Chapter 1

1191 Words
Sofia: Maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko. Sinet ko kase siya ng 5am dahil 7am ang first class ko. Wala na akong mga magulang. At ang Lola ko lang ang tanging pamilya ko. Namatay ang mama ko pagkaanak palang daw saakin at ang papa ko naman ay sumunod din dahil sa cancer sa utak. Iyun ang kwento sakin ng Lola Laura ko na ina ng mama ko. "Iha ipinagluto na kita ng mababaon mo. O sya maligo kana at baka malate ka pang bata ka." Sabi sakin ni Lola. "Opo la, tatapusin ko lang ho itong pinaplansta ko." Agad ko namang tinapos ang pagplantsa ng uniform ko at agad na naligo. Ako nga pala si Sofia de Ocampo. 4th year college na ako sa paaralang San Antonio university. (Guys di totoong school to ha gawa gawa lang ni author.) Edu (Educational) naman ang kurso ko. Sofie ang nickname ko. 20 taong gulang na ako ngayon at masasabi kong masaya ako sa buhay ko. Inaayos ko na ang mga gamit ko ng may nagtext sakin. "Miss de Ocampo wag kang magpapalate." Kinilig ako sa text niya. Siya ang prof ko. Si Mr. Nikko Alferez ang boyfriend ko. Sounds crazy right? Oo boyfriend ko siya since first year college palang ako. Alam kong mali kaya lihim lamang ito at kahit ang Lola ko ay walang alam. "Opo Mr. Alferez papasok na ako." Reply ko sabay ngiti at kinuha na ang bag ko agad na nagpaalam kay Lola at umalis na ng bahay. 6:30am ay nasa school nako. Nasa room na ako at wala pang tao. "Yes!" Nasabi ko nalang kase pwede akong makipag text sa mahal kong professor. "Dito na ako sa room. Nasa school kana?" At sinend ko. Maya maya ay nagreply siya. "Yes, kanina pang 6am. Kumain kana? Tara kain muna tayo." Reply naman niya. At ako naman heto kinikilig padin kahit matagal na kaming magkasintahan. Haaay Nikko ang sweet mo talaga sabi ko sa isip ko kahit ang totoo ay sobrang strict nyan sa klase nakakatakot hehe. Lumabas ako at pumunta ng canteen bukas na kase eto. Dito namin napagkasunduan na kumain at pagbaba ko ay nakaabang na siya at may pag kain ng pang 2 tao sa table niya. "Bilis mo naman nakabili ka agad." Sabi ko. "Oo naman ang kupad mo eh eto Alam ko paborito mo to kaya eto ang binili ko". Sabi niya. Ganyan yan e laging suplado at ang nakakainis pa e lagi akong sinasabihan ng makupad hmmp. Pero deep inside kinikilig ako kase ang sweet naman talaga niya at eto ang way niya para iparamdam saakin na mahal na mahal niya ako. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ako ng first class ko. Ihahatid naman niya ako pag uwe dahil medyo malayo ang bahay ko mismo dito sa pinapasukan ko. Sinisiguro naman namin na sa tagong place kami laging nagmimeet para walang makakita at ihahatid na niya ako. Habang nasa klase ako.... Kinalabit ako ni Lesly at ni Sarah, sila ang mga close friends ko since first year college. "Sofie may assignment ba tayo kay Mr. Alferez? Pakopya naman kung meron please..." Sabi ni Sarah. Math teacher ko pala si Nikko at strikto talaga ito pagdating sa homewroks, quizzes at lalong lalo na pag exams kaya todo nalang ang pagmamakaawa ni Sarah dahil ayaw niyang mapahiya. Pinakopya ko naman siya at pati si lesly. Walang problema sakin yun dahil minsan lang naman sila kumokopya. Ringggggggggggggggg!!!!! Nagring na ang bell, si Nikko na ang sunod naming prof ako naman ay medyo may kaartihang naisip at medyo nag ayos pa ako ng sarili ko. Maingay ang mga classmates ko sa room ng biglang tumahimik ang mga ito, alam ko ng andun na si Nikko dahil palagi namang tahimik ang klase sakanya dahil sa sobra niyang istrikto. Haaay di ko maiwasan haggang ngayon ang mapatitig at mapatunganga sakanya. Napaka gwapo padin niya kase sa edad na 27 at napaka macho. Mapupungay ang mga mata, mapupula ang pisnge, matangos na ilong at napaka tangkad niya 6"1 parang varsity player. "Ms. DeOcampo? Are you listening?" Dun na bumalik sa katinuan ang pagiisip ko ng lapitan niya ako at nakakunot ang noo neto. Ang mga kaklase ko naman ay pasimpleng tumatawa. "A-aah yes sir?" Yon nalang ang nasabi ko at lalong kumunot ang noo nito. Lalong nagtawanan din ang mga kaklase ko lalo na si lesly napaka talaga netong kaibigan ko hmmp. "I said go to the board and answer the problem" pasimangot na sabi niya ngayon ko lang narealized na matatapos na pala ang klase niya at kanina pa ako di nakikinig at nag deday dreaming. Haaaay Sofia ano ba kasing pinaggagawa mo? Mag focus ka sa klase hindi sa masunget mong boyfriend. _____________________________________ ( SPG scene ) Natapos na ang araw at pauwe na ako. Tulad ng dati nagmeet ulit kami ni Nikko sa madilim na iskinita malapit dun nakapark ang sasakyan niya. Papalapit na ako ng may humila sa kamay ko at niyakap ako lumaki ang mata ko sa gulat ng nagsalita siya. "Namiss kita sa buong araw" at sabay bitaw at tingin sakin. Si Nikko ang nagsalita napakasweet nanaman niya. Ganyan siya lagi kapag kami lang dalawa. "Hmp kainis ka" sabi ko. Nag smirked naman siya. "Bakit naman? Bakit ka naiinis?" Tanong niya. Pinalo ko siya ng mahina sa abs niyang yummy.( eto nanaman ang kalandian ng author oh abs pa.) "E kase pinagalitan mo ako sa buong klase nakakainis ka I hate you!" Sabi ko. Natawa siya sa reaksyon kong parang bata at hinawakan ang dalawang pisnge ko. "Coz you're not listening" sabay halik sa labi ko. Parang tuod nanaman ako at niyakap ko naman siya habang naghahalikan kami. Bumitiw siya sa mga halik ko at sinabing "dun na natin ituloy sa kotse" and nag smirked nanaman siya. Namula ako at hinampas ko siya sa matitipuno niyang dibdib. "Ang p*****t mo talaga!" Sabi ko at natawa na siya. Agad niya akong inakbayan at papunta na kami sa sasakyan. Pagpasok namin sa loob ay nilock niya ang pinto at sinakop nanaman niya ang mga labi ko. Napaungol ako sa sarap at napahawak na lamang ako sa batok niya. "I love you sofie" sabi niya habang naghahalikan kami. Maya maya ay nakapatong na ako sakanya at hinalikan niya ang leeg ko pababa sa dibdib ko. "Ahhhh ah Nikko" yun nalang ang nasabi ko ng mas lalo pa niyang inigihan ang ginagawa niya. Naramdaman ko din ang pagtigas ng ibabang parte niya. Tumigil siya at tumingin saakin habang parehas kaming hinihingal. "Sofie ihahatid na kita baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko" sabi niya. Mag 4years na ang relasyon namin at wala pang nangyayare samin. Malaki ang respeto sakin ni Nikko at masaya ako dahil ganoong tao siya. Pinangako niya sakin na pakakasalan niya ako at bubuo kami ng masayang pamilya. Tumango ako at inayos ko ang sarili ko at nginitian siya. "I love you Mr. Alferez" sabi ko. Natawa siya at nagrespond din. "I love you more Ms. de Ocampo, and soon to be my Mrs. Alferez" sabay halik nanaman sakin na nakakalunod medyo matagal ang halikan namin at napagdesisyunan na nya akong ihatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD