Chapter- 1

2321 Words
Dahil sa pagka-delay ng flight ay halos alas diyes na ng gabi siya nakalabas ng Domestic Airport. Kung bakit naman mas pinili pa niyang maiwan kumpara sa kaniyang kakambal. Parang sinasadya naman ang pagkakataon at kailangang isa sa kanila ang maiwan. Malaki ang hakbang na tinungo ang exit ng arrival area. Isang katamtamang laki ng bag ang kaniyang dala na naglalaman ng mga importanteng papeles. Nang makalabas ng parking area ay agad na nakita niya ang kaniyang driver bodyguard na nakatayo at naghihintay sa kaniya. "Boss saan kita ihahatid?" "Sa penthouse na lang muna dahil maaga ang alis natin bukas." "Copy boss." Halos kalahating oras na ang kanilang na tatakbo nang muntik na silang masubsob nang biglang apak ng preno ang kaniyang driver bodyguard. "Jun!" "Boss ayos ka lang ba?" "Okay naman ako muntik lang mabukolan, bakit ba bigla ang tapak mo?" "Sandali lang boss may aalamin lang ako, dito ka lang." Nang itabi ang sasakyan ay nagmamadaling bumaba. Sigurado siya na tao ang kaniyang nabangga. Lalapitan sana ito ng may magsalita sa likoran niya. "Don't touch!" "B-boss?" Ngunit ang hindi nila napaghandaan ay isa pala iyong trap. Mabilis ang pangyayari at dalawang sasakyan ang mabilis na huminto sa likuran nila. Na-corner silang dalawa, ngunit isa siyang Montemayor at mas pipiliin pang mamatay ng lumaban. Hindi siya papayag na basta lang dalhin ng mga armadong lalaki, pati ang kaniyang driver bodyguard. "Ngayon mo ipakita ang tapang mo, Atty. Vince Montemayor!" Ngunit hindi siya sumagot at magkatalikuran nilang hinarap ang dulo ng mga baril. Palihim siyang sininyasan ng kaniyang driver bodyguard. Alam niya na kamatayan ang naghihintay sa kanilang dalawa. Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at dahil may kadiliman ang lugar. Hindi niya masyadong makita ang kaniyang bodyguard at mga kalaban, isa na lang ang nasa isip ni Vince walang iba kundi ang kaniyang pamilya. Lumipas ang ilang minuto ng may isang sasakyan ang parating sa kinaroroonan nila. Halos manlabo na ang kaniyang paningin dahil sa tinamo na tama ng baril. Isang putok pa at tuluyan nang nagdilim ang lahat. Ilang araw na ang lumipas at walang makakapagsabi kung nasaan si Atty. Vince Montemayor at ang driver bodyguard nitong si Jun. Nagkakagulo na ang buong angkan Montemayor lalo na ang mag asawang Lath at Nadine. "Uncle bigyan mo ako ng tatlong araw…." "No! 24 hours is enough Josh, gawin mo ang lahat mabalik lang ang aking anak, patay man o b-buhay." "Y-yes po tito." Ngayon lang nakita ni Josh na umiyak ang kaniyang tito Lath at isang pangako ang kaniyang binitiwan. Pina kilos na ni Josh ang lahat ng magaling niyang tauhan mahanap lang ang pinsan. Samantala ay malalim ang iniisip ni Andrea habang nakatitig sa lalaking hanggang ngayon ay wala paring malay. Familiar sa kaniya ang mukha nito, sigurado siyang nakita na niya ito dati pa. "Ate anong plano mo sa lalaking yan?" "Wala! Narinig mo naman siguro ang pakiusap ng lalaking kasama niya." "Hindi ba dapat ay i-report na natin iyan sa mga pulis?" Napaisip siya sa sinabi ng nakababatang kapatid. Baka nga madamay pa sila kung magtatagal pa ito sa puder nila. Ngunit kahit magising pa ito sa sitwasyon nito ay sigurado siyang hindi pa ito makakabangon. May dalawang tama ng bala sa magkaibang parte ng katawan. May malaking pasa din sa likuran na sa tingin niya ay gawa ng matigas na bagay. Mabuti na lamang at hindi tinamaan ang puso nito kundi patay sana ito. "Hintayin na lang muna nating magising saka ko kakausapin. Kumusta pala ang kasama niya?" "Iyon pa nga ang gusto ko sanang sabihin sayo ate. Kanina ng puntahan ko sa hospital ay kahapon pa raw na discharged. Tinanong ko din sa information ang buong pangalan ngunit confidential daw." Nang biglang maalala ang kotse ng lalaki ay nagmamadaling lumabas ng bahay. "Saan ka pupunta ate at nagmamadali ma yata?" "Peter iyong sasakyan ay ipinalinis muna?" "P-pasensya na ate…" "Bakit anong ginawa mo doon sa kotse?" "Wala ah! K-kanina ko lang dinala sa talyer ate, pasensya na nakalimutan ko." "Saang talyer mo dinala?" "Doon sa tropa ko, bakit ate may problema ba?" "Iyong car key nasaan?" "Syempre naroon sa may ari ng talyer, paano linisin ang loob ng sasakyan kung hindi ko iiwan doon?" "Ano?" Sabay talikod at malalaki ang hakbang na iniwan ang kapatid. Inilagay sa kaniyang likod ang backpack niya at nagmamadaling umalis. Sa talyer ay nadatnan niya ang sasakyang nakabukas at malinis na ang loob. "Nasaan ang mga gamit na nariyan sa loob?" "Bakit nasa inyo ang sasakyang ito Miss. Masungit? Este Andrea pala." sa halip ay balik tanong sa kaniya ng may-ari ng talyer. "Kung ganon ay ibigay mo sa akin lahat ng inilabas nyo na gamit diyan sa kotse!" "Ganon? Ang sabi ng kapatid mo ay hindi ninyo kilala ang may ari ng kotseng ito?" "Ano naman ngayon?" "Follow me!" "Nasaan si Atty. Vince Nhads Montemayor?" "Bakit mo hinahanap?" "Talagang nagtatanong ka pa! Huwag kang mag kunwaring hindi mo alam! Nasaan ang lalaking 'yan?" Napapaisip siya kung bakit interesado ang may ari ng talyer na ito sa owner ng kotseng iyon. "Hindi ko kilala ang sinasabi mong Atty na yon! Teka nga muna bakit mo sa akin hinahanap at anong kinalaman ng mga gamit sa taong iyon?" "Akala ko matalino ka!" Sasagot na sana siya sa inis ngunit nag ring ang mobile phone nito. "Sandali lang at may tawag ako, huwag kang umalis may pag uusapan tayo." Mabilis umikot ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng maliit na silid. Isang katamtamang laki ng bag ang namataan niya sa may gilid. Sumilip muna siya sa siwang ng bintana. Nang makitang busy ang lalaki sa kausap ay nilapitan agad ang bag. Mabuti at wala iyong lock, kinuha niya ang lahat ng laman at inilipat sa kaniyang backpack. Hindi naman mahahalata na wala ng laman iyon dahil matigas ang tela ng bag. Agad na bumalik sa dating kinauupuan at hinihintay ang pagbabalik ng lalaki. Nang maramdaman ang yabang sa labas ay nagkunwaring busy sa pagpindott ng sariling mobile phone. "Pag usapan natin ito Adrea at wala na tayong oras." "Ano ba ang gusto mong sabihin at nang makaalis na ako!" "Kahit kailan lagi kang nagmamadali, ganito makinig ka.Ang may ari ng kotseng iyan ay si Atty. Vince Nhadz Montemayor. At malaking pera ang r-reward kung ituturo natin kung nasaan siya." Kinabahan siya ng tumayo ito at biglang kinuha ang bag. "Isa pa ito sa kailangan nilang makuha kaya maki-cooperate ka at pangako hati tayo sa reward. Ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan si Atty." Mabilis na gumana ang kaniyang isipan sa mga possible na maaaring mangyari. At wala siyang tiwala sa lalaking kaharap. Isa pa hindi siya ang klase ng tao na nasisilaw sa pera. Kahit lumaki siya sa hirap ay maayos ang pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang magkapatid. "Magkano ba ang reward na matatanggap natin?" "Sabi ko na nga eh, pera ang makakapag pabuka ng bibig mo." "Isang milyong peso Andrea." "Ang liit naman pala, pero sige bigyan mo ako ng oras para makapag isip." "Bakit kailangang pag isipan mo pa ay pera na nga ito , ano ka ba naman Andrea!" Nagkunwaring palakad lakad habang nag iisip, ngunit ang totoo ay pasimpleng dinayal ang numero ng kapatid. Nang masiguro na nag ring iyon ay agad na kinansela niya ang tawag, at siguradong magri-return call ang kapatid. "Ano na Andrea!" Sasagot na sana siya ng mag ring na nga ang kaniyang mobile phone. "Hello sino po sila?” Sabay sulyap sa nakikinig na lalaki. "Ate nagising na siya kaya unuwi kana bilisan mo!" "Yes sir, sigurado po ako siya ang hinahanap ninyo. Paki ready po ang tatlong milyong piso, bukas ng umaga bago sumikat ang araw." Mabilis niyang ini off ang mobile phone at humarap sa lalaki. "Narinig mo naman siguro mas malaki ang offer ng kabila, ano deal?" "S-sige basta siguraduhin mong hahatian mo ako." "Walang problema, nasaan pala ang mga gamit ni Atty?" "Sa bagay na 'yan ay ako na ang magdadala, maigi na ang sigurado." "Ganoon ba? S-sige hintayin mo ang tawag ko ng 4Am at siguraduhin mo din na kumpleto ang gamit ni Atty. Baka imbis na pera na ay maging bato pa, huh!" "Huwag kang mag alala Andrea, pera ang mahalaga sa akin." "Sige pero mas maganda na lagyan natin ng lock ang bag para sigurado na wala kang gagawin sa laman niyan." Mabilis na inalis niya sa kaniyang backpack ang maliit na kandado at inilipat sa bag ni Atty. "Sige alis na ako, tapusin mo na iyang paglilinis sa sasakyan dahil pati iyan ay kasamang ihahatid natin." Hindi na niya hinintay ang sagot nito at nagmamadaling na siyang umalis. Habang sakay ng kaniyang karag karag na kotse ay gustong mangiti ni Andrea. Walang pakialam na pinaharurot pa niya sa kahabaan ng Pasay road ang pupugak pugak na makina nito. Pagkalipas ng halos isang oras na driving ay matiwasay siyang nakarating ng bahay. At swerte lang dahil hindi tumirik ang kaniyang pinakamamahal na kotse. Sinalubong siya ng kaniyang kapatid. "Saan ka ba nanggaling ate at ano ba ang mga pinagsasabi mo kanina sa phone?" Imbis na sagutin niya ito sa mga tanong ay tumuloy na siya sa loob ng bahay. "Kumusta ang pasyente at anong oras ba nagising?" "Pagka alis mo kanina ay nagising siya at ngayon ay nakatulog na yata." "Magpahinga ka na muna at mamaya ay mag review ka, ako na ang bahala sa lalaking iyon." Pumasok muna siya sa kaniyang kwarto at nag tuloy sa banyo, nanlalagkit siya sa alikabok at init sa labas. Matapos ang halos bente minutos ay lumabas at nagsuot lang ng komportableng damit. Namataan niya ang kaniyang backpack at binuhos ang lahat ng laman sa ibabaw ng kama. Isang envelope, mobile phone, wallet, calling cards at ibang personal na gamit. Nasulyapan niya ang isang usb at sinaksak niya iyon sa kaniyang laptop. Ngunit pag play ay nasindak siya sa laman ng video. Kitang kita ang walang awang pagpatay sa isang lalaki. Mabilis niyang hinugot ang usb at isinara ang laptop. Palakad lakad siya sa gilid ng bintana habang nag iisip ng dapat gawin. Hindi sinasadya ay namataan ang wallet at mabilis na dinampot iyon. Kinuha agad niya ang mga ID's doon at hinanap ang Contact person incase of emergency. Muntik nang nabitawan ang hawak sa kaka madaling mag-dial. Siguradong hindi magtatagal matatagpuan ang kinaroroonan ng lalaki at madadamay sila. Baka nga sa mga oras na ito ay papunta na sa lugar nila ang nagtangka sa buhay nito. Dalawang beses nag ring at nakahinga siya ng maluwag ng may sumagot sa kabilang linya. "Magandang gabi po sir, kailangan kung makausap si Mr. Lath Montemayor." Ilang minuto din silang nag usap bago niya ibinaba ang phone. Kagaya ng instruction ng kaniyang kausap sa phone ay ini-on niya ang kaniyang gps at pinuntahan ang lalaki. Sana lang ay gising na ito para makausap niya at ng masabi ang bilin ng ama nito. Ngunit nanatiling nakapikit ang lalaki kaya minabuti na bumalik sa kaniyang kwarto. Inilagay niya sa isang supot ang mga gamit ng lalaki. At ang usb ay inipit niya sa wallet nito saka ipinasok sa loob ng envelope. Kailangang siya mismo ang mag abot sa Ama nito. Palakad lakad siya at panay tingin sa orasan habang naghihintay. Nakarinig siya ng ugong ng sasakyan at chopper, siguradong ito na ang pamilya ng lalaki. Ilang minuto pa ang lumipas at katok sa pinto ang kaniyang narinig. Boses iyon ng nakababatang kapatid para ipaalam sa kaniya na may mga tao sa labas. Nagulat siya sa mga taong nakatayo sa harapan ng kanilang pintuan. Parang nasa taping lang sila sa itsura ng mga dumating. Pag ganito ang laging nakikita ay baka mawala siya sa tamang pag iisip. "Ms. Andrea Perez?" Sabay lahad ng ID sa harapan ng dalaga. "P-pasok po kayo sir" Ano ba ang nangyayari sa kaniya at tila nauutal siya? "Where is my son?" "Sumunod po kayo sa akin." Isang lumang kwarto ang binuksan niya at nagpasokan ang tatlong matatangkad na lalaki. "Kailan pa siya narito Ms. Andrea?" "Mag aapat na araw na po sir, pero kanina ng nasa labas ako ay nagising na raw po siya. Kaya lang bumalik uli sa pagtulog." "Maraming salamat sa pagtulong sa anak ko, tanggapin mo ito iha." "Naku! Sir wag na po, ayos lang po iyon nagkataon lang na napadaan kami kung saan nangyari krimen. At kahit kanino pong nangangailangan ng tulong ay gano’n din ang gagawin ko." "D-dad...." "Vince! Anak kumusta ang pakiramdam mo?" "A-ayos lang po." Nakatayo lang si Andrea sa gilid at hinayaan niya ang mga itong makapag usap. Hanggang pumasok ang dalawang lalaki na may dalang stretchers. Isinakay na ng mga ito ang lalaki at binuhat palabas ng bahay. "Sir, sandali lang po at may kukunin lang ako. Pakihintay po ang mga gamit ng anak ninyo at iyong kotse niya ay nasa talyer pa." Naiwan si Lath, at nasundan na lang niya ng tingin ang dalaga. Hindi naman nagtagal ay bumalik agad ito dala ang gamit ng anak. "Sir ahm, pakibigay po sa anak ninyo ang envelope na yan. Iyan po yata ang dahilan kung bakit nasa ganyang kalagayan ang anak nyo." Napahinto si Lath sa gagawing paglabas ng pinto at humarap sa dalaga. Naramdaman niyang hindi na safe ang lugar para dito at sa kapatid nito. "Hurry! Pack your things! Pati na ang kapatid mo, hindi na kayo ligtas sa lugar na ito. Ang kalaban ng anak ko ay isang malaking sindikato at sigurado na damay kayong dalawa." "Pero sir, hindi po maari nag aaral ang kapatid ko at ito na lang ang naiwan ng aming mga magulang." "Huwag mo iyong alalahanin iha at mananatiling nakatayo dito ang bahay ninyo. Pansamantala lang ito at pag natapos ang case ay malaya na kayong makakabalik dito. Kung kailangan mo ng trabaho ay nangangailangan ang company ng mga staff." Wala na siyang pagpilian pa kaya nagpatianod na lang sa alok ng ginoo. Tama ito nanganganib na nga ang buhay nilang magkapatid. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD