1 Good To Be Back

2347 Words
Namiss niya dito. Hatak hatak ang kanyang maleta, dumeretso si Julie palabras ng airport. Kanina pa siya text ng text sa best friend niyang si Frencheska, or as she calls, Maqui kaso parang di nanaman nito hawak ang cellphone. “Maqui ano ba…” Julie clicked her tongue. Halos 18 hours din ang flight niya galling New York pabalik dito sa Pilipinas at gusto lang talaga na niyang magpahinga. Kung di siya masusundo ni Maqui edi magtataxi na lang siya. 12th call na ata niya at di pa rin nasasagot ni Maqui. “Ay nako Frencheska Farr bahala ka nga!” Binalik niya sa bulsa ang phone bago naglakad ulit paderetso sa mga taxi. Mabilis na linapitan niya ang sasakyang nauuna sa pila at malapit na ang kamay sa handle ng may nagbukas ng pinto na pabigla bigla, napatalsik tuloy kamay niya. “Sh—ano ba!” Tumingin naman sa kanya ang lalaki na nagmamay-ari ng kamay. “Pwede ba miss nagmamadali--“ Napatitig sila pareho. Aminado si Julie, gwapo ang lalaki, maputi ang balat, matangos ilong saka expressive ang mata. Matangkad din ito. Pero hindi yun ang dahilan kaya siya napatitig. “Nagkita na ba tayo before?” tanong ng lalaki sa kanya. Bumitaw na ito sa paghawak sa handle ng into ng taxi at tiningnan siya. Inunahan na siya nito sa tanong na gusto niya sana sabihin kanina. Pero paano yun eh 4 years nga siya nasa New York? Unless na lang nagkita sila sa New York na hindi naman maalala ni Julie. “I’m not sure…” sagot ni Julie. Nakakhiya pero di niya ma help tingnan ang lalaki. Parang kilala nga niya kasi ito pero di niya mawari kung saan. Naputol naman ang train of thought niya ng tumunog ang phone niya. Mabilis siyang tumalikod at tinignan kung sino ito; Maqui. Nako maririnig talaga ng babaeng ito… “Julie Anne!” “Frencheska Farr! Saan ka na ba? Kanina pa ako nandito sa airport! Magtataxi na ba ako?” “JULIE!!!” Teka parang hindi glling ng phone yung tunog. Julie almost got the wind knocked out of her nang patakbong yinakap siya ni Maqui. “Bes sorry talaga! Hindi ko kasi hawak phone ko! Sorry talaga!” “Ma-Maqui ano ba hindi ako makahinga.” Hindi na rin kinayan ni Julie at natawa siya. Humiwalay siya nang maalala niya yung lalaki. Umikot siya para harapin ulit ito pero nakitang pumasok na ito sa loob ng taxi. Nagsalubong na lamang ang mata nila habang pumalayo ang sasakyan. “Hoy! Sino naman yun?” Tulak ni Maqui sa kaibigan. Napapitlag si Julie at tumingin naman sa kaibigan. “Ah, wala…. Wala…” “Anong wala? Eh sinusundan mo nga ng tingin?” Pilit na tanong ni Maqui. Gusto sana makasagot ni Julie eh sa hindi naman talaga niya kilala yung lalaki. “Maqui, di ko talaga kilala… SASAKAY KASI SANA AKO NG TAXI KASI YUNG MAGALING KONG BEST FRIEND HINDI SUMASAGOT.” “Girl, alam mo, nakikita ko yung todo caps-lock ng damdamin mo eh. Sorry na nga. Tara na alam ko naman na pagod na bes ko eh.” Paglambing ni Maqui. Inikot pa nito ang braso sa braso ni Julie bago sila naglakad papunta sa kotse niya. “Saan ka nga pala tutuloy?” Tanong ni Maqui habang tinutulungan si Julie ilagay ang mga maleta sa trunk ng kanyang Suzuki Swift. “Kayla Mama muna ako bes.” Pagod na naupos sa passenger seat si Julie at sumunod naman si Maqui sa driver’s side. “Tinawagan ka na ba ng mama mo?” Tanong naman ni Maqui nang umaandar sila. Julie nodded her head. According sa mom niya, mag lu-lunch daw sila sa isang Chinese restaurant malapit sa Moa, kasama din si Maqui. Sa totoo lang mas gusto na kasi niya magpahinga kaso ano naman laban niya. “Oo nga pala bes, tulungan mo ako maghanap ng condo bukas ah, preferably sa may Makati.” Next Monday magstastart na siya sa JAM records bilang isa sa mga record producer/composer. “Ay sakto bes!” Excited na sabi ni Maqui. Napatingin si Julie dito bago niya tinuloy ang sasabihin niya. “May kakilala kasi ako na may ari ng condominium building kaya sureball na safe ka doon.” Ngumiti na lang si Julie. Gusto niya sana matulog pero alam niya gusto din siya kausapin ni Maqui. Siya na unang nagsalita. “Maqs kamusta sa trabaho?” Gaya ni Julie, isa din itong producer at makakatrabaho din niya. “Same same, kaso sabik na ako makakita ng pambato, we need someone fresh.” Natawa si Julie sa sagot ng kaibigan. “Makakakita din tayo bes.” Natahimik silang dalawa pagkatapos. Malapit lang din naman sana ang NAIA sa MOA kung hindi traffic. Ngumiti naman bigla si Maqui kay Julie na ikinaba niya. Diba dapat naaasar ito kasi traffic? Kakaiba kasi yung ngiti ni Maqui. “O, ano yan?” Tuloy pa rin ang pag ngiti ni Maqui bago finally nagsalita. “May boyfriend ka na ba ha Julie Anne San Jose?” Julie sighed. Ito nanaman? She rolled her eyes at her lovable best friend. “Maqui, ano ba, kung nagka boyfriend ako doon edi sana nabalitaan mo na.” Sanay na si Maqui sa snappy comments ng kaibigan kaya natawa na lang siya. “Eh kasi Juls! Ako wala din boyfriend ngayon pero nagkaboyfriend na ako. Ikaw, ang ganda ganda mo! Matalino, may height tapos hindi ka magka boyfriend boyfriend!” “Eh sa wala ako napupusuan eh!” Rason ni Julie. Tumingin siya sa labas habang pinaandar ni Maqui ang kotse dahil thankfully umandar na ang traffic. Hindi naman kasi siya talaga naghahanap ng boyfriend. Gusto kasi niya, kapag nagkaboyfriend, yun na yun, magpapangabot sila sa dulo. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=   Nakatingin sa labas ng bintana si Elmo habang nakadikit ang kamay sa bibig. Sino ba yung babaeng iyon? Parang kakilala niya talaga eh. Tumigil nanaman bigla ang taxi na nasakyan niya. Letse. Bakit ba kasi nasiraan siya ng kotse. Di bale sa Linggo naman ayos na yun eh. Pagkadating ng Monday trabaho nanaman. Sa totoo lang, di naman niya enjoy maging COO ng real estate at construction company na Magalona indsutries. Ang bata pa niya, 20 pa lang tapos COO na kaagad? Pero ganun talaga, namatay na kasi tatay niya, kuya Frank niya ang acting CEO at bilang pangalawang anak na lalaki, binigyan din siya ng position. Kahit ayaw niya, mas mabuti nang ito ang ginagawa niya. Kesa naman naaalala niya— Tama na Moe. Tigil tigilan mo na kakaisip sa kanya. Tumunog bigla ang phone niya sa may pocket. Kaagad naman niya sinagot. “Kuya…” “Moe, kamusta flight?” Deretso kahit kelan. Kagagaling lang niya kasi sa New York, a few days lang naman siya doon to check on one of the hotels they were building. “Okay naman…” “Ah sige.” Sagot ni kuya Frank. “Kapag di ka naman ganon kapagod, deretso ka muna dito sa may Emerald restaurant, kain muna tayo with mom saka sila Max and Saab.” Binigay din nito ang address. Hindi pinarinig ni Elmo pero bumuntong hininga siya. Gusto na niya kasi makauwi sa condo niya sa Makati pero naisip din niya, kakain lang naman eh, saka namimiss din niya mom niya saka mga kapatid niya. “Sige sige, deretso ako diyan.” Sagot niya. “Yun, sige bro see you!” CLICK. Binababa ni Elmo ang telepono at tumingin sa driver sa harap. “Manong, change destination po tayo.” At sinabi naman niya ang address. Pumikit muna siya saglit, ipinapahinga ang mata. Maya maya lang naramdaman niya na bumabagal ang takbo. Akala niya traffic nanaman pero nandoon na pala sila sa restaurant. Kumuha siyang pera sa wallet at saka nagbayad bago bumaba ng taxi. Papasok na siya ng entrance nang mahagip niya ang dalawang babae na kakapasok lang din. Siya nanaman… Dumeretso ang dalawang babae sa isang table at parang tuod namang nakatayo doon si Elmo. Pinagmamasdan niya yung babaeng muntik na niya makaaway sa taxi. s**t, ang ganda niya. Ngayon lang ata nagkatotoo para sa kanya yung term na tantalizing eyes, ang cute pa ng ilong saka ang mga labi… parang ang sarap halikan-- hoy Elmo ano ba! Napailing siya, ano ba itong mga pinagiisip niya? Napatingin nanaman siya. Nakaupo na yung babae at nakangiting kinakausap ang isang middle-aged na babae. “Elmo!” Doon lang niya na realize na iisa ang table kung saan nakaupo ang babaeng kanina pa niya tinitingnan at ang kanyang ina’t mga kapatid. Umangat din ang ulo ng babae at halatang medyo nagulat ito ng makita siyang palapit. “Moe, upo ka dito bilis!” Aya ng Mommy Pat niya. Doon lang din niya narealize na makakatabi niya si Ms. Tantalizing Eyes. “Ma.” Bati niya sabay halik sa pisngi ni Pat bago umupo. Nakita niya na medyo napaiwas ng tingin ang isa pa niyang jatabi ng mag explain naman bigla si Pat. “Moe, nakita namin dito sila Tita Marie mo, naalala mo pa ba sila? Si Julie rin yung kalaro mo dati, nung siguro mga 10 years old ka pa.” Tumingin si Elmo sa katabi at nakitang hindi na ito umiiwas ng tingin at ngayo’y nagbibigay na ng munting ngiti. Kalaro nga niya itong babaeng ito dati! Crush pa nga niya dati eh, naaalala niya kasi na magaling ito kumanta.   =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Ngayon naaalala na ni Julie kung saan niya nakita yung lalaki kanina sa airport. Apparently kalaro niya ito nung bata pa sila. Ever summer lang naman. Dati kasi bawat summer talaga ay sa rest house nila sa Tagaytay sila mags-stay at kapit bahay naman nila doon ang Magalona. Since sila ang mag ka age, sila talaga magkalaro. Naalala pa niya na ito yung batang lalaking nagtuturo sa kanya paano gumawa ng kung ano ano mula sa papel. Mapa paper boat, paper plane, paper crane at kung ano ano pa. Ayun nga lang, nung naghiwalay parents niya, hindi na sila bumalik sa rest house na iyon. “Julie Anne siguro naalala mo pa si Elmo? Diba? Kalaro mo dati.” Masayang ngiti naman ng Mama Marie niya. “Ah, opo Ma.” Sagot niya. She gave a respectful glance at Elmo who returned it with a small nod. “Oh, you two were so inseparable then!” Biglang comment ng Ate Maxx ni Elmo. Sabay naman napatingin si Julie at ang katabing lalaki sa naktatandang kapatid na abot langit ang ngiti. Hindi pa nakakasalita ulit si Maxene ng may dinagdag pa si Kuya Frank. “Oo grabe, paggising sa umaga ni Moe dederetso kayla Julie, di pa nga nagtotooth brush eh!” Nagtawanan naman ang lahat habang pinanlakihan ng mata ni Elmo ang nakakatandang kapatid. “Buti naman at nagkita ulit tayo, Pat, edi nagkita din si Elmo at Julie.” Marie said, patting Pat’s lap. Nananahimik nanaman si Julie sa isang tabi, nasa kanan niya si Elmo at nasa kaliwa naman si Maqui. Nakita niyang nakakalokong ngiti ang binibigay sa kanya ng kaibigan. Oh no… “Tuloy pa ba yung bet natin na sila magkakatuluyan?” Tawa naman ni Mama Pat. “Ma!” Mahinang sambit ni Elmo pero natawa lang ang kanyang mother dearest. “Binibiro lang naming kayo Moe.” Sabi ng Ate Saab ni Elmo. “Ala namang pilitin naming kayo na magkagusto sa isa’t isa? Bonus lang yun if ever kayo nga magkatuluyan.” Bet ni Julie namumula na talaga siya. Huli sila nagkita ni Elmo bata pa sila tapos ganito kaagad usapan? Pero buti dinagdag naman iyon ni Ate Saab kaya kahit papaano nababawasan ang pagkainit ng muhka niya. At ayaw niya talaga makita kung ano react ni Elmo sa tabi niya, mapahiya lang siya lalo. Nagpatuloy sila lahat sa pagkain at pagkwento ng kalabitin ni Maqui si Julie. “Hmm?” “Naalala mo yung sinasabi kong friend na may ari ng condominium building?” Tanong ni Maqui. “O?” Tinuro ni Maqui ang lalaking kaharap nila. Kumaway ito ng mapansin ang ginagawa nila Maqui. Doon nagets ni Julie. “Si kuya Frank? Siya may-ari nung building?” Small world. “Oo kaya perfect timing, kausapin na lang natin siya mamaya.” Nang mabusog sila lahat sa pagkain at sa kwentuhan, napagdesisyunan na nila magsiuwi. Naghintay pa sila sa may parking para sa kanilang mga kotse. Lumapit naman si Maqui at Julie kay Frank. “Frank!” “Maqui!” Bati din ni Frank habang bumeso sa babae. “Akalain mon a best friend ka pala ng childhood friend namin?” Ngumiti si Julie at Maqui bago magsalita ang huli. “Oo nga eh, coincidence. Siya nga pala Frank, may inquire sana kami sayo.” “Ano yon?” Ngiti ni Frank. Si Julie na nag nagsalita. “Uhm, pareho kasi kami ni Maqui nagtatrabaho sa JAM records, may ari ka daw ng condo na malapit doon? Inquire ko lang kapag may available pa?” Kinabahan naman si Julie ng makitang medyo napasimangot si Frank pero bigla din ito napangiti. “Di kita mabibigyan ng unit kasi ubos na sa building namin…” Julie sighed. Baka sa iba na lang siya makakahanap. “…pero pwede ka tumira sa penthouse ng isa naming hotel.” Napabalik tingin si Julie kay Frank. “Sa penthouse? Ipaparent nyo sa akin yung penthouse?” Tumawa si Frank. “Rent? Di na, doon ka na tumira, free of charge.” Lumaki naman pareho mata ni Julie at Maqui. “Teka teka Kuya, nakakahiya naman kapag ganon!” sabi ni Julie. Ngumiti ulit si Frank bago magexplain. “Ganito kasi, Yung Jacinthe Emys hotel, kay Elmo talaga yun, kaso, di naman siya tumitira sa penthouse. May sarili kasi siya condo na malapit din sa office. Eh yung hotel mas malapit sa JAM records building kaya okay na okay ka don!” Nagkatinginan si Julie at si Maqui. Kunin na kaya niya yung opportunity?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD