PROLOGUE

1370 Words
Para siyang nanalo ng mega-jackpot nang makatabi sa bus ang kanyang crush na si Jether Macaraeg. Huling semester na nila sa kursong Accountancy kaya naisipan ng kanilang grupo na mag-outing ng dalawang araw sa Moalboal. Bawat isa ay may dalang tent na siyang gagamitin nila sa gabi. “Mabuti naman at pinayagan ka ng parents mo na sumama,” sabi niya sa kanyang katabi. “Bakit naman hindi? Wala naman silang dapat katakutan kasi puro tayo lalaki sa grupo,” sumagot si Jether. “Eh, ang mga kuya mo, hindi ka na nila pinigilan? Syempre, ikaw ang baby dun sa inyo.” Dagdag pa ni niya. “Busy silang lahat, at walang pake kung saan man ako magpunta. Teka, lumipat ka na ba ng gym?” May-ari ng gym ang kanyang ama sa kanilang lugar, at dahil malapit lang ito sa unibersidad na pinasukan nila ni Jether, nagpa-member doon ang kanyang kaklase. Pero nitong mga huling araw ay hindi niya ito nakita. “Hindi naman. Busy lang talaga ako lately kaya hindi muna makapag-gym,” sabi ni Jether. Dati na silang magkaklase ni Jether, simula kinder hanggang college, kaya kilalang-kilala na niya ito. “Girl problem?” Tinanong niya ito, ngunit habang nanahimik si Jether at hindi pa sumagot, nanalangin siya na sana ay mali ang kanyang kutob. “Oo eh. Kilala mo ba si Caitlyn?” “Caitlyn Tumulak? Syempre naman, at sa tingin ko ay kilala din siya ng lahat.” Sikat si Caitlyn sa kanilang campus dahil sa angkin nitong talino at ganda. Sabi nga ng SM, they go it all. Iyon si Caitlyn, maganda, matalino at mayaman! “Gusto ko siya,” pahayag ni Jether. Tatlong salita, ngunit pakiramdam ni Chad ay parang binuhusan ng asido ang kanyang puso. Anong laban niya sa isang Caitlyn Tumulak? Maliban sa hindi niya kayang aminin na isa siyang bading, mas macho pa nga yata siya kay Jether eh. Kung abs at muscles ang pag-uusapan, mas lamang siya kaysa sa kanyang crush! “Ano’ng problema dun? Ligawan mo na,” suhestiyon niya. “Sana ganun lang kadali, pare.” Madamdaming sagot ni Jether habang nakatingala sa kanilang dinaanan. “Ngayon lang kita nakitang ganyan, may nobyo na ba si Caitlyn?” Wala siyang maisip na dahilan kung bakit parang binagsakan ng mundo si Jether. Dati naman ay wala itong problema pagdating sa panliligaw. Tinagurian itong fuckboy ng kanilang klase, at totoo ‘yon! “Wala pa siyang nobyo,” sumagot si Jether. “Wala naman pala, eh! Ligawan mo na,” dagdag pa ni Chad kahit na nasaktan na siya sa kanyang mga sinabi. “Walang nobyo, pero nobya, meron!” “Susmaryosep! Totoo ba ‘yan? Tomboy siya?” Hindi siya makapaniwala na kapwa rin babae ang gusto ni Caitlyn. “Straight si Caitlyn, yong kapatid ko ang hindi.” Pahayag ni Jether na animo gustong suntukin ang bintana ng bus. “Karibal mo ang iyong kapatid? Bago yan, Jet.” Natawa niyang sabi kay Jether. Naintindihan na ni Chad kung bakit problemado ito dahil alam niyang mahal na mahal ni Jether ang kapatid nitong babae. Napatiimbagang si Jether habang pinakinggan ang malutong na halakhak ni Chad Hidalgo. “Sige, pagtawanan mo pa ako, at baka makatikim ka na sa akin!” Wee di nga? Gustong sabihin ni Chad kay Jether na hindi siya magrereklamo kung saka-sakali man, kaya lang, wala kasi itong ideya kung ano ba talaga siya. Matagumpay siyang itinago ang kanyang tunay na pagkatao sa loob ng dalawangpung taon, at wala siyang balak na baguhin ‘yon! “Talaga? Paano?” “Makakatikim ng suntok!” Tumikhim si Chad sa kanyang kinaupuan bago nag-behave. Ang sakit kayang masuntok, at kahit na maskulado rin ang kanyang katawan, doble kasi ang mararamdaman niyang sakit kapag gagawin ‘yon ni Jether sa kanya. “Suntok agad?” Nagtanong siya, ngunit hindi na siya sinagot ng lalaki. Paglingon niya dito ay naka-headset na ito. Ginaya ni Chad si Jether at kinuha rin ang headset na nasa kanyang bag. Mahilig siya sa music ng Linkin Park kaya ‘yon ang palagi niyang pinakikinggan kapag nasa biyahe siya. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Pagbaba nila ay unang napansin ni Chad ang lumang simbahan. “Picture muna tayo sa harap ng simbahan,” sabi niya sa kanyang mga kasamahan at hindi naman siya nahirapang kumbinsehin ang mga ito. Pagkatapos ng kanilang picture-taking, tumuloy sila sa may palengke at bumili ng isdang iihawin para sa kanilang tanghalian. Dahil limited lang ang perang kanilang dala, lahat sila ay may baon na pagkaon, yong hindi mapapanis kaagad. Pero syempre, gusto rin nilang mag-ihaw-ihaw kapag nasa beach na sila. Tig-singkwenta pesos ang kanilang ambag at dahil bente silang lahat, umabot ng isang libo ang nakolekta niyang pera. “Magkano itong anduhaw, manang?” Tinanong niya ang tindera nang makita niyang inilabas nito mula sa isang ice bucket ang mga preskong isda. “One hundred forty lang, iho. Ilang kilo ba ang gusto mo?” “Hindi ko pa alam, eh. Ilang piraso po ang nasa isang kilo?” Gusto niya sana na tig-isa sila ng isda kapag luto na ito pero kung sakali na hindi kasya, hati-hati na lang. “Nasa lima o anim na piraso bawat kilo,” sabi ng tinder matapos nitong timbangin ang isda. “Apat na kilo po,” mabilis siyang sumagot, at pagkatapos ay humirit pa siya ng diskwento kahit maliit lang. Pagkatapos bumili ng isda ay inutusan niya ang isang kaklase na maghanap ng uling. Hindi uso sa kanila ang bumili ng sibuya para ipasok sa tiyan ng isda dahil kapos sila sa budget. Yong para sa sawsawan lang ang pinabili niya. “Jet, may natira pa tayong pera, gusto mo ibili natin ng porkchop? Masarap ihawin ‘yon,” sabi niya sa lalaki. “Ewan ko, tanungin mo sila.” Wala sa mood na sumagot si Jether, dahil sa totoo lang ay wala naman siyang ganang kumain. Pagkatapos niyang mahuli sina Caitlyn at Pasha na naghalikan, ilang araw na siyang walang ganang kumain! “Sorry Chad ha, nadamay ka pa tuloy sa inis ko. Gusto nyo raw ba ng porkcho? May pera pa daw,” sumigaw siya upang marinig ng lahat, at muling humingi ng paumanhin sa kanyang kaibigan. Pagdating nila sa beach, bihira lang ang mga taong naligo dahil weekdays naman. Kumuha sila ng open cottage kung saan nila inilagay ang kanilang mga gamit at dalang pagkain. Sa harap ng open cottage na gawa sa nipa at kawayan, nagtulungan ang ilang sa mga kaklase niya na gumawa ng apoy. Tapos na ang kanyang assignment kanina doon sa palengke kaya mala-donya na lang siyang naupo habang palihim na kinunan ng larawan si Jether. Kumain muna silang lahat bago nagpalit ng boardshorts at nagtampisaw sa tubig. Picture dito, picture doon, ngunit higit sa lahat, nabusog ang kanyang mga mata sa mga magagandang katawan ng kanyang mga kasamahan. Kung pwede lang sana niyang landiin ang bawat isa sa kanila ay kanina pa niya ginawa. “Tama na ang picture-taking Chad, halika na dito.” Tinawag ni Jether ang lalaki. Siya lang ba ang may malisyosong isipan? Pakiramdam niya kasi ay sobrang sweet ni Chad sa kanya simula nang dumating sila sa beach. Hindi siya reklamador, kaya lang, kung magpapatuloy ito sa pagiging maasikaso, baka tuluyan na siyang mainlab sa lalaki. Pagsapit ng hapon, tinulungan rin siya ni Jether sa pag set-up ng kanyang tent. Magkatabi ang kanilang mga tent at sapat na ‘yon para kay Chad. Pagkatapos nilang maghapunan, nasorpresa siya ginawa ng mga kaklase. Nagbaon pala sila ng alak! “May balak ba kayong maglasing ngayong gabi?” Nagtanong siya pagkatapos bilangin kung ilang bote ng Emperador Brandy ang nasa harapan nila. “Minsan lang naman, Chad.” Si Jether ang sumagot. “Sabagay. Paano ‘yan? Wala akong dala, hindi ko naman kasi alam ang tungkol dyan.” Sabi niya. “Okay lang, sige na maupo ka na.” Walang damit na pang-itaas si Jether at nang maupo siya sa tabi nito ay aksidente niyang nasagi ang braso nito at muntik na siyang mapaso. OA lang talaga siya, ano? Nagsimula sa isang shot, hanggang sa hindi na niya mabilang kung ilang shots ang nainum niya. Mga bandang alas nuybe ng gabi nang magpaalam siya na mauna ng matulog dahil para na siyang mahimatay sa kalasingan. Pagpasok niya sa kanyang tent, kaagad na siyang nahiga at ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay umikot ang mundo ngunit hindi na niya kayang bumangon pa. Hindi alam ni Chad kung anong oras ‘yon pero naramdaman niyang may pumasok sa loob ng kanyang tent at tumabi sa kanya. Gusto niya sanang sumigaw ngunit nang maamoy niya ang pamilyar na pabango ni Jether,nagpanggap siyang tulog. Kaya lang, paano niya mapanindigan ang pagtulog-tulugan gayung bigla na lang siyang niyakap ni Jether at ikiniskis nito sa kanyang likuran ang matigas nitong p*********i?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD