Prologue

480 Words
Prologue "Umalis ka na! Ang kapal ng mukha mong pumunta rito, sa lahat ng ginawa mo?" Pagpapa-alis sa akin ng mama ni Angelo. "Pero gusto ko lang pong— " sabi ko, pero agad niya akong sinampal. "Gusto? 'Yan ang dahilan kong bakit ngayon ang anak namin nawala dahil diyan sa kapangitan mo! Ang pangit mo na nga ang malas mo pa!" sumbat niya sa akin. Hindi ko inintindi ang sakit ng pagka-kasampal niya sa akin pero wala pa itong mas sasakit sa puso ko sa lahat ng nangyayari. "Ikaw ang dahilan kung bakit ito lahat nangyari. Kung hindi ka sana lumandi sa anak ko. Hindi ito mangyayari sa kanya. Bakit ba minahal ka ng anak namin? Eh, ang pangit-pangit mo. Iyan ang dahilan kung bakit siya nawala. Kaya umalis ka na rito, pangit! Hindi ka namin dito kailangan." Tumutulo ang aking luha dahil sa sakit na aking nararamdaman. Ang mga salita niya'y parang isang punyal na unti-unting sumasaksak sa aking kakaunting lakas. Masakit man pero umalis ako sa lugar na iyon habang tumutulo ang aking mga luha. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong hanapin kung sino ang may kagagawan ng lahat. Bakit ba nila ito ginagawa sa akin? Dahil ba ang pangit ko? Pwes papatunayan kong may ikakaganda rin ang isang tulad kong pangit. Hintayin nila ang revenge ni miss pangit! ... Lahat sila ay kinakalaban ako. Nagagalit sila sa akin na wala naman akong ginagawang masama. Gusto ko lang na maging isang simpleng tao, magkaroon ng payapang buhay. Kaya hindi ko na nga sila pinapansin. Lahat sila ay nandidiri sa akin. Lahat sila ay pinapakialaman ang buhay ko. Tatanuningin nila ang stado ng buhay ko, kung sino mga kaibigan ko, pamilya ko at kung meron ba akong Boyfriend. Kapag malaman na nila. Sisirain na naman nila buhay ko. Bakit sila ganoon? Pati ba naman ang pagka-tao ko aalamin nila? Pati ba naman kung kailangan darating ang period ko. Aalamin din nila? Pati ano araw-araw ang ginagawa ko aalamin nila? Akala ko ang lahat ng iyan ay gusto nila akong maging kaibigan. Akala ko nagiging sikat na ako dahil sa mga iyan. Pero, mali pala ako. Lahat pala iyan ay ginagawa nila para mapahiya ako. Pangit na nga ako sinisira pa nila buhay ko? Ano ba ang kailangan nila sa akin? Wala naman akong ginagawang masama? May kulang ba sa akin? Mabait naman ako, sexy, magalang, madaldal, makulit, palakaibigan, loyal, honest, obedient, industrious. Okay sabihin, na nating nandito na lahat sa akin. Pero iisa lang ang kulang sa akin at iyon ay ang kagandahan! Pero, sa kabila 'nun may tumanggap sa akin. Minahal niya ako sa kabila ng kapangitan ko. Pero . . . paano kung bigla na lang siyang mawala sa akin? Sa buhay ko? Ano ang magagawa ng isang pangit na tulad ko? Ito ang istorya ng buhay ko. --- © All Rights Reserved 2015 Revenge Oneself
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD