DATE

929 Words
"Ahhhhh!" sigaw ni Riel. "Anong problema mo?!" sagot naman ni Anne. "IPIIIS!!!"sigaw ni Riel. " HAHAHA, kalalake mong tao takot ka sa ipis? HAHAHA, ewan ko nalang talaga sayu!". She's Anne my beloved girlfriend, masyadong matapang kaya nakakatakot kausapin kapag bad mood. "Riel!" sigaw ni Anne. "Ano nanaman?" sagot ko naman na may halong pangamba. "Halika ka nga dito, mag usap tayo!" sigaw ni Anne na para bang galit. Kinakabahan na ako sa susunod na mangyayari dahil parang galit na galit ito, tumitibok ng mabilis ang puso ko. Agad akong tumakbo papunta sa kanya na nangangamba. "A-Anne?" tanong ko sa kanya, pinipigilan ko ang sarili ko na manginig sa takot pero bakit ngaba ako natatakot eh ako yung lalaki at siya yung babae. "Come here Sweetie" sabi ni Anne. Sweetie? wala naman kaming call sign pero tinawag nya akong sweetie? May iba na ba siya? Yun ba yung tawagan nila sa iba niya?. Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko ng— "Hoy! Ano kaba! Tinawag nga lang kitang Sweetie eh natulala ka na diyan! Simula ngayon Sweetie na tawagan natin!" sambit ni Anne. "A-ah O-okay" sabi ko habang nakatulala. "B-bakit mo pala ako tinawag Anne?" tanong ko sakanya. "Sabi nang Sweetie tawagan eh!. Tinawag kita dito kasi gusto ko gumala, magpapaalam lang ako!" sagot niya sakin habang nakangiti na para bang kinukuha nya ang atensyon ko. "Huh? Sino kasama mo? Lalake ba? Babae?" tanong ko na may pag alala. "O.A naman netu! Syempre ikaw! Nag d-date kasi mga barkada ko eh tsaka gusto ko din mag date tayo hehe" sagot nya habang ngumingiti. "Ahhhh! sige nanga!" masayang pagsagot ko sakanya. ANNE'S POV: Hmmm. Ano kaya susuotin ko HAHA kung eto kayang over sized tsaka etong maong na pantalon tsaka itong puting sapatos. Ughh!! Namimili ako ng susuotin ng biglang pumasok si Riel na para bang ga*g* na naka hubad lang. "OYYY! Anong ginagawa mo! Ba't ka nakahubad? Magbihis ka nga dun!" Sigaw ko. "G-gusto ko lang naman manghinge ng conditioner eh!" sagot nya na may pangamba. "Kinakabahan kaba? Tsaka C-conditioner? Nagpapatawa kaba? Ba't mo naman naisipang huminge ng conditioner eh di ako gumagamit nun!" Sagot ko naman sakanya. Hindi na niya sinagot tanong ko at umalis na. "Umalis lang ng hindi man lang sinasagot mga tanong ko?" bulong ko sa sarili ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagpili ng susuotin at naligo nadin. Ng makapagbihis na ako ay nag ayos na ako sa buhok ko, hindi ako masyadong nag m-make-up kasi hindi ako komportable. RIEL'S POV: Nagbihis na ako at nag ayos nadin ng buhok ko. "Sweetie! Tapos kana ba?Hali kana! Ang bagal mo naman kumilos! daig mo pa babae Riel!" sigaw ni Anne. "Eto na!" sagot ko naman. Binilisan ko na ang pag aayos at lumabas na sa kwarto. "Ang bagal naman neto! Wala mamang pinagbago! Mukha paring butike!" sigaw ni Anne. "Halika nanga!" Sabi ko sabay hila sa kamay niya palabas ng bahay. "Ikaw libre! Ikaw boyfriend ko eh! Hihihi" bulong saakin Anne. Di ko na pinansin kasi alam ko namang ganito ang mangyayari. Una kaming pumunta sa park. Napag-usapan naming maglakad at pumayag naman siya. Wala pang isang minuto habang naglalakad ay bigla siyang may binulong saakin. "nagugutom na ako Sweetie!". Tumawa ako ng malakas nang bigla nya akong sinipa. " HAHAHA! wala pangang isang oras, gutom kana agad?" sabi ko habang tumatawa. "Pake mo ba! Basta nagugutom naako! pakainin mo na kase ako!" sagot niya saakin na may halong galit. "Ako nalang kaya kainin mo! yieeee" pagbibiro ko sakanya."Mukha ba akong nagbibiro? Hah!?" galit na tanong niya. Napalunok nalang ako ng laway ko at sinabing "Sige na nga, lagi kanaman nagugutom eh!" pagbibiro ko sakanya. Agan naman kaming naghanap ng restaurant para kumain. Ng makahanap na kami ng restaurant ay tumakbo ng mabilis si Anne papunta sa restaurant at agad na nag order ng maraming pagkain. Parang halos na order niya lahat ng menu sa restaurant. "Ikaw magababayad ah!" sambit niya. "Oo naman! Mahal kaya kita! basta ikaw umu—" napatigil ako nang makita ko siyang lumalamon na. "kain ka nang kain, walis tingting padin katawan mo" sabi ko sakanya. Hindi na niya ako pinansin at kumain ng kumain lang. Halos naubos na niya lahat ng pagkain na in-order niya, habang di pa ako nakakalahati sa pagkain ko."nabusog ako dun ah!" mahinang pagkasabi niya. Tinawag ko na ang waiter upang bayaran ang bill. "1,578 pesos po lahat sir." sabi ng waiter. Binayaran ko na kaagad ang bill at umalis na. "Sweetie, punta tayo mall, shopping tayu hehe" Pakiusap ni Anne. "sige bah! " pagpayag ko naman. Nakarating na kami sa mall. Pumili siya mg mga damit at sapatos. Kaunti lang ang binili niyang gamit. "Punta tayo dun sa maraming pagkain" sambit niya. Hayysstt! Heto nanaman tayo, Pagkain nalang talaga nasa isip neto. Agad naman kaming pumunta doon at pumili na siya ng bibilhin niyang pagkain. Wala pang limang minuto ay madami na siyang nakuhang pagkain. Pumunta na kami sa counter para bayaran lahat ng binili niya. Pagkatapos ay umuwi na kami dahil sa sobrang pagod niya. Pagkauwi sa bahay ay nilagay niya sa Ref ang lahat ng pagkain na binili niya at nagbihis na. Pagkatapos noyang mag bihis ay pumunta siya sa akin at hinalikan niya ako at sinabing "Thankyou Sweetie, Nag enjoy ako ngayon sa date natin. Sa susunod babawi ako." Hinalikan niya ang labi ko at hinalikan niya din ang noo ko. Pagkatapos ay pumunta na siya sa kwarto niya at natulog. Napatulala nalang ako sa kilig na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD