Chapter 1

4726 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jessielyn Ortega THE TOMBOY by: Blackrose Chapter 1 'Jessie!' 'Ninong!' 'Halika dito't may tatrabahuhin ka.' lumapit ako sa pwesto ni Ninong Arthur na may-ari ng Casa Delida kung saan ako nagtatrabaho bilang mekaniko tuwing weekends. At dahil sa mabilis at pulido akong magtrabaho ay maraming customers ang nagre-request ng serbisyo ko. Tuwing weekends ay nandito ako sa Casa Delida bilang all around mechanic. Hanggang alas-singko lamang ang Casa kada weekends kaya pagkalabas ko dito ay dumederetso ako sa Burdado, yun ay kung may gawa ako at kung sinabihan ako ni Noah. When I was starting noon sa tattoo shop ni Noah noong 15 years old ako, BURDADO Tattoo Shop, ay bihira lang or kung minsan nga ay wala pa akong gawa. Pero nang minsan na may tinabraho akong isang lalaki na alanganin pa nga sa'kin noong una na nagpa-tattoo ng mukha ng asawa niya, natuwa at napabilib siya sa akin. Doon na nagsimulang kada linggo ay hindi ako nababakante sa Burdado. Ngayon na 19 years old na ako, tumatayo akong Assistant Tattoo Artist/Tattoo Designer ni Noah na kababata at bestfriend ko. 'Ano pong problema niyan, Ninong?' tumayo ako sa katabi ni Ninong at humalukipkip ako. 'Mabilis uminit ang makina't nababawasan daw ang tubig ng radiator.' 'Asan po ang may-ari niyan, Ninong?' 'Ayun!' sabay turo sa mag-asawang mukhang may sinasabi naman sa buhay na nakatayo sa hidni kalayuan namin, nagsimula akong maglakad papalapit sa kanila. 'Magandang umaga po! Jessie po pala, ang magiging mekaniko ng Fortuner ninyo if both of you decides na ako nga ang hahawak sa kanya. Kung gusto ninyo po Sir, Mam ay i-check po muna natin ang radiator para matukoy natin kung iyon nga po talaga ang problema ng sasakyan ninyo.' 'Sige Jessie, let's check the car.' wika ng lalaking asawa sa akin. Sumama ang mag-asawa sa'kin sa kung saan nakaparada ang sasakyan nila. Matapos kong paandarin ang sasakyan at suriin ang pagkulo ng tubig sa loob ng radiator at ang pag-check sa iba pang parte ng makina, pinatay ko na ang makina at humarap na sa kanilang dalawa. 'Ganito po Sir, Mam ha. Hindi po radiator ang problema ng Fortuner ninyo, kailangan pong i-Top Overhaul na ang sasakyan para mapalitan na ang ilang piyesa. Iyon po ang problema ng sasakyan, matagal na po ang mga piyesa at luma na. Kailangan na pong palitan.' 'Ilan taon ka ng mekaniko ng Casa na ito, Jessie?' usisa sa'kin ng asawang babae. Alam ko naman that they are questioning my skills and ability bilang isang mekaniko, hindi sila ang unang gumawa niyan. Bilang babae sa mundo ng pang lalaking trabaho, natural na ang discrimination. Ang karamihan kasi ang tingin nila sa mga kababaihan ay trabahong pang opisina lamang as clerk, secretary, bookkeeper at iba pa. Or sa bahay lamang, tindera, sales lady at cashier. Hindi pa tanggap nang karamihan sa kalahi ni Adan na kayang-kaya narin ng mga babae ang trabaho ng mga lalaki sa panahon ngayon. Hindi nila tanggap na kapantay na nila ang mga babae at kung minsan pa nga ay mas nahihigitan pa sila. Hindi narin bago sa akin na bukod sa question-in ang kakayahan ko bilang isang mekanikong babae ay ang husgahan pa ako ng ibang taong hindi ako kilala dahil lang sa babae ako na nagtatrabaho ng dapat ay sa mga lalaki lamang. Kundi lang sa pagba-back up sa'kin ni Ninong at ang pagpapatunay ko ng kakayahan ko sa trabahong ito, malamang ay hanggang ngayon nilalait at hinuhusgahan parin ako ng mga katrabaho ko ditong lalaki katulad noong unang salta ko sa Casa na ito. Pero ngayon nakuha ko na ang tiwala, respeto, paghanga at ang mataas na tingin sa'kin ng mga kasamahan kong lalaki dito na mga mekaniko rin pati narin ni Ninong Arthur. 'Mula po 10 years old ako Sir at Mam, laman na po ako ng lugar na ito. Hindi po ako nahilig na maglaro ng mga manika na karaniwang nilalaro ng mga batang babae, gamit po sa pagmemekaniko ang naging laruan ko hanggang sa ngayon po na 19 na ako. Ang tatay ko po at ang may-ari nitong Casa na si Ninong Arthur Delida ang naging educator, mentor, trainor at idol ko po sa pagmemekaniko. Kung hahanapan ninyo po ako ng titulo bilang licensed Auto Mechanic, wala po akong maipapakita sa inyo. Kasalukuyan pa lang po akong nag-aaral ng 2nd year college sa SJ City State College. Pero ang lahat po ng nalalaman kong techniques, methods, strategy at diskarte sa pagiging mekaniko ko ay galing pong lahat sa experience ko. Dahil sabi ng tatay ko, "Experience is the Teacher". Kaya nga po ako kilalang mekaniko dito sa San Juan City, kahit ipagtanong ninyo pa po ay dahil sa experience ko for 9 years.' 'Magkano naman ang magpa-Top Overhaul dito sa inyo, Jessie?' shoot kayo sa banga, another chance to close adeal si Jessie Ortega. Totoo ang lahat ng mga sinabi ko pero sa marketing, kahit hindi ako nag-aral ng BSBA major in Marketing, ang pagsasabi at paghahamon mo sa isang customer ay isang paraan para mapapayag mo silang gumawa ng business sa iyo. Hindi naman 100% sigurado pero may chances, at sa negosyo tulad ng palaging sinasabi sa akin ng Ninong Arthur ko ay malaking bagay sa negosyo kung may chances ka na magka-cpose deal sa isang prospective customer. 'Estimate mga 8,000 to 15,000 po Sir. Kasi Top Overhauling po ang gagawin natin sa Fortuner ninyo.' 'Ang mahal naman ng singil ninyo!' pagsusupladang turan ng asawang babae sa akin. 'Naku Mam. Dito po sa Casa Delida, mura na po ang singilan namin dito dahil kami narin po ang mismong tumatrabaho ng lahat ng repairs. Wala na kaming inuupuhan para gawin ang trabaho kaya po mura na iyong sinabi ko sa inyo.' 'Sige, babalik na lang kami. Magka-canvass pa kami sa iba pa dito sa San Juan.' 'Okay po Mam, Sir. Salamat rin po.' Isa pang natutuhan ko kay Ninong na hindi mo kailangan magmukhang sugapa sa customer kahit pa gustong-gusto mong maging customer sila. Matutong mag-take away ng customer or iyong ipapakita mo ang great side ng business mo pero hahayaan mo silang maghanap or pumili sa iba. Na hindi mo sila pipigilan dahil marami sa mga customers ang mas nae-engganyong makipag-negosyo sa'yo kapag parang tinataboy mo sila at hindi mo sila hinahabol. 'Mag-almusal ka na muna doon sa opisina, Jessie. Pihadong hindi ka pa kumakain ng almusal. Nakapag-kape ka man lang ba sa inyo? Ang aga mo dito kanina, baka magka-ulcer ka niyan!' 'Sige po Ninong, akyat po muna ako. Magkakape po muna ako.' 'Oo't may pandesal rin doon, hangga't mainit-init pa. May palaman na iyon, mantikilya. Magtimpla ka na lang ng kape mo, may mainit pang tubig sa termos.' Katulad ng sinabi ni Ninong sa akin ay umakyat nga ako at pumunta sa opisina niya. Nagtimpla ako ng kape at kumagat sa pandesal. Paborito ko ang pandesal na may mantikilya tapos ay isasawsaw mo ang pandesal sa mainit pang kape. Natutuwa ang mga bituka ko sa tiyan kapag ganyan ang ina-almusal ko. Ako nga pala si Maria Jessielyn Ortega, 19 years old at magtu-20 na sa September 8. Nakatira ako dito sa San Juan, dito ako ipinanganak at nagkaisip narin. Bunsong anak ako ng mag-asawang Jessie at Paulina Ortega, apat kaming magkakapatid. Ang panganay namin ay si Kuya Mark John, 35 at single pa. Naaksidente siya last 2 years ago sa construction na pinag-tatrabahuhan niya. Aksidenteng maipit ng isang malaking makina ang kanang kamay niya kaya simula noon ay hindi na siya tinanggap pa sa ibang trabaho. Ang pangalawang kapatid naman namin ay si Kuya Mikael Joshua, 32 at may girlfriend. Siya ay namamasukan bilang delivery man sa isang Chinese Restuarant sa may Sta. Mesa, Manila. Ang sinundan ko naman ay si Kuya Miguel Julius, 24. Nasa bahay lang siya at nag-aalaga ng 5 years old na anak, si Sabrina. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na magtrabaho dahil maagang binawian ng buhay ang asawa niya at hipag kong si Ate Cassandra. Halos kakapanganak pa lang kay Sabrina ng mamatay siya sa sakit na Breast Cancer, sobrang depress si Kuya Miguel kaya hindi na naasikaso ang sarili. Si tatay, 60 years old. Dating mekaniko na kasamahan ni Ninong Arthur na mekaniko rin sa isang talyer. Doon niya kinuha ang pang-gastos namin apat na magkakapatid noon sa eskwelahan at ang pantawid namin dati sa pang araw-araw na buhay namin. Si nanay, 62. Dati naman siyang sales lady sa isang department store bago pa ito mabuntis kay Kuya Mark pero noong tatlong buwan na siyang buntis ay pinahinto na siya ni tatay sa pagtatrabaho. Mula noon ay hindi na siya namasukan muli. Hindi ko alam kung paano nagawa nila tatay at nanay iyon pero kaming apat na magkakapatid ay September ang birthday. Si Kuya Mark ay Sept. 14, Kuya Mikael ay Sept. 7, si Kuya Miguel ay Sept. 30 na ka-birthday ni Noah at ako ay Sept. 8 naman. Ang tatay ay Feb. 26 habang si nanay ay Feb. 11 ang birthday. Mula 10 years old ay tambay na ako ng Casa Delida na pagmamay-ari ni Ninong Arthur. Pinalad si Ninong na makapag-asawa ng mayamang babae kaya naipatayo niya ang Casa. Although hindi ako itinuring ni Ninong noong 13 years old ako at ganap na ang kaalaman ko sa pagmemekaniko ay nakakatanggap parin ako ng sweldo sa kanya at maging yung tip na bigay ng customer ko. At dahil medyo mahina na ang tatay noong 15 ako ay pinatos ko narin ang alok na trabaho ni Noah sa'kin. Inalok ako dati ni Noah na mag-extra extra sa tattoo shop niya dahil sa galing ko daw mag-drawing, kahit hindi ako marunong ay umoo narin ako. Extra income rin iyon at hindi naman kailangan na buong araw kang nasa Burdado, tuwing may gawa lang naman ako pupunta doon at kung bakante rin ako. Pinag-aralan ko rin noon ang paghawak at pag-control ng tattoo gun using an aluminium machine since baguhan pa daw ako sabi ni Noah. Magaan daw kasi iyon kaysa sa iron machine which is original at iyon ang ginagamit ni Noah. Pinag-aralan ko rin ang foot switch at since magaling ang aking kamay sa pag-drawing ay ginamit ko iyon as my advantage para sa mga designs ng pwedeng gamitin ng magpapa-tattoo. Ang unang gawa ko noon ay si Noah mismo, nagpatato siya ng 3d hand print na sa bato bumaon na may cracks. Design ko mismo ang ginamit namin para makita daw niya ang galing ng kamay ko sa pagdo-drawing kapag nasa balat na. Sabi niya pa na dapat daw akong masanay sa mga mahihirap na 3d at detailed designs para daw sisiw na lang sa'kin ang mga ibang designs. Maganda ang kinalabasan ng ginawa ko sa kanyang kaliwang binti, he agreed na magaling nga ang utak ko paggawa ng mga designs at magaling din ang kamay ko to put my imaginations sa papel at mabilis ko daw nagamay ang pagta-tattoo. Matagal ko nang kilala si Noah, nasa 11 siya at 8 ako. Sabay kaming naglalaro sa kalsada ng San Juan, Brgy. Pedro Cruz. Hanggang sa pinalad ang mga magulang niya sa negosyo at dumami ang branches nila nationwide. Lumipat si Noah at ang kuya niya na barkada ni Kuya Mark sa isang pribadong paaralan noong High School siya pero kahit pa ganoon at kahit na ang kaedad niya ay si Kuya Miguel, magkasundo kami sa maraming bagay. Mahilig siya sa pagdo-drawing na hilig ko rin, mahilig siyang magbutingting ng kung anu-ano na hilig ko rin, gumagawa rin siya ng tula na ginagawa ko rin, magaling rin siyang kumanta na hilig ko rin at mahilig rin siyang mag-sight seeing ng mga magagandang babae na hilig ko rin. Sa ganoong mga bagay ay mas lalo pa kaming napalapit sa isa't-isa kahit pa malayo ang agwat ng estado namin sa buhay. Para daw siyang nagkaroon bigla ng kapatid at ako ay nagkaroon ng buddy-buddy. Ka-close ko naman ang mga Kuya ko pero hindi katulad ni Noah na close na close, na alam kong kapag may nalaman siyang sikreto ko or kasalanan na nagawa ko ay pagtatakpan niya ako. Na hindi niya ako ilalaglag maging sa pamilya ko kaya talagang close kaming dalawa. Natutulog pa ako minsan sa bahay niya sa Brgy. St. Joseph pero walang malisya sa amin dahil magkapatid na ang turingan namin. Hindi rin naman tutol ang mga magulang at kapatid ko dahil alam nila kung ano ang tipo ko, they know na isa akong tomboy at hindi sila against sa kung ano ako. Ngayon araw, mamaya after ko dito sa Casa ay may gawa ako sa Burdado. Nag-text sa'kin kanina si Noah na may magpapagawa daw sa'kin ngayong araw, 6:30pm. Ni-refer daw ang customer ko mamaya ng dating tinatuan ko raw na si Elijah Sarmiento, kaso hindi ko na tanda ang Elijah na iyon. Anyway, masaya ako ngayong araw dahil may gawa ako sa tattoo shop. At kapag may gawa, may pera na naman. 'Jessie! Pinapatawag ka ni Manager sa ibaba, bilisan mo raw!' biglang sulpot ni Tonio sa pinto ng opisina ni Ninong. 'Bakit daw?' sinubo ko ang huling piraso ng pandesal at humigop ng kape. 'Iyong kausap mo kaninang mag-asawa, nandiyan! Nagbalik!' sabay kaming napangiti ni Tonio dahil malinaw na may pera ako sa araw na ito na pagpasok ko sa Casa. 'Susunod na ako, Tonio!' inayos ko muna ang blue tshirt ko at pinagpagan ang kupas kong maong pati na ang puting rubber shoes ko ay sinintas kong maigi. Inalis ko ang pagkakatali ng blonde at lagpas balikat kong buhok, nagpa-blonde kasi ako ng buhok last year at dahil bumagay sa akin kaya palagi na akong nagpapakulay ng blonde sa parlor. Pinlantya kong maigi ang tutok at gilid sabay ponytail ulit nito, mabilis akong naglakad papunta sa ibaba. Malayo pa lang ay kita ko na agad ang mag-asawang kausap ko lang kani-kanina. 'Jessie! Sila Mr. at Mrs. Talisay, yung kausap mo kanina. Ipapaayos na raw nila dito ang Fortuner nila. Ikaw na ang bahala sa kanila.' paliwanag sa'kin ni Ninong nang papalapit ako sa kanilang tatlo. 'You've made the right choice Mr. and Mrs. Talisay, balikan ninyo po ang sasakyan ninyo bukas after 24 hours po simula ngayon. Magiging takbong brand new ang Fortuner ninyo bukas.' 'Asahan ko iyan Jessie ha! Sinabi kasi ng ibang talyer at Casa dito sa San Juan nang binanggit ko ang pangalan mo na makinig daw kami sa'yo dahil ikaw ang the best female mechanic sa buong San Juan City. Na bukod daw sa mura na ang singil ninyo ay pulido din daw ang gawa ninyo. Babalikan na lang namin dito bukas, after lunch na.' mahabang sabi ni Mr. Talisay. Nang makaalis na ang mag-asawa ay sinimulan ko na ang madumi ngunit masayang na trabaho para sa'kin. Suot ang aking mechanic jump suit na blue ay sinimulan ko ng kalkalin ang sasakyan. Jan. 21, 2017 (Saturday) 5:30pm... 'Ninong, uwi na po ako. May gawa po ako ngayon sa Burdado.' nagmano na ako kay Ninong nang dumukot ito ng 500 sa wallet niya. 'O Jessie!' inaabot niya sa'kin ang papel. 'Naku Ninong! Para saan po iyan? Saka po pala iipunin ko sana ang suswelduhin ko bukas hanggang sa February 19. Gusto ko po kasing ibili ng medyo kalakihang LED TV sila sa bahay para may libangan rin po sila doon. Bibili rin po kasi ako ng ABS TV PLUS para makapanood sila ng pelikula, hilig nila tatay at mga kuya ko ang ganoon kasi.' 'Ganoon ba? Osige't ipunin natin para mabili mo na ang TV nila Jess, sa birthday niya ba mo bibilhin ang TV? May kakilala ako na dealer ng mga LED TV, makakamura ka kahit na ilan libo lamang. Tatawagan ko mamaya para mag-inquire at sabihin ko na lang sa'yo bukas. Napakabait mo talagang bata, Jessie. Sa edad mo ay dapat pag-aaral ang inaatupag mo at ang mabuhay bilang isang teenager katulad ng iba pero heto ka't nag-aaral sa sariling sikap mo at kumakayod para sa pamilya mo. Saludo ako sa'yong bata ka!' tinapik-tapik ni Ninong ang balikat ko. 'Salamat po Ninong! Basta't para sa pamilya ko kahit ano gagawin ko po para makatulong sa kanila. Sige po, Ninong. Una na ako't uuwi pa kasi ako para makapagpalit.' 'Hala sige na, humayo ka! Bukas ulit ha! Malaking ang kikitain natin bukas sa mag-asawang nagpagawa ng Fortuner nila, pihadong malaki ang tip na ibibigay noon sa'yo. Bukas naman ay patatakbuhin mo na lang ang sasakyan, hindi ba?' 'Opo. Talagang tinapos ko na ngayon araw ang pag-aayos para bukas ay patatakbuhin na lang ang Fortuner at mai-car wash narin.' Sa bahay... 'O Jessie, wala kang gawa ngayon?' bungad na tanong sa'kin ni tatay matapos kong magmano sa kanya na nakaupo sa sala namin. Nagbabasa siya ng dyaryong binili ko kaninang umaga bago ako nagpunta sa Casa. 'Mayroon po 'tay, magpapalit lang po ako.' Paglabas ko ng banyo ay inabutan ko ang nanay na nagtitimpla ng kape. Nasa gilid lang kasi ng kusina ang banyo namin dito sa bahay at nasa unahan ng kusina namin ang sala. Medyo malaki ang espasyo ng sala namin dahil doon natutulog ang tatlong kuya ko habang sa kwarto nila tatay ay kasa-kasama nila si Sab. Solo ako sa kwarto ko dahil dalaga na raw ako at kailangan ko na daw ng privacy. 'Ah 'nay, may uulamin at bigas pa ba tayo para mamayang gabihan?' nagmano muna ako kay nanay, may 300 pa kasi ako dito. Mamaya ko na iaabot kay nanay yung allowance sa pang pagkain pag-uwi ko galing Burdado. Pang pagkain mula Linggo hanggang Sabado next week, kada Sabado ng gabi ko kasi inaabot kay nanay ang budget. 'May tira pang bigas sa ibinigay mong pera noong nakaraan Sabado saka marami akong nilutong balatong (gisang munggo na may sabaw) kaninang pang tanghalian, iinit ko na lang. Kakain ka ba dito? Para ipagtira kita ng pang gabihan mo. At malamang ay ihahatid ka ni Noah mamaya kaya pang dalawang tao na ang ititira ko sa inyo.' 'Opo 'nay. Paborito ko po kaya ang luto mo. Bihis lang ako 'nay, may gawa ako ngayon kaya pagkabihis ko'y aalis na po ako.' 'O siya, gumayak ka na! Nang hindi ka mahuli sa trabaho mo, nakakahiya kay Noah kung nahuhuli ka sa pagpunta doon. Alam mo naman ang batang iyon, napaka-halaga sa kanya ang oras. Sige na!' 6:15pm... Pagpasok ko sa pinto ng tattoo shop ni Noah ay may inabutan akong lalaking nakaupo at nakaharap sa TATS MAGAZINE sa may couch sa waiting area. Nag-angat ng ulo si Noah at huminto muna mula sa kanyang tinatatuan na lalaking nakahubad ang pang itaas na nakatalikod sa kanya. Saglit na tumaas ng sabay ang dalawang kilay niya at tumango, isang paraan niya ng pagbati sa akin at pagkatapos ay tumingin siya sa lalaking nakaupo sa couch. 'Stewart!' tumingin ang lalaking hindi gwapo sa direksyon ni Noah. Hindi talaga gwapo dahil hindi ako mahilig sa mga lalaki. 'Nandito na ang magta-tattoo sa'yo. Jessie, iyan si Stewart na barkada ni Elijah Sarmiento na tinatuan mo last year ng dragon na may kamay ng tao. Tanda mo ba? Iyong taga PUP, Mass Com?' 'Oo tanda ko na!' tumango-tango ako kay Noah at tumingin na sa lalaking nag-ngangalang Stewart. 'Anong ipapagawa mo, Stewart?' first name basis talaga ako sa mga customers ko, gusto ko kasing mapalagay ang loob nila sa akin para hindi tense ang mga katawan nila. '3d na scorpion sa kaliwang banda sa likod.' 'Gaano kalaki?' tanong ko ng hindi nakatingin dito habang nilalabas ko ang mga gagamitin ko. I have my own sets narin ng inks, foot switch, toiletries na ginagamit ko sa pagta-tattoo. Mayroon narin akong tattoo gun na copper na binili ko sa binibilhan ni Noah noong last 2 years ago pa, kaya nga pwede na kaming sabay ni Noah na mag-tattoo. 'Isang dangkal ko lang, yung buntot ng scorpion ang nasa ibaba ng balikat ko. Ito ang design na gusto ko, iyan narin ang sukat.' tinitigan ko ang inabot niya sa'kin na bond paper na may sketch ng scorpion, all stretch ang mga paa at buntot nito. Madali lang ito, mga 3 hours nga lang dahil detailed. 'Upo ka na dito, Stewart. Sisimulan na natin para maaga tayong matapos. First time mo ba?' nakalatag na sa small table na nasa katabi ng upuan ng tattoo artist ang bulak, petroleum jelly, small container na may laman na tubig, black and brown na inks pati ang lining needle at ang 10 needles tips. Nang tumingin ako sa bandang tenga ni Stewart ay pulang-pula ito. 'O-Oo.' 'I thought so. Relax mo lang ang ma-muscle mong likod, Stewart. Huwag kang mag-alala, I'll be gentle.' napahalakhak si Noah sa tinuran ko dahil double meaning ang phrase na sinabi ko, alam niya ang kalokohan ko kapag first time ang magpapa-tattoo sa akin. Alam kong inaabangan niya ang mga tirada ko kapag virgin pa sa ink ang customer ko kaya all ears siya sa akin everytime may customer akong ganoon.  'L-Licensed tattoo artist ka ba, Jessie? Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng nagta-tattoo sa tanang buhay ko.' 'Tignan mo yung mga nasa wall, hanapin mo ang pangalan ko. Maria Jessielyn Ortega. Diyan mo hanapin ang tinatanong mo sa'kin, kukunin ko lang ang tattoo gun ko at ibabakat ko itong scorpion mo sa sterling paper.' nakalagay kasi ang tattoo gun namin ni Noah sa cabinet na may lock for safety purposes. Pagbalik ko after nang wala pang 30 minutes ay nakaupo na si Stewart sa leaning chair, nakahubad narin siya ng tshirt na suot niya kanina. 'All-around Mechanic ka pala, Jessie. Sinabi ni Boss Michael sa akin.' 'Oo. Kakaiba talaga ang talents ko eh! Let's start!' tumalikod na siya sa akin at nilapat ko ang skeleton ng scorpion sa pwestong sinabi niya kanina. 'Pwedeng magulat at umaray, pero bawal ang umiyak!' I start working sa likod niya habang naririnig ko ang hagikgik ni Noah. 10:45pm... 'Wow!! Ang galing mo pala talaga Jessie! Tama nga si Elijah, you are pretty skilled for a lady! Thank you, magkano?' masaya siya sa kinalabasan ng sketch niya, tinitignan niya sa salamin sa likod niya. '4,500, discounted na iyan! Magbibigay pa ako kay Noah sa ibabayad mo sa'kin! Hindi pa ako nag-gagabihan pati.' nakangiti kong sagot sa kanya, I'm just kidding him. 'Okay! 4,500 sa'yo, magkano ang ibibigay mo kay Boss Michael?' inabot niya sa'kin ang 4,500. '500, para sa share ko sa kuryente at para sa pwesto.' kinuha ko ang pera sa kanya at ibinulsa ko na agad. 'Ito ang 500, ibigay mo kay Boss Michael. At dahil I'm a very satisfied and a very happy customer, ito ang tip mo Jessie. Thank you ulit, sa uulitin! Dalin ko dito ang ibang kakilala ko! Sige!' Wow! Naka-tip ako ng malaki tonight, bayad pa ang dalawang linggo kong share kay Noah sa kuryente at pwesto. Dinaig ko pa ang pokpok na ti-nake out ng matandang customer sa club. Malaki na naman ang budget ni nanay pang next week at may ihuhulog na'ko ulit sa alkansya ko na kapag dumami ang laman ay ihuhulog ko naman sa passbook ko. 'Aba matinde ka talaga Jessie!! May bayad na, may malaking tip pa at may pang share pa ng dalawang linggo! Lupet mo! Kapag sinuswerte nga naman talaga oh!!' 'Ganoon talaga! Ikaw nga malaki rin ang kinita mo today, naka-magkano ka? At naka-ilang customer ka ngayong araw?' tatawa-tawang sabi ko sa kanya. '16 halos, 3 na customers. Itong huli ang malaki dahil detailed at malaki na 3d pa ang ipinagawa, siningil ko ng 10k. Bukas nga pala may customer ako, dalawang lalaki. Perehas magpapa-tattoo at gusto sabay. Sa'yo na ang isa sa kanila, so we can finish ng sabay. 6 ang schedule nila dito, game ka ba? Or I'll call Carlo instead to help me sa isa?' 'Syempre go ako! Alam mo naman na Sabado't Linggo, free ako after 5. Nandito na ako ng bago pa mag-5:30 bukas para kung wala pang draft.' 'They have, huwag ka na lang ma-late ng dating tomorrow. Tara? Uwi na tayo. Doon rin naman ang way ko pauwi sa bahay.' naging regular driver ko na si Noah kada weekends dahil madalas talaga ay gabi na kami natatapos. 'Ano ako, chicks? Pero dahil naman pipilitin mo rin akong sumabay sa'yo at mahihirapan narin akong mag-abang ng jeep ay sige na, sasabay na ako sa'yo! Bilisan mo lang! Gutom na ang mga bulate ko sa tiyan!' 'Kain tayo sa ihawan! Doon kila Mang Ambo where we always eat, libre kita!' sinara na niya ang shop. 'Alam mo naman na hindi ako tumatanggi sa mga libre, Noah. Kaso ipinagtira ako ni nanay ng munggo at kanin, ipinagtira niya tayong dalawa. Doon ka na daw kumain ng gabihan sa bahay. Bukas mo na lang ako ilibre! Bukas hindi na kita tatanggihan!' sumakay na ako sa passenger seat ng itim na Toyota GT niya. 'Okay, sige! Bukas na lang kita ililibre kay Mang Ambo!' ngumingiti-ngiti siya habang binuksan ang makina ng sasakyan. Makalipas ang kinse minuto ay nasa kanto na kami ng bahay namin, hindi kasi makakapasok ang sasakyan sa looban papunta sa bahay namin. Lumabas na ako at lumabas narin si Noah katulad nang nakagawian na niyang gawin tuwing hinahatid niya ako pauwi. Magpapakita pa iyan sa kung sino ang maaabutan na gising sa bahay at mangangamusta sandali bago umalis. 'O Michael! Kamusta ka na?' bating bungad ni tatay sa amin. Huling kita niya kay Noah ay noong Linggo. 'Mukhang ginagabi kayo ni Jessie, Michael! Baka naman kung ano na ang tinatrabaho ninyong dalawa ha! Mayayari ka sa'kin kapag nagkataon!' segunda ni Kuya Mark sa sinabi ni tatay. 'Kuya! Iyang isip mo! Baluktot! Hindi kami talo niyang si Noah!' 'Sa Burdado po kami nanggaling Tito. At pagta-tattoo lang ang tinatrabaho namin, Mark. May customer pa po kasi na halos kakatapos lang rin. Ayoko naman po na mag-abang pa ng jeep si Jessie pauwi kung madadaanan ko naman po itong bahay ninyo pauwi sa bahay ko. Si Tita Paulina po? Saka sila Mikael at Miguel?' kay tatay siya nakatingin at nagpaliwanag. 'Naku si Mikael ay nasa birthday-an ng kasama niya sa trabaho at si Miguel naman ay nasa labasan pa! Hindi ninyo ba nakita sa kanto?' sagot ng tatay ko kay Noah. 'Hindi po 'tay. Asan ang nanay?' nagmano ako kay tatay at tumuloy sa kusina. 'Nasa kwarto nila, pinapatulog si Sabrina. Labas muna ako't hahanapin ko si Miguel, baka mapaano pa iyon sa kalsada.' paalam sa amin ni Kuya Mark. 'Kumain na kayong dalawa, pinagtirhan kayo ng nanay mo. Nasa ibabaw ng mesa. Ako'y matutulog narin at talagang hinintay lamang kitang dumating, prinsesa.' tumayo na si tatay at pumasok na sa kwarto nila ni nanay at Sab. 'Kain tayo, Noah! Monggo ang ulam, si nanay ang nagluto. Tara!' naghain ako ng dalawang plato, 2 sets ng kutsara at isang tinidor dahil hindi ako sanay na gumagamit ng tinidor, dalawang baso at pitsel na may lamang malamig na tubig na galing sa ref. May mini ref naman kami na napanaluhan ni tatay dati sa raffle ng pa-Christmas Party ni Mayor. 'Tara kain na tayo, PRINSESA!' humalakhak siya na ikinataas nang isang kilay ko. Madalas akong tawagin ni tatay ng prinsesa mula pa noong bata pa ako. Para daw sa kanya ay isa akong prinsesa, kanyang prinsesa. Na kahit mahirap daw kami ay maganda at matalino naman daw ako. Naiinis lang akong tinatawag ako na ganoon dahil hindi bagay sa totoong katauhan ko, pero hindi ako pwedeng mainis kay tatay, sa mga kuya ko pa at sa ibang tatawag sa'kin ng ganoon. Malilintikan sa akin. 'Aray! Jessie naman! Masakit! Bakit mo ako binatukan?!' medyo nasubsob ang mukha niya sa walang laman na plato at hinimas-himas nito ang batok na tinamaan ng kamay ko. 'Ganyahin mo pa ang tatay ko para malaman mong PRINSIPE ako at hindi PRINSESA! Gagong 'to! Ulitin mong tawagin ako ng ganyan, mas malala pa sa bantok ang mangyayari sa'yo! Kumain na tayo! Dami mong alam!' Umupo na kami at kumain. Kahit pa gago at playboy ang taong ito ay magaling siyang makisama kaya kasundong-kasundo niya ang mga tao dito sa bahay namin. Kasi kahit na mataas ang pinag-aralan niya at sa pribado pang eskwelahan siya nagtapos, kahit pa mayaman sila at napapalibutan siya ng karanyaan sa buhay niya, kahit pa sanay siyang pinaglilingkuran ng mga katulong nila at nakukuha ang lahat ng gusto niya... Down to earth siyang tao, mabait, hindi matapobre, palakaibigan at magaling makisama sa mga katulad namin dukha. Ako ngang ganito ang estado ng buhay, kinaibigan parin niya. Maalaga siya sa mga kaibigan niya lalo na sa pamilya ko dahil mahirap lang kami pati maalalahanin rin siya kila tatay at nanay. Swerte nga ako't kaibigan ko siya, swerte ako dahil kina-ibigan niya ang isang katulad ko. -----'-,-'--,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD