Chapter 1

1396 Words
“Bata, mukhang malalim ang iniisip mo ha?” Kaagad akong napatingin kay Lux dahil sa sinabi niya. “Iniisip mo pa rin ba si Nitidus?”   “Kahit na kailan ay hindi siya mawawaglit sa isip ko,” tanging tugon ko bago muling itinuon ang atensyon sa malawak na kalangitan. Sakay ni Volant, kasalukuyan naming binabagtas ang daan patungo sa Silvis upang magtungo sa tahanan ni Lux.   Sa totoo lang ay hindi ko pa rin alam kung paano magsisimula nang wala si Nitidus sa tabi ko. Buong buhay ko ay sa kaniya na umikot ang mundo ko. Ang maprotektahan siya at ang mailayo siya sa kapahamakan. Subalit sa pagkakataong ito pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat kaya napunta siya sa lugar na hindi niya dapat kalagyan. Alam kong nasa lugar na siya ng tunay niyang angkan pero eto ba ang tama? Tama bang maging halili siya sa angkan ng Uchida na puro kasamaan lang ang idinulot sa aming angkan? Kung nakinig lang sana ako sa kaniya noon na huwag nang tumuloy at ipagpatuloy na lang ang aming mga buhay ng payapa, hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Ngunit sa kabilang banda, marahil ito ang nakatkdang kapalaran sa aming dalawa dahil na rin sa dugong nananalaytay sa amin. Kung hindi man kami tumuloy sa paghahanap ng kwintas, marahil ay hahanapin rin kami nila Adamas upang sapilitang bawiin si Nitidus sa akin.   “Si Nitidus na ang nagpasya sa kapalaran niya, Acutus. Wala ka nang magagawa sa bagay na iyon.”   Kunsabagay ay tama si Lux, ano pa nga ba ang magagawa ko kung si Nitidus na ang kusang lumayo sa akin at bumuo ng desisyon para sa sarili niya. Saglit akong nakaramdam ng pagdaramdam dahil sa isiping iyon. Hindi niya ba ako naisip kahit minsan? Minahal niya bang talaga ako? Mga katanungang patuloy na bumabagabag sa akin ngunit alam kong kahit na kailan ay hindi ko na makukuha pa ang sagot.   Dahan-dahang lumapag si Volant sa bakanteng lupa sa gitna ng kakahuyan. Naroon ang isang maliit malaking puno sa gitna nito. Kaagad kaming bumaba at iginiya naman kami ni Lux papasok sa pintuan na nakakabit mismo sa puno. Doon ko lang din napansin ang bahay na nakatayo sa ibabaw ng puno. Pagasok sa may pinto ay isang hagdan paikot ang aming kailangang akyatin upang tuluyang makapasok sa kaniyang tahanan at nang makarating na kami sa loob ay iba’t ibang klase ng sandata ang naroon. Mayroong mga espada, patalim, baril, at mga kung anu-anong klase ng kahoy.   “Para saan ‘to, Ginoong Lux?” tanong ni Immitis matapos damputin ang isang tila sanga ng kahoy na may korteng pabilog sa tuktok.   “Isang uri ‘yan ng sandata na ginagamit ng mga Veneficus. Kung wala sila niyan ay hindi nila mapapalabas ang angkin nilang kapangyarihan,” tugon nito.   Bigla akong napalingon sa hawak ni Immitis at doon nagbalik ang mga ala-ala naming ni Bellus. Tandang-tanda ko pa ang mga katagang nakasulat sa liham na iniwan niya.   Mahal kong Acutus,   Alam kong maaaring magalit ka sa gagawin kong ito subalit kailangan ko nang lumisan at iwan ka. Maaaring sumama ang loob mo dahil hindi man lang ako nagpaalam ng harap-harapan sa iyo ngunit alam kong ito ang makabubuti sa ating dalawa. Ikaw lang ang nag-iisang lalakeng pinakatatangi ko sa lahat, at hanggang sa aking huling hininga ay ikaw lang ang lalakeng iibigin ko ng wagas.   Nagmamahal, Bellus   Nagdaramdam man ay wala akong nagawa. Noon ay wala pa akong kaide-ideya na ang pag-alis niya ay para sa kapakanan ko. Ang akala ko lang noon ay umalis siya para sa pansariling interes ngunit mali ako nang muling magkrus ang aming landas sa Valle Mortis. Sino ba naming mag-aakalang siya pala ang natatanging tao na napili ng aking angkan upang protektahan at pangasiwaan ang isang napakahalagang kayamanan, ang kwintas ng Tractatio.   “Acutus.” Napalingon ako kay Immitis nang tawagin niya ako. Inihagis niya sa akin ang isang piraso ng panem at saka naupo sa bakanteng silya. “Ngayon, ano na ang plano?”   “Bago ang lahat, nais ko munang magpakilala ng pormal sa inyo.” Lumingon si Lux sa gawi ko bago lumuhod. “Bilang isang tapat na kaibigan ni Gaza at tagasunod ng Sugatzu, ako si Lux ay ibinibigay ang buong katapatan ko sa’yo, Bata.”   “Ginoong Lux, hindi ba parang masyadong pormal yata?” Kaagad naman iyong napansin ni Immitis. Kahit ako man ay nagkaroon din ng pagkailang dahil sa ginawa niyang iyon.   “Ay ganon ba?” Tumayo ito kapagkuwan ay inayos ang suot na tuniko na yari sa balat ng hayop at saka naupo sa bakanteng upuan na nasa likuran nito. Tinungo ko naman ang bintana at doon pinagmasdan ang labas. Tanging sanga lang ng puno ang nakikita ko subalit ang pumapasok sa isip ko ay si Nitidus. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na humantong kami sa ganito hanggang sa mapukaw ni Lux ang malalim na pag-iisip ko nang magsimula na siyang magsalita. “Ang una nating kailangang gawin ay magtungo sa Regia Mundi.”   “Saan naman ‘yon?” tanong ni Immitis. Kahit na ako man ay walang kaideideya dahil tila wala sa mapa ang naturang lugar. “Anong meron doon?”   “Ang totoo niyan ngayon ko pa lang din mararating ang lugar na iyon. Ang pagkakaalam ko kasi ay doon natin matatagpuan ang mga sagot sa lahat ng katanungan mo, Bata,” paliwanag ni Lux. “Base kasi sa sabi-sabi ay wala pang nakakarating doon dahil hindi talaga mahanap ang nasabing lugar.”   “Baka kasi wala talagang lugar na ganoon. Wala rin siya sa mapa,” sabi ni Immitis. Kung tutuusin ay may punto si Immitis. Paano nga kung wala talagang ganoong lugar lalo na at wala pa palang makakapagpatunay na nakarating na sa nasabing lugar.   “Pero mayroong isang tao na nagpatotoo sa Regia Mundi,” tuwirang wika ni Lux.   Nagakatinginan naman kaming dalawa ni Immitis at naghihintay ng sasabihin ni Lux.   “Sino?” tanong ko nang tila hindi yata nakuha ni Lux na hinihintay namin ang iba pa niyang sasabihin.   “Ang iyong kinagisnang ama, si Gaza. Siya ang nagsabi sa akin ng impormasyong doon nakatira ang lalakeng makapagsasabi ng mga bagay na kailangan mong malaman sa oras na lumaki ka na at mawala na siya sa mundong ito. Una pa lang, bata, alam na ni Gaza na darating ang pagkakataong ito kung kaya inihabilin niya kayo sa akin ni Nitidus. Sa kasamaang palad ay nahuli ako dahil nakapili na ng tatahaking landas ang iyong sinisinta.”   Sa sinabing iyon ni Lux ay tila bumalik ang lahat ng sakit sa mga nagdaang pangyayari. Kung nabubuhay pa kaya si Gaza hanggang ngayon, hahantong kaya kami ni Nitidus sa ganitong sitwasyon?   Naupo ako sa hamba ng bintana at bumuntong-hininga. Kung totoo ang Regia Mundi, kinakailangan na nga siguro naming magmadali na hanapin ang lugar na iyon lalo pa’t iyon ang magiging susi upang matunton ko ang nawawalang pulseras.     Kinabukasan, papasibol pa lang ang araw nang magsimula kaming lisanin ang Silvis upang magbalik sa lugar ng Misericordia. Malayo-layo man ang aming lalakbayin ngunit napagpasyahan namin na doon magsimulang magtanung-tanong lalo na at ito ang bayan nap uno ng kaalaman pagdating sa iba pang lugar. Nais din ni Immitis na umuwi pansamantala sa kaniyang tahanan upang kumuha ng mga dagdag na kagamitan sa aming paglalakbay na tiyak raw na magagamit namin sa aming paglalakbay.   Halos palubog na ang araw ngunit wala pa rin kaming nakukuhang impormasyon tungkol sa naturang lugar. Halos nauubusan na rin kami ng salapi pambili ng aming pagkain.   “Kuya…” Kaagad akong napalingon sa isang batang babae na tantya ko ay nasa sampu hanggang labindalawang gulang base sa kaniyang taas at wangis.   “O bakit bata? Nagugutom ka ba?” tanong ko matapos yumuko upang mas maharap siya nang maayos.   “Hinahanap n’yo raw po ang Regia Mundi?” Kaagad kaming nagkatinginan ni Lux dahil sa tinuran ng bata.   “Alam mo ba kung saan ito matatagpuan?” tanong ko.   Napalingon naman ako kay Lux nang kalabitin niya ako. Umiling pa siya bilang senyas ng pagtutol.   “Sandali lang, bata ha?” sabi ko sa bata at saka hinarap si Lux. “Bakit?”   “Wala akong tiwala sa batang iyan, Acutus. Sa tingin mo talaga ay matutulungan tayo ng gaya niya na isanag paslit? Anong alam niyan sa mga lugar na tayong matatanda nga ay hindi makita?” paliwanag nito. May punto naman ang kaniyang sinabi ngunit iba ang pakiramdam ko sa batang kaharap naming ngayon. Pakiramdam ko ay may kung ano sa batang ito na tila nahihikayat niya ako sa kaniyang mga winiwika at kailangan kong malaman kung ano iyon.   “Bata, maaari mo ba kaming samahan magtungo sa Regia Mundi?” tanong ko at binigyan ng matamis na ngiti ang bata. Sakto naman ang pagdating ni Immitis sa kinatatayuan namin kung kaya’t naghanda na kaagad kami upang magtungo sa nakatagong lugar ng Regia Mundi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD