THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Pumanhik si Benj sa ikalawang palapag ng casino para subukan ang mga bagong game machine na naroon. Hindi niya pinalalagpas ang kahit anong game machine pa, lalo na kung bago. Ipinupusta niya ang malaking halaga sa bagong machine dahil ang tingin niya ay swerte iyon sa kaniya. Pinagmasdan muna ang kabuuan nito bago dumiretso sa isa sa mga silid. Paldo ang bulsa niya dahil sa perang bigay ng asawa niya. "Magpapakasasa ako ngayong gabi, dama ko ang swerte ko. Mananalo ako." Inilabas niya ang chips niya saka nagsimulang maghulog sa isa sa mga slot machines. Napapasigaw siya sa tuwing nakaka-jackpot, at napapamura kapag nakakailang sunod na talo. "Swerte ba talaga ito

