CHAPTER 1 : "Unwanted"

2062 Words
Chapter 1 °Clare° Isang hakbang pa at palapit na ako sa entrance ng hall kung nasaan ang mga taong dahilan ng pagiging malungkot ko. The reason for my depression and frustrations. I don't want to be with them dahil sa tuwing makikita ko sila ay nakakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko. Sa paningin ko sila ang pinaka mataas at hinding hindi nila ako magiging katulad. I don't want to be like them, Anyways. They're smart, cunning and beautiful yet they lack for sympathy and heart. I know that I'm nothing compared to them after all I'm the fool, weak, ugly and stupid black sheep who keeps on ruining the family's name. Gusto nila akong itaboy at tanggalan ng karapatan sa pamilyang ito, Ipinagdarasal ko nga na sana lang ay matagal na nilang ginawa yon but...I still want to feel their love. Gusto ko pa rin naman'g maramdaman na kahit papaano ay pinagmamalaki ako ng pamilya ko---Na mahal nila ako tulad ng pagmamahal nila sa mga kayamanan at pag mamay-ari ng pamilya. Habang naglalakad ako palapit sa hall ay naririnig ko na ang masayang musika na umaalingawngaw sa buong venue kung saan gaganapin ang engagement party at welcome party sa mga pamilya ko. Nagdadalawang Isip pa nga ako kung pupunta ako o mananatili na lang rito sa madilim na parte ng hall pero naisip ko bigla yung magiging itsura ni Mama pag hindi niya ako nakita sa party na ito at paniguradong ipapangalandakan nanaman niya kung gaano ka-sama ng nag-iisa niyang anak. Napabuntong hininga na lamang ako bago buong lakas na lumakad papunta sa kuta ng mga taong aking kinasusuklaman. I hate them because...they're my family but instead of keeping me safe and loving me, they threw hatred and disgust for a specific yet simple reasons. Rinig na rinig sa buong pasilyo ang pagtapak ng aking sapatos sa malinis at kumikintab na tiles. Malamig ang panahon at angat na angat na sa labas ang bilog na bilog ng buwan dahilan upang masinagan ng liwanag niyon ang madilim na pasilyo, Mas lalo lamang gumanda sa akin'g paningin ang buong lugar. I hope this is going to be a good night... Lalo na at darating ang mga pinsan kong galing sa England. Ang mga pinsan kong meroon yatang goal sa buhay na inisin, ipahiya at paiyakin ako. Naging hobby na nga nila na asarin ako lalo na kung maraming tao ang nanonood mas gaganahan pa sila. Nakakainis sila at talaga naman hindi maitatanggi kung gaano kasama ang mga ugali ng mga yon. Tumigil ako sa harapan ng enggrande at napakalaking pinto. Muli akong huminga ng malalim bago nanginginig ang mga kamay kong binuksan ito. Ramdam ko pa ang malamig na metal na humipo sa aking palad at ang pagsalubong ng malamig na hangin ng tuluyan ko ng buksan ang malaking pinto. hindi na rin ako nagulat pa ng bumunyag sa akin ang napakadaming bisita na nakasuot ng magaganda,mamahalin at sosyal na damit. Hindi ko mamukhan ang mga nandito kasi nakasuot nga sila ng mga maskara, Masquerade party kasi ito para sa pagbabalik ng mga pinsan ko at ang pag-aannounce ng magiging kasal ni Riley at Hannah. Masayang masaya ang buong pamilya ng malaman nila yon kasi napakayaman ng pamilya ni Riley. Ibig sabihin non makikinabang nanaman ang matatanda sa yaman ng ibang pamilya. Masaya sila dahil ibig sabihin non ay mag-eexpand nanaman ang businesses namin dahil kay hannah na talaga namang handang magpakasal kahit na sa lalaking sin'g sama ni Riley. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero una pa lang ay alam ko na ang ugali ng riley na iyon,hindi ako maganda pero never naman akong magpapakasal sa lalaking walang ibang gusto kundi ang magka pera at humakot ng ginto. Bagay sila ni hannah na maluho at mahilig bumili ng mga bagay na magpapaganda pa lalo sa kaniya. Handang rin'g magparetoke ang babaeng iyon maging bata lang habang buhay. Napabuntong hininga akong muli ng makita kong sa akin na nakatingin ang ilan'g mga bisita, Hindi pa kasi ako nakasuot ng maskara kaya naman upang hindi ko na maagaw pa ang atensyon ng iba ay dali dali ko ng inilagay sa aking mukha ang maskarang pinili ng fashion designer na naka-toka sa pag-aayos sa akin. Kulay gold ang suot kong dress pero hindi tulad ng kina shaina ay hindi ko hinayaang ma-expose ang ilang parte ng aking katawan. Hindi naman ako sexy tulad nila kaya sa tingin ko ay wala akong karapatan na mag suot ng mga bulgar na damit. Sino ba ang gugustuhing makakita ng stick na nakabalot ng Tela?. Tulad nalang ng kay Freya na see through na ang suot na fitted gown. Bumagay naman sa kaniya lalo na at kulay pula iyon. Angat na angat nga siya sa mga nandito. "What took you so long?" Salubong sa akin ni mama ng makalapit na ako sa kanila ni Papa, Nakilala ko sila dahil sa gintong mga alahas na nakapalibot sa kaniyang leeg. Mahilig talaga si mama sa mga kumikinang na bagay tulad ng mga alahas. "Sorry po..." "Ayusin mo ang sarili mo ngayon Clare, huwag mo kaming ipahiya ng papa mo!" Wala naman akong ginagawa para ipahiya kayo kung sana hindi niyo po ako kinukurot o sinasampal sa harap ng maraming tao baka hindi pa tayo napapahiya. Napabuga ako ng hangin dahil alam ko naman na hindi ko masasabi sa kanila yung mga nasa utak kong ito. Opo, hindi ako mabait na bata dahil kung minsan ay sumasagot ako sa likod nila mama. Yung "minsan" na iyon at "madalas " talaga. "Papauwi na ang mga pinsan mo kaya umakto ka ng matino." Kailan ba ako naging abnormal? Minsan talaga si mama masyadong O A kung magbigay ng utos. Napaikot na lamang ang aking mga mata at hindi na lang sinagot si mama dahil alam kong magkakagyera nanaman kung lalaban pa ako. Tinanaw tanaw ko ang paligid hangang samaking ko na yung mga pinsan ko, sina uncle gregor at aunt Lina. Halos yata buong pamilya ay nandito na lalo na sina grandma at grandpa na pinagkakaguluhan ng mga kaibigan nila. Mga rich kid kasi kaya maraming fans Ilang taon na rin ang lumipas simula ng lumipad sina Grandma papunta sa New york para doon manirahan. Umuwi lang sila kahapon, ayaw na talaga nilang umuwi dito dahil sa ginawa ko five years before this event. Hindi iyon sinasadya pero dahil nga pamilya kami ng mga O.A at Perfectioi na mayayaman ay nag-over react si grandma. As in sobra yung naging drama ng araw na iyon, akala ko nga ay balak ni grandma na mag-artista. Kung hindi lang siguro ako nasampal non ay baka tinulungan ko pa siyang makausap yung director na kilala ko. Simula noon ay hindi na ako pinapansin ng matanda, isang hindi kanais nais na bisita na lang ang tingin nila sa akin. Bwisita na meroong surename na katulad ng sa kanila at bwisita na nakatira sa bahay nila. Hindi ko naman sila masisi...dahil sa totoo niyan ay miski ako nahiya rin sa mga pinaggagawa ko ng araw na iyon. Meroon kasing party noon, birthday ni grandma. As usual marami ang mga dumalo at nakicelebrate sa pamilya namin, nasa isang dulo lang ako noon ng lapitan ako ni Greg. Isa sa mga pinsan kong may napakaruming budhi. Inalok ako ni Greg ng alak pero tumanggi ako kasi hindi pa talaga ako nakakainom ng alak kaya lang sobrang tigas ng ulo ni Greg kaya wala akong nagawa kundi ang kunin ang baso ng alak na inaabot niya sa akin. Isang baso lang talaga yon pero dumami ng dumami hangang sa hindi ko na maalala kung ano yung mga nagawa ko sa party. Nagising na lang ako na nasa loob ng C.R at mukhang binugbog ng mga kawatan. Sobrang dumi ko at sobrang sakit ng ulo. Matapos nang pangyayaring iyon ay pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako iinom ng alak lalo na kung may pa-party ang buong angkan. Akala ko nga ay makakatakas ako sa mga pinaggagawa ko pero mukhang malabo iyon dahil navideohan nila greg ang mga pinaggagawa ko. Halatang planado, diba?. I ruined my grandma's birthday. I insulted the whole family and throw my tantrums habang pinanonood ako ng mga bisita ni grandma. I even vomited on my grandma's chest! Ayoko na talagang maalala ang araw na iyon... Nakakahiya at nakakawalang ganang humarap sa mga pinsan kong dahilan kung bakit nangyari ang insidenteng yon. They're all laughing at my back! Lalo na noong paulit ulit akong sinasampal ni Mama at sinesermonan. Nagsasaya ang kampon ng mga demonyo dahil sa nangyari sa akin. Nakisama pa ang mga aunt at uncles kong hiyang hiya sa nangyaring eskandalo. Hindi ko naman kasalanan ang lahat ng iyon...kung sana hindi ako tinakot ni Greg, kung sana hindi ako naging mahina at tinanggihan na lang ang alok ng lalaking yon. hays, Wala naman na aking magagawa diba? Move on na lang at iwasan na malapit sa alak at sa mga pinsan kong wala yatang guardian angel sa balikat. Nakita ko ang Personal assistant ni Grandma na si Tiera. Nakasuot siya ng Gray Mermaid dress at kahit natatakpan ng kulay abong Maskara ang mukha niya ay malabong hindi ko siya makilala. May binulong sa kaniya ang matandang nasa tabi niya. Yung matandang iyon ay ang grandma kong nakasuot rin ng kulay gold na maskara at dress. "Before we start the party may we all request the whole Harison clan to take their family picture?" Rinig kong anunsyo ng emcee kaya naman napatigil sina mama at papa sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Nagsimula ng lumakad papunta sa enggrandeng stage ang mga magulang ko pati na rin ang iba. Akmang lalakad na rin ako para sana sundan sila ng bigla na lang akong harangin ni Tiera. "Tiera?" Bakit ayaw niya akong papuntahin dun sa stage? Mag fa-family picture daw ah? Kinunutan ko ng noo si tiera ng hawakan pa niya ang aking braso. Kailangan ko ng pumunta don sa stage dahil hindi ako makakahanap ng magandang pwesto pag nag picture na! "I'm sorry Clare pero utos ng lola mo na huwag kang hayaan na makalapit sa kanila." Bumagsak ang aking balikat at napatiwangwang ang aking labi dahil sa narinig kong sinabi ng butihing sekretarya ni lola. "I'm sorry clare..." ulit pa ni tiera na wala talagang planong pakawalan ako. Ha Ha Ha bakit nga ba iisipin ko na pwede akong su-sumama sa picture taking? Na-Naiintindihan ko naman... Malungkot kong nginitian ang natatanging kakampi ko sa pamilyang ito bago puno ng hapdi na sinulyapan ang angkan na akala ko ay kinabibilangan ko. Nasa stage na sila at may kaniya kaniyang pwesto, sagad ang mga ngiti habang patuloy sa pagkuha ng litrato ang photographer. Hindi ba ako parte ng pamilyang ito? Ba-Baka naman taoagang ampon lang ako tulad nung sa mga movies na napapanood namin ni Apple? "The harison family are indeed the most beautiful and graceful clan we ever see." Pang-uuto ng emcee sa kanila. Halos lahat ng nasa paligid namin ni tiera ay humahanga sa magaganda at sexy kong mga pinsan. Sino nga ba ang hindi hahanga sa kanila,kahit na masasama ang ugali ay meroon namang maipagmamalaki ang mga yan. Muli ko nanamang naramdaman yung pamilyar na kirot dito sa puso ko. Ba-Bakit ba kasi pumunta pa ako sa party na ito? "Shhh clare huwag ka ng malungkot, mamaya magpi-picture tayo. Ang ganda ganda mo pa naman." Pag-papagaan ni Tiera sa akin'g loob pero hindi sa kaniya nakatuon ang aking pansin. Nakita ko pang napatingin sa gawi ko si Papa pero hindi rin iyon nagtagal. Ngumiti siyang muli sa kamerang nasa harapan nila. Tumitingin rin sa gawi ko ang mga pinsan ko at sa tuwing titignan nila ako ay nakapaskil sa mga labi nila ang nang-iinis na ngisi. Ang ngisi na dati ko pa pilit na binubura sa isip ko. Ma-Mas mabuti siguro kung lumabas muna ako pa-para suminghot ng sariwang hangin? Masyado na kasing polluted dito sa loob. Masakit rin sa mata ang view kaya ma-maganda talagang lumabas na lang ngayon. Hindi ko maiwasan ang mapalunok. "Lalabas lang ako tiera." Alam kong hindi ako pakakawalan ni tiera kaya naman pilit ko na lamang na kinalas ang pagkakahawak niya sa akin bago nagmamadaling naglakad palabas dito sa hall. Palayo sa mga taong akala ko ay kakampi ko. Meroon pa akong mga nababanggang bisita, nagrereklamo sila pero hindi naman na rin natutuloy dahil agad akong umaalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD