kabanata 1

1421 Words
Mula sa isang pasilyo ay humahangos na tumakbo si Ruby habang yakap ang bitbit na bag, lumingon siya sa kanyang likuran at naaninag ang taong humahabol sa kanya. “Sh¡t!” Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo habang lumilinga-linga sa paligid, ang daan na may kaunting liwanag dahil sa poste ay lalong nagpakilabot sa kanya. Ayos sana kung ang mga building ay bukas pa, ngunit lahat ay nagsarado na dahil alas-dos na ng madaling araw. May mahihingian pa sana siya ng tulong, ngunit kahit ni isa ay wala siyang nakikita. “Ruby!” Napaigtad siya dahil sa sigaw na iyon, muli niyang nilingon ang humahabol sa kanya at nalamang malapit na siya nitong maabutan kaya mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag, natataranta at may nahulog pa na kung ano dahil sa paghahalungkat ngunit hindi niya ito pinansin. Wala na siyang pakialam dahil mas mahalaga ang buhay niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin ng taong humahabol sa kanya. Agad niyang hinanap ang numero ng kanyang kapatid, ito ang inaasahan niyang makakasagot agad ng kanyang tawag ng ganitong oras dahil ito ang laging nagpupuyat dahil sa paglalaro. Pagkatapos ng ilang ring ay lumundag sa tuwa ang puso niya nang marinig ang boses ng iritadong boses ng kapatid. “Ate, bakit ba? Naglalaro—” “Beryl! Kailangan ko ng tulong! Nandito ako malapit sa trabaho—” Nabitawan niya ang hawak na cellphone nang hinablot ng humahabol sa kanya ang kanyang buhok, napahiga siya sa kalsada at naramdaman ang pag gasgas ng kanyang likod sa magaspang na kalsada. “Wag ka nang tumakbo!” Sumungaw sa kanya ang nakangiting mukha ng lalaki, ngunit ang boses nito ay galit na galit. Hinila siya nito dahilan upang lalo niyang maramdaman ang mainit na pag gasgas ng likod niya sa kalsada, binitawan na niya ang kanyang bag at hinawakan ang buhok niyang hinihila no’ng lalaki. Pinadyak-padyak niya ang mga paa niya habang buong lakas na tumitili. “Manahimik ka!” Binitawan siya nito, pagkatapos ay hinawakan siya nito sa balikat para iangat s’ya patayo. Nang magpantay ang kanilang mata ay marahas nitong hinapit ang kanyang panga, tinakpan ang bibig niya ng isa pang kamay. “Kapag hindi ka tumahimik ay masasaktan ka,” Pananakot nito, halos hindi siya makahinga dahil sa takot sa namumulang mga mata nito. Nanginginig siyang tumango habang tumutulo ang kanyang luha, ngumisi ito at binitawan ang bibig niya. Dahil sa takot at panginginig ng katawan ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tahimik na humikbi, tinali nito ang kamay niya sa kanyang likuran saka pinasakan ng kung anong tela ang bunganga niya. Ilang minuto pa silang naglakad bago niya maaninag mula sa dilim ang kulay itim na kotse sa gilid ng isang matayog na puno, wala talagang mga tao sa paligid. Nakakapagtaka lang dahil dati naman ay kahit ganitong oras ay may mangilan-ngilan na taong makikita, ngunit ngayon ay wala ni isa. Binuksan ng lalaki ang kotse at marahas siyang itinulak papasok sa loob. Lalong bumuhos kanyang luha. She’s going to die tonight. Sigurado na siya sa kanyang iniisip, siguro ay matapos siyang pagsamantalahan nito ay saka siya nito papatayin. Ang masama pa ay baka hindi siya agad nito tapusin at patagalin pa ang pagpapahirap sa kanya. Wala siyang ibang naiisip na dahilan para kidnappin siya nito, hindi naman mayaman ang pamilya niya para humingi ito ng ransom. Oh, dear Lord. Kailangan niyang makita ang pamilya niya! Ilang buwan siyang hindi nagpakita sa mga ito tapos ang malalaman na lang ay patay na siya, baka nga hindi pa nito makita ang kanyang bangkay dahil baka itapon na lang ng kidnapper niya ang katawan niya sa kung saan. Nang umandar ang sasakyan ay para siyang nabaliw dahil sa pagkakataranta, she tried to reach for the driver ngunit hindi niya magawa dahil sa pagkakatali ng kanyang kamay. Halos ibato niya ang katawan niya rito para lang matigil ito sa pagmamaneho. “Putcha! Hindi ka ba talaga titigil?!” Umigting ang kanyang panga dahil sa malakas na sampal na ginawa nito sa kanya, halos mabingi siya ro’n. Ang galit na emosyon ng lalaki ay bigla na lang nanlambot nang makita ang namumulang pisngi ni Ruby. “‘Wag ka nang makulit, ayokong saktan ka. Dadalhin kita sa palasyo nating dalawa, ayokong masaktan ang reyna ko. .” Disgusts filled Ruby’s eyes, hindi makapaniwalang pumiling-piling siya at pinipilit magsalita ngunit hindi niya magawa dahil sa nakapasak sa bibig niya. This man is fuçking delusional! He’s obviously on drugs! Nagpatuloy sa pagmamaneho ang lalaki, maligaya itong ngumiti habang pinagmamasdan sa salamin sa unahan ang umiiyak na si Ruby. Nasa isip niya ang mga bagay na mangyayari kapag nakarating na sila sa palasyo na inihanda niya para rito. Magkakaroon sila ng masayang pamilya, sa iniisip pa lang ay hindi na niya maiwasan ang sayang nararamdaman. Si Ruby ay nawawalan na ng pag-asa, hindi na siya nag-abala pang kumilos at gumawa ng kung ano man para mailigtas ang kanyang sarili. Wala nang kwenta iyon dahil sasaktan lang siya nito lalo, ang kumikirot na pisngi ay wala siyang nagawa kundi damdamin na lang. Hindi niya akalain na ganitong paraan ang kahahantungan niya, mula bata pa lang ay pinangarap na niyang magkaroon ng sariling maayos at magandang pamilya. Hindi niya naranasan ang buong pamilya dahil sa murang edad ay nakulong ang kanyang ama at ang ina niya ay nilayasan silang tatlong magkakapatid, tanging ang lola niya lang ang nag-alaga sa kanila. Niraos nito ang pag-aaral nila, at ngayong malapit na siyang maka-graduate at magiging rehistradong teacher ay saka pa mangyayari ito. Lalong naiyak si Ruby dahil sa naisip, matanda na ang kanyang lola kaya siya na ang aasahan nito. “Putang—” napamura ang driver nang marinig ang malakas na kalabog mula sa bubong ng minamanehong sasakyan. Si Ruby ay mabilis na napayuko at pilit siniksik ang sarili sa maliit na espasyo sa pagitan ng mga upuan dahil sa gulat. Isang bagay ang tumama sa bubong ng sinasakyan nila dahilan para mayupi ang bubong, nagpagewang-gewang ang sasakyan dahil sa gulat ng kidnapper. Bumangga sila sa isang puno, ilang segundo na katahimikan ang nangyari at tanging malakas na kabog ng puso lang ni Ruby ang kanyang naririnig. Kinakabahan na dumilat siya ng mata, nakita niya ang pagkabasag ng windshield. Mabilis siyang tumingin sa paligid, ang driver ay walang malay. This is my chance! Kailangan kong tumakas! Pinilit niyang buksan ang pinto ngunit ayaw bumukas, sinipa-sipa niya ito. With all her strength because of desperation. At nang mabuksan ang pinto ay bigla na lang niya narinig ang pagkasa ng isang baril, nilingon niya ang direksyon ng kanyang kidnapper at sumalubong sa kanya ang ulo ng baril nito. Hindi siya nakagalaw at nanlamig dahil sa takot. “Sige! Subukan mong tumakas!” Galit na galit na sigaw nito, ang mukha ay puno ng dugo dahil sa mga bubog mula sa windshield. “Please, let me go!” pagmamakaawa ni Ruby. “Gagawin ko ang lahat, wag lang ito! Wag mo akong kunin!” Hindi sumagot ang nakakatakot na kidnapper, ang mata nito ay nanlilisik dahil sa galit sa pagkakabangga nila. Nasira ang matagal na nitong pinlano! Hindi nila malaman pareho kung ano ang bumagsak sa sinasakyan nila ngunit kahit nagtataka ay hindi na nila iyon inalintana. Sa kabila ng inis ay ngumiti ang kidnapper. “Tss, wag kang mag-alala. Magugustuhan mo ang pagdadalhan ko sa iyo. .” Nagtangis ang bagang ni Ruby, hindi na niya alam talaga ang gagawin. Kanina lang ay nagkaroon na siya ng pag-asa dahil nakatulog ang kidnapper niya, ngunit mabilis itong nagising. You’re a fuçking monster! Gusto niyang isigaw sa mukha nito, pero baka dahil doon ay magalit pa ito lalo sa kanya. “Isara mo ang pinto!” Hindi napansin ni Ruby ang sigaw ng kidnapper nang makita niya sa gilid ng mata niya ang isang malaking tao na nakatayo sa ibabaw ng hood ng kotse na sinasakyan. A very gorgeous man with a pale face, ang mahabang itim na buhok nito ay tumatama sa malapad nitong balikat. His glazed eyes are boring holes through her, kahit malinaw na green ang kulay ng mata nito ay maitim naman ang mga paligid. Ang maputlang labi nito ay may nakakapangilabot na ngisi and his dark attire makes his pale complexion more extreme. Kung ang t***k ng puso niya kanina ay sobrang mabilis ang t***k, ngayon ay pakiramdam niya’y tumigil ito. Hindi siya makahinga, her breathing quickened as the goosebumps rose on her skin. She was extremely terrified.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD