lets go! Santolan street! Dalian mo at may kaganapan roon." sabi ko pa habang isinasalpak lahat ni officer ang pagkaing kinakain niya sa pagmamadali bago sumunod sa akin. Nagmadali akong sumakay sa kotse at hinintay siyang sumakay bago pinaharurot ang aking minamahenong kotse. 'Sa dilim at layo ng lugar na iyon ay napadpad ang isang iyon roon.' Napailing na lamang ako dahil sa iniisip. " Officer, anong kaganapan mayroon sa street na iyon? May away ba?" nagtatakang tanong naman ng aking katabi habang pinapaharurot ang aking sasakyan. " Drugs again. Maghanda ka at mapapalaban tayo kung kinakailangan. Magpatawag ka na agad ng back up." Kalma ko namang sabi habang tinatahak ang lugar na iyon. Hindi na ako magtataka kung sa ganoong ka-liblib na lugar nilang mapipiling magpalitan ng droga ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay paano nakarating roon ang isang iyon. Nang medyo matanaw ko na ang kadiliman ng paligid ay ihininto ko na ang aking sasakyan at lumabas. "Dalian mo officer. Nakaready na ba ang back up?" tanong ko pa sa kaniya habang nagsisiga-sigaan sa gitna ng daan papunta sa lugar na binanggit ng asungot na iyon. "Oo officer, nagmadali na sila sa ibang daang pwede nilang takasan." saad naman niya habang naghahabol sa aking mga hakbang. Ang sarap sa pakiramdam ang ganitong ka-preskong hangin ang sasalubong sa akin. Napangisi lamang ako habang papalapit sa pinangyarihan ng krimen na iyon. Nakakatuwa sila dahil ginawa pa nilang patago ngunit hindi naman talaga sila nagtatago. Pang ilang kaso na ba ng droga ang naaktuhan ng team ko? Tsk. Di kumulang, di mabilang. Ganyan talaga ako kagaling dahil mata ko ang buwan tuwing sasapit ang gabi. "Officer, natatanaw ko na sila. Mag ingat tayo," bulong naman niya sa akin habang nakatanaw sa dalawang grupong naghahari-harian sa kalsada. "Itago mo ang baril mo at hilahin mo si Michael papunta sa sasakyan. Dating gawi, Officer Hans," saad ko pa bago inihagis sa kaniya ang aking susi na agad naman niyang nasalo. Mabilis akong nakarating sa likod ni Michael na ikina-bigla naman niya kaya naman mabilis kong tinakpan ang kaniyang bibig na pwedeng maging dahilan ng pagkasira ng plano, kahit pa wala naman talaga niyon. Isinenyas ko naman siya kay Officer Hans na ikinakalma naman niya. Isinuot ko ang paborito kong puting cap na may burdang wifi sa gitna nuon habang naghahandang sumulpot sa pagitan nila. This is my favorite cap although I can't wear this everytime. Lumingon muna ako sa aking likuran, tinatanaw kung nakalayo na ba sila sa aking kinatatayuan. Nang hindi ko na sila makita ay naghanda na ako upang ipain ang sarili sa kanila. Hobby ko na yata ang makipaglaro habang nanonood ang buwan at bituin sa amin. Pagkalabas ko naman ay agad silang na alerto ngunit itinaas ko ang aking dalawang kamay upang ipaunawa sa kanila na isang pagsuko iyon. “Sino ka?!" galit na sabi naman ng isang matabang lalake sa tabi ng amo nito na animong pinoprotektahan ang isa pa adik. 'At hindi lang iyon dahil may hawak ka pa talagang baril ah?' Nakatungo pa rin ako habang papalapit sa kanilang gawi. Hangad kong maging mabuti sila sa susunod na buhay. "Magsalita ka! Kung ayaw mong iputok ko ito sa iyo!" Baket may dala silang armalite sa ganitong katahimik na lugar? Nagpapatawa ba sila? Hays naku ang mga bata nga namang ito. Tsk. Tsk. "Ako si alyas Kul." seryosong pagkakabanggit ko ngunit sa aking isipan ay tumatawa na ako. "At anong kailangan mo?!" Muli pang pag uusisa nito sa akin. Napaangat naman ako ng tingin sa kanilang gawi na muli nilang iki-na alerto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD