Prologue

1961 Words
          Habang naglalakad sa hallway ng eswkelahang aking pinapasukan, hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon ay tila celebrity pa rin ang tingin nila sa akin. Even if I'm not.               I really just want it to stop.               “Hi, Princess Phoebri”               “Ang ganda ganda mo talaga”               “I like your bag today”               “I wish to be perfect as you.”               Binigyan ko lang sila ng ngiti, ngiti na magbibigay ng sagot sa bawat pagbati nila pero hindi ko mapigilan na huminto sa batang babaeng pumukaw sa aking atensyon. Ang batang babaeng hiniling na maging katulad ko.               Ngumiti muna ako sakanya bago nagsalita.               "Anong pangalan mo?" tanong ko.               Maganda siya at hindi maitatanggi na galing siya sa marangyang pamilya.               Tila nabiglang ekspresyon pa ang kanyang ibinigay nang kausapin ko siya, nanginginig at hindi             makapagsalita. I tapped her shoulder. Masyado siyang nate-tensyon sa ipinapakita niya.               I'm not that kind of girl na mananakit kapag kakausapin.               "Don't be scared. I'm just asking your name." Nakangiti at tila may halong kaba kong wika.               Nakakatakot ba ako?               "I-I’m not. I'm just happy that you've noticed me." Kinakabahan at hindi mailabas ang gustong sabihin.               She's cute. Para siyang manika na may mapupulang pisngi.               "You're so cute." Pinisil ko pa ang pisngi niya, medyo may katabaan siya pero hindi nito tinatago na may maganda siyang mukha.               "T-Thank you," nauutal pa rin siya.               Pero mukhang nakukuha na niya ang gusto kong mangyari, na wag siyang mahiya kapag kaharap ko.               "So, anong pangalan ng cute na batang kaharap ko?" Muli akong ngumiti, medyo nakakangawit din pa lang ngumiti.               "Ayesha po, your number one fan." Lumabas ang malaki niyang pisngi sa pag-ngiti.               Omg!               She's so adorable.               "Nice to meet you, Ayesha." Kumaway ako sa kanya, kumaway rin siya bilang sagot. "Gusto ko pa sanang makipag-usap ng matagal ngunit may klase pa ako. Maaari na ba akong mauna sayo? Don't worry mag-uusap ulit tayo," paumanhin ko.               "Okay lang po, Ate Phoebri, bye-bye po." She waved her hand to say goodbye.               "See you around, Ayesha." I waved my hand too.               I like her; she's cute and charming.               Male-late na nga ako kaya nagmadali na akong nagtungo sa main building ng Piarra Academy.               Nakakahiya man na sabihin pero pamilya ko ang nagmamay-ari ng eskwelahang ito. It's our property, and it is exclusively for girls only.               Dahil sa nag-iisa akong babae sa aming magkakapatid kaya sa'kin siya ipinangalan. At dahil na rin sa pag-iingat nila sa’kin ginawa na rin siyang 'All Girls School'. Wala rin naman akong magagawa kun’di sumunod sa lahat ng gusto nila, kahit na hindi ko talaga gusto na manatili sa eskwelahang ito.               Nakarating ako ng classroom na hindi gumagawa ng kahit anong ingay sa bawat dinadaanan ko. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi sila magambala sa pakikinig sa Teacher nila.             Dahil ako si Piarra, si Piarra na kina-iinggitan nila kaya madali kong nakukuha ang atensyon nila.               "Sorry, Ma'am, I'm late." Tama ang narinig niyo, isang Piarra nalalate.               Hindi ka tunay na estudyante kung hindi mo mararansan na ma-late sa klase.               "Please be seated, Ms. Maniego, but next time that you've to arrive don't expect me to tolerate the excuse na anak ka ng may-ari ng school na 'to." Naupo ako sa upuan ko tsaka naglabas ng libro.               Sa unang pagkakataon napagalitan ako sa harap ng maraming tao.               Hindi ko naman ininda ang nangyari sa halip nakinig na lang ako at gumawa ng mga ipinapagawa niya. Hindi naman ako nagtatanim ng kahit anong galit sa kapwa ko, pero kung nakakasakit ka na ng damdamin ng iba. Don't expect me to be at your side, dahil iba ako kung magalit.               Natapos ang unang klase ko na marami akong natutunan. Hindi naman gan’on kahirap pag-aralan ang Physics kung makikinig ka at iintindihin ang bawat pinag-aaralan mo.               Nagtungo ako sa Cafeteria.               Nag-order ako ng isang slice ng Black Forest Cake at isang Milkshake, self-service kaya andito pa ako sa cashier para maghintay.               "Magandang umaga po," bati sa’kin ng isa sa nagta-trabaho sa Cafeteria.               "Magandang umaga rin po," paggalang kong sagot.               Mababait at totoong maaasahan ang mga staff ng Academy, kaya hindi ka makakarinig ng kahit anong reklamo sa bawat magulang at estudyante dito.               Matapos kong makuha ang order ko sa tabi ng glass wall ako umupo. Paborito kong puwesto ang lugar na 'to, nakikita ko lahat ng estudyante na busy sa kanya-kanya nilang gawain. Masarap makita na masaya sila sa Academy na pinili nila.               "P-Phoebri M-Maniego."               Unti unti kong inangat ang ulo ko upang makita kung sino ang tumawag sa’kin. Isang babae na may malaking salamin at may bakal sa ngipin, Nerd.               "Bakit? May kailangan ka ba?" mahinahon kong wika               "Pwe-pwede... pwede ba.... maki-share? W-wala na-nang....--"                         I cut her off, bakit lagi na lang sila nauutal tuwing kinaka-usap ako. Hindi naman ako mamamatay tao.               "Go on, take your seat. Wala naman akong kasama."               Mabilis mapuno ang Cafeteria pagganitong oras. Yung iba kasi hindi pa kumakain ng umagahan at mas pinipili na dito na lang kumain. Lumingon-lingon ako, ako lang ang walang katabi o kasama sa mesa kaya kahit takot na takot siya dito pa rin siya tumabi sa’kin.               "Wag kang mahiya. Kain ka lang." Naka-ngiti kong wika.               "Salamat." Yumuko pa siya habang sinasabi 'yon.               Hindi ko alam kung bakit gan’on na lang kung matakot sila sa’kin, wala naman akong masamang ginagawa. Sa totoo lang matagal ko na rin napapansin ang paglayo nila sa akin.               Kumain kami nang tahimik.               Awkward               Ang tihimik niya at hindi kumukibo. Kaya pinutol ko na lang ang tensyon sa pagitan naming dalawa.               "Anong pangalan mo? At saka anong year ka na?" tanong ko.               Minsan lang ako magkaroon ng kausap tuwing break time. Hindi naman sa lonely ako, wala lang talaga silang lakas ng loob na kausapin ako. Minsan ako pa ang gumagawa ng move para maka-usap ko ang katabi ko sa klase o sa library, dahil lahat daw sila nahihiya sa’kin.               "Chelseah Dizon po, at saka kaklase niyo po ako sa lahat ng subject."               What the!?               Hindi ko alam, Sorry.               Sasagot na sana ako para humingi ng paumanhin pero pinigilan niya ako. Nakakahiya.               "No, ayos lang po. Hindi ko naman po hiniling na makilala niyo ako. Masaya na po ako na nakasabay ko kayo sa pagkain at nakausap. I'm thankful na po for this." Nakangiti at kitang kita sa ekspresyon na natupad na ang matagal na niyang pinapangarap.               Gan’on na ba ako kataas para abutin nila? Hindi naman ako gan’on ka galing sa klase at wala rin naman akong talento para hangaan nila.               Ano ba ang meron ako?               "Bakit ganyan na lang kung katakutan niyo ako? Hindi naman ako nananakit, mas lalong hindi ako nangangain o nangangagat. Pero kung matakot kayo parang ikamamatay niyo na sa puso." Curious lang ako, hindi naman masama na magtanong pa-minsan-minsan.               Tumingin muna siya ng seryoso sa’kin at nag-isip ng mas magandang isasagot sa tanong ko. Huminga muna siya ng malalim at saka sumagot.               "Dahil ikaw po si Piarra Brittany Maniego?" simple at walang emosyon niyang sagot.               Hanggang sa paghihintay ng oras ng hapunan, iniisip ko pa rin kung anong problema nila sa aking pangalan. Naka-tingin sa puting kisame at tila nag-iisip na parang wala ng bukas.               Simula noon pa lang wala ng nagtatangka na kaibiganin ang isang Piarra Brittany Maniego, kung magkakaroon man hindi naman tumatagal. Hanggang pag-uusap lang at tanungan ng pangalan ang kalalabasan. Kahit sa Piarra Academy, mailap sa’kin ang lahat. Mailap na parang mayroon akong nakakahawang sakit na nakakatakot kung lalapitan ko sila at kakausapin.               Dahil ako nga daw si Piarra Brittany Alonzo-Maniego.               "Ate, sunod ka na sa baba kakain na tayo," sigaw mula sa labas. Si Frollo 'yon ang nakababata kong kapatid.               "Sandali lang, hintayin mo na rin ako." Dali dali akong nagtungo sa banyo at naghilamos.               Mahahalata nila na galing ako sa malalim na pag-iisip, ayokong ma-intriga habang kumakain.               Lumabas na rin ako at sumabay sa pagbaba kay Frollo. Naka-akbay siya sakin, inaamin ko mas matangkad siya sa’kin. Ayos lang sa akin dahil lalaki naman siya kaya normal lang na mas mataas siya kaysa sa’kin.               "Ate, hindi ba boring sa Academy? Parang nakakasawa ata na lagi mong nakikita araw-araw ay hindi nagbabago."               Pasalamat nga sila at walang all boys na school ang Maniego, ewan ko na lang kung hindi sila mabagot araw-araw. Kaya sana ‘wag nila akong kinakaawaan.               Ginulo ko ang buhok niya, na siya namang ikinagalit niya. Natawa na lang ako, sobrang arte niya pag-dating sa buhok niya, binata na talaga siya.               "Ate, ano? Boring ba?" muli niyang tanong.               Napaisip naman ako.               "Boring minsan pero masaya kasi walang boys na nakakasawa nang makita," pagbibiro ko.               Sinamaan niya lang ako ng tingin at saka sumabay na rin sa pagtawa. Alam niya ang ibig kong sabihin.               Ikaw na ang magkaroon ng apat na lalaking kapatid.               Pagbaba namin bigla siyang tumingin sa’kin. "Bakit hindi ka na lang lumipat sa Montgomery University? Para sama-sama tayo, di ba mas masaya yun." Komento niya na may malapad na ngiti.               Nagkibit-balikat na lang ako at saka siya hinila papuntang dining room.               "Lipat ka na," pangungulit pa niya. Kung pwede lang sana bakit hindi.               Naupo na ako sa nakalaang upuan para sa'kin, sa tabi ni Tyrone. Nasa tapat ko naman si kuya Claude na ang katabi ay si Frollo. Wala naman si daddy at mama, nasa out of town. Si kuya Apollo naman wala pa, nasa opisina pa siguro.               "Anong lilipat?" Kalmado pero may awtoridad na tanong ni Kuya Claude.               "Si Ate Pi—" hindi ko na pinatapos si Frollo, tiyak na hindi matatapos ang issue na ‘yan.               "Wala yun, Kuya. Wala lang masabi ‘yan si Frollo," palusot ko. Sana lumusot nga.               Nakaramdam naman ako na may sumisiko sa’kin sa tagiliran. Tumingin ako sa tabi ko, Tyrone.               Tumingin lang ako na may 'What-Look'               "Usap tayo mamaya," aniya. Mahina at tiyak na kami lang ang nagkaka-intindihan.               Pa-simple akong tumango para hindi mahalata ni Kuya Claude. Hindi na rin naman nagtanong pa si Kuya Claude. Naging tahimik lang ang aming hapunan. Walang nagsasalita at walang magtatangka na magsalita.               Sa Academy walang maka-usap, sa bahay naman may limitasyon. Bawal maingay kapag andiyan si Kuya Claude, bawal din ang magulo. Sobrang higpit ng mundo ko.               "Pagkatapos niyong kumain matulog na kayo, maaga pa ang pasok natin bukas." Iniwan na niya kami sa hapagkainan, ang bilis niya talagang kumain.               Sinigurado muna namin na naka-akyat na siya bago kami nag-usap. Bawal mag-usap sa harap ng hapagkainan, yan ang paalala samin ni Daddy. Importante man 'yan o hindi.               Tapos na naman kaming kumain, kailangan lang namin ng privacy para mag-usap.               "Narinig ko ang usapan niyo ni Frollo," seryosong utas ni Tyrone.               Minsan lang siya magseryoso sa lahat ng pagkakataon. For sure, hindi biro ang magiging usapan namin.               "May problema ba, Kuya Ty?" nagtatakang tanong ni Frollo.               Kahit ako hindi makapaniwala sa inaasta niya. Kung hindi naman siya papayag puwede naman niyang sabihin bakit kailangan niya pang idaan sa seryosong usapan.               "Wag niyo nang tangkain pang pag-usapan ang bagay na 'yan. Hindi magiging maganda ang kalalabasan kung ipagpapatuloy niyo pa. Tumahimik na lang kayo kung maaari,” he said.               Hindi naman sa natatakot ako sa pamilya ko, pero mas lalong may kaba kung sa kanya 'yon             nanggaling. Ang laging masaya at palabirong tao magseseryoso sa isang maliit na bagay.               "Kuya, dahil ba yun sa—"               "Matulog na kayo," isang napaka-lamig na boses mula sa likuran.               Kita sa ekspresyon ni Frollo ang takot. Kaagad rin akong tumahimik. Kuya Claude is here.               Agad kaming tumayo at nagtungo sa kanya-kanyang silid. Mahirap na kung magpupumilit na naman ako sa aking gusto.               Napa-isip ako habang nakatingin sa kisame ng aking silid.               My life isn't really mine. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD