Chapter 1 : THE PROJECT

1023 Words
Caleigh's p.o.v   " so.. "   " don't forget to wait for the comet neowise guys! "   " ang may pinakamagandang shot sa comet ay ang bibigyan ko nang mataas na grade para sa last quarter nang school year na to. "   nakangiting sambit samin ulit ni sir albert.. naririnig ko naman sila na sobrang excited na excited na para makita yung neowise comet na yon..   napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa harapan..   " class dismissed. " " enjoy waiting! "   dagdag pa nyang sabi samin tapos ay binitbit na nya yung librong dala dala nya at saka nya ako tinapunan nang tingin at ngumiti bago sya lumabas..   sakto namang paglabas nya ay ang pagtunog nang bell..   inayos ko na yung gamit na nasa table ko at ipinasok na yun nang mabilis sa bag ko.. nang makatayo ako habang bitbit yung bag ko ay dali dali akong naglakad palabas pero hindi ko parin natakasan yung masasakit na salita nanaman na bibitawan ni lara habang maraming tao ang nakakakita sa ginagawa nya..   " hey stupid caleigh. "   malakas nyang sigaw kaya biglang tumigil ang ingay sa loob nang classroom.. napabuntong hininga nalang ako at unti unting lumingon sakanya..   pagkalingon na pagkalingon ko ay agad na lumipad yung notebook ko na hiniram nya sakin nung isang araw at tumama yun sa mukha ko..   " ooops.. " " sorry , sadya. "   mapang asar pa nyang sabi sakin at lahat sila ay nagtawanan.. napayuko nalang ako at pinulot yung notebook ko na hiniram nya at saka tumalikod nalang at nagpatuloy sa paglalakad...   I'm Caleigh Skye Loper 19 years old just an ordinary girl passing by.   wala na kong magulang kaya pinagsasabay ko yung part time job ko sa isang coffee shop tapos kapag wala masyadong ginagawa , pinayagan naman ako nung boss ko na gumawa nang assignments..   kung tatanungin naman ako nung nasan yung mga relatives ko? hindi ko rin alam..   wala silang pakielam sakin eh.   yung mga magulang ko naman? namatay sila sa car accident habang papauwi sa bahay namin.. 16 years old ako noon and..   sobrang sakit at sobrang hirap na mawalan nang magulang at my very young age.   mahirap at masakit , pero kailangan kong magpatuloy para matupad ko yung pangarap nila para sakin..   sobrang namimiss ko na sila.. p-pero wala naman akong pwedeng ibang magawa kundi mamiss lang sila nang mamiss..   hindi ko naman na kasi sila mayayakap e.   nagpatuloy lang ako sa paglalakad sa hallway habang hawak hawak yung libro ko.. nang bigla akong madapa at naibato ko yung libro at nagsimula silang magtawanan lahat..   " what the.. " " tanga ka ba ha? " " hindi mo ba nakitang nakaharang yung paa ko loser? "   maangas na sabi ni drew sakin na parang sya pa yung galit.. napayuko nalang ako at saka tumayo na at kinuha yung mga libro ko...   nang makuha ko na lahat yon ay tumayo si drew at tumayo sya sa harapan ko.. hindi ko nalang sya pinansin at saka ako tumayo..   " alam mo hindi ko alam kung pipi ka ba o tanga lang talaga e.. "   sabi pa nya sakin.. naiangat ko nalang yung ulo ko sakanya at tinitigan sya saglit tapos ay maglalakad na sana ako para lampasan sya nang bigla nya akong itulak nang malakas kaya napaupo nanaman ako at nahulog nanaman lahat nang librong hawak hawak ko..   iginala ko yung mata ko at tinignan yung mga taong nakatingin lang sakin habang tinatawanan pa ko..   " hey babe! "   " what are you doi-..... "   hindi na naituloy ni lara yung sinasabi nya nang makita nya akong nakaupo sa sahig habang nasa harapan ako nang boyfriend nyang kasing sama nang ugali nya..   " oh.. " " anong meron? " " bakit nakaupo ka dyan n-na para kang namamalimos? "   maarte nya pang tanong sakin.. napalunok nalang ako at saka bumuntong hininga  at napatingin ako sa mga libro kong nakakalat lang sa sahig..   tatay na sana ako para kuhanin ulit yon nang may nakita akong nakalahad na kamay sa harapan ko.. hindi ko pa man din tinatanggap yon nang hawakan na nya yung kamay ko para maitayo nya ko nang maayos..   napayuko nalang ako sakanya tapos ay sya narin kumuha nung mga librong nakakalat sa sahig at iniabot nya sakin yon..   nang makuha ko na yung libro ay hinawakan nya yung likod ko para alalayan akong magpatuloy na sa paglalakad..   hindi na nakaimik sila drew nang bigla syang dumating.. napalingon ako sakanya saglit pero hindi ko sya kilala..   nakalabas kami nang school at naramdaman kong ibinaba na nya yung kamay nyang nakahawak sa likod ko at tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil din ako...   nanatili akong nakayuko habang nakaharang sa mukha ko yung mahaba kong buhok..   narinig ko syang mahinang ngumisi tapos ay tinap nya yung ulo ko..   " gumanti ka naman kahit minsan lang.. " " ako yung naiirita kapag nakikita kitang walang ginagawa e. "   natatawa tawa pa nyang sabi sakin pero napabuntong hininga nalang ako.. habang nakayuko parin at hindi sya tinitgnan...   " ingat sa pag uwi caleigh skye... "   sabi pa nya sakin at naiangat ko nang konti yung ulo ko pero likod nalang nya yung nakita ko.. pangatlong beses na nya akong tinutulungan kapag na b-bully ako.. lumalabas lang sya at nagpapakita kapag na b-bully na ko..   wala din akong idea kung sino ba talaga sya at bakit kapag sya na yung tumutulong sakin , hindi na nakakapalag sila drew.. siguro galing din sya sa mayamang pamilya katulad nila drew...   kinapitan ko nalang nang mahigpit yung mga libro ko at tumalikod na din sakanya para makauwi na..  tinignan ko muna yung relo ko para alamin kung anong oras na ba..   6:55 p.m.   napatingala naman ako sa dumidilim nang kalangitan at inisip kung paano ko ba makukuhanan nang magandang shot yung neowise comet na sinasabi samin ni sir albert.. * dug dug dug dug * * dug dug dug dug * napahawak ako sa dibdib ko nang biglang kumabog yon nang malakas nang maisip ko bigla yung neowise comet na yon.   tumingin nalang ako nang diretso sa daanan at nagsimulang lakarin yung bahay na tanging iniwan sakin nang mga magulang ko sa gitna nang madamong daanan..   malapit lapit lang naman sa school yung bahay ko kaya kayang kaya namang lakarin nalang..   nang nakarating na ko sa malaking puno na tatakpan nang mga dahon sa gilid nang kalsada , ay lumingon lingon muna ako para makitang walang nakatingin sakin at saka ako pumasok..   pagkapasok na pagkapasok ko doon ay huminga ako nang malalim at pumikit..   nahihirapan na ko sa mga nangyayari.. mom , dad..   gusto ko nang sumunod nalang sainyo dyan.. pagod na pagod na pagod na ko dito.. ayoko na.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD