PROLOGUE

2735 Words
Nakakunot-noong siniyasat muli ng dalagang si Onyx Ocampo ang sariling cellphone. Magkakalahating oras na s'ya dito sa restaurant na sinasabi ng kaibigan n'yang si Jamaica pero hanggang ngayon hindi n'ya pa nakikita kahit ang anino nito. Ano ng nangyari sa babaeng 'yun? Hindi naman ito iyong tipo na sumisira sa napagkakasunduan. Palagi itong nauuna at minsan pa nga siya pa mismo ang hindi nakakasipot sa kanilang usapan. Haayy. Nasaan na ba ang babaeng 'yun? May date pa ako mamaya. Tsk. Onyx clicked her tongue. Hindi n'ya mahindian ang kaibigang si Jamaica na may palayaw na Mai dahil baka ito na ang huling pagkikita nila bago ang bakasyon. Kaga-graduate lang nila bilang mga grade 12 students at mamalagi na s'ya sa Ocampo mansion sa darating na bakasyon. Noong nakaraang taon pa man ay alam na noong dalawang matanda ang kanyang plano, kaya naman bago pa magsimula ang pasukan nitong taon ay naka-schedule na s'ya na magbabakasyon sa malapalasyong tahanan ng kanyang lolo at lola. She's spending her vacation time with them dahil sa susunod na pasukan ay sa Paris na s'ya maninirahan. Hindi naging madali ang lahat para sa dalagita. Hindi na nga n'ya mabilang kung gaano karaming araw ba ang ginugol n'ya sa pakikiusap sa kanyang mga magulang para lang mapapayag ang mga ito sa gusto niya. At hindi naman napunta sa wala ang effort n'ya dahil sa wakas ay napapayag n'ya rin ang mga ito na papag-aralin s'ya sa paaralang napupusuan n'ya. ~ameagari no sora no youna...~ Gulat na napatingin sa paligid ang dalagita dahil ringtone din n'ya ang kantang Orange ng bandang 7. Dali-daling kinuha ni Onyx ang cellphone sa sarili n'yang bag nang mapagtanto n'yang mismong cellphone n'ya nga ang kumakanta at lumilikha nang ingay. "Hello?... Mai? ...Nasaan ka na? ...Ha? Nandito ako sa labas ng canteen na paborito nating kainan. Dito sa labas ng campus. Fifteen minutes pa?---Sure, bibili muna ako ng milktea. Ikaw anong flavor---," Hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin n'ya dahil bigla na lang nagdilim ang lahat sa kanya. ***** Dahan-dahan iminulat ni Onyx ang kanyang mga mata. Madilim ang buong kapaligiran na nagisnan niya. Kinakabahan na pilit inaninag ng dalaga ang paligid at noong unti-unti nang nasasanay ang kanyang paningin ay hindi makapaniwala ang dalagita sa tanawing nakita. Maraming kabataang kagaya n'ya ang nasa loob ng silid kung saan s'ya naroon. What on Earth is this place?! Lumingon ang dalagita sa kanyang likuran at napansin n'ya ang dalawang magkasintahan na may sanggol na kasama. May palagay s'yang nasa early twenties pa lang ang dalawang ito. "Nasaan tayo? B-bakit andami natin dito?" Naguguluhan at hindi mapigilang itanong ng dalagita sa mga taong malalapit sa pwesto niya. "Shhh!" "Baka marinig ka nila. Pinarurusahan nila ang nag-iingay," Napatitig na lang si Onyx sa babaeng pinapatahimik s'ya at sa lalaking nagbabala naman sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang pagmasdan ang sanggol na mahigpit na yakap-yakap ng babae. Parang alam nito ang mga nangyayari dahil nakikisama ito sa katahimikan ng paligid. "Human trafficking, hindi pa ba obvious?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng masungit na boses. Isang lalaki na sa tantiya ni Onyx ay matanda lang sa kanya ng isa o dalawang taon. Human traffickers huh. Mostly, kidnappers lang ang nakakasalamuha n'ya. Ilang kidnappers na ba ang naging milyonaryo dahil sa munti n'yang buhay? Mabibilang niya siguro sa sampu niyang mga daliri. Pero ngayon lang naka-experiencea ng human trafficking si Onyx. "Ibebenta nila tayo sa ibang bansa para gawing prostitutes o alipin," mahinang anas ng isang boses babae. Kinakabahang lumingon si Onyx sa nagsalita. Kagaya n'ya, napakaganda din nito at mukhang alagang-alaga ang makinis at malagatas na kutis. Napalunok ang dalaga. Paano naman s'ya na-involve sa ganitong klaseng mga nilalang? Nasaan ang mga kidnappers n'ya na hindi s'ya pinababayaang magutom? Na nagdi-demand lang ng malaking halaga sa mga magulang n'ya pero hindi naman s'ya sinasaktan? "Mas malaki ang kikitain nila kapag naibenta nila tayo sa ibang bansa. May ibang bilyonaryo na willing gumastos ng bilyones lalo na kung kaseng ganda ko ang bibilhin nila," "..." "..." "..." "..." Hindi lang si Onyx ang hindi makakuma dahil sa narinig. Maging ang mag-kasintahang may anak at ang gwapong binatang nasa kaliwang bahagi ng dalagita ay tila malalaglag din ang panga dahil sa narinig na sinabi ng babaeng kasing edad siguro ni Onyx. "Kapag siguro pinagsama-sama ang kayamanan ng buong angkan namin, aabot din iyon ng bilyones. Hindi ba pwedeng ibenta na lang nila ako pabalik sa pamilya ko?" mahinang tanong ni Onyx sa mga ito. Dumadagundong ang puso n'ya sa kaba at hindi n'ya nagugustuhan ang mga senaryong pumapasok sa kanyang isipan. "Duh, paano kung isumbong ng pamilya mo sa kinauukulan ang organisasyon nila? Eh di nasira ang operasyon nila diba?" May point siya doon. Pero teka lang, bakit parang may mali sa sinasabi ng babaeng 'to? "Teka nga, teka nga. Spy ka ba nila?!" Nalilito na tanong ni Onyx sa pabulong na tono. Bahagyang lumayo ang magkasintahan at ang gwapong binatilyo sa magandang dilag. "Syempre hindi. Pero pangarap kong makapagpatayo rin ng ganitong organisasyon paglaki ko. Lahat ng mga human traffickers ibebenta ko ang mga lamang loob sa halagang piso, ibebenta ko sila sa mga pulis sa halagang panglugaw sa kanto!" seryosong sabi pa ng babae na sa palagay nila Onyx ay nagmula yata sa ibang planeta. Hindi sila maka-relate sa logic nito. "Abnormal," asar na bulong ng gwapong binatilyo. "Galing mental ka ba?" Hindi naman mapigilan ni Onyx ang sariling magtanong. "Let her be," saway ng lalaking nakayakap sa kanyang kasintahan o asawa at sa kanilang anak. "Shhh," saway naman ng babae sa kanilang apat habang may kalong-kalong itong anak. Sabay-sabay silang nanahimik noong biglang lumiwanag ang lugar na kinaroroonan nila. Mas nakita ni Onyx kung ano ang sitwasyon nila noong mga oras na iyon. Sa tantiya ng dalaga, nasa twenty o thirty silang lahat. At lahat sila ay nasa edad na early twenties hanggang kinse siguro. Ang nag-iisang pinakabata sa kanilang grupo ay ang sanggol na nasa tabi ni Onyx na yakap-yakap ng kanyang mga magulang. "Ikaw tumayo ka! Ikaw! Ikaw! Ikaw!" malakas na utos ng lalaki sa isang grupo na nasa harapan lang nila. Sa sobrang takot ni Onyx sa lakas ng boses ng lalaking may malaking katawan ay napaatras s'ya sa binatilyong nakatitig ng masama sa bagong dating na lalaki. Maya-maya pa ay naramdaman ni Onyx ang babaeng kaedaran n'ya na dumikit din ang likuran sa likuran nila. "Iyong iba d'yan, maghintay lang kayo. Susunod na kayo!" Napalunok si Onyx. Hindi lang siguro sasampung beses s'ya nakidnap sa tanang buhay n'ya. Pero sa mga pagkakataong iyon, ni hindi man lang s'ya nakaramdam ng ganito kagrabeng takot. "Shh, huwag kayong umiyak. Or else baka mapansin nila tayo. Marami pang nauuna sa atin, makakapag-isip pa tayo ng plano bago nila tayo maibenta kung saan mang lupalop ng mundo," Sa unang pagkakataon ay nagsalita ng mahaba ang babaeng may yakap-yakap na anak. Matibay ang tinig n'ya na para bang nasa sarili n'yang mga kamay ang kaligtasan nilang lahat. Pinakinggan ni Onyx ang sinabi ng babae. Hindi na n'ya pinansin ang bagay na tila nakabara sa lalamunan n'ya. Hindi ito ang oras para magduwag-duwagan s'ya. Walang kidnapper na tatawag sa mga magulang n'ya para humingi ng ransom money. Mas halang ang kaluluwa ng mga taong ito. Lihim na ipinagpapasalamat ng dalagita dahil hindi nakapunta ng maaga ang kaibigan n'yang si Jamaica sa kanilang tagpuan. Dahil kung nagkataon, pareho sana silang narito ngayon. Lumipas ang isa, dalawa, tatlo hanggang sa limang araw, unti-unti naubos ang mga tao sa loob ng malawak na basement. Noon lang naranasan ni Onyx ang hindi maligo ng limang sunod-sunod na araw. Pero hindi lang iyon ang pinakamalupit. Tanging dalawang pirasong tinapay lang sa maghapon at isang litro na lasang kalawang na tubig ang laman ng kani-kanilang kumakalam na sikmura. Ang dalagita na hindi naman nakasanayan ang ganoong uri ng lifestyle ay pilit na nilalakasan ang kalooban. Salamat sa mga kasama n'ya sa lugar na iyon, nagkakaroon s'ya kahit papaano ng lakas ng loob. "Bawat araw, limang tao ang itina-transport nila palabas ng gusaling 'to. At bukas tayo na ang susunod," Tahimik na nakikinig lang si Onyx sa usapan ng kanyang mga kasama. "Ikaw Knight, ikaw na ang bahala dito sa dalawa. Mula sa banyo, nakikita kong kagubatan ang nasa labas ng lugar na ito," anang lalaking may asawa at anak sa binatilyo na kasama namin. Hindi tuloy mapigilan ni Onyx ang mapakunot-noo. Nagtatakang napatingin siya sa mag-asawa. At bakit naman may habilinan ng nangyayari? "Marami silang stock ng gasolina dito. Bukas ng madaling araw, magkukunwari kaming iihing mag-asawa. Ako na ang bahala sa escort na sasama at magbabantay sa amin sa labas ng banyo. Kapag nakarinig kayo ng kaguluhan mula sa kinaroroonan namin, dalhin n'yo ang anak namin at lumabas kayo sa lugar na ito. NG BUHAY," paglalahad pa ng lalaki sa plano. Matagal na siguro nitong naisip ang tungkol sa bagay na iyon kaya naman dire-diretso ito sa pagsasalita. "..." "..." "..." "Naiintindihan n'yo ba?" Isa-isang tiningnan ng babaeng may yakap-yakap na anak si Onyx at ang dalawang kabataang kasama n'ya. May lungkot na mababanaag sa tinig nito, pero pilit nitong pinatatatag ang boses. Hinalikan nito ng paulit-ulit ang anak. Pabulong na sinasabihan ng 'I love you', 'be good', 'be brave' and 'I pray for your happiness and safety'. Parang pinipiga ang puso ni Onyx habang pinagmamasdan ang luhang naglandas sa pisngi ng ina na nakahandang isakripisyo pati ang sariling buhay alang-alan sa pinakamamahal na anak. Matagal na hindi makapagsalita ang tatlo. "A-anong ibig n'yong sabihin? S-sunugin n'yo ang lugar na ito? Magkakagulo ang lahat at sasamantalahin namin iyon para tumakas?" Maang na tanong ng dalagitang kaedaran ni Onyx. Nauutal ito habang nagsasalita at nagpupunas din ng likidong ayaw huminto sa pag-agos mula sa mga mata nito. "Tama 'yun." seryoso at final na sagot ng lalaki. "Paano kapag namatay kayo?" walang prenong tanong pa ulit ng dalagita. "It doesn't matter. Mas gugustuhin namin na mabuhay kayong tatlo kasama ang anak namin. Here, give our child to this person. He's my sworn brother," Natutulalang tinanggap ni Onyx ang papel. Hindi n'ya maintindihan kung bakit pero mas lalong sumikip ang dibdib n'ya noong tanggapin n'ya ang papel na iyon. Hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng kanyang mga mata. "Magsitulog na kayo. Bukas ng umaga bago tayo sunduin ng mga taong maghahatid sa atin papuntang China, uunahan natin sila. Magpahinga kayo at mag-ipon ng lakas," "China? Doon nila tayo ibebenta?" manghang tanong na naman ng madaldal na babae. "Hindi natin alam kung saan bansa nila tayo ibebenta. Pero China lang ang pinakamalapit na ruta ba pwede nilang daanan," paliwanag ng lalaki at pilit na silang pinatutulog. ***** "Gising! Gising!" Unti-unting iminulat ni Onyx ang namimigat pa niyang mga mata. Hindi s'ya nagising sa pabulong na pagtawag. Nagising s'ya sa lakas ng ugoy na ginawa sa namamayat na n'yang katawan. Kasabay n'ya ring nagising ang dalawang kabataan sa kanyang tabi. "Baby, mahal na mahal ka ni mommy. Palagi mong tatandaan na sa kabila ng pagiging sakim ng ibang tao, maganda pa rin ang mundo. Mahal na mahal ka namin anak," Unti-unting nagising ang inaantok pang diwa ni Onyx dahil sa madramang pangungusap na iyon. Pero bago pa tuluyang gumising ang kanyang diwa ay naipatong na kaagad sa nanlalambot n'yang mga bisig ang iisang buwan pa lamang na sanggol! Wait! Hindi ba pwedeng time freeze muna?! "Iihi ako," malakas na sigaw ng ina ng sanggol. "Tatae ako, Boss!" Sigaw naman nang ama ng sanggol. Magkasabay silang tumayo. Pagdating nila sa pintuan ay kaagad na binuksan iyon ng bantay. "Bilisan n'yo! Darating na ang sundo ninyo," malakas na sigaw ng isa sa mga bantay noong oras na iyon. Hindi nagsalita ang mag-asawa. Bagkus ay tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad. Mahigpit na napayakap si Onyx sa sanggol na mahimbing pa rin na natutulog sa mga bisig n'ya. Ni hindi man lang ito umiyak. Ni minsan sa mga araw na nanatili sila sa mainit, masikip at mabahong lugar na iyon, hindi man lang nagpakita ng disgusto ang bata. Tumatawa pa ito ng malakas sa tuwing kinakausap ng mga magulang. "S-SUNOOOOG!" "NASUSUNOG ANG BASEMENT!" Hindi makapaniwalang napatitig ang tatlo sa nagsisigawan na mga tauhan. Sa sobrang lalakas ng mga boses ng mga naghihiyawan, pakiramdam nila ay nakalunok ng megaphone ang mga ito. Mula sa kinaroroonan nila ay hindi makita ang sunog na dahilan ng pagkakagulo pero unti-unti, naramdaman nang tatlo na tumataas ang temperatura ng kapaligiran at nagiging mausok na rin ang daan sa kanilang unahan. "Let's go!" Maingat na inalalayan ng binatilyo ang dalawang dalagita na parehong nakatulala. Noong nagsisimula na silang humakbang ay noon lang tila natauhan si Onyx. Tatakas sila! Makakatakas sila! Kahit na may kadenang nakakabit sa kanilang mga paa, hindi naging hadlang iyon para makapaglakad sila ng matulin palabas ng kulungan. Hindi nila alam kung para saan ang mga kadenang iyon gayong nakapaglakad naman sila ng maayos. Marahil ay para lang makadagdag sa takot na nararamdaman nila. "Don't look back. Sa harapan ang tingin. Makakaalis tayo!" Madiing utos ng binatilyo sa seryoso at may pinalidad na tinig. Walang imik na sumunod ang dalawang dalagita sa kanya. Mabilis na kumalat ang apoy. Wala man lang pumansin sa kanila dahil hindi na magkamayaw ang mga ito sa pag-aapula ng sunog. "Dito!" Kung saan tumatakbo ang binatilyo ay doon din tumatakbo ang dalawang dalagita. Mainit na ang buong kapaligiran pero tiniis nila. Nagtungo sila sa kagubatan na nasa likod ng lumang-lumang gusali. Abandonado na pala iyon at marurupok na ang mga nakadikit na kahoy. Hindi na nakapagtataka kung bakit ang bilis kumalat ng apoy. "Walang lilingon. Takbo lang nang takbo!" muling sabi ng binatilyo sa matigas na tinig. Hindi nga sila lumingon. Hindi sila tumigil sa pagtakbo hanggang sa kusa ng sumuko ang mga paa at binti nila. Hindi na rin nila maaninag ang nasusunog na gusali. Tanging malalago at matataas na puno na lang ang kanilang nakikita. "Nasaan na tayo?" Mahinang tanong ni Onyx. Hindi n'ya alintana ang mga sugat at galos na tinamo ng kanyang katawan. Ang mahalaga para sa dalagita, hindi nasaktan ang batang nasa mga bisig n'ya. "Kagubatan. At kung saan mang kagubatan, hindi natin malalaman," seryosong sagot ng dalagitang hinahabol din ang paghinga. "Magpahinga tayo sandali. Pagkatapos ay maglalakad tayo ulit. Diretso lang tayo. Hindi tayo pwedeng lumiko dahil baka bumalik lang tayo sa pinanggalingan natin," halos pabulong na wika ng binatilyo na kaagad namang sinang-ayunan ng dalawang dalagita. "Si Ate Lira at Kuya Lindon?" Hindi mapigilang itanong ni Onyx. Magkasabay na tumingin ang dalawa pang kabataan sa sanggol na nasa bisig ng dalagita. "It's all thanks to them," emosyonal na sambit ng binatilyo. "Hinihiling ko na sanay buhay pa sila. Pero huwag nating sayangin ang pagkakataong ibinigay nila sa atin," Magkasabay na tumango si Onyx at ang binatilyo sa sinabi ng madaldal na dalagitang kasama nila. Makalipas ang kalahating oras na pamamahinga, saktong gumising ang sanggol noong tumayo na silang tatlo para ipagpatuloy ang paglalakad. Nagsimula itong umiyak ng mahina hanggang sa palakas na ng palakas ang iyak nito. "Nagugutom na s'ya," nag-aalalang sambit ni Onyx. "Sana naman ay makakita na tayo ng bahay," hiling ng isa pang dalagita. At makalipas nga ang kalahating oras ng lakad takbo nila, nakarating silang tatlo sa isang maliit na pamayanan. Kaagad silang pinalibutan ng mga tao noong humingi sila ng tulong. Marahil sa awa, may isang ale na kumuha sa sanggol at pinasuso sa kanyang malulusog na dibdib ang baby. Hindi umalis ang tatlong kabataan sa harapan ng ale sa takot na baka itakas nito iyon. Marahil sa sobrang gutom, ang tagal na sumisipsip ng sanggol sa dede ng ibang ina. Nang makaramdam ng kabusugan ay nakatulog itong muli. Pinapakain silang tatlo ng mga tao doon pero sa takot na baka may ilagay sa kanilang pagkain, humingi na lang sila ng mineral water at humiram ng cellphone. Si Onyx ang unang tumawag sa mga magulang n'ya. Makalipas lang ang kalahating oras ay sinundo na sila ng chopper na pag-aari ng pamilya Ocampo. Kaagad na hinanap ng tatlong kabataan ang pangalan na nakalagay sa papel noong makarating sila sa Siudad. Pero sa halip na ang taong iyon ang magpunta, ang kanang kamay nito ang dumating dahil kasalukuyan daw na nasa ospital ang lalaking kaibigan ng mag-asawang nagligtas sa buhay ng tatlong kabataan. Tiningnan ni Onyx ang pangalang nakasulat sa papel. Hindi n'ya kilala kung sino iyon pero sana, ingatan nito ang sanggol na ngayon ay mapupunta na sa pangangalaga nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD