KABANATA 1

1618 Words
Halos mapatalon si Christina sa gulat nang kumalabog ng malakas ang pintuan ng kanilang bahay. Napabuntong-hininga na lamang s'ya dahil natitiyak n'yang kasunod niyon ay ang sunod-sunod na pag-mumura ng tatay Delio n’ya. Hindi nga siya nag-kamali dahil maya-maya lamang ay paulit-ulit itong nag-mumura habang nagha-halungkat ng kung anong makakain sa kusina. Pero alam na n'ya ang mangyayari dahil siguradong magli-liparan na naman ang kasangkapan at mababasag ang kahit na anong maaaring mabasag. “Punyetang buhay iyan! Christina !” Malakas nitong sigaw kasabay ng pagkabasag ng mga kasangkapan kaya napangiwi na lang si Christina. Gusto na lang n'yang mag-tago pero saan? Sa liit ng bahay nila ay kahit daga madaling makikita. “Pagod ka na nga sa mag-hapong pagta-trabaho ay wala ka pang aabutang kakainin? Anong silbi ninyong dalawa?! Hah!” Tukoy nito sa kanilang mag-ina. Napasulyap siya sa kanyang nanay na kasalukuyang nakatingin din sa kanya nang mga oras na iyon. Ang namumutla na nitong mukha ay lalo lamang namutla dahil sa takot sa asawa. Kagat-labi s’yang lumapit dito at hinawakan ang kamay upang kalmahin gayong kahit siya ay natatakot din. Contraction worker ang tatay Delio n'ya, pangalawang asawa ito ng kanyang nanay nang mamatay ang kanyang tatay ng mabagok ang ulo nito mula sa pagka-kahulog sa scaffolding, labinlimang taon lang siya noon. Dalawang taon matapos ang pagka-matay ng tatay n'ya ay nag-asawa ulit ang kanyang nanay. Sa kagustuhan n'yang makita na muling maging masaya ang nanay n'ya ay hindi sya tumutol. Pero ang akala n'yang kaligayahan at pagka-karoon ulit ng isang buong pamilya ay naging bangungot para sa kanya. Lasinggero ang tatay Delio n'ya, sugarol, at higit sa lahat mapanakit na asawa lalo na kapag nasa impluwensya ng alak. Mabilis na iniharang ni Christina ang katawan sa kanyang nanay ng makita n'ya ang plangganang hawak ng kanyang tatay Delio at ibato iyon sa gawi nila. Tumama iyon sa likod n'ya. Hindi naman iyon ganoon kasakit pero laking gulat n'ya nang pag-lingon n'ya ay ang kalderong walang laman na ang dala ng tatay Delio n'ya. Umuungol ang nanay n'ya sa takot at pilit na nagsa-salita kahit na hindi naman iyon maintindihan. “Pareho kayong walang kwenta! Palamunin na nga lang hindi pa makapag-luto!” “Wala ka naman po kaseng iniwang pera. Maghapon at magdamag kang wala, wala na din po akong pera pambili ng pagkain dahil ibinayad ko na sa kuryente at ibinili ng gamot ni nanay ang natitira ko pang pera.” Hindi na nakatiis pa ay sumagot na siya na lalong nagpa-liyab sa galit ng kanyang tatay Delio. Hindi na nagawa pang makaiwas ni Christina nang buong panggi-gigil na ibato nito ang hawak nitong kaldero. Tumama iyon sa kanang bahagi ng kanyang mukha. “At ano ang gusto mong palabasin punyeta ka! Obligasyon mong ibili ng gamot ang lumpo mong nanay. Obligasyon mo din na magbayad ng dapat bayaran! Hindi kita pinalaki at tinustusan para maging palamunin lang! Lumayas kayo dito kung gusto ninyo, tingnan natin kung saan kayo pupulutin! Walang utang na loob!” Sapo ang kanyang ulo at kahit mahilo-hilo pa at nilingon ni Christina ang ama-amahan. Nagngi-ngitngit sa nararamdamang galit ang kanyang kalooban. Namuo ang luha sa sulok ng kanyang mga mata dala ng pinaghalo-halong emosyon. Galit, inis, awa para sa kanilang mag-ina. Marahil nga ay kinupkop sila ng kanyang ama-amahan ng pakisamahan nito ang kanyang nanay, pero kailanman ay hindi ito naging ama sa kanya, o isang asawa sa kanyang nanay. Sapo ang kanyang kanang mukha ay nilingon n'ya si Delio. “At bakit ganyan ka kung makatingin? Lalaban ka? “ “Wala kaming utang na loob sa iyo..ikaw ang nangako ng maayos na buhay at pamilya sa nanay pero alila ang itinuring mo sa amin. Umuuwi ka lang naman dito sa bahay mo kapag ubos na ang pera mo sa pag-su-sugal, pagla-lasing at pamba-babae mo! Argh!!” Puma-imbabaw sa maliit na kabahayan ang palahaw na iyon ni Christina nang hablutin s'ya ni Delio mula sa kanyang buhok at pilit na itina-tayo. Hindi man makakilos nang maayos si Lorna ay ibinangon nitong pilit ang katawan at pilit na ina-alis mula pagka-ka-sabunot ang kamay ni Delio sa kanyang anak. Subalit walang pasubaling hinawi lamang ito Delio dahilan upang bumagsak si Lorna sa sahig. Napaungol ito sa sakit dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan. “Nay!” “Wala na nga kayong pakinabang nakukuha mo pang mag-mataas! Kung hindi ko kayo kinupkop saang lupalop ng impyerno kayo pupulitin? Saan kayo magpa-palipas ng bawat gabi? Sa puntod ni Ernesto?” Tukoy nito sa tatay n'ya. Muling napa-palahaw sa sakit si Christina nang kaladkarin s'ya ni Delio at itulak palabas ng silid. Nahulog s'ya at napa-subasob sa lupa. Hindi kase konkreto ang bahagi na iyon ng bahay. Mula sa kusina at maliit na sala ay lupa parin. “Gawan mo ng pabor ang sarili mo kung ayaw mong higit pa ang maranasan mo sa akin Christina. Huwag mong sagarin ang pasensya ko at baka lalong mag-dilim ang paningin ko sa inyo ay tuluyan ko ng lumpuhin ang nanay mo! Hala sige at tumayo ka diyan! Ihanap mo ako ng maka-kain!” Walang nagawa si Christina kung hindi ang pilit na itayo ang sarili. Nakahiga pa ang nanay n'ya sa sahig habang nakatingin din sa gawi n'ya. Ang kahabag-habag nitong itsura ang lalong nagpa-balong ng luha sa kanyang mga mata. Kung may magagawa lamang s'ya upang lumayo sa poder ni Delio ay matagal na niyang ginawa. Subalit, kahit masakit ay aminado s’yang tama ito. Wala silang ibang mapupuntahan. Wala silang kahit na ano upang tumagal sa lansangan lalo na at may karamdaman ang kanyang nanay. “Mahabagin sa langit!” Gilalas na sambit ni aling Concha nang bumungad si Christina sa bahay nito. Ilang kanto ang layo nito sa kanila at kahit na nakakahiya ay nilunok n'ya ang kakapiraso na lamang na pride na meron s'ya upang mangutang ng makakain ni Delio. Baon na baon na siya sa utang kay aling Concha, pera, pag-kain at kahit utang na loob yata ay sobra-sobra. Pero s'ya lamang ang tanging bukas palad na pinag-bi-bigyan s'ya. Ang iba nilang kapit-bahay ay takot kay Delio, at tanging awa at tingin lang ang kayang ibigay sa kanya. “Mahabagin sa langit, anong ginawa n'ya sa iyo?” Tarantang tanong ni aling Concha. Sinakop ng mga palad nito ang kanyang mukha dahilan upang mapa-aray s'ya. “Pasensya na po talaga aling Concha, pero maki-kiusap po sana ako kung sakaling makahiram po ulit sa iyo. Si tatay Delio kase,” Yuko ang ulong paliwanag ni Christina sa ginang. “Wala na talagang ginawang tama ang tatay-tatayan mo. Hindi ko alam kung bakit tinatawag mo padin s’yang tatay sa ginagawa n'ya sa inyo ng nanay mo. Ire-report ko na talaga iyang si Delio, hindi na makatao ang trato n'ya sa inyo!” Bakas ang galit at pag-a-alalang sabi nito habang sinisipat ang kanyang mukha. Nag-iwas s'ya ng tingin tsaka ginagap ang kamay nito. “Pakiusap aling Concha, huwag na po. Kapag nakarating iyon sa kanya ay tiyak na ang nanay naman ang pagbu-buntunan n'ya ng galit.” Napabuntong-hininga si aling Concha matapos arukin ang sinabi ni Christina. “Kailan mo pa ma-i-isipang lumayo Christina? Kapag kulay itim at asul na ang buong katawan mo hindi lamang yang mukha mo? O kapag isa na sa inyo ng nanay mo ang nakatabi sa nitso ng tatay mo?” Hindi maalis-alis sa isipan ni Christina ang sinabi ni aling Concha sa kanya. Pero paano? Kung sana ay mayroon s’yang ipon kahit na paano baka sakaling makatulong iyon upang magka-lakas loob s’yang lumayo sa poder nang tatay Delio n'ya. Pero ang katotohanan ay wala s'ya ni isang kusing at patong-patong na ang utang n'ya. Pasalamat na nga lamang s'ya at hindi s'ya inu-obligang singilin ni aling Concha. Nang makabalik s'ya sa kanilang bahay ay naabutan n'ya ang kanyang tatay-tatayan na prenteng-prente ang pagka-ka-upo sa lumang sofa habang nanu-nood sa t.v. Nag-isang guhit yata ang kilay n'ya nang mahagip ng kanyang tingin ang kanyang nanay na hihinga-hinga sa pagka-kahiga. Nasisiguro n’yang hindi ito tinulingan ng tatay Delio n'ya upang makahiga ng ayos. “Ano pang itina-tayo-tayo mo diyan Christina? Hindi maluluto mag-isa iyang dala mo. Magluto kana at gutom na ako!” Singhal nito sa kanya. Kagat-dilang tinalikuran na lamang n'ya ito. Ayaw n’yang mag-salita pa. Sapat na ang sakit na nara-ramdaman n'ya sa kanyang kanang mukha at ang kalagayan ng kanyang nanay upang manahimik na muna. Matapos makapag-luto ay inihanda n'ya iyon sa mesa na tila babagsak na sa kalumaan. Walang sali-salita namang lumapit doon ang tatay Delio n'ya at dumulog sa hapag. “Kung hindi ka sana nanga-ngatwiran ay hindi ka masasaktan. Pumasok ka na doon at asikasuhin mo ang nanay mo. Baka mamaya ay tuluyan iyang malagutan ng hininga. “ Taboy nito sa kanya na iwina-siwas pa ang kamay habang ngumunguya. Mabigat man ang loob ay sumunod na lamang s'ya dito. Nang makalapit s'ya sa kanyang nanay ay kita n'ya ang habag at labis na pag-aalala nito sa kanya. Pilit na lamang s’yang ngumiti bago inayos ang pag-ka-kahiga nito at makumutan. Ginagap nito ang kanyang kamay dahilan upang mapahinto s'ya at muling mapa-titig sa mukha ng kanyang nanay. Bahagyang nakangiwi ang ang labi kung kaya hindi ito naka-ka-salita ng maayos at kung minsan ay tanging ungol lang ang luma-labas sa bibig nito sa tuwing susubukang makapag-salita. Hindi rin maikilos ng maayos ang kabiyak ng katawan ng kanyang nanay Lorna dahil sa stroke. “Huwag kang mag-alala nay, magiging maayos din ang lahat.” Pang-a-alo n'ya sa ina, gayong sa sarili n'ya ay hindi n'ya alam kung paano iyon mang-yayari. Kung sana ay nabubuhay lamang ang tatay n'ya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD