Prologue

2052 Words
‘‘Do you think na makakatakas pa kayo rito?’’ natatawang tanong ni Kristine kay Ben ang ama ni Kyla sabay kuha ng latigo at hampas dito. Napahiyaw naman sa sakit ang ama ni Kyla at wala man lang silang magawa kundi tingnan ang haligi ng tahanan na ngayo’y namimilipit sa sakit. Wala na sa katinuan itong si Kristine dahil lang sa nangyari sa kaniya sa nakaraan.Isa na siyang baliw na wala na talagang pinapakinggan, kundi ang kanyang sarili lamang. Dahan-dahan naman itong lumapit kay Mildred gamit ang mala-demonyong ngiti na tila may masamang balak itong gagawin. ‘‘Marco, ibigay mo sa akin ang mainit na metal na inutos ko sa inyo kanina,’’ agad namang sumunod ang mga tauhan sa kaniyang utos. Nang maibigay ni Marco ang mainit na metal kay Kristine, agad naman itong humarap kay Mildred while plastering a demonic smile at handa na itong idikit ang mainit na metal. ‘‘Hayop ka Kristine!’’ sigaw ni Mildred kay Kristine. Sa kabila ng sigaw ni Mildred, tila hindi man lang natinag itong si Kristine at tumawa lang nang malakas na animo’y parang baliw. Habang sa isang banda, makikita mo ang isang dalaga na iyak lang nang iyak dahil wala man lang itong magawa para matulungan ang kaniyang mga magulang. She doesn’t have any idea, kung bakit sila ngayon pinapahirapan dahil wala namang sinasabi ang kaniyang mga magulang patungkol sa kanilang nakaraan.  Mas lalo itong napahagulgol nang makita ang kaniyang ina kung gaano ito nasasaktan sa isang mainit na bagay na dinidikit sa braso ng baliw na si Kristine. ‘‘Tama na! M-maawa ka sa mga magulang k-ko,’’ pagsusumamo ni Kyla kay Kristine at nagbabakasakaling pakinggan siya nito. Dahil sa kaniyang pagsigaw napagawi ang tingin ni Kristine sa kaniya at kita mo dito ang napakaseryoso mukha ng babae. Natakot naman itong si Kyla kung paano ito tumitig sa kaniya. ‘‘Ganiyan nga, matakot ka iha dahil mamaya sabay-sabay kayong mamamatay ng mga magulang mo!’’ sigaw nito nang napakalakas kay Kyla. Tila natuod naman itong si Kyla nang marinig niya ang salitang kamatayan mula kay Kristine. ‘‘Ano ba Kristine! Kami na lang ‘wag ang anak namin!’’ singhal naman ng ama ni Kyla at makikita mo ang takot sa mga mata nito dahil sa labis na pag-aalala para sa kanilang nag-iisang anak. Ngumisi lang naman si itong Kristine at hindi pinakinggan ang sinabi ni Ben. ‘‘Ito ba huh?! Ito ba?!’’ sigaw ni Kristine habang marahas na hinihila ang buhok ni Kyla. Habang ang dalagita naman ay napapaiyak na lang sa sakit na nararamdaman kung paano siya sabunutan ni Kristine. Wala namang nagawa ang mga magulang nito kundi ang pagmumurahin na lang si Kristine dahil sa mga ginagawa nito sa kanilang nag-iisang anak. Habang si Kristine naman ay tawa lang nang tawa na animo’y isang baliw. She’s really now a crazy woman with no mercy at all. Nariyan ang panlalatigo nito, mambabato ng itlog , mananampal at tila pinaglalaruan niya ang kaniyang mga bihag. Nang magsawa sa pagpapahirap sa nasabing bihag, umupo naman ito sa isang upuan sabay tawa nang malakas. ‘‘Marco, ilabas niyo na ang gasolina at ibuhos niyo na ngayon din!’’ sigaw nito sa kaniyang mga tauhan nang makita niyang walang kumikilos sa mga ito.  Naging aligaga naman ang mga tauhan niya dahil sa kaniyang sigaw. Nang makuha ang gallon ng gasolina, agad naman  nila itong ibinuhos sa paligid ng naturang building. Meanwhile, Kristine is just staring while showing her crazy demonic smile sa pamilyang kaniyang dinukot at tila hindi na mababago ang desisyon nito. ‘‘Maawa ka naman sa amin Kristine, pakawalan mo na kami,’’ pagsusumamo ni Ben kay Kristine habang umiiyak. Maririnig mo rin ang paghikbi ni Mildred at Kyla dahil sa kawalan nang pag-asa na mabuhay pa sila dito ngayon sa kamay ni Kristine. ‘‘Pakawalan?! Nagpapatawa ka ba? At sa tingin mo pakikinggan kita mahal kong Ben? Well, you’re wrong! ‘Di ba noon ilang beses akong nagsumamo at nagmaka-awa sa’yo pero hindi mo ako pinakinggan,’’ malungkot na turan nitong si Kristine dahil sa mga ala-ala nang nakaraan na hindi niya makalimutan. ‘‘Hindi ko naman kasi puwedeng turuan ang puso ko Kristine kung sino ang mamahalin ko,  kaya nagmamakaawa ako sa’yo pakawalan mo na kami ng aking pamilya,’’ pagmamakaawa nitong si Ben kay Kristine. Sa isang banda, lihim namang nakikinig si Kyla sa usapan ng kaniyang ama at ni Kristine. Tila lahat ng kaniyang katanungan ay nasagot na dahil sa narinig nitong sagot mula kay Kristine.  ‘‘Hindi! At kailan man hindi niyo na makikita ang mundong ibabaw dahil ngayon mismo kayo mamatay!’’ pasigaw at lumuluhang sagot ni Kristine kay Ben. Tumayo naman itong si Kristine at may dinukot sa kaniyang bulsa. Isang lighter na siyang magiging sanhi nang kamatayan ng nasabing pamilya. Kita mo naman sa mga mata nina Ben, Mildred at kyla ang kawalan ng pag-asa at tila napaisip sila na ito na nga ang huling sandali na makikita nila ang mundong ibabaw. ‘‘Say goobye to the world Delima Family, bye. Kita-kita nalang tayo sa impyerno!’’ asik ni  Kristine sabay turn on ng lighter at sinimulang silaban ang dingding ng kuwarto kung nasasaan ang nasabing pamilya. Mabilis namang kumalat ang apoy sa silid kung nasaan ang naiwang pamilya. Sa isang banda dahan-dahan namang natatanggal ni Ben ang kaniyang tali sa kamay at he successfully free himself. Dali-dali naman itong pumunta sa kaniyang anak upang kalagan dahil palaki na nang palaki ang apoy. Habang ang ina ni kyla ay panay na ubo dahil sa kapal ng usok. ‘‘P-pa,p-paano kayo?’’ maluha-luhang sabi ni Kyla sa kaniyang ama nang makalagan siya nito. Ngumiti naman ang kaniyang ama at sabay hawak sa pisngi nito upang damhin sa huling sandali ang mukha ng kaniyang pinakamamahal na anak. ‘‘Anak, bilisan muna huwag mong sayangin ang pagkakataon, ako na bahala sa Mama mo. Bilis anak bilisan mo!’’ turan nito sa anak sabay tulak dito, hudyat na pinapaalis na nito ang anak dahil palaki na nang palaki ang apoy. Wala namang nagawa si Kyla kun’di ang umiyak na lang habang tinatahak ang daan palabas sa nasabing silid at sa huling sandali sinulyapan niya ang kaniyang mga magulang na ngayo’y nakangiti sa kaniya bago tuluyang lisanin ang mga ito. ‘‘Mabuhay ka anak, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. Bilisan mo na!’’ sabi ng kaniyang ina na kinakalagan ngayon ng kaniyang ama at hindi na makita dahil sa kapal ng usok. Wala nang nagawa si Kyla kundi ang tuluyang lisanin ang silid na kanilang kinahihimlayan. Buti na lang at sa labas ay hindi pa gaanong nasusunog pero may mga apoy na rin. Dala-dala ang luhang dulot nang pangamba na baka hindi na mabuhay ang kaniyang mga magulang. Naisin man niyang lumingon at bumalik, hindi niya ginawa dahil hindi niya gustong masayang ang pagkakataon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama para mabuhay. Habang papalapit nang papalapit si Kyla sa pintuan at sa hindi  inaasahang pangyayari, may isang kahoy na may apoy ang bumulusok pababa at hindi niya ito napansin. Nabagsakan naman siya nito sa ulo at nasunog ang kaniyang mukha. Napahiyaw sa sakit si Kyla, pero hindi na siya nagtagal pa at agad na tinanggal ang kahoy. Kahit na mahapdi at masakit ang kaniyang nararamdaman ngayon, idinaan niya na lang ito sa iyak dahil kailangan niyang mabuhay. Tuluyan namang nakalabas si Kyla ngunit ang mas ikinagulat niya nang sumabog ang building at hindi pa nakakalabas ang kaniyang magulang. Natulala naman siya sa kaniyang nasaksihan. Dahan-dahang tumulo ang kaniyang mga luha dahil sa sakit na nararadaman matapos masaksihan ang pagsabog ng naturang building. She’s silently crying and she’s thinking that her world now is totally devastated. She’s nowhere to go dahil wala na ang kaniyang mga magulang at tanging pagtangis lang ang kaniyang nagawa ngayon. ‘‘Magbabayad kayo! Babalikan ko kayong lahat!’’ sigaw nito habang humahagulgol. Nanatili naman siyang nakatitig ng ilang minuto sa naturang gusali na ngayo’y gumuho na dahil sa lakas ng pagsabog. She’s now thinking that she’s worthless and disgrace to her family at sinisisi niya mismo ngayon ang kaniyang sarili dahil sa pagkamatay ng kaniyang mga magulang. ‘‘M-mama, P-papa bakit po nangyari ‘to ngayon sa atin? Bakit niyo po ako iniwan? Diba sabi niyo pa magtatayo tayo ng restaurant pero bakit niyo ako iniwan nang ganito kaaga?’’ Humahagulgol nitong lintaya sa kawalan habang nakatingala sa kalangitan na ngayo’y puno ng mga butuin which is salungat sa kaniyang nararamdaman ngayon. Hinayaan niya lang na pumatak ang mga luha sa kaniyang sunog na mukha. Dahan-dahan naman siyang tumayo dahil wala na siyang magagawa pa at patay na ang kaniyang mga magulang. Naglakad patungo sa kalsada habang dala-dala ang bigat na nararamdaman at patuloy na tumatangis. Narating naman nito ang kalsada at saktong-sakto may dumaang tricycle. Agad naman niyang hinarang ito para mapansin siya at sa awa ng Diyos nakita siya nito. Nakilala niya naman ang tumulong sa kaniya na si Manong Ekay. Laking pasalamat ni Kyla na tinulungan siya nito hanggang sa malakabas ng hospital. Nang makalabas siya sa hospital humingi naman ito ng huling pabor sa matanda at iyon ay ang ihatid siya sa kaniyang tiyahin na siyang pinaunlakan naman ng matanda. ‘‘Maraming salamat po tatay Ekay, buong buhay ko pong tatanawin ang utang na loob sa inyo. Ang tanging pangako ko lang po, babalikan ko kayo,’’ paliwanag ni Kyla sa matanda na ngayo’y nakangiti lang sa dalaga. ‘‘Sige iha, aasahan ko ang iyong pagbabalik. Mauna na ako iha dahil may kailangan pa akong ihatid,’’ tugon naman ng matanda dito. Tanging pagtango lang ang naisagot ni Kyla sa matanda na ngayo’y nakasakay na sa kaniyang tricycle. At sa huling sandal, sinulyapan nito ang dalaga bago tuluyang iwan. Nang tuluyang iwan ng matanda si Kyla nakaramdam naman siya nang lungkot dahil sa dilim nang gabi na animo’y may nagbabandiyang unos. Dahan-dahan namang siyang naglakad patungo sa pintuan ng bahay ng kaniyang tiyahin. Nang marating niya ito, agad naman siyang kumatok ng tatlong beses. Nag-antay naman siya ng ilang Segundo hanggang sa pagbuksan siya nito. Nagulat naman ang kaniyang tiyahin nang makita siya dahil sa kaniyang sunog na mukha. ‘‘Sino ka at ano’ng kailangan mo?’’ pagtanong ng kaniyang tiyahin na ngayo’y nalilito sa kaniya at hindi siya makilala nito dahil sa kaniyang sunog na mukha. Nanlumo naman siya nang marinig nito ang sagot ng kaniyang tiyahin. ‘‘Mahal sino ba ‘yan at mukhang natagalan ka riyan?’’ pagtanong naman ng kaniyang tiyuhin na ngayo’y nalilito din nang makita siya. ‘‘Hindi niyo po ba ako nakikilala? Ako po ito si Kyla tiya at tiyo,’’ malungkot nitong turan sa kaniyang tiyahin at tiyuhin. Nagulat naman ang dalawa nang sabihin niya ang kaniyang pangalan. ‘‘Kyla ano’ng nangyari sa’yo at ganiyan ang mukha mo?’’ nandidiring tanong ng kaniyang tiyahin. Mangiyak-ngiyak naman siya dahil sa kawalan nang pag-asa na makilala pa siya ng mga ito dahil sa kaniyang sunog na mukha at hindi na niya napigilan pa, tuluyan siyang napaiyak. ‘‘T-tiya Josephine at t-tiyo Lucas ako po talaga ito si Kyla, tulungan niyo po ako, maawa kayo sa’kin,’’ pagsusumamo nito sabay hawak sa kamay ng kaniyang tiyahin na agad namang itinaboy dahil pandidiri nito sa kaniya. Napahagulgol naman si Kyla dahil sa naging trato sa kaniya ng kaniyang tiyahin. ‘‘Umalis ka ngayon din! ‘Wag ka nang babalik dito nakakadiri ka!’’ singhal ni Josephine sa dalaga. Mas lalo namang napaiyak itong si Kyla dahil tuluyan na nga siyang itinaboy ng natititira niyang pamilya. Nagulat naman sila nang bigla na lang kumulog at kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa naman si Kyla dahil nasa labas pa rin ito at hindi man lang siya pinapasok ng kaniyang tiyahin. ‘‘Maawa naman po kayo sa’kin tiya, wala na po sila mama at papa,’’ malungkot na turan nito habang humahagulgol sa pag-iyak. Hindi naman nagsalita ang kaniyang tiyahin at agad siyang tinulak na siyang dahilan para mapasubsob siya sa semento. Mas nawalan siya nang pag-asa ng makita niyang sarado na ang pintuan ng bahay. Iyak lang siya nang iyak dahil sa kaniyang bigat na nararamdaman ngayon. ‘‘S-sinusumpa ko kayo! Balang araw matitikman niyo ang batas ng isang api!’’ she said while showing her demonic face. Dahan-dahan naman siyang tumayo at sa huling sandali sinulyapan niya ang bahay ng mga taong nagtaboy sa kaniya. Matapos ang tagpong ‘yon mag-isa niyang nilalakad ang kahabaan ng madilim na kalsada habang dinadamdam ang lamig at lakas ng ulan na may kasamang pagkulog at kidlat. Nanghihina na siya at anytime puwede na siyang mawalan ng malay. Patuloy naman siyang naglakad hanggang sa hindi na nakaya ng kaniyang katawan at tuluyan siyang napatumba. Pero bago siya tuluyang mawalan ng ulirat, nakita niya ang isang babae. Ang babaeng magpapabago sa kaniya sarili at buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD