Prologue:

453 Words
Prologue: "Sige! Lumayas ka, pakielam ko ba kung lalayasan mo ako? Eh, hindi naman kita mahal." Rumehistro ang sakit sa kaniyang mga mata. Tila ano mang oras ay tutulo na iyong mga luha. Gusto ko sanang bawiin iyong sinabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya, na huwag siyang umalis kasi malulungkot ako, na galit lang ako at mahal ko talaga siya. Pero kinain na yata ng pride ang buong sistema ko, parang hindi ko kayang apakan ang pride ko. Ganoon katindi ang paninindigan ko sa sarili kong p*********i. "Gano'n na lang iyon, Cash? s*x lang ba talaga? Kung s*x lang naman bakit hindi mo na lang ako yayain gabi-gabi?" Mapakla siyang natawa. Tumatawa siya habang tumutulo ang mga luha. At this moment, I wanted to pull her into hug. But I wasn't able to move. Even a little, I can't. I never imagined that this day would happen to us. I know that I cheated on her countless times. But I never imagined this. Na magrereklamo na s'ya sa mga ginagawa ko sa kaniya. Because this set-up is all fake, it was all just a fixed marriage. It was fake, how come we ended up. . . feeling this way? "Why? Kasi hindi ako magaling? Kasi virgin ako?" Naihilamos n'ya ang dalawang palad sa kaniyang mukha bago ako tinitigan, "Sa bagay, kasal lang naman tayo dahil gusto ng mga magulang natin. Napilitan ka lang naman 'di ba?" Natigilan ako roon. Oo at gano'n na nga ang nangyari, na napilitan lang kami pareho para sa gusto ng mga magulang namin. Para makuha namin pareho ang manang pareho naming inaasam. Pero bakit ganito na ang nangyayari? Bakit taliwas na sa plano naming dalawa? Hindi na ako kumibo. Nanatili na lamang akong nakatayo sa harap n'ya. "I'll file an annulment." Kumabog ang puso ko sa sinabi n'ya. Bigla, parang gusto ko na talagang bawiin iyong sinabi kong lumayas na s'ya. Ayoko, mali iyong nasabi ko. We planned to get an annulment after a year but I can't. . . "Look, I think you're just mad at me. We can talk about this—" Naputol ako sa pagsasalita nang pigilan niya ako. "No, nakapagdesisyon na ako Cash. We'll stop this f*****g game." Natawa ako, hindi makapaniwala sa naging desisyon n'ya. "Hindi mo magagawa iyan." Iiling-iling na sabi ko. Hindi n'ya kayang gawin iyon dahil mahal n'ya ako. She already confessed her feelings for me! "Sinong may sabi? Ikaw?" May halong pait ngunit natatawang tanong n'ya kahit patuloy pa ring umaagos ang mga luha sa mga mata n'ya. "Kaya ko, Cash! Kaya ko!" Sinuklay n'ya ang buhok n'ya gamit ang mga daliri pagkatapos ay mataman akong tinitigan. And after a few months, Gorgeous Catherine filed an annulment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD