CHAPTER 1 - Sindak sa dilim

2440 Words
HATINGGABI. Nasa kasagsagan ang malakas na buhos ng ulan. Nagpapaligsahan ang kidlat sa paglikha ng nakakatakot at nakakarinding tunog. Animo hinihiwa ang mga ulap ng kanyang kumikinang na talim at talas. Anim na kalalakihan ang bumaba mula sa isang malaki at kulay itim na van. Heavily tinted ang mga salamin nito at maging ang rim ng mga gulong ay itim na itim rin. Tila sinadya ng mga umibis mula sa loob ang maikubli ito sa dilim ng gabi. Matatangkad at mabubulto ang pangangatawan ng mga lalaking nakasuot ng itim ring kapote. Sa mga kamay na may gwantes ay tangan ang mga de-kalibreng mga baril. Magkakasabay ang mga itong naglakad sa iisang direksyon..., sa isang magara at malaking bahay sa loob ng exclusive subdivision na iyon. Hindi alintana ng mga kalalakihan ang mga CCTV cameras sa mga posteng ang mga ilaw ay bahagya na lamang ang liwanag. Balewala rin ang isa pa na nakatutok sa labas ng gate na sandali nilang tinambayan. Tiningala pa nga ng dalawa sa kanila at saka nag-sign ng dirty finger. Tila tinutudyo ang makakakita at makakapanood. Kumatok ang isa. Nang hindi napansin ng naroon sa loob, lumapit ang isa pang lalaki at muling kinatok ang stainless na dahon ng pintuan, gamit ang puluhan ng hunting knife na hawak. Nagsingisi ang mga ito nang may sumilip mula sa bilog-bilog na butas ng maliit at parihabang hugis sa pintuan. Isinuot ng isa pa ang tila straw ng softdrink sa butas at hinipan. Sa isang iglap ay nawala sa paningin nila ang nakasilip at nagtatanong na guardiya. Gamit ang pinagsalikop na mga palad ng kasama, tumuntong ang isa at walang kahirap-hirap na sinampahan ang may kataasang gate. Hindi nagtagal at nabuksan na ang isang bahagi nito at walang ano mang nagpasukan ang lahat ng mga kasamang naiwan sa labas. Pagkaraan ay muling ipininid ang pintuan at inilagay ang harang. Mabilis na nilapitan ng isa ang guardiya at paupong isinandal sa isang gilid. Hinayaang maulanan. At saka nagtatawanang nagtuloy sa loob ng bakuran. Ang malaking aso na tumahol ay hindi na nakaulit pa. Isang ihip lang ng lalaking may hawak na straw ay mabilis na rin itong nanahimik at humandusay sa malamig na sementadong sahig. Habang naglalakad ay nagsuot ng stocking sa ulo hanggang mukha ang mga ito. Dumiretso sa likuran ang dalawa, patungo sa silid ng mag-asawang labandera at driver. Habang ang naiwan ay sa main door ng malaking bahay nagtuloy. Gamit ang isang aparato na kasing laki lamang ng kaha ng posporo, agad nahanap ang combination at nabuksan ang nakapinid na pintuan. Tila sa kanila ang buong bahay, tiyak ang kilos at pupuntahan ng mga ito. Naglawa ang sahig sa tubig na tumutulo mula sa mga kapoteng basa sa ulan. Nagtuloy sa dining area ang dalawa pa kung saan ang silid ng kusinera at tagalinis ay nasa bandang dulo. Habang nananatiling nakatayo at lumilinga ang dalawang naiwanan sa receiving area ng bahay. Habang naghihintay sa pagbabalik ng apat na kasama, naupo ang lalaking may hawak na patalim. Habang ang kasama ay nakatayo pa rin. Nilalaro nito ang mala-Rambong kutsilyo, ibinaba ang hood ng kapote, inalis ang stocking na nakasuot sa mukha at saka ipinitik ang daliri. Mabilis ang naging pagkilos ng kasama niya. Isang stick ng sigarilyo ang kinuha nito mula sa kaha at inilagay sa bibig ng animo hari, kasunod ang pagtapat ng lighter na may sindi. Hinitit ng nakaupo ang sigarilyo at saka ipinatong ang magkabilang paa sa ibabaw ng mesang narra na napapatungan ng nangingintab na salamin. Hindi pa nauubos ang sinindihan ay nakangisi nang nagbalikan ang apat. "Tahimik na, Boss." Pagbabalita ng mga ito. Ngiti sa isang sulok ng labi ang iginanti ng lalaki bilang tugon. Tumayo na ito at nagtuloy sa hagdanan. Maagap umuna ang dalawa. Binitawan ng tinawag na "Boss" ang sigarilyo at saka niligis sa mamahalin at imported na tiles ng sahig. Muling isinuot ang inalis na takip sa ulo at mukha.Tumingala ito bilang hudyat at saka sama-samang pinanhik ang labing isang baitang. Nang makarating sa itaas ng bahay ay naghiwa-hiwalay na ang anim na lalaki. Sumama ang dalawa sa lider habang ang tatlo ay kani-kaniyang pinag-tag-isahan ang pintuang nakasara. Apat ang silid...., sa master's bedroom kung saan mahimbing na natutulog ang mag-asawang nagpapatupad ng batas at hustisya, pumasok ang boss at ang dalawang alalay. Makahulugang ngiti at tinginan ang pinagsaluhan ng mga ito pagkakita kay Judge Caballero at sa abogadang maybahay. Umungol ang Hukom nang maramdaman ang paglundo ng hinihigaang kutson. Inakalang nanaginip na naman ng nakakatakot ang bunsong anak kaya lumipat sa kuarto nilang mag-asawa. Hindi na siya dumilat at bahagya na lamang iniusod ang katawan. Alam niyang sisingit ito sa pagitan nila ng kabiyak. Hinintay na lamang niya ang pagyapos ng mga braso nito at ang pagsiksik sa ilalim ng kanyang kili-kili upang muling gumawa ng antok. Kahit nakapikit ay naramdaman niyang tila may mga matang nakatunghay sa kanila. Naisip na marahil ay matindi ang naging takot ng anak sa napanaginipan kung kaya pungas-pungas niyang idinilat ang mga mata sabay angat ng magkabilang bisig upang anyayahan si Bunso tumabi sa kanya. Ang singkit na pagdilat ay nauwi sa bukas na bukas at nanlalaking mga mata! Napaigtad siya mula sa pagkakahiga! "S-sino kayo? A-anong ginagawa niyo sa loob ng pamamahay ko?!" tanong ng Hukom. Gulat na gulat sa mga panauhing hindi nila inimbitahan. Palipat-lipat ng tingin sa lalaking nakatapak sa kama ang isang paa at sa dalawang lalaking nakatutok ang baril sa kanila. Sa lakas ng tinig ay nagising na rin ang ginang na katabi. Gaya ng asawa, nawala ang antok ng babae at ang humalili ay matinding takot sa tatlong hindi nakikilalang mga lalaking kasama nila sa kanilang silid. Mabilis na kinabig ng Hukom palapit sa kanyang katawan ang asawa. Magkakasabay na natawa ang tatlo sa nakita, "Gentleman ni Judge, Boss! Siguro ang akala kapag niyakap niya si Attorney hindi na tatablan ng bala!" Sabi ng isa na sinundan ng nakakalokong halakhak. Lalo namang lumakas ang pagtawa ng dalawa pa. "Oh my God! Hon, ang mga bata!" Pagkasabi ay hangos na umakmang bababa sa kama ang abogada. "Hep!" Pigil ng isa habang nakakapit sa mahabang buhok ng ginang. Marahas nitong hinila ang hawak. "Sino ang maysabi na pwede kang lumabas ng kwartong ito?! Balik!" Tumatalsik ang laway nitong utos. Pahablot na itinulak ang ginang pabalik sa dating kinauupuan. Naluha ang mga mata ng abogada sa sakit na naramdaman. Pakiwari niya'y kasamang nabunot ang kanyang anit sa mahigpit na pagkakasabunot ng lalaki. Sumugod ang Hukom, nais ipagtatanggol ang kabiyak. Ngunit puluhan ng baril ang agad sumalubong sa kanya! Blag! Pasubsob na bumagsak sa sahig si Judge Caballero. "Mga dimonyo! Mga hayup! Ano ang ginawa naming kasalanan sa inyo?! Ano?!" Tungayaw ng ginang habang pinipigilan ng isa sa mga lalaki na makalapit sa asawang duguan. Napikon ang lider, paglapit ay inundayan ng ubod lakas na sampal ang mukha ng abogada! Sa lapad ng palad ng lalaki ay halos buong mukha nito ang tinamaan. Sargo ang nguso ng ginang, dumaloy ang dugo patungo sa baba at leeg. Nagkalat ang talamsik sa bulaklaking sapin ng kutson. "E di, natahimik ka. Ang ingay mo kasi, Attorney," kantyaw ng isa. Muling umugong ang tawanan sa loob ng silid. "A-ano'ng k-kailangan n-niyo? P-pera, a-alahas? K-kunin n-niyo na l-lahat ng k-kailangan niyo at pagkatapos ay u-umalis na k-kayo." Hirap at pagpipilit na salita ng Hukom. "Aba't.., tarantadong Judge 'to, ah.", reklamo ng isa sabay tadyak sa likod, muli itong humalik sa sahig. "Hangga ngayon ba naman, uutusan mo pa kami kung ano ang gagawin namin, Judge Caballero?! Ako ang batas ngayon, at hindi ikaw! At ako...., ang magbababa ng sintensya mo!'' Galit na sigaw ng lider. "Itayo 'yan!" Utos nito sa dalawang kasama. Tatawa-tawang sumunod ang mga inutusan. Mga suntok sa sikmura, sa mukha, mga tadyak at isang palo pa uli gamit ang puluhan ng baril sa ulo ng Hukom ang tuluyang nagpawala ng malay nito at saka tila papel na lumatag sa lapag ang katawan. Nagpilit humulagpos ng abogadang ginang habang walang tigil sa kasisigaw. "Saklolo! Mga kapitbahay, tulungan niyo kami! Saklolo!" Senyas ng lider ang nagpatahimik sa abogada. Medya-medyang suntok ang dumapo sa sikmura nito! Lumuwag ang mga kamay na nakakapit nang sumubsob ito hawak ang bahagi ng katawang nasaktan. Habol ang hiningang tila mapupugto. "Tang-ina ka! Parang batingaw na rumerepeke ang bunganga mo! Ang sakit sa tenga, nakaka-praning!" Galit na sigaw ng lider sabay hila at patulak na ihinulog ang abogada sa tabi ng asawa. Muli na naman sanang sasaktan ang ginang nang... "Sige pasok!" Sigaw ng isa sa lalaki mula sa labas ng pintuan. "D-dad! M-mom!" Sigaw ng dalagang panganay at ng binatilyong anak ng mag-asawang duguan. "O-oh, God! No...." Umiiling na anas ng ina pagkakita sa dalawang anak na itinulak papasok. Namumutla ang mga ito at takut na takot. Nagmamadaling pinagtig-isahan ng magkapatid ang mga magulang. Ang dalaga sa ama at ang binatilyo nama'y sa ina. "Bakit dadalawa 'yan? Nasaan ang batang babae?" asik ng pinuno. Pigil ang hininga ni Attorney Caballero. Habang lihim na nananalanging sana ay hindi makita ng mga dimonyong kasama ang walong taon gulang niyang bunso. Lumapit ang tinanong sa dalagang nakayakap sa ama. "Psst, Snowhite. Nagtatanong si Boss, sagutin mo," utos nito at saka malisyosong hinagod ng tingin ang maputi at makinis nitong balat. "N-nagpunta s-sila ni Y-yaya sa mga l-lola n-namin," kinakabahang sagot ng dalaga. Napalunok ang ina sa isinagot ng anak. "God please, don't let these bastards hurt my child. Please keep my baby safe from where she's hiding. Don't let any of them find her. Please, I beg of you," usal nito. "At naniwala ka naman? Gan'on lang, sumakay ka na? Saan na napunta ang utak mo? O baka naman ang "ulo" mo sa pagitan ng mga hita ang gumagana kaya ang nandiyan sa itaas ang napulpol?" inis na tanong ng lider. "P-pero, Boss..." "Mga gunggong! Uno, tignan mo nga ang sinasabi ng mga tarantadong 'yan habang nag-iisip ng tatlong matitinong tauhang pwede nating pakinabangan. Dahil oras na makita mo ang bata.., ililibing ko sila ng buhay kasama ang pamilyang ito!" utos ng lider. "Boss naman.." Walang nagawa ang tatlo kung 'di ang sumunod. Kasama ang tinawag na "Uno". Mariing naipikit ng dalagang anak ang mga mata, habang yapos ang duguang ama. Ang binatilyo naman ay nagsiksik sa ina. Pare-pareho silang nananalangin para sa pinakabatang miyembro ng kanilang pamilya. Ngumingising pinagmasdan ng lider ang mag-anak. Kung hindi lang alanganing oras ay patatawagan niya ang lolang sinasabi ng mga ito. Ngunit malalagay lang sila sa kahina-hinalang sitwasyon kung sisiguraduhin pa niya. Ang misyon nila'y ubusin ang buong pamilya ni Judge Wilfredo Caballero, hindi na siguro nila ikapapahamak kung maiiwanang buhay ang isa. Hindi nila kasalanan kung umalis ito kaya hindi na nila mapapatay. Gamit ang patalim, tinastas ng lider ang stocking sa tapat ng bibig matapos salinan ng alak na naroon ang isang baso. Habang ang kasama naman ay kinakalap ang mga dokumento sa mesa at isinisilid sa atache case. Nakailang tagay na ang pinuno nang magbalik ang apat na tauhan. "Boss, totoo ang sinabi nila Tres, Kuatro at Singko. Wala talaga ang bata at ang yaya. Unat na unat ang sapin ng dalawang kama. Walang palatandaang may nahiga roon. Pati ang mga unan at kumot ay hindi nagalaw. Hinaluhog na rin namin ang loob ng playroom, mini-theater at ng library, pero wala kaming natagpuan." Pagbababalita ni Uno. Animo nabunutan ng tinik ang mag-iina sa narinig. Mabuti na lang at kaninang tanghali ay nagpaalam ang Yaya dahil sa biglaang pagkamatay ng ina nito. Mabuti na lamang at hindi sa kama natulog ang kanilang bunso. Natitiyak nilang sa loob ito ng tent nahiga gaya ng nakagawian kapag walang kasama. Sigurado na ang kamatayan nila sa kamay ng mga lalaking pumasok sa kanilang bahay, ngunit makakaligtas ang isa sa kanila. May isa pa ring Caballero na mabubuhay at matitira. Hindi sumagot ang lider, bahagya lang tumango. "Dos, kumpleto na ba ang mga 'yan?'' baling nito sa lalaking naiwang kasama. "Okey na. Boss. Nandito na lahat," sagot ng tinawag na "Dos" habang hinihimas ang pinaglagyan ng mga kailangan nila. "Para maalis ang tampo niyo sa akin, pagbibigyan ko kayong "tikman" si Snowhite mo, Tres. Dalian niyo lang at may lalakarin pa tayo!" Pagkasabi ay umayos ito ng upo na tila manonood ng isang magandang palabas habang patuloy sa pagsimsim ng alak. "Yes! The best ka talaga, Boss!" Kinikilig na sabi ni Tres. Tuwang-tuwa rin ang dalawang kasama nito. "Er.., Boss..," singit ni Uno. "Sumali na rin kayo sa palabas. Ikaw rin Dos, para matasahan 'yang mga "lapis" niyo!" anito na sinundan ng nakakalokong halakhak. Halos tumulo ang laway ng limang tauhan. Hindi pinapansin ang pagmamakaawa at pag-iiyakan ng mag-iina. Nagsisigaw ang inang abogada, ihinaharang ang katawan sa panganay na anak. Ang binatilyo naman ay nanlalaban. Gaya ng kanyang ate, nanununtok din ito, naninipa, nangangalmot at nangangagat. Umuugong ang malakas na tawanan sa apat na sulok ng silid. Nakikipagsabayan sa palahaw at pagsusumamo ng mag-iinang kahit ano ang gawin ay walang sapat na lakas upang ipagtanggol ang mga sarili. Nagkamalay ang nanghihinang ama. Pagapang man ay nagsikap pa rin itong protektahan ang kanyang dalaga nang makitang sapilitang hinihila ng isa sa mga lalaki. Habang ang asawa naman ay inihihiwalay ng isa pa. Ganoon din ang binatilyong anak. Humahalo ang dugo sa sipon at luha. Paos ang lumalabas na tinig mula sa lalamunang nanunuyo ngunit hindi pa rin naririnig ng mga lalaking biningi ng pagiging hayok. Nagpilit tumayo ang Hukom na ama. Hindi nakayanan ang kalapastangang nasasaksihan mismo ng dalawang mga mata. Ang tili ng anak ay tila matalim na balaraw na humihiwa sa kanyang ugat at laman. "Tsug!" Tunog mula sa baril na may silencer. Bagsak sa sahig ang Hukom! Nakakapanindig balahibo at kahabag-habag ang panaghoy ng mag-iina. Sumisigaw, nagmumura! "Tsug!" Muling umusok ang bunganga ng baril. Bumulagta sa sahig ang nagwawalang abogada! Nakaupo habang umuurong ang binatilyong wala na sa sarili. Ang luha ay hindi na tumutulo, panay na lang ang pag-iling. "Tsug!" Sa pagitan ng mga mata nito nagtuloy ang bala. Halos panawan na ng ulirat ang dalagang nagpupumiglas. Sumisigaw ngunit wala, nagdamot na ang tinig. Ayaw na lumabas. Ang lahat ay nasasaksihan ng naroon sa loob ng dresser. Nangangatog. Mariing kagat ang pang-ibabang labi at impit ang pag-iyak. Nandidilat ang mga matang nakasilip sa maliliit na siwang, habang ang mukha ay maputlang-maputla. Naninigas ang leeg. Ngalay na ang mga paa at binti subalit hindi gumagalaw kahit kaunti. Panaginip... , isang masamang panaginip ang nangyayari at nasasaksihan! May anim na evil monster sa loob ng room ng kaniyang Mommy at Daddy! She needs to wake up... She wants to wake up.... But how? How will she know, when she never fell asleep even for a minute.....?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD