PROLOGUE

3206 Words
This is the story of a college student who studied at the University of the Philippines. Reslyn Beran and Railey De Guzman, they have been best friends since birth and grew up together in a private Subdivision at Quezon City. During their childhood days they both love doing things together. They have similar likes and dislikes and even the choices of going to school and both are excellent in their academic and extracurricular activities. Kung saan man papasok si Reslyn dapat doon din mag-aaral si Railey. Dahil ito kasi ang tagapagtanggol niya kapag nadidihado ang kanyang kababatang kaibigan at kinakapatid. Solong anak lamang si Railey kaya ang buong atensyon ng kanyang mga magulang na sina Don Miguel at Amanda De Guzman ay nakatuon sa kapakanan at pangangalaga kay Reslyn bilang inaanak nitong babae. Ngunit nagbago na lamang ang lahat ng mamatay sa isang aksidente ang ama ni Railey. Lubos ang pagluluksa ni Railey at maging ng kanyang ina. Hindi naman sila pinabayaan ng mga magulang ni Reslyn na sina Armando at Jesusa Beran. Pero malaki na ang pagbabago ni Railey sa kanyang pag-uugali dahil naging bugnutin na ito suplado at bihira na lamang itong ngumingiti. Sobrang malapit kasi si Railey sa kanyang ama kaya ganun na lamang ang kanyang pakiramdam ng mawala ito. Naging pabaya na siya sa kanyang pag-aaral at lumayo na rin ang loob niya kay Reslyn. Dahil siya ang naging dahilan kung bakit ito naaksidente. Dapat kasi nitong susunduin si Reslyn ng kanyang ama para mamasyal after school ngunit aksidenteng binangga ito ng isang school bus ang dina-drive nitong kotse. Dead on arrival itong dumating sa hospital at hindi ito naabutan na buhay ng kanyang mag-ina. Simula sa araw na iyon, tuluyan ng nagbago si Railey at lumayo ang loob kay Reslyn dahil sinisisi niya ito kung bakit nawala ang kanyang daddy. Kahit ganoon ang kanyang nararamdaman hindi naman nito kinamumuhian ang kanyang bestfriend halos isang buwan din ng nagmumukmok si Railey at namumuhay sa sarili nitong mundo. Hanggang sa isang araw nabalitaan na lamang nito mula sa kanyang ina na patay na rin ang mommy ni Reslyn. Tsaka lang niya inabala ang sarili na hagilapin ang kanyang cellphone na matagal ng hindi njya ginagamit. At ng buksan nito sunud-sunod ang mga mensahe ni Reslyn para sa kanya. Nag-alala ng labis ang kanyang kababata at sinisisi rin nito ang kanyang sarili sa pagkawala ng kanyang daddy Miguel. Naging makasarili na pala siya at hindi man lang pinakinggan ang kanyang kaibigan. Ngayon labis din ang pagdadalamhati ni Reslyn dahil sa pagkawala ng kanyang ina. Kailangan siya ngayon ng kanyang bestfriend at hindi nga nagkamali si Railey dahil ang maamo at masayahin na mukha ng kanyang kaibigan ay napalitan ng pighati at kalungkutan. Naabutan ni Railey na umiiyak lamang ito habang nakayukyok ang mukha sa kabaong ng kanyang ina. Halos dinurog ang kanyang puso sa kalunos-lunos na sinapit ni Reslyn kaya agad nitong dinaluhan ang kaibigan at niyakap ng mahigpit. Laking gulat nito ang ginawa ni Railey pero labis din ang kanyang pangungulila sa kanyang kaibigan kaya niyakap na lamang niya ito ng buong higpit at binuhos ang pag-iiyak hanggang sa lupaypay na ito sa kakaiyak. Napatay ang ina ni Reslyn dahil sa itinatago nitong sakit sa Breast Cancer at nasa terminal stage na ito ng malaman ni Armando ang kanyang totoong kalagayan kaya hindi na naagapan pa ng Doctor. Hindi agad ito nalaman ni Reslyn at wala man lang itong kaalam-alam sa tunay nitong kalagayan. Kaya ngayon nahihirapan siyang tanggapin na tuluyan ng namaalam sa kanila ang kanyang pinakamamahal na ina. Hindi na niya iniwan si Reslyn hanggang sa inihatid na sa kanyang huling hantungan si Tita Jesusa. Muling bumuhos ang tila ulan sa mga mata ni Reslyn sa sobrang pagdadalamhati dahil hindi pa natatanggap ang pagkawala ng kanyang ina. Nasasaktan din siya para sa kanyang kaibigan kaya hindi niya ito iniwan hanggang sa natapos ang libing. Hinatid niya si Reslyn sa kanilang bahay at sinamahan ito sa kanyang kwarto. Pagod na pagod ito sa kakaiyak at mabuti na lamang nakatulog ito nang mahimbing. Kinukumutan muna ni Railey ang kaibigan bago siya lumabas ng kwarto. Nagpaalam muna s'ya sa kanyang Tito Armando na umuwi sandali para magpalit ng damit pero nangako naman itong babalik kinabukasan. Ngunit ng makauwi siya sa kanilang bahay, may mga bisita pala ang kanyang ina sa sala. Diretso na sana siya sa kanyang kwarto para maligo at magbihis pero tinawag na naman siya ng kanyang mommy para ipakilala sa mga kasama nitong bisita. Natulala ng husto si Railey ng makita nito ang babaeng bisita dahil napakaganda niya at mala-anghel pa ang kanyang mukha. Mas lalong namangha si Railey ng ipakilala sila ng kanyang ina dahil ngumiti ito ng napakatamis. Agad na nabihag nito ang kanyang inosenteng puso sa unang pagkakataon. For him, it was love at first sight. Hindi siya naniniwala sa kasabihang ito hanggang sa nararamdaman niya mismo ito ngayon sa unang pagkakataon at hindi maipagkakaila na umiibig siya kay Ruiz Mae De Vera ang mala-anghel na babaeng nasa kanyang harapan ngayon. Inaanak ito ng kanyang mommy Amanda at pansamantalang nagbabakasyon muna ito dito sa Pilipinas naka-base na kasi ang pamilya nito sa Los Angeles, California. Nang maipakilala na sila sa isa’t-isa ay agad naman naging palagay ang kanilang kalooban. Pansamantalang magbakasyon muna si Ruiz sa kanila ng isang linggo bago ito magtungo sa Baguio City para dalawin ang kanyang pinsan na si Zia sa ancestral house nito malapit sa Burnham Park. Binigay ng kanyang ina pansamantala ang guest room na madalas tinutulugan ni Reslyn kapag doon sa kanila natutulog. Dahil magkapitbahay lang sila at dalawang blocks ang pagitan kaya kaagad nitong dinalaw si Reslyn na nasa Maria Clara St. nakatira. Sinama pa nito si Ruiz para ipakilala sa kanya. Lubos ang kanyang tuwa ng makilala niya ito at nakasama dahil hindi lang ito maganda sobrang bait pa tsaka maalaga katulad din ng kanyang ina. Tulog pa si Reslyn ng dumating sila ni Ruiz sa kanilang mansio kaya sina Armando at Pauline lamang ang unang nakilala ng kanyang kinakapatid na si Ruiz. Labis din ang tuwa ni Armando ng makilala ito dahil may maging kaibigan na itong iba si Reslyn bukod kay Railey. Inaaya munang kumain ni Armando ang dalawa para makasama at makipagkwentuhan muna habang naghihintay sa paggising ng kanyang prinsesa. Doon sila nagkwentuhan sa may verandah malapit lang sa pool naging palagay na rin ang kalooban ni Ruiz kay Armando dahil sobrang bait din nito sa kanya. Tinanggap din sya nito bilang kaibigan at parte ng pamilya. Masayang-masaya na silang apat ng naabutan ni Reslyn sa may verandah. Nagtataka ito ng makita nyang masayang naglalaro ng chess ang kanyang daddy at si Railey tapos may katabi pa itong magandang babae. Sa tingin nito’y mas matanda sa kanya at kasing edad lamang ng kanyang Kuya Railey. Nakaramdam ng selos at inggit si Reslyn sa kanyang nasaksihan. Ngayon lang niya nakikitang masaya at may kakaibang kislap sa mga mata nito sa tuwing nagtatama ang kanilang paningin. Iwinaksi na lamang nito ang kanyang kakaibang nararamdaman at kunwaring masaya na lumapit sa kanila. Agad naman siyang napansin ng kanyang ama at pinaupo sa kanyang tabi tsaka ipinakilala sa kanilang bisita. Ruiz Mae De Vera ang kanyang pangalan, inaanak din ito ni nina Amanda at Miguel sa isa pa nitong kaibigan na naka-base ngayon sa Los Angeles, California. Umuwi ito ng Pilipinas para magbakasyon at dalawin ang kanyang Lola na may sakit. Pero bago ito umuwi ng Baguio City dumalaw muna ito sa kanyang Ninang Amanda na ina ni Railey. Hinatid lamang ito ng kanyang ama na si Atty. Anton De Vera pero naunang bumalik sa L.A. dahil marami itong naiwan na trabaho. Mabait naman at marunong makikisama si Ruiz kaya agad naging palagay ang kanyang kalooban at totoong masaya si Reslyn dahil nagkaroon na siya ng Ate at Kuya ngayon. Lalo na at nagkakamabutihan sina Railey at Ruiz. Naging supportive bestfriend na lamang sya para kay Railey dahil batid nyang mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Dahil malayo pa ang pasukan, Ruiz invited them for vacation at Baguio City kasama nila si Pauline at ang buddy friend nitong si Daniel Dhane Lacerna. Excited silang lahat na umakyat ng Baguio City. First time ni Reslyn ang magbakasyon kaya halos di siya makatulog sa buong byahe dahil nag-eenjoy ito ng sobra sa magagandang tanawin na kanilang nadadaanan. Pitong oras din ang ginugol nila sa byahe kaya gabi na ng makarating sila sa ancestral house nila Ruiz. Nakilala nila ang pinsan nitong si Zia Andrada at ang Lola Lucia ni Ruiz na nakaratay sa higaan nito dahil sa kanyang sakit. Si Zia at ang private nurse lang ang kasama nitong nag-aalaga sa kanyang lola. Dahil nagbakasyon si Ruiz at namiss niya ng sobra ang kanyang Lola kaya siya na mismo ang nag-alaga sa kanya. Kapag may oras na tsaka lang sila namamasyal sa magagandang tanawin sa Baguio. Sunday iyon magkasamang nagsisimba sina Ruiz at Railey ng maaga habang tulog pa ang iba. Pagkatapos nilang magsimba namasyal muna sila sa Burnham Park at naglalakad-lakad hanggang sa makarating sila sa Camp John Hay. Kumain muna sila at nagpahinga sa Starbucks at habang naghihintay sa kanilang order nagkasarilinan silang dalawa. Noong una nahihiya at natatakot si Railey pero sa katagalan naglakas loob siyang aminin kay Ruiz ang totoo nitong nararamdaman. Inaamin na niyang mahal na mahal niya ito noong una pa lamang niya itong nakita at nakilala. Tameme si Ruiz sa ipinagtapat ngayon ni Railey sa kanya pero isa lang ang tumatak sa isipan niya ang mahal siya ni Railey. Aminin man niya o sa hindi pareho lang naman ang kanilang nararamdaman sa isa’t-isa. Dahil tinanggap ni Ruiz ang kanyang pag-ibig lumundag sa tuwa si Railey at buong pusong hinahagkan ang kanyang mga kamay. Pagkatapos nilang kumain, hawak-kamay silang naglalakad pabalik sa Ancestral House. Kapwa may matamis na ngiti sa kanilang mga labi at halos kulang na lang ang maghugis puso ang kanilang mga mata sa tuwing nagtatama ito. Inamin naman nila ito agad sa lahat na nagmamahalan silang dalawa at halos ikinagulat ito ng lahat lalo na si Zia dahil hindi niya ito gusto para kay Ruiz. Pero wala na itong magagawa pa dahil mahal na mahal ito ng kanyang pinsan. Hindi na nagtataka si Reslyn kung hahantong man sa magandang pagtitinginan nila ang kanyang Kuya Railey at Ate Ruiz. Nasasaktan siya dahil wala na sa kanya ang atensyon nito pero kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na hindi siya ang babaeng nagpapaligaya sa kanya. Naramdaman naman ni Dhane ang lungkot sa mga mata ni Reslyn kaya inaaliw na lamang niya ito. Kaibigan at nakababatang kapatid na rin ang turing niya kay Reslyn kaya ayaw niya itong nasasaktan o nahihirapan. Lumipas ang araw na sulit naman ng lahat ang bakasyon sa Baguio halos nilibot na nila ang buong lugar at ang magagandang tourist spots ng City of Pines. Kaso kailangan na nilang umuwi dahil hahabulin pa nila ang enrollment for first semester. Nagpaiwan muna si Ruiz para maalagaan nito ang kanyang Lola pero susunod din ito kapag maayos na ang kalagayan nito. Unang bumaba ng sasakyan si Reslyn at agad na tumuloy sa kanyang kwarto kaso wala pa ang kanyang daddy Armando kaya naliligo na lang muna siya para magpahinga na. Hinatid ni Railey si Pauline pero hindi na ito naghihintay pa sa kanya. Paglabas niya ng banyo, wala na ito kaya hinayaan na lamang niya si Railey para makapag-isa muna siya at magluksa hanggang sa makatulog ng tuluyan. Kinabukasan maagang sinundo ni Railey si Reslyn para sabay silang pumunta sa campus ng UP – Diliman upang makapag-enroll for second year, first semester pareho silang sophomore students pero magkaiba naman ang course na kanilang kinukuha. Unang nag enroll si Reslyn at tinulungan siya sa pag fill-up ng form. Pagkatapos ng enrollment niya sa College of Business Administrations, nagtuloy agad sila sa College of Engineering para naman sa enrollment ni Railey. Pagkatapos ng kanilang enrollment ay umuwi na kaagad sina Reslyn at Railey pero isang masamang balita ang sumalubong sa kanilang dalawa. Tumawag kasi si Ruiz na kailangan nyang bumalik sa L.A. dahil naaksidente ang kanyang ama. Kaya agad itong kumuha ng plane ticket pauwi. Hindi na ito nakapag paalam ng personal sa kanila dahil critical ang kondisyon ng kanyang ama. Labis ang pag-aalala ni Railey sa biglang pag-alis ng kanyang kasintahan. Hindi man lang ito nagpaalam o nag-text man lang sa kanya bago ito tuluyang bumalik sa L.A. Mula ng umalis ito wala na silang komunikasyon pa sa isa’t-isa kahit tawag man lang para sa kanya bilang kasintahan niya ay hindi nito ginawa. Sa sobrang lungkot at pangungulila kay Ruiz ay nawalan na itong ganang mabuhay pa at ginusto pa nitong magpakamatay. Nilunod ang sarili sa alak at napabayaan na rin ang kanyang sarili at pag-aaral. Ngunit isang gabi umuwi itong sobrang lasing tsaka nag drive ng kanyang kotse at umuulan pa kaya nawalan siya ng control kaya bumangga rin ito sa malaking puno. Sa lakas ng impact yupi ang bumper ng kanyang sasakyan at milagro nalang kung nakaligtas ang nagmamaneho ng kotse. Mabuti na lamang at may naka-rescue sa kanya at kaagad na isinugod sa pinakamalapit na hospital. Confined ng tatlong linggo sa hospital si Railey kaya nahuli itong pumasok sa umpisa ng pasukan. Panibagong buhay ito para kay Railey kaya ibinuhos na lamang niya ang kanyang oras at panahon sa pag-aaral at sa Varsity team na siya pa naman ang team captain. Si Reslyn ang naging kaagapay nito para maghilom ang kanyang sugat sa nakaraan. They both endeavor at different fields of interest, Reslyn Beran as Business Administrations' student, she's too busy in her rehearsal as Cinderella on their stage play in preparation for their Intramurals 2019 while Railey De Guzman being a Civil Engineering student is too busy in his own career as varsity basketball player together with his best buddy Daniel Dhane Lacerna. They lead their basketball team members such as John Dhembert Laban, Rendell Dela Cruz, Jefty Roda, Xerxes Montesor, Dux Donovan. At ang kanilang Team Coach of Spc Stallions, Coach Tony Borromeo. Cheering Squad Team of Sophomore students from different College Department na mag-cheer sa kanilang team ang Spc Babes Cheering Squad sina Menchie Fortaleza 25 years and Macolline Baroro from HRM Department, Czarina Gordora 23 years an Accountancy student, Christine Jean Timajo, Ramona Bonleon and Missy Viox from Engineering and Nursing Department. At ang kanilang Cheerleader ay si Iamy Canonigo 22 years old from College of Education. Nagulat si Railey ng makilala niya in person ang kanilang Cheerleader na si Iamy Canonigo, siya iyong babae na nakabanggaan niya sa Manila Cathedral nong minsan nagsisimba sila ni Reslyn. Iamy admired her Team Captain, Railey De Guzman secretly but he just ignored her feelings because felt love towards his best friend. Samantalang si Reslyn Beran ay naging abala rin sa kanilang Stage Play performance na pagtatanghal nila sa darating na Intramurals 2019 ng UP-Diliman. Cinderella ang kanilang iperform at siya mismo ang bida at si Shaun Alvez naman ang kanyang kapareha. Naging maganda ang pagsasama nila ni Shaun sa kanilang pag-eensayo at pareho silang inspired na gampanan ang kanilang karakter. Mahirap man aminin ni Railey pero nagseselos siya kina Reslyn at Shaun na kapareha nito sa palabas nilang Cinderella. Pero sa sobrang inis at galit niya sa dalawa si Iamy Canonigo ang napagbuntunan ng lahat. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman nasasaktan ito ng labis dahil malaki ang pagkakagusto niya kay Railey. Pero iniwan lang siya ni Railey na nag-iisa at nasasaktan pagkatapos matalo sa kanilang laban. Si Dhane at Reslyn lang ang bukod tanging nakakaalam sa tunay na pinagdaanan ni Railey mula ng mabigo ito sa kanyang unang pag-ibig. Silang dalawa ang umalalay kay Railey para makabangon at mabuhay muli bilang isang normal na tao. Paano na lamang kung muling magbabalik ang babaeng naging dahilan ng pagguho ng kanyang mundo noon? Mapapatawad pa kaya ito ni Railey at muling ibalik ang tamis ng kanilang pagmamahalan noon o ipagtulakan niya ito palayo? Hindi naging madali ang pagbabalik ni Ruiz Mae De Vera sa buhay ni Railey dahil nasusuklam pa ito sa kanya. Labis siyang nasaktan ng basta na lamang niya itong iniwan sa ere. Ni hindi man lang siya nagpaalam dito na aalis dahil basta-basta na lang siyang lumayo at hindi na nagpaparamdam sa kanya. Tapos ngayon nandito siyang muli para bumalik sa buhay niya. Hindi man ito nagsasalita pero sa kanyang pananahimik dinaig pa niyang sinaksak sa kanyang puso ng paulit-ulit. Huli na ba ang lahat para sa salitang PAGSISISI? May pag-asa pa kayang mahalin siyang muli ni Railey? Aminin man ni Railey o hindi mahal pa rin niya si Ruiz mula noon hanggang ngayon nabulagan lamang siya sa sobrang sakit ng iniwan siya nito at hindi man lang nagpaalam sa kanya. Naghihintay siya araw-araw sa muli nitong pagbabalik. Ngunit lumipas na lamang ang mga araw, buwan at taon walang Ruiz na bumalik sa kanya. Kung kailan limot na niya ang sakit tsaka naman ito nagbabalik para buhayin ang sugat sa kanyang puso. Ngunit ngayon nagbabalik ito para muling itama ang mga pagkakamali niya noon. Hangad lamang ni Ruiz ang magpatawad siyang muli sapat na iyon para matahimik ang kanyang puso kahit mabibigo pa siyang mahalin muli ni Railey. Pero hindi talaga inaasahan ni Ruiz na mapatawad pa siya ni Railey kaagad at magkakabalikan pa silang dalawa. Masaya na sana silang dalawa ngunit hindi naman ito matanggap ni Reslyn na muli silang magkabalikan. Isinumbat pa sa kanya ang lahat ng hirap na dinanas noon ni Railey ng iniwan niya ito. Walang karapatan si Reslyn na tumutol sa anumang desisyon na nais ng kanyang Kuya Railey, kahit masakit pa ito sa kanya kusa na s'ya na lumayo at pinaubaya na niyang muli ito kay Ruiz. Nag-concentrate na lamang si Reslyn sa kanyang stage play presentation kasama ang kapareha nitong si Shaun Alvez. Pilit niyang maging masaya at makontento na lamang sa piling ni Shaun batid naman nito kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman ni Reslyn para sa kanya. Tinanggap ito ng buong puso ni Shaun Alvez at tinulungan niya itong makalimot siya sa kakaibang nararamdaman para kay Railey. Si Shaun mismo ang nag-offer sa kanya na tulungan s'yang makalimot at maging masaya. Hindi man katulad kay Railey ang pagtingin nito sa kanya, ayos lang basta makasama lang niya ito. Ngunit kung kailan handa na si Reslyn para kalimutan ang kakaibang damdamin n'ya para dito at ibaling sa iba ang buong attention tsaka naman nagparamdam si Railey ng pagseselos para sa kanya. Walang nagawa ang totoong pag-ibig ni Shaun para kay Reslyn dahil si Railey pa rin ang mas matimbang sa kanyang puso. Ano ba ang dapat manaig sa puso ng bawat isa, PAG-IBIG o PAGKAKAIBIGAN? Sino ang magwawagi sa tunay na Pag-ibig? Is it A Love To Last for whom it would be perfectly match-made in heaven? Si Ruiz man ang unang pag-ibig pero si Reslyn naman ang huling babaeng bumuo sa puso ni Railey De Guzman. Isang puso naman ang umaasa para sa pag-ibig ni Reslyn ngunit hindi na niya masusuklian pa ang pag-ibig nito dahil tapat ang kanyang pagmamahal para kay Railey. Love begets love and hate begets hate but in the end, it would be A Love To Last.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD