Prologue

651 Words
Prologue Warning: This story may contain content that some may find disturbing. [Madison’s Pov] I can’t take it anymore! Ano’ng kasalanan ko, Diyos ko! Mga salitang nabuo sa aking isipan. Para akong sinaksak ng punyal sa aking dibdib nang paulit-ulit. Bumalik ang lahat ng sakit at alaala na paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan. Pasuray-suray akong naglalakad sa tabing dagat. Lango ako sa alak at tatawa-tawa habang umiiyak. “Tanggapin mong hindi ka na mahal ni Frank,” ani Aubrey. “Sorry, Madison. Hindi na matutuloy ang kasal natin,” mahinang saad ni Frank. Mga katagang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko. Walang katapusan. Ilang gabi na akong walang sapat na tulog. Pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako. Wala akong laban kay Aubrey. Napahinto ako sa paglalakad habang hawak ang isang botelya ng alak. Tinungga ko ito at mabilis na lumagok. Napapikit ako nang mariin noong malasahan ko ang mapait na lasa ng alak na gumuhit sa aking lalamunan. “Woah! Ang pait mo! Singpait ng tadhana sa akin!” Humalakhak ako na parang nawawala sa sarili. Inangat ko pa ang botelya at tinitigan. Dumampi ang labi ko sa katawan ng botelya bilang pasasalamat dahil sa ilang sandali ay makakalimot ako. Nang tunggain ko ulit ito ay nagkasalubong ang kilay ko. “W-Wala na?” Inalog ko ang bote at tinaob ngunit wala na talagang laman. Napangisi ako at tinapon ko ang bote sa dalampasigan. Naghihiyaw ako at nagwala. Hinampas ko ang hangin na parang wala sa sarili. Para akong nakikipag-away sa hindi ko nakikita. Gusto kong manakit. Gusto kong saktan si Frank. Nakakuyom ang magkabilang palad ko at sapo ang aking dibdib. Nalimukos ko ang aking damit na halos gusto ko na itong punitin sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Unti-unti ay napaluhod ako sa buhanginan habang nakayuko. Walang tigil sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Dumampot ako ng mga buhangin at pinagbabato sa labis na galit at paghihinagpis. “Frank! Bakit!” sigaw ko nang buong lakas. Halos mapunit na ang lalamunan ko sa kasisigaw. Paulit-ulit kong sinisigaw ang pangalan ng lalaking niloko ako. Ipinagpalit ako sa mas bata, mas maganda ang pangangatawan at higit sa lahat ay magaling sa kama. Pumalahaw ako sa pag-iyak. Umalog ang balikat ko at humagulgol ako. Natigilan ako nang mapako ang tingin ko sa madilim na karagatan. “You're boring. Kaya nga wala ng time si Frank sa'yo dahil mas madalas kaming magkasama. Mas madalas kaming nag-eenjoy at nagsi-s*x!” matigas na sabi ni Aubrey. “You're boring.” “You're boring.” Parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko. Boring ako kaya naghanap siya ng ibang makaniig sa kama. Mga taksil! Mga baboy! Lalo kong nilamukos ang suot kong nightgown na kulay puti at hanggang tuhod ang haba nito. Umiling-iling ako dahil hindi ako naniniwalang 'yon lang ang dahilan. Bakit hindi n'ya sinabi sa akin. Kaya kong gawin ang ginagawa ni Aubrey. Kaya ko! Unti-unti ay gumapang ako at humampas sa akin ang malakas na alon. Nabasa ang buong katawan ko. Nang naramdaman kong lumalim na ay naghihikahos akong tumayo. Malakas ang paghampas ng alon kung kaya ay nawawalan ako ng balanse. Hinakbang ko ang mga paa ko patungo sa malalim na parte ng dagat. Dumarubdob ang kaba sa aking dibdib ngunit para akong tinutulak ng alon at hinihila sa malalim pang parte. May narinig akong sumisigaw sa aking likuran. Paglingon ko ay may tumatakbong lalaki patungo sa akin. Ngunit naramdaman kong tinangay na ako ng malakas na alon at lumubog. Muli ay sumagip sa aking isipan ang aking pamilya. Ang aking ina at ama na nasa Bulacan. Tiyak akong nag-aalala na sila sa akin. Muli ay bumalik sa akin ang lahat kung paano ako nakarating sa lugar na ito. Ang masasayang alaala. Heto ba ang sinasabi nila bago ka mawala sa mundo. Maiisip mo ang mga mahal mo sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD