Bago ang Simula

250 Words
"Bakit hindi ka makipag-date ulit, PJ? Nang mabawasan ang init ng ulo mo." Ito na naman si MJ sa pambubuyo niya sa bunsong kapatid. Kahit na alam naman niya ang stand ni PJ pagdating sa pakikipagrelasyon ay hindi pa rin niya ito sinusukuan hanapan ng babaeng maaaring magpalambot sa bato nitong puso. “Baka mas sumakit lang ang ulo ko,” sagot ni PJ sabay tungga sa hawak na bote ng beer. Natawa naman si MJ. He knew his younger brother’s past and only relationship. Tandang-tanda niya kung paano nagmahal at nasaktan ang kapatid. Ganuon din naman ang iba pa nilang kapatid na sina TJ at Reign. Kaya naman kung tutuusin, maging siya ay masaya na rin para sa pagiging single nito ng matagal. “It’s just dating. Hindi mo naman kailangang seryosohin,” sabi pa ni MJ. Nagsimula siyang magbitaw ng pangalan ng iba’t ibang babaeng nakilala niya noon. Ngunit agad siyang pinatigil ni PJ. “Tigilan mo ang pagrereto sa akin ng mga naging babae mo,” untag nito. "Tsaka pwede ba? 'Wag mo akong itulad sa 'yo." “May nagustuhan ka man lang ba bukod sa naging girlfriend mo noon?” tanong ni MJ na para bang pasuko na. Saktong may isang tao siyang naisip na hindi pa niya nababangit kay PJ. “Eh si Iaree na lang kaya?” "Bata pa si Iaree." "Anong bata?! Nakita mo na ba siya ngayon? She's a grown woman!" "Kahit na." "Sus! Ang sabihin mo, natatakot ka lang ma-fall." "Gago."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD