MONTH OF CURSE

381 Words
Mula sa kinatatayuan ni Gabbie yakap-yakap sya ng asawang si Kian habang pinariringgan nila ang pagod na pag-angil ng anak nilang si Gian. Sa tulong ng CCTV na nakakabit sa loob ng kulungan ng anak na natatakpan ng apat na makintab na metal ay nakakulong doon ang kanilang anak. Sinadya iyun para hindi makawala si Gian dahil sa pagkakaroon nito ng kakayahan na magkapagteleport. Mabuti na lamang nakilala nila si Doktora Amore na siya nag-invention ng kulungan iyun para sa anak sa tuwing sasapit ang ikatlong buwan. Kung sana lang alam niya ang kinaroroonan ng babae itinakda sa anak niya disin na sana nagtagal pa ang ganitong eksena na paulit-ulit na kailangan ikulong si Gian roon pero katulad ng pangyayari sa kanilang buhay na magkakapatid ay hinayaan nilang magtagpo na lamang ang kani-kanila mga mate na ngayon ay asawa na nila. Napukaw siya ng pisilin ng asawa ang kanyang balikat. "Nagugutom ka na ba?" usal ng asawa sa kanya. Kanina pa siyang walang kain dahiL gusto niyang bantayan ang anak sa basement nila dapat nga sanay na siya sa ganun scenario pero hindi pa rin niya magawang masanay lalo pa nga at nag-iisang anak lang niya ito. Sobra-sobra ang pagmamahal niya para rito. "Hindi pa naman,sasabay ako sa anak natin,Kian..." tugon niya sa asawa. "Magandang gabi,Mr.&Mrs.Debloise," pagsulpot ni Doktora Amore. "Doktora," agad na pagbati niya rito. Tumutok agad ito sa screen ng monitor kung saan pagod ng nakadapa ang malaking lobo,ang kanilang anak. "I'm sure,mainit na naman ang ulo sakin ng anak niyo sa susunod na araw na magkita kami," nakangiti nitong pagbibiro. Bahagya siyang natawa sa sinabi ng doktora. Hindi lingid sa kanya na asar si Gian rito marahil dahil iyun sa ginawang kulungan para rito. Feeling ng anak natoturture ito. "Salamat at sanay ka sa kanya," aniya. Umayos ng tayo ang doktora at nakangising humarap sa kanilang mag-asawa. "Hay naku,para lang siya batang nagtatrantums," anito. Mapanabay na natawa sila mag-asawa sa sinabi nito. "O siya,mukhang malapit na matapos...may pupuntahan pa kong medical mission bukas ng maaga kaya hindi na ako magtatagal,Mr&Mrs.Debloise," paalam na nito. "Sige,salamat sa pagpunta,doktora," aniya. Nang maihatid ng asawa ang Doktora agad na nakaabang siya sa paglabas ng anak sa loob ng kulungan nito. Gusto na niyang maalagaan ang anak pagkatapos ng paghihirap nito sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD