Prologue

439 Words
Sakay ng isang ordinaryong bus ay tahimik na naglakbay ang mag asawang Satana at Agustin kasama ang kanilang limang buwang sanggol na si Lino. Sa malubak na daanan ay nagulat ang lahat ng pasahero sa biglaang pagpreno ng bus na kanilang sinasakyan. “Ahhhhhhhhhhhh.” bigla nalang nagsigawan at nagkagulo ang mga pasahero sa loob ng nasabing bus sa labis na takot. Dahil doon ay agad namang nagising si Agustin mula sa mahimbing na pagtulog, agad nitong nilingon ang mag-ina niya at sa oras na iyon ay hindi niya maiwasan ang mag-alala, lalong-lalo na nang makita ang takot sa mukha ng asawa. “Satana, ayos ka lang ba?” tanong ni Agustin sa asawa ng makitang tahimik din iyon at tila ba ay nangangamba. Tumango lang ang babae bilang tugon. Ilang saglit pa ay tuluyan ng hininto ng driver ang bus at mula sa malawak na salamin ay masuring tiningnan nito ang nakahandusay na bagay na nasa harapan ng nasabing sasakyan. “Putang ina! ano yan?” Malakas na sambit ng driver ng mapansin ang isang duguan at mistulang nabubulok na katawan ng isang hayop. Mula sa bintana ay natanaw naman ng mag asawang Agustin at Satana ang duguang katawan ng aso, wakwak din ang gitna ng katawan noon na tila tinanggalan ng mga lamang loob. Napangiwi naman ang ilan sa mga pasahero, halos lahat sa kanila ay nandiri at nakaramdaman ng kakaibang takot sa nakita. Mabilis na tinakpan ni Agustin ang mga mata ni Satana upang hindi na masilayan ang nakakasukang kalagayan ng patay na hayop. “Nakakadiri naman yan.” Sigaw ng isang pasahero. “Sino naman kaya ang walang moral na gumawa niyan?.” Sambit naman ng driver. “Oo nga, parang hindi naman tao ang gumawa niyan, hindi na naawa sa hayop.” Sagot pa ng isang pasahero na nakaupo din sa bandang harapan. Ilang sandali ding namayani ang mga bulong-bulungan sa loob ng bus, hanggang sa mapansin ni Agustin ang biglaang pagdilim ng paligid. “Manong tara na po.” Mahinahong tugon nito sa driver. Tumango naman ang may edad na lalaki na siyang nagmamaneho ng nasabing sasakyan, Maya-maya pa ay maingat nitong hinawakan ang manubela at mariing pinaandar ang bus sa kabilang direksyon. Napatingin si Agustin sa kanyang mag-ina, at napansin nito ang biglang pamumutla ni Satana. Napukaw din ng kanyang pansin ang pagkabalisa ng asawa habang karga-karga ang kanilang sanggol. “Mahal may sakit ka ba?” pag-aalala nito sabay hawak sa noo ni Satana. habang ang babae naman ay tahimik lang na nakatingin sa malayo. bago tumugon. “Malapit na tayo Agustin, Malapit na tayo sa Baryo” Nangangambang tugon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD