PROLOGUE

613 Words
Humahangos siyang nagtago sa isang sulok. Malamig naman pero butil-butil ang pawis sa kanya'ng noo. Abot-abot din ang kabang nararamdaman niya matapos niyang isuot sa maliit na siwang ang isang pulang papel na pinagpuyatan niya buong gabi. Pagkatapos ay idinikit niya ang isang tangkay na may magarang bulaklak gamit ang scotch tape. Masyado pang maaga, walang makakapansin sino man sa kanya'ng ginawa. Kinakabahan talaga siya. Sa tanang buhay niya kasi ay ngayon lang niya ito ginawa, para siyang kreminal na nagtatago pagkatapos gumawa ng kasalanan. Natawa pa siya bahagya habang nagkukubli sa isang sulok. Sino ba ang hindi matatawa sa hitsura n'yang pilit isinisiksik ang sarili sa pader di kalayuan sa pinaglagyan niya ng mga bagay na maka-isang daang beses yata niyang pinag-isipan magdamag kung itutuloy ba niyang gawin o hindi. Huminga siya ng malalim, habang matyagang naghihintay. Unti-unti nang nagdadatingan ang mga tao. At sa bawat pagdami ng mga iyon ay palakas din nang palakas ang t***k ng kanya'ng puso. Sumikdo iyon ng malakas nang matanaw na niya ang nagmamay-ari ng locker na pinaglagyan niya ng bulaklak at piraso ng papel. Kita niya sa magandang mukha nito pagtataka. Luminga-linga ito sa paligid na wari'y hinahanap ang salarin na naglagay niyon sa pinto ng locker nito. "Wow friend, may pabulaklak na naman tayo ah," dinig niya ang kantyaw ng kaibigan nito sa dalagang pinagmamasdan niya sa malayo. "Halos araw araw na 'yan ah," dugtong pa nito. Tanaw niya ang pamumula ng maputing pisngi nito habang hawak ang bulaklak na inilagay niya. Ngumiti lang ito sa kaibigan at muling luminga sa paligid. Agad naman n'yang isiniksik ang sarili niya nang dumaan ang paningin ng dalaga sa gawi niya. "Wala namang nakalagay kung kanino galing e, mukhang iisang tao lang naman ang naglalagay ng mga bulaklak at---" ani nito habang binubuksan nito ang locker. Pagkatapos ay kumunot ang noo nito at inilabas ang pulang papel na inilagay niya roon. "Ay ang taray! May pabulaklak na may pa-card pa! Kanino galing friend? Tingnan mo na dali!" kinikilig na ani ng kaibigan nito. Binuksan agad iyon ng dalaga, pagkatapos ay ngumiti ito nang pagkatamis-tamis, dahilan upang lumabas ang pantay pantay at mapuputi nitong mga ngipin, pati na'rin ang malalim nitong biloy sa magkabila nitong pisngi. Napakaganda talaga ng dalaga, hindi nakapagtataka na maraming magkagusto rito at magkaroon ito ng mga lihim na taga-hanga. Katulad niya, isang lihim na taga-hanga ng dalaga na walang lakas ng loob na magtapat dito. Sa t'wing magkakalapit kasi sila nito'y parang napuputulan siya ng dila at hindi siya makapagsalita sa kaba. "Sa kanya pa rin galing, kay Mr. Poet," sagot nito sa kaibigan, habang iniikot-ikot ang hawak nitong card na mula sa ka'nya. Nakangiti ang dalaga, napasaya niya ito. Sapat na iyon para sa ka'nya. Ang tanawin ito sa malayo ay sapat na sa ka'nya. Hindi pa kasi niya kayang magpakilala sa ngayon. Umalis siya mula sa pinagtataguan at may ngiti sa labi na naglakad palayo. "Galing ni Ed ano, akalain mo napasagot si Alex nang ganun-ganon lang." "Ang swerte naman ng kumag, ʼyong pinakamaganda at pinakamatalino pa talaga ang nakuha!" "Mayaman pa kamo!" Napa-lunok siya sa mga narinig. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa dalaga. Agad niyang binawi ang mga matang nakatitig dito nang magtama ang kanilang paningin. Wala sa sariling nilisan niya ang lugar. Para siyang nauupos at naubusan ng lakas. Bitbit ang sugatan niyang puso at ang isang bugkos ng bulaklak, pati ang kawalan na niya ng pag-asang mapapansin pa siya ng dalaga. Isa lang ang hiling niya para sa babaeng minamahal. Ang maging maayos at masaya ang buhay nito sa lalaking pinili nitong mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD