Prologue

1852 Words
××××× Prologue “Congratulations Bessy,” masayang yakap ang sumalubong sa akin pagkababa ko palang ng stage. Hawak hawak ang diploma ko na halos apata na taon kong pinangarap na mahawakan at sa wakas hawak-hawak ko na nga siya ngayon. Mahigpit at halos hindi ako makahinga sa yakap na binigay sa akin ni Jessy ang bestfriend ko online. Oo siya ang naging bestfriend ko online, at lately lang kami nagkita for real at ngayon nasa harapan ko ulit siya to support at i-congratulate ako para sa isang masayang pangyayari sa buhay ko ngayon. “Akala ko hindi ka makakapunta?” pagtataka ako kasi, hindi ko talaga inaasahan na pupunta siya ngayon dito dahil alam kong busy siya sa pagsusulat niya. Isa kasi siyang novel writer, at doon kami naging magkaibigan ni Jessy, dahil isa niya akong reader at simula noon ay naging fan na niya ako sa lahat ng mga kwentong ginagawa niya. Parang lahat ng mga kwentong ginagawa niya ay nakakarelate ako, kaya kinaibigan ko siya at pumayag naman siya. Doon niya nalaman na fan na fan ako ng lahat na ata ng mga kwentong sinusulat niya sa online na siyang libre kong nababasa. Chat sa f******k, comment sa w*****d na kung saan siya nagsusulat, tawagan, text… at hanggang sa isang araw may malaking event na naganap nitong nakaraang September ang Annual w*****d Meet up, na ginanap sa Mall of Asia, ininvite ako ni Jessy na pumunta doon para doon na rin kami magmeet since sa cebu siya. Luluwas lang daw siya doon para pumunta at suportahan ang w*****d, na siyang nagbigay sa kanya ng oportunidad na makapagsulat ng libre na siyang naiiseshare naman niya sa maraming mambabasa ng online site na ito. Pero sinabe ko na hindi ako makakapunta kasi may thesis akong tinatapos, siyempre nalungkot siya at siyempre joke ko lang iyon. Dahil gusto ko talaga siyang isurprise. Maaga akong dumating sa venue, kaso hindi ko inaasahan na marami pala ang pupunta sa event na iyon. Halos mapuno ang venue hall sa loob nito dahil sa dami ng mga tao. Karamihan sa kanila ay mga babae, at nagtaka ako marami din ang mga lalake. Ibig sabihin marami talagang mambabasa ang w*****d sa pilipinas. Napunta lang naman ako sa site na iyon dahil sa nireccomend sa akin ng kaibigan ko. At dahil sa booklover ako, at wala akong pambili ng mga book dahil busy sa pag-aaral naisipan kong magbasa nalang sa site na iyon. Libre pa! Maraming mga authors ang dumating, may mga kilala akong authors din na katulad ni Jessy, aka Ewriter na wala na atang mas gagaling pagdating sa pag-gawa ng kwentong erotic. Oo sa sobrang sikat ni Jessy sa w*****d world. Parang reyna na siya kung ituring ng mga fans niya. Pero ako? I’m one of her thousands of fans. At maswerte ako kasi kaibigan, no hindi lang kaibigan kasi tinuturing na niya akong bestfriend. Ang saya ko! At nakakaproud. May sikat akong bestfriend. Erotic ang forte niya, genre na kaya at sisiw na sisiw niyang isulat. Ang sabi pa niya sa akin, sa tuwing iniisip niya gumawa ng eksena na may s*x, iniisip nalang niya kung paano sila mag-s*x ng boyfriend niya. Ang awkward nga minsan ng usapan namin. Minsan kinikwento pa niya kung gaano kahaba ang ano ng boyfriend niya, kung paano niya ito napapaligaya, kaya nacucurious ako. Sa totoo lang? hindi na rin nama nako virgin, marami narin akong karansan sa iba’t ibang lalake. Pero kakaiba kasi talaga ang mga kwento ni Jessy, madadala ka talaga sa mga kwento niya. Noong tinawag na ang pangalan ni Jessy aka Ewriter halos magiba ang hall sa sobrang lakas ng hiwayan ng mga tao sa loob. Sa wakas nakita na rin nila in their own flesh ang kagandahan ni Jessy at napaka-swerte ko kasi ako palang ang unang nakakita sa kanya noong minsan kaming nag-chat at pumayag siyang Makita ko. Gumagawa pa siya minsan ng mga video message sa tuwing malungkot ako at may talent din siya sa pagkanta, kaya kinakantahan niya rin ako. “We love you Ewriter.” Sigawan pa ng mga fans ni Jessy na may hawak pang banner ng I love you. At noong lumabas na siya, doon na ako napatayo sa kinauupuan ko at tumuntong upang Makita lang ang maganda niyang mukha. Napaka-ganda talaga niya at ang sexy pa niya, para talaga siyang si Olga yung character niya sa isang kwento niya. Hiwayan ang nanaig sa loob ng kwartong iyon. Sobrang saya ng mga tao noong nakita na rin nila sa wakas ang legendary na si Ewriter. Pagkatapos ng mga activities na naganap ay oras na para makalapit sa mga iniidolo nilang mga manunulat, marami mang nakapila para makapagpapirma at makapag-picturan kay Jessy, hindi parin ako nakipagtalo, nakisingit ako kahit na marami akong naririnig na reklamo doon sa mga nasisingitan ko. At noong nandoon na ako sa harapan niya. “Jade?” halos lumuwa ang mga mata ko noong ma-recognize niya ako. Wow lang ah? Siya pa talaga itong nakakilala sa akin. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit at halos mapaiyak pa siya noong nakita na niya ako, para bang nawawalang kapatid niya na ngayon niya lang nakita. At ang ending puro flash ng kamera ang nagsilbing liwanag sa pagkikita namin ng minutong iyon. “Ikaw pa? ikaw pa ba ang hindi ko susuportahan? Edi ba nga bestfriend kita?” muli na naman niya akong niyakap. Sa totoo lang, wala na siyang ginawa kundi ang yakapin ako, yun kasi ang lagi niyang sinasabe yayakapin niya akong yayakapin kapag nagkita kami. Such a nice bestfriend. “Sino siya?” tanong ko sa katabi niyang lalake na kanina pa nakatingin sa aming dalawa. Na para bang irritable sa ginagawa naming dalawa. Kanina pa kasi nakataas ang kilay nitong lalakeng ito na akala mo kung sino. Hindi ko gusto ang ugali niya, wow ah? Hindi ko pa nga siya kilala pero ganun na kaagad ang feel ko sa kanya? Hate na hate ko kasi yung mga mayayabang at higit sa lahat mapagmataas. “Siya si Ivo ang boyfriend ko.” Muli akong napatingin sa lalakeng sinasabeng boyfriend ng bestfriend ko. Ibig sabihin ito yung boyfriend ni Jessy na may sukat na 8 inch ang ari? Oo base kasi ito sa kwentuhan naming dalawa ni Jessy. “Oooopps! Hindi na yan pwede. That’s mine already, hahanapan nalang kita okay.” Saka muli siyang lumapit sa boyfriend niya at hinawakan ang kamay nito. Napatingin ako sa kamay nilang dalawa. At kinikilig ako sa gesture nilang iyon. “O wait, nandito pala ang pokpok ng taon.” Bungad na sabi sa akin ni Maritone. Kaklase ko sa isang subject. Galit na galit siya sa akin at ganun din ako sa kanya. “Ano? Nandito ang pokpok nang taon? Nasaan, nasaan?” excited naman na hinahanap ni Lian, kaibigan ni Maritone ang pinaparinggan niyang pokpok ng taon. “Walang iba kundi siya,” sabay turo sa akin. Kitang kita ko kung paano manlaki ang mga mata ni Jessy sa mga naririnig niya sa dalawang ito. “Talaga? Wow ah? Congrats girl, siguro nagpagamit ka sa may-ari ng eskwelahan ito para lang maka-graduate no? sa mahirap na katulad mo, I doubt na kinaya mo ang bayarin sa tuition fee mo rito.” Sabay halak-hak pa ng dalawang demonyitang ito. “Tumigil na nga kayo, ano bang ginawa ko sa inyo para sabihin niyo ang mga kasinungalingan na yan ah?” inis kong sagot dalawang ito. “Inakit mo lang naman ang boyfriend ko, hindi ba?” kaagad akong nakaramdam ng panlalamig sa katawan ko. Para akong binuhusan ng maraming yelo mula sa aking ulo na umabot hanggang sa aking paa. Nanginig kaagad ang buong katawan ko sa lamig. At unti-unti akong napalingon sa bestfriend kong tulala parin sa mga nangyayari nasasaksihan niya. “Hindi ko ginawa yun,” sagot ko pa sa kanya. Bigla nalang niya akong sinampal. “Sinungaling. Sinabe na niya mismo sa akin.” “How dare you to do that to her?” bigla nalang pumagitna si Jessy sa dalawang ito. “Who are you either?” maarteng tanong pa ni Lian kay Jessy. “I’m her bestfriend, at ako ang magpapatunay sa iyo na hindi totoo yang mga pinagbibitang niyo sa kaibigan ko.” Napalunok ako sa narinig kong pagtatanggol sa akin ni Jessy, kinuyom ko ang kamay ko at napatingin ako ng palihim kay Ivo na iniiling-iling lang nito ang ulo nito. “Okay, I just want to warn you bessy. Kilalang mang-aagaw yang bestfriend mo.” Napatingin si Maritone kay Ivo. “Is this your boyfriend right? Sooner or later malalaman mo nalang na inaagaw na niya sa iyo ang boyfriend mo. Good luck on your friendship sana tumagal pa ang pagkakaibigan niyo. Bye!” sabay talikod pa ni Maritone at saka sumunod naman si Lian sa kanya. Nanghina ang buo kong katawan sa mga rebelasyon niyon ng dalawa. At kaagad naman akong niyakap ni Jessy at panay ang himas nito sa likuran ko at sinasabeng wag akong maniwala at hinding hindi raw siya maniniwala sa mga sinasabe ng babaeng iyon. Sa gilid ng aking mga mata, panay parin ang pag-iling ni Ivo ng ulo nito. Sooner or later malalaman mo nalang na inaagaw na niya sa iyo ang boyfriend mo. Magagawa ko ba yun sa bestfriend ko? Hindi ko alam, sa gwapong taglay nito, baka madala na naman ako ng hinahanap ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD