Prologue (ALICE)

474 Words
I’m Alice Villanueva, 25 years old. Isa ako sa anak ng isang richest family in Philippines. Ako rin ay isa sa magiging tagapagmana ng Villanueva Corporation. Dati ay isa akong mahiyain na bata noong college ngunit malaki na ang ipinagbago ko sa nakalipas na pitong taon dahil kailangan kong maging isang successful woman in the future at ipakita kay dad na nararapat ako bilang tagapagmana. May kaibigan akong si Karen Santos na umibig sa isang mayaman na si Ethan Sandoval. Nakakainggit ang kanilang love story. May manliligaw siya noong college kami, siya naman si Dexter Hermosa na kaibigan ni Ethan. He was rejected by my friend kaya naman kailangan kong gumawa ng paraan para ma-in love siya sa ‘kin. Although nagpaparamdam na ako sa kan’ya noon kaso ‘di niya pa rin ako pinapansin. Hinahanggan ko siya noon pa man dahil nakikita ko siya minsan sa party ng kompanya kasama ang mga magulang niya na kasosyo ng Villanueva Corporation at close ang family namin. Kami lang ang hindi close at pinapansin niya naman ako paminsan-minsan kapag no choice na siya. Maganda naman ako, sexy, matino rin akong babae pero parang ma-fi-friend zone din yata ako sa kan’ya. Naalala ko pa noong inaya kami ni Karen at Ethan sa isang amusement park. Ayaw niya pa noon na sumama pero pinilit ko lang siya. May pagka-kill joy din talaga ‘tong lalaki na ‘to minsan. Pero hindi ko makalimutan ang niyakap niya ako habang nasa loob kami ng isang haunted house. Paano ay muntikan na akong madapa dahil sa taranta at takot. Plano na namin nila Karen at Ethan ang i-partner kaming dalawa ni Dexter. Nakatatawa lang dahil para akong desperada sa ginagawa ko. Pero ang nangyari sa loob ng haunted house noon ay ‘di ko sinadya. Parating nagpa-flashback sa utak ko ang pagkayakap niya sa akin dahil ang bango-bango niya. S’yempre gustong-gusto ko rin iyon at ‘di ko lang pinahahalata. Ang nakalulungkot ay kinakausap lang ako ni Dexter kapag tungkol kay Karen. Pakiramdam ko ay ayaw sa ‘kin ni Dexter. Mabait siya at ‘yon ang nagustuhan ko sa kaniya bukod sa maganda niyang mga ngiti at ang mata niyang nakakaakit. Naiinggit talaga ako kay Karen dahil nag-propose na sa si Ethan sa kan’ya. Sana all gusto ng parents. Gusto rin naman ako ng parents ni Dexter pero ang anak nila ay walang gusto sa ‘kin at iyon ang masakit na katotohanan. Hanggang pangarap na lang na balang-araw ay sa ‘kin naman mag-propose si Dexter. Dahil doon ay nasaktan si Dexter at ito na ang pagkakataon kong ipaalam at iparamdam sa kan’ya ang tunay kong nararamdaman. Handa akong magpakatanga sa kan’ya kahit hindi niya ako pansinin. Kahit ang pagtalon pa yata sa building ay gagawin ko mapansin niya lang ako. Nakatatawa mang pakinggan ngunit ito ang tadhana ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD