CHAPTER EIGHTEEN

1816 Kata
I stood there frozen in front of the door. Zach held out a key into my hand. Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha ko ang susi sa mga kamay niya. "Open it, Cassandra. Find out everything you need to know," aniya. "W-what? Hindi ko maintindihan, Zach. . ." Nangatog ang mga binti ko. "It's the only thing I can do, Cassandra. You will find your phone and your wallet inside. Pagkatapos mong makita ang lahat ng dapat mong makita, umalis ka na. Leave this house, and take your father with you. I will handle Damon. Someone has to put an end to everything he does," bulong niya. He looked at me with sad and guilty eyes before urging me to open the door. Kinakabahan man, pinilit ko ang sarili ko na harapin kung ano man ang nasa loob ng kwartong ito. Nang tuluyan kong nabuksan ang kwarto, sumalubong ang kadiliman sa mga mata ko. Tahimik, ngunit nakapanlalamig ang buong silid. Zach turned on the lights, and I felt a little light-headed. Nang tuluyang kumalat ang liwanag sa buong silid ay para akong napako sa kinatatayuan ko- hindi ako nakahuma o nakagalaw. Umawang ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko— hindi makapaniwala sa nakikita ko. Umiling-iling ako. Hindi ito totoo! "What is this room? Bakit marami akong pictures dito?" pabulong kong tanong kay Zach. Natutop ko ang bibig ko habang isa-isang tinitingnan ang mga litrato na nakapaskil sa isang board. Sa gitna ay naroon ang isang clerk table, at katulad sa board ay mayroon ding nakakalat na mga larawan ko. May makakapal na mga papel, at isang DSLR camera. May isang computer, at isang folder na may nakalagay na pangalan ko. Tumulo ang luha ko. Umiling-iling ako, unti-unting nabubuo ang mga ideya sa utak ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa mesa, at doon sa drawer ay tumambad sa akin ang wallet ko at cellphone ko na naka-off. Nang buksan ko iyon ay sunod-sunod na pumasok ang mga mensahe ng mga kaibigan ko sa eskuwelahan. Rachelle: Girl, anyare sa'yo? Bigla ka na lang nawala after ng defense. Okay ka lang ba? Mika: Girl, bakit hindi ka na pumapasok? May nangyari ba? Nag-aalala kami sa'yo. Tumulo pang lalo ang luha ko. Pinakarami ang mga mensahe na galing kay Kirby. Kirby: Cass? Okay ka lang ba? Ano'ng ginawa ng lalaking 'yon sa'yo? Cassandra, I'm worried. Ilang araw ka nang hindi ma-contact at hindi pumapasok. Our instructors said you were quitting school. Bakit biglaan? Cassandra, tell me you're okay. Hindi ako mapakali hanggang hindi ko nalalaman kung kumusta ka. Cass. . . Please naman o, send me a message. If you're okay and happy with him, hindi ko kayo guguluhin. But if he's hurting you, kukuhanin kita sa kanya. Sabihin mo lang. Cass? Halos araw-araw ay mayroon siyang mensahe. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Binuksan ko ang folder na mayroong pangalan ko, at bumangon ang galit sa puso ko. It contains information about me. Lahat-lahat, simula sa pagkabata ko hanggang sa kasalukuyan. There were photos of me when I was a child, my background, my dreams, my family and literally everything about me. Hindi pa roon nagtatapos. Ang mga larawan na nakapaskil doon ay kuha mula sa eskuwelahan, sa kiosk ni Tatay at maging sa bahay namin. Lahat ng mga lugar na napuntahan ko ay mayroong mga nakaw na larawan ko. Tumindig ang balahibo ko. Bakit may ganito si Damon? Ano'ng ibig sabihin nito? Dumako ang mga mata ko sa mga papel. Nanginig ang buo kong katawan nang makita kong files iyon ni Tatay sa ospital. Mahigit dalawang buwan na pala siyang gising, ni wala man lang akong kamalay-malay. Uminit ang dibdib ko sa labis na galit para kay Damon. And just when I thought it was the worst, he proved me wrong. Sa isang envelope ay ang kontrata, kasama ang resibo ng bayad— kontrata at bayad para sagasaan ang aking ama! Ang Tatay kong walang kaalam-alam, hindi pala aksidente ang lahat! Putangina! Parang bulkan na biglang sumabog ang lahat ng nararamdaman ko. Pagkamuhi at galit, sakit— para akong kandila na unti-unting nauupos at nawawalan ng hininga. Nanginginig ako, nanghihina hanggang sa tuluyan na akong napaluhod. Ang mga pisngi ko'y hilam sa luha na parang tubig mula sa isang bukas na gripo— walang tigil sa pagtulo. Sunod-sunod ang marahas na pagbuga ko ng hangin, at nang hindi ko na nakayanan ay malakas akong napasigaw. "Arrgghhhhhh! Demonyo ka, Damon! Tangina mo!" Hinding-hindi ko siya mapapatawad! Isa siyang halimaw na walang magawa kundi ang paglaruan ang mga katulad kong walang pagpipilian! Sinamantala niya ang kahirapan ko, at inabuso ang kahinaan ko. He knew exactly where to fire his bullets! "Cassandra. . ." Lumapit si Zach sa akin, ngunit maging siya ay tinaboy ko rin. "Sinira niya ang buhay ko, Zach! Dinamay niya ang Tatay ko at muntikan pang mamatay! Hindi ko matanggap!" Sagad hanggang sa buto ang galit ko. Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Patuloy akong umiyak habang nakaluhod sa sahig. Pakiramdam ko'y tatakasan na ako ng bait. The pain I'm feeling now is so intense that I just want to tear my heart from my body. Pinagsisihan ko na nagtiwala ako sa isang katulad niya! Nagsisisi ako na minahal ko ang halimaw na katulad niya. Zach hugged me, as he kept saying sorry. Nagpumiglas ako, sumisigaw at nagwawala. Hindi na yata mauubos ang galit ko. Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang sumungaw ang gulat na mukha ni Damon sa pintuan. Nang tumama ang mata niya sa amin ni Zach ay mabilis na napalitan ng galit ang gulat sa kanyang mga mata. Agad siyang sumugod at sumuntok. "Traydor ka!" "She has to know everything—" Hindi na natapos ni Zach ang sasabihin niya dahil muli siyang sinuntok ni Damon. Tumingin sa akin si Zach na para bang nagmamakaawa na umalis na ako, ngunit hindi ko magawa. Kinakain ako nang matinding galit sa katawan ko. Imbes na umalis ay lumapit ako sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Zach, ngunit wala sa kanya ang paningin ko. Buong lakas kong hinila si Damon at malakas na sinampal sa magkabilang pisngi. The fire inside me is burning so high, it consumes every fiber of my being. "Putangina mo! Kulang pa iyan! Kulang pa iyan sa lahat ng katarantaduhang ginawa mo sa akin! Sinira mo ang buhay ko, Damon! Dinamay mo pa ang Tatay ko!" Hinuli niya ang mga kamay ko, ngunit marahas ko iyong hinila pabalik. "Baby, it's not what you think. Let me explain—" Hindi ko siya pinatapos ng pagsasalita, isang malakas na sampal ulit ang pinadapo ko sa kanyang pisngi. Halos tumabingi ang ulo niya sa lakas ng sampal ko, ngunit wala ako'ng pakialam. "Explain what? Explain how played with me? How you manipulated me like I'm a puppet with a string? Or how you played with me like I'm a piece to a chess game? Pinagmukha mo akong tanga! You showed me kindness to cover the ugliness and rottenness of your personality. Pinaniwala mo ako na tumutulong ka, iyon pala, ikaw naman ang nag-utos na sagasaan ang Tatay ko. You created my nightmare, and pretended be my hero! Para ano, ha? Para makuha mo ako?" Tumawa ako nang mapakla. I never saw it coming, and now, I felt so betrayed! Bumalong ang luha sa mga mata ko, lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Bakit, Damon? Bakit mo nagawa sa akin iyon? Ano'ng kasalanan ko sa'yo? I was having a peaceful life! Bakit kailangan mong pumasok sa eksena at guluhin ang tahimik at planado ko nang buhay?" "Dahil mahal kita! Mahal kita, okay? I did it so I can have you," mahina niyang sambit. Muli akong natawa nang mapakla. Putanginang pagmamahal 'yan! "Hindi mo ako mahal, Damon. Sarili mo lang ang mahal mo. Kasi kung totoong mahal mo ako, hindi mo gagawin sa akin ang ginawa mo. Pwede mo naman akong lapitan at kausapin, bakit kailangang humantong sa ganito?" Pumiyok ang boses ko. Panibagong mga luha ang bumuhos mula sa mga mata ko. Lugmok na lugmok na ako. At sa larong ito, ako lang ang natalo. Nang dahil sa makasarili niyang pagmamahal, nasira ang buhay ko. "If you love someone, you don't hurt them, Damon. You don't let their love ones to suffer. You don't ruin their lives. . ." Tuluyan nang nabasag ang boses ko. Napahikbi ako. It was like my heart was cut into tiny little pieces, like a glass— shattered. Durog na durog ako, at hindi ko na alam kung makakabangon pa ulit ako. Humakbang si Damon palapit sa akin, humakbang naman ako palayo sa kanya. His eyes were now bloodshot and guilty, but I couldn't forgive him. He needs to pay for everything he did. "I'm sorry, baby. Hindi ako lumapit sa'yo dahil alam kong tatanggihan mo ako. I've been following you for almost a year, at alam kong marami ang nagtangka na manligaw sa'yo, pero lahat sila ay tinanggihan mo. I can't imagine not having you in my life. My father always told me that if I want something, I should chase it no matter what the cost. I want you. . ." Pumatak ang mga luha niya. Iyon na iyon? Napaka walang kwenta ng rason niya. It will never justify the things he made me go through. Umiling ako. "Ang babaw pala ng pagmamahal mo kung gano'n. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan, Damon. Nagsisisi ako na nakilala kita. Nagsisisi ako na tinanggap ko ang alok mo. Nagsisisi ako. . . Na natutuhan kitang mahalin." Nag-iwas ako ng tingin. "Akala ko mabuting tao ka. Akala ko ikaw na ang lalaking magbibigay ng kulang sa buhay ko. It turns out, you're a monster who made my life a living hell. I don't need your love, Damon. I need my freedom." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ako. It was my cue. I need to go. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay mabilis niyang hinaklit ang kamay ko. The desperation in his angry eyes was so visible. "You're not going anywhere, baby. Dito ka lang, Cassandra. Akin ka. Akin ka." He kept on saying. Hinila ko ang kamay ko. "I'm not yours, Damon. I own myself. I won't pay you anything dahil sobra pa ang ginawa mo sa akin at sa Tatay ko. Huwag na huwag ka na ulit na magpapakita sa akin. Huwag na huwag ka na ulit na lalapit sa akin. I despise you." Tuluyan na akong tumalikod. Naririnig ko pa ang sigaw niya, ngunit hinahawakan na siya ni Zach. "Cassandra! Don't do this to me, please. I'm begging you!" Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko palabas ng bahay niya. At nang tuluyan na akong nakalabas, nakakapit ako sa pader. Lahat ng tapang ko ay umurong. Napaupo ako sa sementadong kalsada at humikbi. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong alam ko na tunay na tutulong sa akin. "Hello, Kirby."
Bacaan gratis untuk pengguna baru
Pindai untuk mengunduh app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Penulis
  • chap_listDaftar Isi
  • likeTAMBAHKAN