PATIKIM

170 Words
PAG-IBIG, pamilya, pangarap at ambisyon, mga kahinaan ng taong sinasamantala ng mapanlinlang at tusong kampon ng dimonyo. Kayamanan, kabataan, kagandahan, kahusayan at kasikatan, na siyang hinahangad ng mga tao ay iilan lamang sa nakahandang ipagkaloob ng lalaking may dilaw na mata. Si Domeng ang naunang biktima. Si Ismael at Josefina ang ikalawa. Hindi tutugot si Alister sa pagkuha ng mga kaluluwang dadalhin sa impyerno upang pahirapan at maging tagasunod ng kanyang Panginoong Lucifer! SI ADA. Isang anak na pinagkaitan ng pagmamahal ng sariling magulang. Mula pa sa pagkabata ay tinutukso at pinagtatawanan dahil sa hindi kaaya-ayang itsura na maging ang sariling ama ay hindi matanggap. Siya ay isang... kuba! Hanggang sa isa pang dagok sa kanyang katatagan ang dumating sa kanyang buhay na lalong magbibigay ng higit na pasakit at pagdurusa. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin? Hanggang kailan siya magtitiis? Ano ang gagawin niya upang mabago ang lahat? Ano ang magiging kaugnayan niya sa lalaking may dilaw na mata? Magawa kaya niyang takasan ang lagim ng ... BAKANTENG NITSO?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD