Chapter 1

1505
THE ROYAL DECAY. Heir to the crumbling empire. The Prince of ashes—those are just some of the nicknames that Koen Moretti gained right after being named as the sole heir of his family's business. Five years had already passed since his father made the announcement about the inheritance of the Moretti Empire of businesses. Noon pa man ay hindi na talaga interesado si Koen sa yaman ng pamilya nya, lalo na sa negosyo ng ama dahil kontento na syang nagma-manage ng sarili nyang maliit na negosyo. He had no choice but to follow his father's wishes, especially ngayon na bedridden na ito at maraming kamag-anak nila ang gustong kumuha ng posisyon nya. Akala ba nila ay gusto nya 'tong yaman na nakuha nya? It's a crumbling business already. Isang maling desisyon ay babagsak ang negosyo nila. Lahat ng pera at ari-arian na gusto nilang kunin mula sa kanya ay pwedeng maging abo anumang oras—isang bagay na hindi nauunawaan ng mga taong gahaman sa kayamanan. "Koen, how about giving me half of our properties on Visayas? Maliit lang naman 'yon, kayang-kaya 'kong i-manage." Naningkit ang mga mata nya habang nakatingin sa malawak na lupain na kasalukuyan nilang binabaybay ng driver nya. Gusto nyang matawa sa narinig. Half of the properties? That's almost a billion pesos worth of land. Ngunit para sa isa sa mga tyuhin nya ay 'maliit' lang naman raw 'yon. At ano raw? Did he just said 'our properties'? Kailan pa sya nagkaroon ng kahati sa mga ari-arian at negosyong ipinamana sa kanya ng magaling nyang ama? Malalim ang naging pagbuntong hininga nya dala ng pagod habang hinihilot-hilot ang sentidong kumikirot. Hindi lang pagod sa dami ng trabahong nakapatong sa balikat nya ang dahilan ng pagsakit ng ulo nya, kundi pagod na rin sa magdamag na pag-iisip kung paano na naman matatapos ang araw na ito. Sa ngayon ay wala syang ibang gustong gawin kundi ang mahiga at magpahinga. Mas makakabuti pa nga kung tuluyan na syang magpahinga. Kung pwede lang na unahan nya na lang ang ama nya sa pagpanaw, aba'y bakit hindi? "Koen?" Napamulat sya ng marinig ang boses ng tyuhin na tumawag sa kanya. Pumalatak sya. Wala syang balak na itago ang pagkadisgusto nya sa mga kamag-anak nila. "You know that you're not gonna get anything from me, right?" Narinig nya ang naging pagsinghap ng tyuhin nya sa kabilang linya, malamang ay hindi makapaniwalang sinagot nya ito ng ganon. Bakit ba nagugulat pa ito? Araw-araw silang hindi tumitigil na hingian siya ng pera o lupa na pwedeng ibigay sa kanila and he's answering them the same damn answer. He's not gonna give them anything, kahit ni isang sentimo ay wala syang ibibigay dito. Unless one of them finally kills him. "B-bastos ka sumagot! Hindi ka na nahiya? Tyuhin mo ko!" Inilayo ni Koen ang cellphone mula sa tenga nya dahil sa pagsigaw na 'yon ng tyuhin nya. Hindi makikitaan ng kahit anong emosyon ang mukha nito, bagkus ay mas nadagdagan lang ang pagod na nararamdaman nya. "Ikaw nga hindi nahihiya, ako pa kaya?" He said sarcastically before glancing back outside the car window. "Just in case you wanna know, I just got home safely. If you really want to get that piece of little land that you want to manage, you can send more of your assassins to kill me because clearly, the last ones didn't do their job properly." "W-what!? Koen! Are you accusing me of—" Pinatay na nya ang tawag tsaka lumabas ng sasakyan, dahilan para hindi na matapos ng tyuhin nya ang sasabihin nito. As usual, the driver just dropped him off in front of the Moretti mansion then left without a word. He lazily punched the digits on it and the 10 feet tall gate in rosegold color automatically opened. Halos kaladkarin nya ang mga paa nya habang binabaybay ang mahabang daan papunta mansion. Walang buhay ang mga mata nyang nililingon ang mga halaman na nasa paligid, lalo na ang mga bulaklak na nagsisimula ng malanta dahil walang nag-aasikaso. The Moretti mansion can cater almost more than fifty people because of how grand and huge it is. The million dollar house is filled with elegant curtains, a long carpet that runs from the entrance up until the second floor. Napupuno rin ng mamahaling mga antique vases, sculptures and painting na bumagay sa engrandeng mga gamit sa loob. Maski ang chandelier na nakasabit sa kisame ng sala ay aabot na agad ng kalahating milyon. Everything screams money in every corner of that mansion, but for Koen, none of these things really matter. No one lives here except him. No maids. No butlers. No gardener. No cooks. No security guards. He's all by himself. Hindi naman na bago sa kanya ang mag-isa kaya walang problema kung wala syang kasama. He mostly eats frozen foods or canned goods dahil tamad syang magluto. He's cleaning the whole mansion every weekends para lang malibang dahil hindi sya gumagamit ng kahit na anong gadgets pag nasa bahay na sya. Koen heard some light footsteps following behind him but instead of confronting that person, he remained calm and just continued to walk towards his room. Hindi na sya nag-abalang buksan ang ilaw dahil ayaw na nyang kumprontahin pa ang taong papatay sa kanya. This is not the first time that someone tried to assassinate him, but this is the first time that he's gonna let that assassin to kill him. He wants to end this once and for all at ngayon ang araw na napili nya para sa kamatayan nya. Koen closed his eyes and held his breath. Is he gonna die by a gun? Or is it a knife? Sobrang bilis ng kabog ng dibdib nya. Hindi nya alam kung dahil ba sa takot o sa excitement. Finally, everything ends today. He started counting when he heard the door slowly creaks. Senyales na nakapasok na ang assassin na papatay sa kanya, malamang ay nakatayo na ito sa likod nya. One... Two... Three— Hindi nya natapos ang pagbibilang dahil bigla na lang syang napatalon ng marinig ang malakas na kalabog mula sa likuran nya. Napaatras sya sa gulat tsaka napa-upo sa kama habang inaaninag yung taong dapat papatay sa kanya. "Aray ko po..." The assassin groaned in pain. He frowned. 'The assassin is a woman?' saad nya sa isip nya. Mostly kasi ng assassins na nagtatangka sa buhay nya ay puro lalaki, especially kapag dito sya sa mansion ina-atake ng mga ito. He only encounters female assassins outside when he's in a big event or on the way to his business trips. Wala na syang narinig mula sa babae kaya dali-dali nyang inabot ang remote na nasa bedside table at pinindot ang button para buksan ang ilaw. Nangunot ang noo nya ng tumambad sa kanya ang isang babaeng nakasuot ng pulang full body suit. Nakadapa ito habang ang mukha ay nakaplakda sa sahig—as in plakda talaga dahil ang buong mukha nito ay nakadikit sa tiles na sahig ng kwarto. "f**k, is she dead...?" He whispers to himself before clicking his tongue in disappointment. "Ang kapal ng mukha nyang mauna pa sa'kin." Hindi nya alam kung bakit pero kuryoso syang naglakad palapit sa babae. He nudged her shoulder using his foot to check if she's just pretending. Talagang nilakasan pa nya, kaunti na lang ay sisipain na nya ang babae para lang masigurong hindi ito nagpapanggap lang. Baka mamaya ay bigla itong tumayo, baka magulat sya at matadyakan ito ng hindi sinasadya. Nang masigurong wala itong malay ay agad syang lumuhod at chineck ang pulso ng babae. Koen nodded when he felt her pulse. Mukhang nawalan lang ng malay. "What happened to her?" He asked kahit wala namang ibang sasagot na tanong nya. Maya-maya pa ay napansin nyang may nakatusok na isang malaking syringe sa braso nito. He pulled it out and checked it. The liquid is already gone, mukhang naiturok na lahat sa babae. His eyes squinted after seeing the label on it. 'Pampatulog -_-zZZ', that's what the label says. He examined her from head to toe. The woman looks more like a spy instead of an assassin because of her silicon full body suit. It reminds him of that one spy girl who wears the red suit in Totally Spies cartoon series. Ngunit napangiwi si Koen ng makita na imbes na matching high-heel boots ay naka-high top red Converse sneakers ito. Sobrang baduy, pero nakakapagtakang hidni nakatali ang sintas nito. Seconds later, his eyes widened when he realized what happened. "Did she tripped because of her shoe laces...?" Napamura sya tsaka asar na hinilamos ang palad sa mukha ng mapagtanto kung anong nangyari sa babae. "She tripped because of her untied shoe laces and then accidentally injected the sedative to herself. Great. She sedated herself instead of me." Now his most awaited death got cancelled because of this so-called clumsy assasin. Koen squinted his eyes once again while thinking on what he's gonna do next to this unconscious assassin with a f**k-up fashion sense.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작