HFL4: MONTH OF CURSE

316 Words
Puno ng pagmamahal na hinaplos niya ang kulay abong balahibo ng anak niya si Erol sa anyo nitong lobo. Nakakulong pa rin ito sa metal apat na sulok ng kulungan nito. Nakahalundusay sa sahig. Sa sobrang pagod at ilang sugat na gumuhit sa katawan nito na mabagal na humihilom. Bumuntong-hininga si Erin habang pinagmamasdan ang nanghihina anak. "Erin,"pukaw sa kanya ng asawang si Darrel. Yumukod siya para halikan ang mabalahibong noo ng lobo bago siya lumabas roon. "Magandang gabi,Mrs.Dariuz," pagbati sa kanya ni Dra.Amore. Tinanguan niya ito. Agad na yumakap sa beywang niya ang kanya asawa. Hinalikan nito ang kanya noo. Bakas sa gwapo nitong mukha ang puyat at pag-aalala para sa kanilang anak. "Is he okay?"may pag-aalala tanong ng asawa niya. " He's going okay,hon.."sagot niya sa asawa. "Kalmante lang siya hindi tulad ng ibang pinsan niya," nakangiti saad ni Amore habang pinagmamasdan ang anak nila na tahimik lang namamahinga sa loob. "Mauuna na ako,titignan ko din ang dalawa mo pang pamangkin," paalam nito. "Salamat," aniya. Sinamahan ito ng asawa niya makalabas ng basement nila. Bumalik din kaagad sa tabi niya. "Naalala ko noon..noong panahon nasa ganyan sitwasyon ka din,pinagsasalamat ko na hindi ka kailangan ikulong sa kulungan na yan," alala nito sa nakaraan nila. Malambing siya yumakap sa asawa. "Kumpara sa aming mga babaeng lobo kaya namin magpigil sa aming sarili kumpara sa mga lalaking lobo na masyadong agresibo...at nagpapasalamat ako hindi ganun kaagresibo si Erol," aniya. Tumango ang asawa at hinalikan siya kanya noo. Sa loob ng dalawapu't-siyam na taon mas lalo siya minahal ng asawa at dumoble pa iyun ng dumating sa buhay nila ang kanila anak na si Erol. Mataman niya pinagmasdan ang kanila anak na namamahinga habang mabilis na tumaas-baba ang mabalahibo nitong dibdib. Sana matagpuan na ng anak nila ang babae itinakda rito para sa ganun ay maisakatuparan na ang ritual na siyang tatapos sa paghihirap ng kanilang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD