TBW SERIES5: ONE

466 Words
Pagkabukas pa lamang ng SEN BOOKSHOP & LIBRARY ay marami ng istudyante ang naghintay magbukas niyun. Tumatambay ang mga ito roon habang wala pang klase para magbasa-basa o maghanap na maaari makatulong sa aralin nila na hindi nakukuha sa online. Nasa dalawapung hilera ang nagtataasan niya bookshelves. Lahat ng uri ng mga libro ay naroroon. Pero may isang partikular na puwesto ang hindi pinupuntahan ng mga pumapasok sa shop niya. Ang pinakadulo. Kung saan nakasalansan roon ang mga sinaunang libro na tumutukoy sa mga kababalaghan tulad ng mga pinagmulan ng mga witch,kulto at bampira , kung ano-ano pa. Isa na roon ang tungkol sa mga lobo. Ayon sa mga naririnig niya usapan ng mga istudyante. Nakakakilabot raw ang dulo bahagi ng shelves. Napailing na lang siya,ayos lang sa kanya ng sa gayun malaya siya makapagtrabaho sa likod ng shelves na iyun na kinatatakutan ng mga ito. Walang nagtatangka pumunta roon siguro nga dahiL 21st century na wala ng naniniwala sa mga ganun kuwento. Well,that's good hindi naman kawalan sa kanya na hindi pag-enteresan ng mga ito ang personal books niya. Tahimik niya tinitingnan isa-isa ang mga code ng libro kung saan ginuguhitan niya kapag nabibili iyun o narerent para sa ganun mamonitor niya ang nawawala mga libro niya. "Astig ng may-ari ng shop na ito library pa,sana mapasalamatan natin siya ang galing kasi ng marketing strategy niya eh," narinig niya sabi ng isang babae na sa hula niya ay istudyante. "Oo nga eh,wala bang Website itong shop niya? Para makapagpost tayo ng mga comments.." sang-ayon ng isa pang babae. "Siguro matandang negosyante ang may-ari rito,noh! " anang ng isa. Napailing na lang siya sa mga naririnig niya. May mga time na hinahayaan niya pakinggan ang pag-uusap ng mga tao sa paligid pero kapag wala siya sa mood pinapasakan niya ng earphone ang tainga niya ng sa ganun hindi niya marinig ang mga ito lalo na kapag ayaw niya nadidistract siya sa ginagawa niya. Pag-iisipan pa niya ang online na yan. Masyado matrabaho pero pag-iisipan niya kasi makakatulong din iyun para malaman niya ang mga pangangailangan ng mga kostyumer niya. Nagpatuloy siya sa ginagawa pagkatapos niya pasakan ng earphone ang magkabila niya tainga. Inayos niya ang suot na eyeglasses niya. Inabot niya ang isang libro na maayos na nakabalot. May isang propesor ang nagtungo sa shop niya at nagkaenteres na bilhin iyun. Ang isa sa pinakalumang libro niya. Naamaze siya dahiL ito pa lamang ang nagtangka puntahan ang dulo ng shelves niya at nagkaenteres sa libro iyun. Ang libro nagsasaad tungkol sa mga sinaunang pag-aaral tungkol sa mga pamahiin. Tumango-tango siya,hinahangaan niya ang propesor na yun sa pagiging vocal nito sa mga ganun klase usapin. Binalik niya iyun sa lagayan. Hinihintay na lang niya kunin iyun ng propesor pagkaraan niya ipatawag sa counter na ipagbibili niya iyun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD