Chapter 1

2801 Words
"You are a virgin." Ito ang nausal ni Leonard pagkatapos niyang makatalik ang isang babae. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang impit na humahagulhol ang babae.Makulimlim ang kuwarto at hindi niya gaanong aninag ang mukha ng babae. Maselan siya sa pagpili ng babae ngunit sa araw na ito ay nakalimutan niya na kilalanin muna ito. "Bakit mo ginawa ito?" tanong niya rito. "Dahil po sa tatay ko," humihikbing sagot ng babae. Hinawakan ni Leonard ang baba ng babae at napatitig siya sa mukha at mga mata nito na basa ng luha. Napamulagat siya at wala sa sariling nawika niya, "Promise me, hindi mo na uulitin ito." Inilabas ni Leonard ang lahat ng pera sa kanyang wallet at inilagay sa palad ng babae at mabilis siyang nagbihis at lumabas ng kuwarto. Naiwan ang babae sa loob ng kuwarto ng motel. Nanatiling nakatitig sa napakaraming pera sa kanyang kamay. "May pampaopera na si tatay," lumuluhang wika nito. Nasa loob nang kanyang kotse si Leonard ngunit nakatitig lang siya sa kanyang manibela. Naalala niya ang mukha ng babae. Maamo ang mukha nito at malamlam ang mga mata na parang laging nangungusap. Hindi niya maintindihan ang sariling damdamin. "Nagkataon lamang," nawika niya sa sarili. Napatigil sa pagmumuni-muni si Leonard ng tumunog ang kanyang cellphone. “Hello.” “Li, may emergency kami rito. We need your assistance here,” wika ng kanyang kausap. “Ok, I’m on my way.” Agad na pinaandar ni Leonard ang sasakyan. Humugot siya ng malalim na hininga at iwinaksi ang pansamantalang laman ng isip. Mabilis ang mga lakad ni Leonard papasok sa hospital. Binati siya ng guwardiya, “Good evening Doc.” Isang tango lamang ang sagot niya. “Dr. Leonard Carpio! Dr. Leonard Carpio! Please proceed to OR!” Tinatawag na ang pangalan niya. Tumuloy siya sa Doctor’s Station, naglinis siya ng sarili at nagpalit ng damit at nagbihis ng surgical gown. Pagpasok niya sa operating room ay naroon na si Dr. Jayson Guzman at ang Anesthesiologist at apat na nurses. “Li, mabuti naman nakarating ka. One of the patients need an immediate operation. Out of the country si Dr. Cheng.” “Ok, I’ll take it.” Inabot sa kanya ng head nurse ang medical recordd ng pasyente. Binasa niya ang pangalan. ‘Menandro Domingo’ Samantala, nagmamadali papasok ng hospital si Jasmine at nakita niya agad ang kanyang nanay sa lobby. “Nay, si Tatay?” “Nasa operating room na Anak.” Halatang galing sa pag-iyak ang kanyang ina. “Puntahan po natin.” Inakay ni Jasmine ang kanyang ina na tuliro rin sa nangyari sa kanilang ama. Umakyat sila ng second floor at umupo sa labas ng operating room para maghintay. “Anak, paano kaya tayo makakabayad dito?” nag-aalalang wika ng ina. Wala kasi silang perang naipon dahil lahat ng kinikita ng tatay nila sa pamamasada ay napupunta lahat sa mga gastusin nila. Dalawa silang nasa kolehiyo at dalawa ang nasa high schoool. Hindi na rin makapagtinda ang nanay niya sa palengke dahil sa nangyari sa kanyang ama. “Hu-huwag kang mag-alala ‘Nay. Nakahiram po ako ang pera kay Mama M-musang.” Muntik pa siyang mautal sa pagsasalita. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsinungaling siya sa kanyang ina. Sa tantiya niya ay sasapat pa naman ang perang hawak niya dahil may SSS at insurance ang kanyang ama. “Anak, baka kung anong kapalit niyan. Kilala mo naman si musang, mataas magpatong ng interes yun. At balita ko bugaw daw yun.” Napalunok si Jas sa sinabi ng ina. “Nay, huhulughulugan ko naman yun at saka maghahanap agad ako ng trabaho pagka graduate ko.” Ayaw niyang magpakita ng kahinaan ng loob sa ina. Nag-aalala siya na baka ito naman ang magkasakit. Mahigit-kumulang tatlong oras silang naghintay at napatingin ang mag-ina ng bumukas ang operating room at may lumabas na doctor. Lalapit sana si Jasmine ngunit dire-diretso lang itong lumabas at hindi sila pinansin. Hindi rin niya nakita ang mukha kasi may mask pa ito. May lumabas uli na doctor. “Dok, kumusta po si Tatay?” agad na tanong ng dalaga. “Ah, kayo po ba ang pamilya ni Menandro Domingo?” Tumango naman ang mag-ina. “Ligtas na po ang pasyente pero doon muna siya sa ICU ng ilang araw. Sige po,” paalam na wika ng doctor. Nakatulala sa loob ng sasakyan niya si Leonard. Ang babaeng nabungaran niya sa labas ng operating room ay ang babaeng kasama niya kanina sa motel. Ama pala nito ang kanyang pasyente. Mabuti na lamang ay nakalimutan niyang magtanggal ng mask paglabas niya ng operating room. Bigla na lamang siyang kinabahan na hindi niya mawari. Gustuhin man niya itong i-comfort kanina pero alam niyang magiging awkward ang sitwasyon. Dahil sa pagmamahal ng dalaga sa ama nito ay nagawang ibenta ang sariling katawan. Maamo ang mukha nito katulad ni Estella. Malamlam din ang mga mata na parang laging nangungusap. Napabuntong-hininga si Leonard. ‘Nagkataon lamang na kahawig siya. Mas maganda pa rin si Estella ko.’ Pakunsuwelo niya sa sarili at pinaandar na ang sasakyan. Tumatakbo na ang kanyang sasakyan ng maalala niya bigla si Sam. ‘Oo nga pala, birthday ni Sam ngayon.’ Na-guilty siya dahil wala pa pala siyang birthday present sa anak at malamang tulog na ito pagdating niya. Bakit ba lagi niyang nakakalimutan ang birthday ni Sam? Dahil ba sa ito rin ang death anniversary ng kanyang asawa? Napabuntunghininga si Leonard. Hanggang ngayon ay hindi siya maka move-on sa pagkawala ni Estella. Kanina ay maaga siyang dumalaw sa puntod nito. Kapag nami-miss niya ang pinagsamahan nila, nabubuhay din ang pangangailangan niya bilang lalaki kaya nandoon na naman siya sa motel kanina. Pero iba ang mga pangyayari sa araw na ito. Naaawa siya kay Sam. Hindi na nito nakita ang kanyang Mommy. Parang pelikula na naman na bumalik sa isip niya ang mga pangyayari. “Daddy, parang kayrami yata nating binili para kay baby Samantha. Baka ang iba rito ay hindi na niya magamit.” Masayang-masaya si Estella pagkatapos nilang mag-shopping para sa kaniyang isisilang na baby. “Mommy, lahat yan magagamit, di ba baby?” sabay hawak ni Li sa tiyan ng asawa at excited na kinausap ang nasa loob nito, “two months na lang ay makakasama ka na namin ni Mommy sa pamamasyal.” Sobra ang excitement nilang mag-asawa, limang taon nilang hinintay na magka-anak at konting panahon na lamang ay masisilayan na nila ang kanilang anghel. “Holdaper!!!” sigaw ng isang ale sa tindahan ng mga alahas. “Bang!!!bang!!!bang!!!” Nagtakbuhan ang mga shoppers ng mall. Nayakap ni Leonard ang asawa. “Dad-daddyyyy..” Unti-unting dumausdos si Estella sa yakap niya. “Mommy! My God! May tama ka!” Nataranta si Leonard habang yakap-yakap ang bumagsak na asawa. “Help! Help us! Please!” Sumisigaw siya sa takot, humihingi ng tulong para sa asawa. Sa hospital, “Li, marami ng dugo ang nawala kay Estella. Baka hindi na makayanan pa ng katawan niya but the baby is alive and safe now,” ayon sa kasama niyang doktor na si Dr. Cheng. General Surgeon si Leonard at mahusay sa kanyang larangan subalit wala siyang nagawa para iligtas ang buhay ng kanyang asawa. Hilam na naman sa luha ang mga mata ni Leonard. Limang taon na ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanya ang sakit ng pagkawala ni Estella. Maraming babae pero para sa kanya ay wala ng papantay pa rito. Binago niya ang ruta ng kanyang sasakyan patungo sa ibang direksiyon. May bukas pa namang shopping mall na mabibilhan ng kanyang regalo kay Sam. Tulog na si Sam ng dumating si Leonard. Naaawa siyang hinaplos ang pisngi ng anak. Naalimpungatan at nagising ito. “Daddy.” Pupungas-pungas na lumapit at yumakap ito sa kanya. “Happy birthday Anak.” Hinalikan ni Leonard sa noo ang anak at mahigpit na niyakap. “Here’s my gift for you.” Iniabot niya ang isang stuff toy na halos kasing-laki ni Sam. “Wow! Mama Bear. Thank you, Daddy.” Tuwang-tuwa ang bata at mahigpit na niyakap ang stuff toy at inugoy-ugoy ito. Muling niyakap ni Leonard ang anak. Alam niya kung bakit ito ang tawag ni Sam sa stuff toy. Ilang beses na siyang tinanong ng anak tungkol sa ina. Naintindihan na ni Sam na patay na ang ina pero isang katanungan ng bata ang hindi niya masagot. “Daddy, kelan po ako magkaka-mommy?” Nagulat si Leonard sa tanong ng anak. Muli na namang naulit ang tanong na mahirap sagutin. “Baby, wala pa kasing nakikita si Daddy na kasing-bait at kasing-ganda ng iyong mommy.” Ito lang naman lagi ang sagot niya. “Go back to sleep, baby. Hug your Mama Bear.” Pinahiga ni Leonard ang anak at kinumutan. Hinintay na makatulog bago pumunta sa kanyang kuwarto. Kinabukasan ay oras ng pagra-round ni Li sa kanyang mga pasyente sa hospital. Tiningnan muna niya ang mga records ng mga pasyente kasama na rito ang chart ni Menandro Domingo. Pinagpawisan ang noo niya kahit may aircon. Baka magkita sila ng babae at hindi pa siya handa na magkaharap sila. Gusto niya itong makausap pero hindi sa ganitong pagkakataon. Pero kailangan niyang bisitahin ang mga pasyente. “Bahala na,” wika niya sa sarili. Tapos na siya sa ibang pasyente at papunta na siya sa kuwarto kung saan naroon si Mang Menandro ng mamataan niya ang babae na palabas nang kuwarto, mukhang paalis na at naka school uniform. Biglang about-face si Leonard, nagulat pa ang nurse na kasunod niya, at bumalik siya sa nurse station. Hinintay niyang makalampas ang dalaga bago siya tumuloy. Sinundan niya ito ng tingin. Maganda ang hubog ng katawan at sa simpleng damit, sa mata niya ang dalaga ay kaakit-akit. Bigla uminit ang kanyang pakiramdam. Napailing siya, pilit iwinaksi ang laman ng isip. *** Nag-angat ng mukha ang bantay ng pasyente ng pumasok si Leonard. “Ay, Dok, good morning,” nakangiti nitong bati kay Leonard. “Good morning din po,” ganting bati ni Leonard sa bantay na sa tingin niya ay asawa ng pasyente. “Kayo po ba ang asawa ni Menandro Domingo?” “Ay opo, Dok. Ako po si Gloria,” nakangiting wika ng kausap. Kumusta na po si Tatay?” Nginitian niya ang pasyente habang kinukuhanan ng mga vital signs. Ngumiti din ang pasyente. Pinagmasdan ni Leonard ang pasyente, kahawig ito ng dalaga. “Ay, unti-unti na pong lumalakas, nakakain na po siya,” masayang sagot ng asawa nito. “Maganda pong sign yan, mapapabilis ang paggaling ni Tatay,” sang-ayon na komento ni Leonard habang may isinusulat sa chart ng pasyente. “Kayo po ba lagi ang bantay ni Tatay?” baling niya sa asawa ng pasyente. Ang totoo ay naghahanap siya ng hint kung kailan dumarating ang anak nito. “Ay, di naman lagi, mamaya papalitan ako ng anak kong si Jasmine. Nag-aaral kasi kaya sa gabi siya nagbabantay,” wika ni Aling Gloria. Ngayon alam na niya ang pangalan at kung anong oras naroon ang dalaga sa Hospital. “Tatay pagaling kayo ha,” baling niya sa pasyente na nakangiting tumango naman sa kanya. “Nanay, pag may kailangan ang pasyente, paki-inform na lang po ang nurse station,” habilin niya kay Aling Gloria. “Ay sige po, Dok. Salamat,” wika ni Aling Gloria. Sa office ni Agent Henry Mendez. “Li, Pare. Mukhang na-miss mo ako ah.” Napangiti si Li sa tinuran ng kaibigan. Mula ng magkaroon sila ng kani-kanilang propesyon ay bihira na silang magkita. Hindi tulad ni Jay na pareho sila ng tinahak na landas. “Pards, alam mo naman ang trabaho ko. Walang fix hours.” “I know. And for sure may kailangan ka sa akin,” nakangiting wika ni Henry kay Leonard habang pinapaikot ang ballpen sa dulo ng mga daliri. “Yeah, you’re right.” May kinuha si Leonard sa bulsa ng kanyang polo. “I want you to background check this lady and her family.” Binasa ni Henry ang nakasulat. “Jasmine Domingo. Name and address lang. Wala man lang picture? Anong connection niya sa’yo, bro?” kunot-noo na tanong nito. “Wala akong picture. She’s young. A college student. Perhaps twenty or twenty one. Basta Bro, I need your B.I report,” pakibit-balikat na sagot ni Leonard. Ang totoo kahit siya ay nagtataka kung bakit gusto pa niyang alamin ang tunay na buhay ng dalaga. “The last time you ask me to do a B.I was a decade ago before you started courting Estella,” komento ni Henry. “May utang ba ito sa’yo? Or someone special?” pabirong tanong ni Henry. Napangiti rin si Leonard sa tinuran ng kaibigan. "Bro, just do what I want." “Ok. Just give me a week,” wika ni Henry. “By the way, birthday ng inaanak mo sa Sunday. Wag kayong mawawala ni Samantha.” Lunchtime sa isang restaurant. “Jay, I’m attending a medical convention in New York next week. Dumating na si Dr. Cheng,” wika ni Leonard sa kaibigang doctor habang kumakain. “How long you’ll be away?” tanong ni Jay sa gitna ng pagnguya ng pagkain. “Two months. Actually more than a month lang but I will also visit my parents,” sagot ni Leonard na patuloy din sa pagkain. Napangiti si Jay at tinudyo ang kaibigan, “Magha-hunting ka lang ng babae doon.” Bahagyang kumunot ang noo ni Leonard sa sinabi ng kaharap. “Of course not. Gusto ko nga sanang isama si Sam kaso may pasok pa sa school.” Sumeryoso ng tanong si Jay, “Li, kelan mo ba hahanapan ng pangalawang mommy ang inaanak ko.” Napabuntonghininga si Leonard. Una si Sam ngayon pati si Jay ay nagtatanong kung kailan uli siya mag-aasawa. “Hindi madaling gawin ang sinasabi mo.” “Don’t get me wrong, Pare. Alam mo naman ang profession natin, madalas sacrificed ang quality time sa family. Mas maganda kung may katuwang ka sa pagpapalaki ng anak mo,” paliwanag ni Jay. Buntonghininga lang ang naging sagot ni Leonard. “Siyanga pala, bakit mo sinagot ang hospitalization ni Menandro Domingo?” nagtatakang tanong ni Jay. Napatigil sa pagsubo si Li. “Kawawa naman ang pamilya kung mawawala ang padre de pamilya,” sagot niya sa kaibigan. “Yun lang?” patanong na wika si Jay. Iniba ni Li ang usapan para tumigil na sa pag-usisa ang kaibigan. “Bilisan natin ang pagkain, ihahatid ko pa si Sam kay Ate Jelyn.” Iniisip ni Leonard ang sinabi ni Jay habang pauwi ng bahay. Sinusubukan niya din naman na maghanap ng bagong mamahalin pero ni isa ay walang kumuha ng kanyang pansin. Walang pumasa sa kanyang pamantayan. Wala na yata siyang mahahanap pa na katulad ni Estella, bukod sa maganda na ay mabait, matalino, mapagmahal, maalalahanin at isang ulirang asawa sa kanya. Isang buntonghininga ang pinawalan ni Leonard. Naalala niya si Samantha. Lumalaki na at nagkakaisip na ito. Malaki ang pagkukulang niya sa anak dala ng kanyang trabaho. ‘Kawawa naman ang anak ko,’ nausal niya. Biglang pumasok sa isip niya si Jasmine. Kahawig ito ni Estella. Kung mayroon man na pagkakaiba ay ang height dahil petite si Jasmine, curly hair ang kay Estella at straight hair ang kay Jasmine, napakaputi ni Estella pero maputi din naman si Jasmine. Mula sa araw ng maangkin niya ito ay madalas niya itong naiisip. Tinatanong niya ang sarili kung dala lang ba ito ng pananabik bilang lalaki. Pero bakit ng makita niya ito sa lobby ng hospital ay tuwa at kaba ang kanyang naramdaman. Para siyang teenager na dinaga ang dibdib ng makita ang isang crush. Wala sa sarili na napangiti siya. "Daddy!" Masayang sinalubong si Li ni Samantha. Kinarga niya ito at hinalikan sa ulo, “Hi baby, how’s your day? You’re getting heavier everyday,” inalog-alog pa ito. “How is your work Daddy?” malambing na wika ng bata. Sanay na si Sam sa walang fix time niyang pag-uwi ng bahay. Naunawaan na nito ang trabaho ng isang doctor kahit bata pa ito. Hinaplos-haplos ni Li ang pisngi ng anak, “Baby, Daddy is leaving for USA. You’ll stay with Tita Jelyn while I’m away.” “You are leaving?” malungkot na wika ni Sam. “Yes baby, but don’t worry when I get back, we will go to EK,” masayang wika ni Leonard bilang pampalubag-loob sa anak. Ramdam niya kung gaano ito kasabik sa ina at madalas ay wala pa siya. “Yeheyyy..!” Tuwang-tuwa si Sam na pumalakpak. Mahigpit na niyakap ni Li ang anak. Ang nag-iisang alaala na naiwan ng mahal niyang asawa na si Estella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD