Chapter 1:

1038 Words
"WOOOOHHHH!" Malakas na hiyaw ni Tristan nang papasok sa function hall sa hotel ng mga Ricafuerte. "Welcome back Zacharias Ricafuerte.." anito sabay bukas ng mga kamay nito. Napapailing na lamang si Zach sa kaibigan.  "Oh wala ka raw hug dude!" Untag ni Travis na noon ay kababalik lang na kumuha pa ng wine sa mini bar. Habang si Zion naman ay abala sa laptop nito. Napansin iyon ni Travis at binato ng hawak na takip ng wine. Tumingin si Zion at muling bumalik sa laptop nito. "Wah epek dude!" Tawa ni Tristan at nilapitan si Zion. "Bro, hindi mawawala ang bilyon mo kapag makipagsayahan ka muna sa akin." Yukod nito kay Zion na noon ay binaba na ang laptop nito. Lumapit kay Travis at nagsalin ng dala nitong alak mula sa mini bar. "Dude, nagkakaproblema kasi ang kompanya ko. Parang may mali eh.." aniya sabay tagay rito. Ang tatlo ay napatigil at napatingin sa kaniya. "What do you mean?" Ang seryoso nang tinig ni Travis. Kapag negosyo ang pag-uusapan ay seryoso silang lahat. "Nito kasing nakaraang buwan, we're losing millions and I did my inventory of my own. The same pa rin naman ng FIFO naman. We're manufacturing same quality and quantity of goods but still we're losing millions." Anito at muling nagsalin ng alak.  Lahat ay natahimik. "Sorry Zach if I spoil your night. I can't wait to lose millions again this month." Sinserong saad nito. Ngumiti si Zach at tinapik ito. "Well, have you heard the undercover boss?" Tanong sa mga ito. Tumigin sila sa kaniya. "Yeah, watched some episode of it.." ani ni Tristan. "Exactly, why not do the same. Since no one knows you as the owner of Quintana Textile Inc. unless the high officials you appointed. If that traitor is one of them. Better do a disguise too. By that, you can find out why you're losing millions." Suwistiyon ni Zach. Tumango tango ang tatlo. "Great idea! I might do that too to find out what my employees feeling on my company. I like that dude..." masayang turan ni Travis na mukhang approve ang suwestiyon niya. "For now, lets party! Party, man.." ani ni Tristan at tinaas ang hawak na baso. "Para sa pagbabalik ni Zach mula sa pamamalagi sa Amerika ng anim na buwan at sa naka flex na picture nito with Paris Hilton." Tawang wika nito. "Cheeeerrrrss.. "Cheersss.." sabayan nilang tatlo. "Sinama mo pa talaga iyon dude.." ani ni Zach. "Ang alin?" Maang nito. "Iyong pag post ko sa photo namin ni Paris." Aniya rito. "Wow! First name bases..." sabad ni Travis.  "Nasa conference kami ng hotel owners kaya nagkasama kami. Well, popular kaya I grab the chance." Aniya na natatawa. "Hindi ka man lang ba nagda-moves.." wika ni Zion na kahit papaano ay nakiki-join na. "Hep! Mas tipo ko pa rin ang filipina dude." Saad ni Zach. "Wooooohhhh.." saad ng tatlo.  "Well, sabagay. Mas malalambing at maalaga." Bawi ni Travis.  "At magaganda.." sambit naman ni Zion. "Low maintenance pa!" Nagtawanan silang apat. "So, we heard na magtatayo ka ng hotel mo sa Palawan?" Tanong ng mga ito. Tumango si Zach. "We'll naghahanap pa lamang ng magandang location. I'll update you guys. How about you man. Musta naman ang real state empire mo." Sabad kay Travis. Tumawa si Travis. "The real state business is booming. Mostly OFW's are getting their own houses  instead of buying land unlike before. Then how about the logistic and tracking man.." anito kay Tristan. "Well, might do the undercover boss too.." anito na may ngiti pa rin sa labi nito. "Recently, I found some bogus cargo ship. We're not that losing millions but I  have an ill feeling. Something about it." Anito na medyo sumeryoso. Lahat sila ay napalingon rito. "Cheerrrrrss...for the future undercover boss.." sigaw nito. "Cheerrsss" sabayan nila. Sabay silang tinungga ang alak na nasa baso. Hanggang maalala ni Zach na kailangan niyang pumunta ng Cavite at plano niyang hiramin ang yate ng kaibigang si Tristan. "I have an appointment in Cavite tomorrow. I don't wanna stuck in traffic. Can I barrow your yatch?" Turan dito. They all know na nasa Marina yatch club lang naman iyon naka-dock sa may Manila Bay. Tumawa ito. "Why don't you buy one too. Bawasan mo naman ang bilyones mo." Tawang turan nito. "Anyways, sure kung papahiram mo rin ang chopper mo.." anito. "Woooohh...woohhh....for what? Don't tell me na gagamitin mo rin to date Corrine?" Ani ni Travis na sumabad.  Bali-balita kasi sa showbiz ang ginawa ng isang artista sa nobya nitong artista. "Hell no! By the way. Wala na kami.." anito. "Whaaaaat..." nakakatulig na sabayang turan nina Travis at Zion. Napatawa na lamang si Zach. Basta babae kasi ang usapan eh updated ang mga ito sa lovelife ng bawat isa. Well, for him ay three years na siyang walang girlfriend dahil na rin siguro sa sakit na dulot ng huli niyang pakikipagrelasyon. Ikaw ba naman ang itanggi sa kabila ng limang taong relasyon.  "Hey! Hey! Hey...mukhang natahimik si Zach. Dude, bakit hindi na lang natin hanapan ng gf itong isang ito. Aba! Binuburo ang kaguwapuhan sa isang nakaraang walang saysay." Sabad ni Tristan ng mapansin ang pananahimik.  Tumawa ang dalawa. "Hep! Huwag ako. Bakit hindi ang lovelife mo ang asikasuhin mo." Sabad rito. "Well, ako hindi nauubusan ng supply ng babae. Ikaw, maraming supply pero ayaw mo." Anito na nakatawa. "Dapat kasi duma-move ka na kay Paris. Kahit isang gabi gaya noong isang senador.." sabad ni Zion sabay ng aksyon nitong nagboxing. "Kayo talaga basta babae ang usapan ako ang ginigisa niyo. Bakit hindi ang kaniya-kaniya niyong lovelife. Lahat naman kayo ay walang  stable relationship." Buska sa mga ito. "Sige cheers tayo diyan." Saad naman ni Zion na noon ay medyo hindi na mabigat an awra gaya kanina. "Cheers..." muling turan ng grupo at masayang nagkumustahan dahil matagal-tagal din silang nabuo ulit. Ang kani-kanilang mga ay magkakaibigan din kaya siguro ganoon sila kalapit dahil halos sabay na silang lumaki at tinuring nang kapatid ang isa't isa. Sa pagkakaibigan nila ay may isa silang rules na hindi dapat mabuwag. Iyon ay walang patusan ng kapatid. Sina Tristan at Travis kasi ay may babaeng kapatid. Si Travis ang bunsong kapatid nito at si Tristan ay ang ate nito na halos isang taon lang ang tanda rito. Habang si Zion ay may younger brother at siya ay nag-iisang anak. Masaya ang barkadahan nila. Big boss ng kani-kanilang kompanya at ni isa sa kanila ay wala pang asawa. In the business world they are the billionaire bachelors.  —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD