Prologue

604 Words
Isang malamyos na musika ang pumupuno sa isang kuwarto na sinasabayan ng pag-ugoy ng dalawang magkayakap na nilalang. Punong-puno ng pagmamahal at kaligayahan sa kanilang mga puso. Madilim ang buong paligid. Tanging liwanag na nanggagaling sa isang fireplace ang nagtatanglaw sa kanilang kuwarto. Nakasuot ng tuxedo suit si Mark Kenneth at black mini-dress si Steffanie. Isang napaka-importanteng araw ang kanilang ipinagdiriwang. “Happy fifth anniversary, my Love.” pabulong na wika ni MK sa kayakap. “Happy fifth anniversary, Love.” malambing din na wika ni Steff. Parehong nasa grade twelve pa lamang ang dalawa. Nagkakilala ng nasa grade seven pa lamang sila. Ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa ay hinubog ng panahong magkasama sila mula junior high school at senior high school. Pagmamahal na pinagtibay ng sumpaan sa isa’t-isa na magsasama habang sila ay nabubuhay. “I love you so much,” pabulong na wika ni MK sa punong tainga ni Steff. Nakakakiliti sa isang pusong punong-puno ng pagmamahal. “I love you more,” ganting wika ni Steff. Tumitig siya sa kasintahan na puno ng pagmamahal. “I’ll be yours forever, my Love.” “Me too, now and forever,” wika ni MK habang marahan na hinahaplos-haplos ang pisngi ng kasintahan. Sa saliw ng malamyos na musika ay naglapat ang kanilang mga labi. Sumabay sa ritmo ng musika ang bawat paglasap sa mga matatamis na halik. “Make love to me,” pabulong na wika ni Steff. Napahinto si MK sa paghalik sa kasintahan. “Love, I can’t.” Hindi dahil sa ayaw kungdi nirerespeto niya ito. “I want you now.” May kasamang pakiusap ang pabulong na wika ng dalaga. “But Love. Are you sure you’re ready for this?” Nagdadalawang isip si MK. Hindi sumagot si Steff, kinabig niya ang binata at mariing hinalikan ito. Halik na mahirap pigilan at tanggihan, nakadadarang. Unti-unting tinanggal ni Steff ang mga damit ni MK hanggang sa ang natira na lamang ay underwear ng binata. Isa ng hunk si MK sa edad na eighteen dahil nagsimula siyang mag-work out sa gym sa edad na sixteen. Kinabig ni MK si Steff at sabik na hinalikan at unti-unting inalis ang sagabal sa katawan ng dalaga. Napalunok siya ng masilayan ang alindog ng kanyang kasintahan. Nag-umigting ang kanyang pagk*lalake at handa na ito anumang oras. Dinala niya sa kama si Steff at pinagmasdan ang alindog ng kanyang mahal na nakahain kanya. “Take me,” nanunuksong wika ng dalaga. Walang pagsidlan sa tuwa ang mga teenager na magsing-irog. Pagkatapos ng isang gabi nilang pagniniig ay mas naging makulay ang kanilang paligid. Namasyal muna sila sa lahat ng tourist spot sa lugar. Naisipan nilang mag-biking bago sila bumiyahe pabalik sa siyudad. Mahusay na cyclist si Steff at kaya nitong iwanan si MK ng kilo-kilometrong layo dahil sa bilis ng dalaga magpatakbo. "Catch me!" sigaw ng dalaga ng malampasan si MK. "I'm coming!" sigaw rin ni MK. Sadyang napakabilis ng dalaga magpatakbo. Nawala ito sa paningin ni MK. Binilisan niya ang pagpedal subalit bigla siyang napahinto. Nakabulagta si Steff sa semento at ang bike nito ay yupi-yupi. Nakahinto sa harap ng nakabulagtang dalaga ang isang malaking truck "Steff! Oh my God." Mabilis na dinaluhan ito ni MK. "Help!" tarantang sigaw ng teenager. "L-ove," sambit bg nanghihinang dalaga. Punong-puno ng dugo ang mukha nito. "Love, please hold on." Umiiyak si MK habang hawak ang kamay ng kasintahan. "Help us, please!" pasigaw na wika ng binata sa mga nagdatingan na motorista. "I l-ove y-ou." Mariing pumikit si Steff at humugot ng isang malalim na hininga. "Steeeeeeef." Gumuho ang buong mundo ni MK. Wala na ang kanyang mahal na kasintahan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD