CHAPTER 1- THE MHAFFON CITY

2852 Words
I - THE MHAFFON CITY “You can’t beat me, Rumi!” Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kaaagd na sumugod ulit. “Time is up!” I wasn’t able to continue hitting her with the spear as time ended quickly. “Magaling ang ipinamalas ninyo, Rumi at Heda,” bati ni Maestro Khein. Nag-bow ako bilang tugon. Ngunit deretsong lumabas ng training area si Heda na parang walang narinig. Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla na lang sumulpot ang pamilyar na mukha. “Ate Rumi!” sabay yakap niya. “Uuwi ka na po ba?” tanong niya. It was Opal Sedaline. She’s a junior trainee of the university. She's my junior training buddy during our practice in the arena. However, today was different since Maestro challenged me and Heda to have a head-to-head. It went well after all. I was also assigned to help Opal in her training and to manipulate her own potential. At 18, I can sense that she has the ability to learn quickly than I expected. Aside from being a fast learner, she has a great asset. It is her charm that can captivate a lot of men. Ilang lalaki lang naman ang na-busted niya sa ganyang edad. “Oo, bakit naman? sagot ko. “Akala ko po ba magre-review tayo ngayon para sa upcoming exam?” Napahinto ako saglit. “B-bukas na lang siguro. Nangako kasi ako kay mamang na pagkatapos ng training ay uuwi na ako kaagad.” “Sasama na lang ako!” masaya niyang sabi. “Hi-hindi pwede.” “Bakit hindi pwede, ate?” tanong niya, bakas ang gulat sa mukha. “Bahala ka nga diyan!” Nang akmang aalis na siya ay kaagad ko siyang pinigilan. Hinatak ko siya pabalik. Pero iniwasan na niya ako ng tingin at tumalikod pa siya sa’kin. “Bitawan niyo na po ako, ate. Umuwi ka na po at ako na lang ang mag-aaral mag-isa,” walang-tono nitong sabi. Alam kong nagtatampo siya sa sinabi ko. “Naku, nagda-drama na naman itong kapatid ko,” sabi ko. “Halika ka na nga at baka kanina pa naghihintay si mamang,” anyaya ko. ***** “Alas syete na pala,” sabi ko. “Uuwi na po ako, ate,” paalam naman ni Opal. “Dito ka na matulog, iha,” sagot naman ni mamang. Nag-desisyon na si mamang na h’wag nang umuwi si Opal dahil delikado na sa labas. In this place, killing is not illegal as the time stride to seven. Kaya kapag napag-deskitahan ka sa labas ay dapat handa kang lumaban― ng p*****n. That is one of the reasons why we were trained in the univesity. At age 18, unti-unti na naming nalalaman ang potential na mayroon kami. And by that age, we were transferred to the university― the arena of honing our potentials. It is not just an ordinary potential, dahil kaya nitong baguhin ang ikot ng mundo sa isang pitik lang ng mga kamay. From 18-21, we were trained to discover more our potentials. We have to keep it stronger and greater for the annual festival. Those ages 17 below were sent to a normal school to learn the basics- the 3Rs. They don’t have any idea about their potentials after all, not until they reached the age of 18. Kaya pinapasok lang sila sa university as they turned 18. Bakit nga ba? We have an unusual system in our city. The people of every zone in the city ages 18-21 were trained in a university. It is to choose for the representative of each zone in the annual feast called “RSK Festival”. It is a game of life and death and it is where your potential was discovered and can be used. If you reached the age of 22 above, you were just a mere servant. You were mandated to work and serve the winning zone. If your zone wins, it is a year of freedom for the zone’s people. Pero hindi hinahayaan ng mga officials ang paggamit ng potential na hindi angkop kung saan ito gagamitin. Ang iba ay nagtatago lang sa paggamit kapag may mga kaaway sila. And only at night, we can use our potentials if we are in danger or face someone who can kill us alive. Kamatayan lang naman ang magiging parusa, kapag nalaman ng officials ang ginawa mong labag sa rules ng buong city. The children of our zone are just ordinary students at day. Nag-aaral buong araw at uuwi tuwing pagsapit ng gabi. Ito ang buhay ng mga kabataan dito sa zone. Ganoon na rin siguro ang pamamalakad sa ibang zones na sakop ng city. “Excited na po ako, ate Rumi!” Napabalik ako sa aking malalim na pag-iisip ng lumundag si Opal sa tuwa. “S-saan naman?” “Excited po akong matuklasan ang kasaysayan ng Mhaffon City at ‘yong pa tungkol sa RSK Festival po,” nakangiting niyang sagot. “Bakit? Ilang beses na ‘yan itinuturo sa klase niyo diba?” Ngumisi siya. “Hindi po kasi ako nakikinig,” sagot niya sabay kamot sa ulo. Kahit kailan hindi marunong sumeryoso si Opal sa klase. She’s really physically present but mentally absent during her class. Kaya parang sirang plaka naman ako na paulit-ulit sa pag-explain sa kaniya. “Kasi gusto kong ikaw ang mag-kuwento sa akin, ate.” “Bakit naman ako? Mukhang binobola mo na naman ako.” “Hindi po, ate. Magaling ka po kasi kay Prof. Junio sa history class namin. Kaya ayaw kong makinig sa kaniya.” Sabay ngiti niya sa akin. “Alam mo po bang puro na lang kuwento ng buhay niya ang tinatalakay sa klase imbis na history ng city,” lokong dagdag pa niya. “Isusumbong kita kay Prof Junio,” biro ko. “Edi iumbong mo po. Samahan pa kita, ate.” Nakapamewang niyang sagot na parang naghahamon. “Sige na nga. Makinig ka na dahil inaantok na rin ako.” The Mhaffon City was named after the late Headmaster Czare Mhaffon. He led the city after the Potent War between the Kurimas― the invaders of the city. After the bloody battle, Headmaster’s clan won. He then built a tallest wall that couldn’t be destroyed by any armors or bullets nor can’t be climbed by anyone. With this, the city was separated and lived independently. No one dares to climb the wall covering the whole city. Until now, no one knows what’s outside the city’s wall. If there are any human beings living outside or none. No one could answer except the Headmaster. It is where they started to make their own laws and rules administered by the highest officials. The highest in the position was the Headmaster and his wife, the Headmistress. The officials under the Headmaster are called “The Royals”. The leader of each zone in the city was called “Maestro” and under them was the “Bise Maes”, the right hand. In year 1890, Mhaffon was declared as city and it was divided into eight zones. Each zone represents symbols and colors to identify their specific potentials. The symbol of Black Horse The symbol of White Owl The symbol of Green Snake The symbol of Silver Fish The symbol of Golden Hummingbird The symbol of Blue Badger The symbol of Red Butterfly The symbol of Rainbow Squirrel “Ibig niyo pong sabihin, ate, na mayroon pang ibang kapareho natin?” tanong ni Opal. Tumango ako bilang sagot. “It is the reason why they decided to divide the city to separate different potentials.” “Ibig sabihin po ba na hindi lang ang kagaya nating potential ang nag-e-exist?” “Exactly, Opal. Mayroon pang iba’t-ibang potentials ang city. Every zone differs from each other,” sagot ko. “At hindi natin alam kung mayroon pang ibang nag-e-exist na potential sa ibang zone o dito sa atin.” “Gano’n po pala,” namangha niyang sabi. “But why do they need to separate each potential, ate?” “Dahil sa nangyari noon. Kaya mas minabuti nilang i-separate ang bawat tao na may parehong potential sa iisang zone.” “What if mag-volunteer tayo sa parating na selection ng zone, ate? Hindi ba mas malalaman natin ang nangyayari sa loob ng palasyo?” “Why did you know about the selection, Opal?” nagtataka kong tanong. “’Yon lang ang naintindihan ko sa klase ni Prof. Junio, ate.” “Huwag mong totohanin ang binabalak mo, Opal. Mas mabuting manood na lang tayo kaysa sumali,” seryoso kong sabi. “Hindi ako papasok doon sa palasyo at mas lalong hindi ako sasali sa festival.” “Bakit naman po?” “Hindi mo alam ang gusto mong pasukin, Opal.” “Pero mayroon naman tayong potential na pwedeng magamit, ate.” “Hindi sapat ang mayroon tayo, Opal.” “Sa selection lang naman po tayo sasali, ate, at hindi sa festival mismo?” “Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Opal?” galit kong tanong. “Kamatayan ang gusto mong pasukin at hindi kalayaan. “Your curiosity could lead you to your worst nightmare, Opal. Huwag mong pangarapin ang kamatayan,” madiin kong sabi. “Iba ang paraan ng selection, Opal. Kaya huwag na huwag kang mangangarap na sumali pa, mapapahamak ka lang,” pagtutol ko pa sa kagustuhan niya. Isang malaking pagkakamali sa buhay ang sumali sa festival na pinagdiriwang namin. You may guarantee the freedom of your zone- at iyon kung maipapanalo mo ang laro. But is it enough for us to live contented and peacefully? What if we die in the selection? What if we lose? Kaya kung maaari hindi ako sasali at mas lalong wala sa amin ni Opal ang dapat sumali. But what can we do if bad luck is with us? Sana hindi kami ang mapiling sasalang ngayong taon ng selection. “Only the right day of choosing the players can tell our fate,” napasabi ko sa aking isip. “Bakit po labanan ang naging festival, ate?” Huminga ako ng malalim bago sumagot. “Ito ay dahil sa gustong magpamalas ang bawat zone kung sino ang mas matibay at magaling.” “Paano tayo mananalo, ate, kung mahina ang potential na mayroon tayo sabi mo.” “Hindi tayo mahina, Opal. Kaya nga tayo nag-aaral dahil gusto nating diskubrehin kung ano pa ang kayang gawin ng ating potentials. Kaya tayo araw-araw na nag-e-ensayo para mas hasain ang potential natin. Dahil sa loob ng tatlong dekada wala pang improvement ang nangyayari sa ating mga potentials.” “Wala na po bang pag-asang ma-develop ang potentials natin?” “Alam kong mayroon pa, Opal. Tamang araw lamang ang makapagsasabi at malalaman din natin ang lahat. Sa ngayon ay matulog ka na muna.” Awat ko kay Opal na masyado ng maraming tanong. “Saglit lang po, ate Rumi. Gusto ko lang pong malaman kung may naka-develop na ng kanilang potential sa ibang zones?” “Sabi ni Maestro ay limang zones na ang nakadiskubre ng ilalakas pa ng kanilang potentials. Maaaring tinuturo na iyon sa magiging kalahok nila sa festival. Iyon ang ikinatatakot ng zone natin, Opal. Isa sa tatlong wala pang improvement sa potentials ay ang ating zone. Kaya may posibilidad na matalo ulit tayo sa festival.” “Sana po ay ma-discover na natin ang puwede pang maibigay nitong potential na mayroon tayo. Para naman manalo na ang zone at makuha na natin ang kalayaan.” I smiled. “Only time can tell, Opal,” sagot ko. “Can you continue your story, ate Rumi? Please!” Pagtakip niya ng kaniyang dalawang kamay na parang nagdarasal, habang naka-puppy eyes siya sa akin. “Akala ko ba inaantok ka na?” tanong ko. “Ikaw kaya ‘tong gustong matulog na ako. Pero napaka-interesting pala ng history ng Mhaffon, ate. I want to learn more about our city.” “Oo, marami pa ang dapat mong― este nating malaman,” dagdag ko. The city is the wealthiest place in the world. Bukod sa mga natural resources na makikita rito sa ating city, marami pang tagong-yaman na hindi pa nahahanap hanggang ngayon. Kaya ang natatalong zone tuwing festival ay nagiging alipin. They were forced to do a labor in searching for the hidden treasures of the city. Isa na ang ating zone na taon-taong naninilbihan para sa city. In year 1892, the RSK Festival officially started to give tribute to the late first Headmistress, Kandra Sauche, the wife of late Headmaster, Czare. He wanted to give freedom to the zone who will win the bloody battle. Every first week of November we were celebrating the RSK Festival. Everyone gathered in the arena to watch the game between the different zones. The last representative standing after the game will bring home the bacon and enjoy their freedom for the whole year. However, the lost zones will be punished and be under the rule of s*****y. “Ganoon po pala ang nangyayari? Bakit hindi poi yon ipinapaalam sa amin noon?” “Oo, Opal. At hindi pa kayo handa malaman iyon. Not until you discover your potential at mapabilang sa maaaring lumaban. Kaya ngayong 18 ka na, you are allowed to watch and the worst force to join the battle.” “Hanggang ilang taon po ba ang nakakasali?” “Mostly 18 to 21 years old at maswerte ka kung nakalagpas ka na sa edad na ‘yon. Wala ka ng kaba na mararamdaman only to pray for your tributes to win the game. At mainuwi ang kalayaan na hinahangad ng bawat zone,” paliwanag ko. “Ayaw ko na po palang sumali, ate. Nakakatakot pala.” “Ang mas nakakaintriga ay ang pagkawala ng nag-iisang anak ng ating Headmaster at Headmistress na si Galaxy Mhaffon,” dagdag ko. “Kaya hanggang hindi pa nakikita si Galaxy ay hindi matitigil ang madugong festival. Galaxy is the only way to stop this bloody battle.” “Ilan po ba ang anak ng ating Headmaster?” “Dalawa,” sagot ko. “Si Mars Mhaffon ay nakita ko na ng kalabanin siya ng isang player from Zone 8.” “At ano pong nangyari?” “Nabigong manalo ang si Mars laban sa representative ng zone 8. At isa iyong malaking kahihiyan para sa Headmaster, kaya pinarusahan siya ng Headmaster ng kamatayan.” “Talaga po ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Opal. Kung nakikinig lang kasi ito sa klase hindi ganito ang magiging reaksyon niya. “Ka-kahit anak pa nila?” “Oo. Ganoon ka halimaw ang Headmaster,” pabulong kong sabi. “Ano po bang pangalan ng Headmaster at Headmistress ngayon, ate?” “Oras na rin para makilala mo sila, Opal. Si Headmaster Dyoscoro Mhaffon ang nagmana ng trono ng kaniyang mga angkan, at ang asawa nitong si Headmistress Ethyline Mhaffon,” paliwanag ko. “At mukhang inaantok ka na. Sige na, bukas ko na ulit itutuloy ang kuwento.” Napapansin ko na ang pagbigat ng talukap ni Opal kaya minabuti ko nang ihinto ang aking kuwento. Humiga na rin siya at nag-goodnight habang ako ay hindi pa makatulog. Pinagmasdan ko lang ang inosente niyang mukha. “Sana wala sa atin ang mapili,” pabulong kong sabi, nakatingin sa kaniya. “Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nagkataon.” The game is indeed cruel, kaya alam kong walang awa ang laban. We don’t have enough potential to fight from other zones as of now. Hangang sa hindi namin nalalaman ang extent ng aming potentials, may posibilidad na matatalo pa rin kami. Pero alam ko na kapag may sapat kang kaalaman sa laro ay maaaring magwagi ka. Isa lang ang makakapaghinto nitong festival at iyon ay kung mahahanap ang anak ng Headmaster. Subalit, ilang taon na ang lumipas at hindi pa rin siya natatagpuan. Ayon kay mamang, hindi nila alam kung nasaan ito dahil nabalitaan lamang nila na kinuha ito sa palasyo ng kung sino. Kaya lahat ay pinarusahan ng mahigit limang taon. Ito rin ang dahilan kung bakit naging mas madugo ang laban sa festival. Isa rin sa kaparusahan ng lahat ay ang pagpapatuloy ng naudlot na festival ngayon. Ilamg Headmaster na ang namuno bago minsan itong natigil nang labindalawang taon noong 1968. Iyon ay ang namuno ang ama ni Headmaster Dyoscoro― si late Headmaster Hedeues Mhaffon. Ngunit nagsimula ulit ang laro ng maluklok sa trono ang ngayong headmaster noong 1980. Hindi namin magawang lumaban sapagka’t hawak nila ang lahat sa leeg. Maling galaw lang namin laban sa kanila ay maaari kaming mamatay. We were surrounded by powerful armies. Isa pa sa mas nakakatakot na kaparusahan ay ang potentials na mayroon ang Royals, at siyempre ang Headmaster. “Your life is a game, either you play or die.” Iyon ang linya na palaging bilin ni Maestro Khein Alfonso sa tuwing nag-e-ensayo kami. “Hays, bakit pa kasi may ganitong laro kung puwedeng mag-party na lang lahat,” buntong-hininga ko. - END OF CHAPTER I -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD