Chapter 1

2011 Words
Kahit antok na antok pa ay maingat kong kinuha ang cellphone kong nasa ilalim ng unan. Dahan-dahan pa ang pagkuha ko rito kasi alam n'yo na, medyo nasa kritikal na kondisyon na ang cellphone ko. Scatchtape nalang ang sumusuporta rito para mabuhay ng matagal-tagal Sino ba 'tong nag text? Ang aga-aga ah. Psh! Agad na nawala ang antok ko at mabilis na napabalikwas mula sa pagkakahiga nang makita ang pangalan ng nagtext. Shocks! Si Mario Maurer! Oh wem Gi, gusto niya kaya akong makita? Kumabog ng mabilis ang puso ko at tinakpan ang bibig habang silent mode na sumisigaw. From: Mario honey my labs so sweet mwah mwah tsup tsups [Magkita tayo sa Palengke malapit sa Julies bakeshop.] Waaa! Magkikita nga kami! Napatalon-talon pa ako sa kilig habang tinatakpan ang bibig para hindi makagawa ng anumang ingay baka kasi batuhin na naman ako ng kapitbahay. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko nang may malaking ngiti sa labi at patalon talon na lumabas ng bahay. "Magandang umaga sa'yo kuya kong panget!" Bati ko nang makita si Kuya na nagpapalakol ng mga kahoy sa gilid ng bakuran namin. "Oh! Magandang umaga rin sa'yo bunso kong panget! Ikaw na muna ang magsaing doon, umalis sandali si Nanang eh. " Oh diba? Ang panget? 'Yan ang nagpapapanget ng umagang kay ganda ko. Napasimangot nalang ako at napairap pa sa kawalan. Gosh! Ganda ng bungad niya. "Pero kuya... Magkikita pa kami ni Mario Maurer." Sabi ko at nagpout pa, baka tablan ng pa-cute ko at sabihing 'o sige bunsong maganda, ako na ang magsasaing, maligo kana at magbihis para mapuntahan mo na agad ang babyloves mo' "Tsk! Mamaya na iyan bunso okay? Masyado pang maaga kaya magsaing ka muna ro'n. Tsaka wag kang sumimangot, mas lalo kang pumapangit. Pangit ka na nga papapangitin mo pa mukha mo. Maawa ka naman sa sarili mo.." iiling-iling niyang sabi at maya-maya ay humalakhak ng malakas. Inis ko siyang tiningnan. "Wow! Baka naman nakakalimutan mong sa'yo ako nagmana kuya?" Sarkastiko kong sabi at tumawa lang siya kaya inis kong kinuha ang kaldero para makapagsimula nang magsaing. No choice mga pare, ayokong habulin ng dos por dos mamaya ni Tatang. Tsk! Nakakainis talaga ang ulupong kong kuya na 'yon! Lagi nalang akong nilalait eh magkamukha naman kami sabi ni Tatang. Wag niyang sabihing pangit din si Tatang? Abah! Isusumbong ko talaga siya. Hmp! Inis kong pinagkukuskos ng sabon ang kaldero at nang matapos ay nilagyan agad ito ng bigas. Sumama bigla ang mukha ko nang mapadaan ako sa may salamin habang papunta sa kusina. Hay.. Napabuntong hininga ako at napangiwi. Oo na, tsk! Inaamin ko nang panget ako. Pag nakita ninyo ang mukha ko mamalasin kayo ng isang buong taon, wala nang tawad pa 'yon. Wala akong pimples okay? Totoo iyan, promise. Pag ayaw mo maniwala tutubuan ka ng dalawa sa noo bukas. Hindi porket sinabi kong panget ako puno na ng pimples ang mukha ko. Alam kong may mga tao namang kahit may pimples ay maganda parin. Pero ako? Wala akong pimples. Period no erase. Tsaka matangos ang ilong ko at lalong-lalo hindi rin buhaghag ang buhok ko. Marami nga ang nagsasabi na parang pang commercial ng cream silk ang buhok ko eh.Hindi rin ako maitim aba! Pang commercial din ng kojic soap itong kutis ko dahil sa kaputian pero ekis tayo r'yan sa makinis. Maputi lang, di makinis at 'yan ang problema ko.. Puno ng naglalakihang peklat ang mukha ko. Para daw akong binuhusan ng muriatic acid kung laitin pa nila. Pero ang paliwanag naman ng nagluwal sa akin ay nahulog daw ako sa kanal no'ng ipinanganak, well, hindi kasi nakaabot sa ospital si Nanang kaya sa tabing daan ako ipinanganak, akala ni Nanang na nurse 'yong nagpaanak sa kaniya kasi nakaputi, ayun, takas pala ng mental. Kaya no'ng ini-ere daw ako ni Nanang ay todo hila naman sa akin 'yong baliw na akala nila nurse. No'ng tuluyan akong mahila, ayun, diretso sa kanal ang baby face ko. Grabe no? Kakaanak pa lang sakin minalas na agad. Tsaka hindi lang naman 'yan ang dahilan ng mga peklat sa mukha ko naaksidente rin ako sa traysikel no'ng walong taong gulang ako pero ako lang ang nasugatan sa lahat ng pasahero, tapos 'yong iba naman ay kalmot na ng pusa dahil bukod sa amin ni kuya ay may binubuhay ring siyam na pusa si Nanang. Puno ng kamalasan ang buhay ko dati pa, mas tumitindi nga lang habang umi-edad na ako. Tch! Wag na nga nating pag usapan iyan. Ang importante matapos na ako rito at mapuntahan na ang boyfriend ko sa palengke. Baka kanina pa 'yon naghihintay. Kawawa naman ang bebe loves ko. Habang hinihintay na maluto ang kanin ay naligo na muna ako. Pagkatapos maligo, syempre nagbihis alangan namang maghubad lang ako papuntang palengke. Pagpyestahan pa ako doon eh. Charret! Asa naman ako. Eh wala nga yatang magtatangkang mang r**e sa akin eh kaya nga di ako pinagbabawalan ng mga magulang kong gumala-gala kahit hating gabi na, di rin naman ako takot sa multo kasi alam kong mas mauuna silang matakot sa akin. Agad akong naglagay ng pulbo sa mukha ko at nagpaganda ng todo. As if namang may gaganda pa. Psh! Hindi na kasi kami masyadong nagkikita ni Mario Maurer, sa katunayan nga, simula nung naging kami nung nakaraang linggo, isang beses palang kaming nagkita. Naging busy kasi ako sa school kasi tumakbo akong SC President. Ewan ko ba kung mananalo pa ba ako basta ang importante ngayon, excited na akong makita ang boyfriend ko. Pagkatapos magbihis at magpaganda kuno ay nagkusa na akong kumain. Bahala na 'yong panget na 'yon! Hindi ko na siya tatawagin. Pagkatapos kong kumain ay dali-dali kong tinungo ang daan papuntang palengke. Medyo malayo-layo pero naglakad lang ako. Hindi naman nakakapagod kasi sanay na rin ako maglakad ng ganito kalayo tsaka isa pa wala akong pamasahe. Mahirap lang kami no. Nang makarating ng palengke ay agad akong nagtungo malapit sa bakery kung saan ang aming tagpuan ng bebe loves ko. Naapangiti agad ako ng todo nang makita roon si Mario Maurer. Nakaupo siya sa isang sirang upuan at halata ngang hinihintay ako dahil parang inip na inip na ang kaniyang mukha. Shez.. Kinikilig na naman ako. Hihihi! Ang sarap din pala sa feeling ng may jowa no? Kaya sa mga walang jowa riyan, mainggit kayo please? "Mario! " Sigaw ko na parang si Sanchai ng Meteor Garden. Nilingon niya naman agad ako at nag slow motion iyon sa paningin ko. Ang gwapo niya ngayon pero nakakapagtaka lang ang pagiging seryoso ng itsura niya. Ang emo naman nito. Duh, alam kong emosyonal siyang makita ako kaya ganiyan siya, siguro buong linggo niya akong inisip kung anong ginagawa ko, kung kumain na ba ako, kung naliligo din ako ako araw-araw, ilang beses sa isang linggo ako nagt-toothbrush ganoon. Nakakakilig talaga. "Ikay." Seryoso niyang sabi at nakangiti naman akong tumingin sa kaniya na may kinikilig na mga mata. Hindi ko maitago ang tuwa sa mukha ko. Hinawakan ko ang kamay niya para mas kilig ang moment pero laking gulat ko nang marahas niyang tinanggal ito mula sa pagkakahawak ko. B-bakit? Kumunot ang noo ko at taka siyang tinignan sa ginawa niya. "Mario? Bakit?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya. Tiningnan ko ang kamay ko at malinis naman ito. Walang kahit anong bakas ng dumi. Sigurado akong naghugas ako ng maayos kanina pagkatapos kong dumumi. Hindi ko nga lang nasabunan pa dahil sa pagmamadali. W-Wait? N-Naamoy niya kaya? Shocks! Dapat pala sinabunan ko nalang. "Mario, pasensya na kung hindi ako nakapag-sabon--" "Ikay gusto ko nang makipaghiwalay sa'yo. Sorry at paalam." sabi niya at tinalikuran agad ako. Hindi naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Wait? A-ano raw? A-Anong sabi niya? N-nakikipaghiwalay na siya sa akin? Muli kong tinignan si Mario na ngayin ay nakapamulsa nang naglalakad palayo sa akin. Gusto ko man siyang habulin para itanong kung bakit. Big deal ba talaga sakaniya na hindi ako nagsabon ng kamay ko? No… H-hindi ito pwedeng mangyari. Nakita kong pasakay na siya ng pedicab kaya agad akong tumakbo at hinabol 'yong sinakyan niya. Halos magsituluan na ang luha ko habang nakikitang mas lalong bumibilis ang andar ng sasakyan. "Mario!" Sigaw ko nang tuluyan na itong makaalis. Ang mga kamay ko ay nakaunat sa direksyon ng traysikel na nakalayo na. Dahan-dahan ko iyong ibinaba at agad na napaluhod sa lupa. Napayuko ako at sunod-sunod ang naging pagtulo ng luha. "Mario.." mahinang sambit ko. Inis akong napalingon nang marinig ang mga mahihinang bungis-ngisan sa paligid. Hindi ko namalayan na marami na palang nakapalibot sa akin. Lahat sila ay tumatawa, may mga nagbubulungan at may iba naman na pairap-irap lang sa kawalan. Agad akong nakaramdam ng matinding awa sa sarili ko. Itong 'yong mundo na puno ng panlalait at pangungutya. Mga taong walang puso at walang awa sa kapwa. Hindi marunong umintindi sa nararamdaman ng iba, makuha lamang ang bagay na makakapagpasiya sa nila. Isa pa ang Mario na 'yon. Gwapong-gwapo siguro siya sa sarili niya kaya nakipaghiwalay siya sa akin ng ganoon-ganoon lang. Huh! Ang kapal ng balun-balunan ng sinaunang ulupong na 'yon. Huminga ako nang malalim at inis na tumayo. Hindi. Hindi niya ako deserve. 'Yon 'yon. Hindi ako pwedeng magkaganito nang dahil lang sa kaniya. Ang tindi lang ha para siya pa ang makipaghiwalay sa akin. Kung napapangitan siya sa akin, mas pangit siya! Kaya nga bumagsak siya sa isang pangit na katulad ko dahil pangit rin siya! Hindi siya kayang tanggapin sa mapanghusgang mundong ito kaya sakin siya bumagsak. Tumawa ako ng peke habang patuloy parin s pagbagsak ang mga luha Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pero gusto kong mapag-isa. Ayokong makakita ni anino ng isang tao sa paligid ko. Napaka-unfair kasi ng buhay ng tao. May mayaman, may mahirap. May maganda, may pangit. Merong may jowa, meron din namang wala, pakunwaring study first muna daw pero ang totoo wala naman talagang mahanap. Kitams? Ang unfair lang diba? Kaya nga lagi kong hinihiling na sana makapasok man lang ako sa libro o di kaya'y mapunta sa ibang mundo at matamasa ko kahit man lang sandali yung bagay na gusto ko. Pero wala eh, walang magic teh, barang siguro naniniwala pa ako pero magic-magic na 'yan duh? Alam mo kasi sa tuwing nagbabasa ako ng libro, inilalagay ko talaga 'yong sarili ko bilang character doon eh. Alam mo 'yun? Sa libro kasi, pag pangit, gumaganda. Kasi diba may make over na nagaganap sa kalagitnaan ng kwento. Tapos pag mahirap yumayaman like nawawalang crown princess, inampon ng CEO ng isang kompanya, nakapag-asawa ng businessman, mga ganoon ba. Tapos sa libro rin, may naka reserve ka nang lovelife, yung nakabanggaan mo lang tapos konting bungangaan at the end magliligawan. Tsaka ang pinakahuli, sa libro maganda ang ending ng buhay mo. 'Yong mga inggeterang kontrabida bumabait, kahit mamatay ka magiging payapa ang kaluluwa mo eh, hindi katulad dito sa realidad na namatay ka na nga't lahat pagchi-chismisan ka parin, marami parin ang galit sa'yo kasi hindi mo nabayaran ang utang mo. Kita ninyo? Walang kapayapaan sa mundo. Mamamatay ka paring stress sa huli. Dahil sa lalim at kung ano-anong pinag-iisip ko ay hindi ko na namalayan pa ang dinadaanan ko. Noon ko lang nalaman nang marinig ang sunod-sunod na businang papalapit sa gawi ko. Mabilis ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa 10 wheeler truck na papunta sa direksyon ko. May pagkakataon pa sana akong tumakbo palayo upang huwag masagasaan ngunit mas pinili kong manatili. Hinintay ko ang malaking truck na tumama sa katawan ko. Muling tumulo ang mga luha ko sa isiping.. Mas mabuting tapusin ko nalang dito ang buhay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil alam kong ilang segundo nalang ay hahandusay nang duguan sa sahig ang katawan ko. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay nagulat ako nang may humila sa braso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD