Prologue: Faded Memory

680 Words
Taong 2005 Nagmamadaling hinablot ng labinlimang taong gulang na si Rose ang tumutunog na Nokia cellphone. Siniguro muna niyang naka-lock na ang pinto ng banyo bago niya sinagot ang tawag. “H-hello?” mahinang bati niya.  “Hello Rose! Kumusta na ang girlfriend ko?” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang tiling gustong kumawala sa kanyang lalamunan. Mabuti na lamang at hindi sila personal na magkaharap ng kausap na binatilyo kung hindi ay makikita nito kung paanong mamula ng husto ang kanyang mga pisngi. “Ok lang naman ako. Katatapos ko lang gawin ang mga assignment ko. How about you?” “Heto, pagod na pagod. Ang tindi kasi ng basketball practice namin kanina para sa paparating na tournament. Kararating ko lang din ng bahay.” At nagsimula na itong magkuwento ng mga bagay na naganap dito sa buong maghapon. Lumipas ang mahigit tatlumpong minuto nang hindi nila namamalayan. Napakagaan talagang kausap ng binatilyo. Hindi niya mapigilang mapabungisngis sa mga kuwento nito lalo na sa mga panunukso nito sa kanya. Hanggang napunta ang usapan nila sa musika. “Ano ang gusto mong theme song natin?” tanong nito sa kanya. Napakamot sa ulo si Rose. “Wala akong maisip eh!” First time niyang magkaroon ng boyfriend kaya malay ba naman niya sa mga theme songs. “Ah! May naisip na ko!” excited na sabi nito sa kabilang linya. “Ano?” “Heaven By Your Side ng A1. Favorite ko yun!” “Sorry, hindi yata ako familiar sa song na yan.” Unlike other teenagers of her age, hindi siya gaanong nahilig sa mga nauusong kanta ng mga boybands. She prefers rock and alternative music. Impluwensiya na rin marahil ng daddy at kuya niya na parehong tumutugtog sa mga banda. Natahimik ng ilang saglit ang binatilyo. Akala nga niya noong una ay binabaan na siya nito ng telepono pero hindi naman pala. Maya-maya pa ay tumikhim ito at nagsimulang kumanta. You and I cannot hide The love we feel inside The words we need to say I feel that I have always walked alone But now that you’re here with me There will always be A place that I can go Suddenly our destiny has started to unfold When you’re next to me I can see the greatest story Love has ever told Now my life is blessed With the love of an angel How can it be true? Somebody to keep the dream alive The dream I found in you I always thought that love would be The strangest thing to me When we touch, I realize That I found my place In heaven by your side Parang biglang tumigil ang oras. Halos nakalimutan ni Rose na nasa loob siya ng banyo at ang lalaking kausap ay malayo sa kanyang kinaroroonan. Ni hindi pa nga sila nagkikita ng personal kaya wala siyang ideya kung ano ang itsura nito. Pero habang kumakanta ito, pakiramdam niya ay nasa tabi niya lang kausap at para bang matagal na silang magkakilala. Nakikita niya ang sarili na nakahilig ang ulo sa mga balikat ng binatilyo habang kumakanta ito. Maghawak din ang mga kamay nila. She can’t help but smile at the image of how perfect the moment is. A soothing and unfamiliar warmth enveloped her. Hindi niya alam kung dahil sa magandang lyrics ng kanta o dahil sadyang nakakabighani lang talaga ang boses ng binatilyong kausap. Nang matapos ito sa pagkanta, gustuhin man niyang pumalakpak ay hindi niya magawa dahil sa hawak na cellphone. She just voiced out her compliments instead. “Grabe! Ang galing mo palang kumanta! Aside from being a varsity player, you can surely pass as a band vocalist as well. Di mo naman nasabi na ganyan ka pala ka-talented!” Bahagya itong natawa. “Hindi naman masyado. Ayan ha! May theme song na tayo. Wag mong kakalimutan, okay?” “Okay!” Nagulantang siya nang may kumatok. Ang mommy niya pala. “Anak, matagal ka pa ba diyan sa banyo? Maliligo na daw ang kuya mo.” “Ah, okay! Lalabas na po ako, mommy. Sandali lang po.”  Pabulong na nagpaalam siya sa binatilyong kausap sa kabilang linya. Nangako itong tatawag ulit sa kanya pagkatapos ng klase nito bukas. Nakabalik na siya sa sariling silid ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang kantang iyon. Heaven By Your Side. Kahit ang title, napaka-romantic, bulong niya sa sarili. Isinubsob niya ang mukha sa kanyang unan at doon impit na nagtitili dahil sa kilig na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD